MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (P...

By KayeEinstein

37.4M 777K 249K

(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, n... More

Panimula
Chapter 1: The Great Thunder Montenegro
Chapter 2: Cloud Hermosa
Chapter 3: The Request
Chapter 4: Wedding Ring
Chapter 5: Lights Off
Chapter 6: Questions and Detention
Chapter 7: Missed Calls
Chapter 8: Cloud's Confession
Chapter 9: Midterm
Chapter 11: You and Me
Chapter 12: Mail
Chapter 13: Holding Hands
Chapter 14: Her Dream
Chapter 15: Can't Help Falling Inlove With You
Chapter 16: Proud Soldier
Chapter 17: Daniella Reyes
Chapter 18: Tiramisu
Chapter 19: Rain and Headlights
Chapter 20: What?
Chapter 21: Coffee and Garlic
Chapter 22: Little One
Chapter 23: Excuse Letter
Chapter 24: Responsibility
Chapter 25: Empty Room
Chapter 26: Someday
Chapter 27: Deserve
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Batch 2 / Final Batch for MPMH
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
AUTHOR'S NOTE
Chapter 52
Chapter 53
Author's Note
Chapter 54
EPILOGUE
Thank You
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2
Book 2
SELF PUB
Batch 2: My Professor is my Husband

Chapter 10: Birthday Gift

616K 15.3K 6.3K
By KayeEinstein

Dedicated to: Kookieselle, SuperJunior_020 and 1Dark_143

Akira's POV.

"Class, you can go now. Class dismissed!" anunsyo samin ng professor namin sa Math.

I yawned dahil antok na antok ako na ko.
Isang buwan mahigit na naman ang lumipas at ito pa rin ako nasa university pa din ng asawa ko.

Pathetic? Ang bobo no? I kept telling that to myself.

I know I said that I would quit pero heto ako at nagpapakatanga na naman. Natakot ako kay Thunder at oo na sige na, umaasa na naman ako na nagwo work tong pesteng relasyon na ito. Malapit na rin namam kaming maghiwalay, bakit hindi ko pa i-all out diba?

"Tara na Aki, kain na muna tayo sa labas bago umuwi. Birthday mo pa naman" sabi sakin ni Sanya.

"I told you Sans, wala akong ganang mag celebrate. Matutulog na lang ako"

"Porket hindi naalala ng magaling mong asawa yung birthday mo, wala ka ng gana? C'mon cheer up! Sige na, tara na!" sabi ni Sanya habang nginingitian ako ng malaki at hinahawakan ng pilit ang mukha ko.

"Oo na sige na, kakain na tayo, mauna na kayo sa parking lot at pakidala na din to" turo ko sa sandamakmak na regalo at bulaklak na natanggap ko sa mga friends, classmates at admirers.

"Okay fine, sa trunk na lang namin ilagay lahat, by the way saan ka pupunta?"

"Ilalagay ko lang tong mga libro ko sa locker at naiwan ko yung phone ko doon kaya babalikan ko lang tas G na tayo"

"Fine, sige na, hintayin ka namin" pagkasabi nya nun ay binitbit na nila ang sandamakmak na paperbags at regalo.

I smiled looking at Sanya. Alam kong nahihirapan syang dalhin lahat yun pero sinunod nya pa din ako. She is really trying her best to make me happy.

Hindi kami perfect bestfriends, madalas kaming magtalo at magkapikunan pero by the end of the day we still choose each other kesa sa ego at pride namin.

Pumunta na ko ng locker ko at pagbukas ko palang ay napatigil ako. Laking gulat ko ng may makita akong kuwintas doon.

Isang kuwintas na may pendant na araw.


At may kalakip na note doon.

Happy birthday Akira
I really hope I you'll smile when you see this
You'll always be mon soleil
- Son fait par la foudre

Sino namang nagbigay nito? At pano nya nabuksan ang locker ko? Is it Cloud? Nagpatulong ba sya kay Sanya since Sanya knows my passcode?
Bakit may pa mysterious effect pa?
French yung mga ginamit na word pero hindi ko alam ang meaning.
Pwede ko namang i google mamaya pagkauwi dahil lowbat din ang phone ko para mag translate.
Itatanong ko na nga lang kay Cloud since sya naman nagbigay nito.

"Aki, happy birthday!" nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Cloud, causing me to lose balance kaya natapilok ako. Naka heels kasi ako ngayon dahil nag defense kami kanina.

"Ouch shoot" pakiramdam ko maiiyak ako sa sakit kaya napasandal ako sa locker door ko. Nakita ko namang pababa ng hagdan si Thunder, papunta sa direksyon ko pero he did looke at me but he turned away, did he just ignored me? Hindi nya ba alam nakita ang nangyari sakin or wala talaga syang pake?

"Sorry Aki, hindi ko sinasadyang gulatin ka! Masakit ba sobra? Patingin nga?" nakita ko ang worried face ni Cloud. If only I can see that look from my husband, kahit siguro every minute akong matapilok.

"No, I'm okay. Ipapahinga ko lang saglit ang paa ko" sabi ko at inalalayan ako ni Cloud hanggang makaupo ako sa bench dito sa loob ng locker area.

Pakiramdam ko maiiyak na naman ako hindi dahil sa masakit ang paa ko kundi dahil sa ginawa ni Thunder sakin kanina. How could he do that? Birthday na birthday ko pero wala syang pake!

"Sure ka bang okay ka na? Gusto mo dalhin muna kita sa clinic?" nabalik ang atensyon ko ng magsalita si Cloud kaya naalala ko yung sa regalo na nakuha ko sa locker ko.

"By the way, thank you nga pala Cloud doon sa regalo mong kwintas, may pa mysterious effect ka pang nalalaman, akala mo hindi ko malalaman na ikaw nagbigay noon" sabi ko at bahagyang tumawa.

"Ha? Anong kwintas?" nagulat ako sa tanong nya kaya inuha ko mula sa bulsa ko yung kwintas at pinakita yun sa kanya.

"This one"

"It's not from me Aki" seryosong sagot nya kaya na weirduhan ako. "Ibibigay ko pa lang sana sayo ang regalo ko" pagkasabi nya nun ay may nilabas syang mahabang box. "Happy birthday my princess!"

I smiled at him bago tinanggap yun at dahan-dahang binuksan. Napa "o" form ang bibig ko ng makita ko ang laman noon. It's an anklet na anchor ang pendant.

"Wow! this is beautiful, thank you Cloud!" sabi ko. He smiled at me.

"You are the anchor and I am the ship, if you stop, I'll stop and stay closely with you. Hindi kita iiwan" he said sincerely na it almost touched my soul.

How can this guy be so cool and cheesy at the same time?

"Thank you Cloud, I'll treasure this, sobrang nagustuhan ko"

"Buti naman nagustuhan mo"

Totoong masaya ako dahil sa regalo ni Cloud pero iniisip ko pa din kung kanino galing yung regalong kwintas, mukhang mamahalin yun at isa pa pano nya nabuksan ang locker ko? Ang creepy ha!

Malamang galing yan sa isa sa mga may gusto sakin pero kahit kanino pa galing yan, natutuwa ako at nag effort pa siya.
Pagkauwi ko na lang siguro ita-translate yung letter.

Ilang minuto pa kaming nagtagal doon bago naisipang pumunta na sa parking lot. Pinagpahinga talaga ako ni Cloud and when my foot felt a little better, nagtungo na kami kila Sanya. Umaambon na pala,  inaaalalayan pa ako ni Cloud dahil makirot talaga ang paa ko pero bago pa man kami makalapit kila Sanya ay nakita ko si Thunder na may pinapayungan na babae, hinatid nya iyon hanggang sasakyan at nakangiti sya dito.

Sana all! Iilang tao lang ang nginingitian nya at definitely hindi ako kabilang doon.

I bit my lip. Bwisit ka talaga kulog!

Hindi ko alam pero parang may sumuntok sa dibdib ko at feeling ko iiyak ako, baka manugod pa ko ng babae ng di oras. Buti na lang nakalapit na kami kila Sanya at umalis na yung sasakyan ng babae at sumakay na din si Thunder sa sasakyan nya.

Sige lumandi ka lang ng lumandi! Pag ako naka move on sayo, bahala ka na sa sarili mo. Panira ng birthday!

"So where are we gonna eat?" tanong ni Sanya na pumitik pa sa harapan ko para mabalik ang atensyon ko sa kanya.

"Bilis decide na agad, umuulan na at grabe napagod kaya ako kakalagay ng mga regalo sa sasakyan mo, halos di na kasi magkasya. Ang ganda mo kasi" sabi ni Josh na inaasar ako. I faked a smile at nag roll eyes, ayoko namang mag iiyak sa harapan nila at sirain din ang araw nila diba?

"Wait, what happened to your foot Aki?" nag aalalang tanong ni Sanya ng mapansing iika-ika ako.

"It's my fault" sabi ni Cloud.

"No it's not! Ikaw talaga, aksidente yun" sagot ko.

"Ano pa kayang aksidente ang pwede nyong magawa?" Josh said.

Sabay sabay namin syang sinamaan ng tingin.

"Siraulo ka talaga! Ang waley mo mag joke!" Sanya said.

"Kasalanan ko, nagulat ka kasi sakin" Cloud said trying to change the topic.

"Hindi nga" pinanlakihan ko sya ng mata.

"Ang sweet nila, bagay talaga kayo" pang aasar pa rin samin ni Josh kaya sinamaan ko sya ng tingin. Nag peace sign naman sya. "So saan nga tayo kakain?"

"Inom na lang tayo, I want to drink" lahat sila ay nagulat sa sinabi ko.

Grabe ayaw uminom? Mga banal? Char!

"Sure?" Sanya agreed right away.

"Yep! Let's go"

"Okay fine, I know a great place" sabi naman ni Josh.

Cloud's POV.

"Un-break my heart
Say you'll love me again
Undo this hurt you caused
When you walked out the door
And walked out of my life
Un-cry these tears
I cried so many nights
Un-break my heart
My heart"

"Kung hindi lang birthday nyang si Akira, ipapalunok ko talaga yung mic sa kanya" sabi ni Sanya kaya nagtawanan kami ni Josh.

"Grabe totoo pala yung sinabi mo babe, pag nalalasing sya, she won't stop singing" Josh.

Ngumisi lang ako. Si Akira nandoon sya sa tapat ng karaoke and singing her heart out. Well, she don't have that angelic voice dahil lasing na talaga sya, at as you know weird ang tunog ng boses ng mga taong lango na sa alak pero I still find her voice and acts really beautiful, maybe because gusto ko sya kaya kahit anong flaw nya ay kaya kong tanggapin. I looked at her, lasing na lasing na talaga sya dahil tama naman ang tono pero naiiba nya na ang lyrics.

"Hindi ko alam pero naturingang matalino yan pero ang tanga-tanga pag dating doon sa asawa nya. Bakit kasi di nya pa kayang hiwalayan, para once and for all matapos na yang nararamdaman nya" sabi ni Sanya. May tama na sya pero hindi kasing lala ng kay Akira.

"She must really love Thunder" yun lang ang nasabi ko while still looking at her.

Nilingon nila akong dalawa na para bang hindi dapat sa akin nanggaling iyon.

Oo masakit, sobra akong nasaktan ng malaman ko yung totoo pero para sakin, mas masakit pag nawala si Akira sa buhay ko. Kaya just like her, ito ako nagpapakatanga, umaasa na baka isang araw sakin naman nya ibaling ang atensyon nya. I am still loving her even though it's crystal clear na mahal na mahal nya yung professor na iyon.

"Bro, galingan mo kasi! I-all out mo na, pa inlove-in mo na kasi yang si Aki ng magwakas na ang pighati nyo parehas" sabi ni Josh.

"Kung ganoon lang kadali bro, kung alam mo lang, gagawin ko lahat para sa kanya." sagot ko.

Magsasalita pa sana si Josh ng ma-interrupt kami ng biglang pag iyak ni Akira kaya agaran kaming lumapit sa kanya. Nakayuko ito at hawak ang mukha gamit ang dalawang palad.

She is like a baby.

"Aki, what's wrong?" nag aalala kong tanong sa kanya dahil baka sumakit bigla yung sprain nya.

"Hoy Akira, get a hold of yourself!" sigaw ni Sanya sa kaibigan, mabilis ko naman syang inawat dahil alam ko ang nararamdaman ni Aki ngayon.

"I can't! I tried to but I can't! Hindi ba ko maganda, sexy, matalino? Hindi ba ko worthy para mahalin?" umiiyak nyang sabi at nagtaas sya ng tingin para tingnan kaming tatlo.

Seeing her crying like that, Hell! I wanna punch Thunder right now. Ayoko, ayokong nakikitang ganito at nasasaktan si Akira. Di baleng ako, wag lang sya. Hindi ko kayang makita ang mga luha nya dahil mas nadudurog ako.

I guess I love her deeper than what I thought.

"No, of course not" sagot ko unconsciously. "Hindi ka mahirap mahalin and you deserve all the love" I added.

"Kung ganun, bakit hindi ako kayang mahalin ng asawa ko? Bakit parang basura lang ako sa kanya? He never looked at me, ayoko na, ayoko na. Sawang sawa na ko. Pagod na pagod na kong masaktan pero sa tuwing makikita ko sya, ito na naman ako umaasa, ganun ko sya kamahal, na kahit ang sakit-sakit na, nandito pa din ako nagpapakatanga sa kanya. I'm stupid" marahas nya pang kinamot ang ulo nya pero mabilis kong hinawakan ang kamay nya.

And it hurt me, nasaktan ako sa sinabi nya pero alam ko mas nasasaktan sya ngayon.
Parehas lang kami ng posisyon. That's exactly what I wanna tell her pero ito sya at sinasabi sakin ito ngayon.

"Take her home Cloud, lasing na yan. Kami ng bahala sa kotse nya" utos sakin ni Sanya.

I nodded and immediately lift her up. Binuhat ko sya ng pang-bridal style na ikinagulat nya.

"Hey! Where are we going?! I'm going to sing more!" sigaw ni Akira, lasing na talaga sya.

"Wag na Aki, please lang" sigaw ni Josh. Naririndi talaga sya kanina pa dahil iisang kanta lang ang kinakanta ni Aki simula dumating kami dito.

Palabas na kami ng bar ng magsalita ulit sya. Nakahilig ang ulo nya sa balikat ko. Nakapikit.

"I don't know how to save myself from this foolishness" sabi nya bago may isang butil ng luha ang naglandas sa pisngi nya.

I heard her tiny sobs hanggang sa mawala iyon at alam kong tulog na sya.

I kissed her in the forehead.

"I will save you, if only you'll let me" inupo ko sya ng maayos sa passenger seat and just looked at her. "I love you Akira"


Tulog na tulog si Akira habang nagmamaneho ako pauwi sa kanila. Kasalukuyan akong nakahinto ngayon sa guard house.

"Good evening sir" bati sakin nung guard.

"Good evening po" I answered.

"Saan po tayo sir? Medyo late na ho"

"Ihahatid ko lang po si Akira"

Gumilid ako ng kaunti para makita nya ang natutulog na si Akira sa passenger seat ng kotse ko.

"Ay si Mrs. Montenegro pala, sige sir pasok na po kayo, dumiretso lang kayo at sa pang unang kanto kumanan, yung malaking glass house po, doon ang bahay nila ni Sir Thunder" sabi nito.

Mabilis kong sinarado ang bintana ko.

Mrs. Montenegro? I looked at Akira, how long will you be using his surname?
I think my surname suits you better.

Palapit pa lang ako sa bahay nila ng makita kong nakatayo si Thunder sa labas ng bahay. Ngayon pa lang ako nakapunta dito. Hininto ko sa tapat nya ang sasakyan. Nakakunot ang noo nyang tinitingnan ang sasakyan ko. Hininto ko ang makina at bumaba mula sa kotse ko.

Nagtama ang paningin namin at halata mong nagulat sya sakin.

"What are you doing here?" seryoso nyang tanong sakin.

"Hinatid ko lang si Akira" plain kong sagot.

"So you know about us?"

"Yes" tiningnan ko sya ng matalim. "Everything about the two of you"

Tiningnan nya lang ako at nilagpasan ako na para bang wala ako doon at walang pasabi nyang binuksan yung pintuan ng sasakyan ko kung nasaan si Aki.

Pipigilan ko pa dapat sya ng makita ko kung gaano kahimbing ang tulog ni Akira.

Binuhat nya ito gaya ng pagbuhat ko kanina.

"Thank you for taking her home, I'll take care of her, at sa susunod na uminom sya, call me and I'll pick her up" sabi nya.

"Yeah you take care of her now" sagot ko sa kanya na nagpakunot ng noo nya. "Hangga't hindi ko pa sya nakukuha sayo"

He chuckled bago sinalubong ang tingin ko.

"What do you mean?"

"You know what I mean"

Ngumisi sya, this guy is so full of himself.

"Don't even try. Alam mo kung gaano ako kamahal ni Akira, at kahit na anong gawin mo, hinding-hindi mo makukuha ang asawa ko sakin" pagkasabi nya nun ay tinalikuran nya na ko at pumasok na siya sa loob ng bahay, karga si Aki.

Why would he say that?
Ano bang problema nya? Akala ko ba ayaw nya kay Akira or is he being selfish now?

Did he just feel threatened?

Pero kung dahil sa pagiging selfish nya ay masasaktan si Aki, hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat.

I won't give up Akira that easily.
Game on.

------
To be continued!

Ayaan! super bawi na si Author! Kahit no-no sleep ako haha.

Ayun sa mga nagko comment, magugulat na lang kayo kasi nagde dedicate ako bigla pag natutuwa ako. So ayun wag mahihiya to say your something.

If you want me to dedicate a chapter for you, you can answer this questions.

Sa tingin nyo kanino galing yung kwintas and why?

Anong reaksyon nyo sa sinabi ni Thunder?

Sino ang team ulap or team kulog dyan?

Ayun. Madaming madaming salamat sa pagbabasa.

- Noona

Continue Reading

You'll Also Like

546 30 1
Saoirse Leonine Heussaff is a luxurious, sassy girl who grew up in a life of lavishness. She possesses everything life could offer─wealth, beauty, an...
49.1K 723 13
Sharlene San Pedro has it all. Perfect family, good education but never syang nakapag-decide on her own. Her life was planned from the moment she was...
784K 26.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...