Volleybelles One-shots

By Team_MikaReyes

492K 9K 5.3K

KaRa, JhoBea, AlyDen, MikaSa, MiBea, etc. short stories. Drabbles in my head put into paper. More

How Wrong They Are
Can't Lose You
Love
Phenoms
Soul Searching
Marked
All You Had to Do Was Stay
Begin Again
Preview
NEW STORY
Enchanted
Other Best Friend
Perfect Set, Perfect Hit
Drunken Tweets
Is It Too Late
The Truth
Neighbors
The Truth (Part 2)
Free
The Truth (Part 3)
Free (Part 2)
Unexpected
Love (Part 2)
The Truth (Part 4)
Para Sayo
The Truth (Part 5)
Date
One Last Time
Author's Notes
The Truth (Part 6)
If I Let You Go
Fast Talk
Katipunan Love
End Of Their Journey
Crazy: Dennise
Signing Off
Endless Possibilities
She Will Be Loved
She Will Be Loved (Part 2)
Hmmn.
Lips Of An Angel
Lips Of An Angel (Part 2)
Lips Of An Angel (Part 3)
Lips Of An Angel (Part 4)
Do You Remember?
Outside Of Work
Cheers!
Endless Possibilities (Part 2)
Cathartic
Jersey Numbers: A History
A Little Bit Of The Truth
YeYeon
YeYeon (Part 2)
YeYeon (Part 3)
YeYeon (Part 4)
MS Telepathy
ASD
Q & A?
#8
Stubborn
Proposals
KoBei
Conversations
Clichรฉ
Taglines
Lost
Happy New Year!
World
Pick Up Lines
Drabbles
Thank you, Jho!
Happy 23rd!
World (Part 2)
B
Ponytail
World (Part 3)
Plot Bunnies
Plot Bunnies #2
Plot Bunnies #3
Kissing Booth
JaFUN
Plot Bunny #4?
Plot Bunny #5
World (Part 4)
Instant Mommy
Plot Bunny #5 (Part 2)
Plot Bunny #6
Alyssa and Dennise
The Prettiest Bride
Maybe (?)
Bubble

History

4.9K 87 15
By Team_MikaReyes

Ang bigat sa pakiramdam.

Ang lungkot.

Ang lamig.

Anim na taon.

Anim na taon na silang magkaibigan. 

Anim na taon na silang magkasama sa iisang team. Ngunit iyon ay magwawakas na bukas.

"Sigurado ka na  ba?" tanong ni Ara sa babaeng katabi nito sa kama.

Nakahiga lang sila sa kama ni Mika. Magkatabi. Kanilang mga balikat at kamay lamang nagtatama.

"Oo," sagot ni Mika. "Ayaw mo ba?"

"Alam mo naman ang sagot ko diyan, eh."

"Alam ko. Pero gusto ko pa ring marinig."

"Ayaw ko," sagot ni Ara at bumaling ng tingin kay Mika.

Ngumiti si Mika sa kaniya. "Salamat."

"Pero bakit lilipat ka pa rin sa Petron?" may hinanakit na tanong ni Ara.

"Daks, para nga sa professional growth ko as a player diba?" baling rin ni Mika kay Ara na nakakunot ang noo.

"Magaling si Coach Ramil."

"Pero kailangan kong matuto sa iba."

"Hindi na tayo magiging teammates."

"Pero nasa Petron naman si Bang. Palagi pa rin tayong magkikita."

"Iba pa rin 'yun," sabi ni Ara na napaupo na. "Hindi na tayo magkasama sa practice. Hindi na tayo ang magkapartner sa warm ups. Wala ng Best Tandem sa court."

Umupo na rin si Mika at yumakap kay Ara.

"Mamimiss din kita, Daks," bulong nito.

Yumakap din si Ara kay Mika. Mahigpit. Parang iyon na ang huling beses.

"Hindi man tayo teammates pero best friends pa rin tayo," alo ni Mika. "Sa dami nating pinagdaanan, ito pa ba ang di natin kakayanin?"

Nagbuntong-hininga na lang si Ara at isinubsob ang mukha niya kay Mika habang iniisip lahat ng pinagdaanan nila.

-

"Daks!" Excited niyang sigaw sa phone. "Kami na ni Bang! Sinagot na niya ako!"

"Wow! Congratulations, Daks! Pa-burger ka naman!" Masaya ring bati sa kaniya ni Mika sa kabilang linya.

Tumawa siya. "Sige na! Sige na! Ang takaw mo! Date mo ako bukas ng gabi, ah!"

"Yes, libre! Excited na ako! Pero magpaalam ka kay Bang, ah! Hindi ka na single," asar ni Mika sa kaniya.

"Psh. Ano ako? Under?"

"Tingnan natin," hamon pa rin ni Mika na nang-aasar.

"Ako pa?" Mayabang niyang sagot. "Pero bye na muna, Daks. Love you."

"Bye. Love you."

Ever since naman kasi sweet and clingy sila ni Mika at walang palya ang I love you's nila sa isa't isa kasi wala namang malisya. Mahal lang talaga nila ang isa't isa as best friends.

Nainterpreta lang ng ibang tao sa maling paraan kaya kinailangan nilang mas gawing pribado ang ganoon nilang mga kilos at salita.

Hindi niya inakala na maski si Bang ay maapektuhan niyon kaya isang gabi makalipas ang isang buwan mahigit ay nag-inom siya kasama si Kim.

"Ano 'to?!" bulyaw ni Mika mula sa pinto ng dorm room nila na ikinagulat nila parehas ni Kim.

Kakabalik lang ni Mika mula sa date nila ni Jessey.

"Yari ka, Wafs. Bye!" At tumayo at kumaripas na nga si Kim dahil sa takot nito kay Mika.

Siya naman ay sinimulan ng pagpawisan sa kaba.

"Hoy, Kim! Yari ka rin sakin bukas!" Sigaw ni Mika bago isinara ang pinto ng kwarto nila.

"Explain," banta ni Mika.

"Ah, eh, ano, Daks, happy happy lang?" palusot niya.

"Happy happy? Eh sapakin kaya kita? Hindi ka umiinom ng walang dahilan!"

Napabuntong-hininga siya. Kahit naman gusto niyang umiwas ay alam niyang malalaman at malalaman pa rin ni Mika.

"Nag-away kami ni Bang."

Napalitan ng pag-aalala ang inis sa mukha ni Mika.

"Bakit?" sabi nito at tumabi na sa kaniya.

"Ang selosa kasi, eh. Nakakainis."

Uminom pa siya ng alak pero kinuha na iyon ni Mika at itinabi bago siya tiningnan ng masama. Napalunok siya at napakamot na lang ng batok. Tapos na ang pag-iinom.

"Bakit ba siya nagseselos? At kanino?"

Huminga siya ng malalim bago kinuha nag kamay ni Mika at hinawakan ito ng mahigpit.

"Sayo," mahina niyang sagot. "Kasi ganito tayo."

"Oh."

Nalungkot naman si Mika.

"Gusto mo ba lumayo-layo muna ako?"

Mas hinigpitan niya ang hawak niya kay Mika.

"'Yun ang gusto ni Bang, Daks. Pero magbibreak na lang kami kesa tayo ang magkalayo," madiin niyang sabi.

Yinakap siya ni Mika bigla.

"Baliw. Hindi naman kailangan umabot sa ganoon. Less clingy and touchy lang tayo pero best friends pa rin."

Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ni Mika.

"Ayoko," iling niya. "Ganito na tayo noon bago pa dumating si Bang. At kung papapiliin niya ako, siyempre best friend ko ang pipiliin ko."

"Ang tigas naman ng ulo mo, eh," saway ni Mika. "Hindi ka nga magkakagirlfriend ng matagal kung ganiyan ka."

"Okay lang," sagot niya. "Basta andiyan ka."

Naramdaman naman niya ang pagdampi ng labi ni Mika sa ulo niya. Gumaan ang pakiramdam niya.

"Ako na bahala, Daks. Kakausapin ko si Bang. Sisiguraduhin ko sa kaniyang best friends tayo."

Tumango siya.

Sana sapat na iyon kasi mahal niya si Bang at ayaw niya rin sanang mawala ito.

-

"Bang, uwi ka na muna para makapagpahinga. Ako na mag-aalaga sa kaniya," rinig niyang sabi ni Mika sa girlfriend niya na halos sa dorm na nila matulog dahil sa pag-aalala.

"Kaya ko pa naman," sagot ni Bang na may ngiti ng pagsasalamat kay Mika.

Simula naman noong mag-usap si Mika at Bang tungkol sa kanila ay mas naging accepting na si Bang. Siyempre, di maiiwasan na magselos pa rin ito paminsan-minsan pero di rin nagtagal ay natanggap na ni Bang kung ano sila ni Mika. 

Naging mabuting magkaibigan naman si Mika at Bang na lubos niyang ikinatuwa. 

"Uwi ka na, Baby. Baka magkasakit ka pa," sabi niya rin kay Bang dahil ayaw na niya itong mag-alala pa sa kaniya.

Ayaw na niyang makita ni Bang na mahina siya.

Pagkatapos ng ilang sapilitan ay pumayag na rin si Bang na umalis. Nang wala na ito ay humiga na siya sa kama at naramdaman niyang tumabi sa kaniya si Mika.

"Daks, anong nararamdaman mo?"

Tiningnan niya si Mika at nakatagilid ito na paharap sa kaniya. Lumapit siya kay Mika at yumakap bago hinayaang tumulo ang mga luha niya.

Ayaw niyang makita siyang mahina pero alam niya na kapag si Mika ang kasama niya ay pwede niyang ibaba ang guwardiya niya sa sarili.

Niyakap rin siya ni Mika kaya nakaunan na siya sa braso ni Mika at nakakulong sa mga bisig nito.

"Daks, sorry. Sorry talaga. Kung di ako na-injure, baka champions na ulit tayo ngayon. Sorry."

Hinaplos naman ni Mika ang likod niya.

"Sssh. Ano ka ba? Okay lang 'yun. Wag mong alalahanin 'yun. Ang mahalaga ay ikaw, Daks. Focus na tayo sa recovery mo ngayon."

"I'm sorry," hikbi niya ulit.

Niyakap lang siya ng mahigpit ni Mika. 

Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na siya ng mahimbing.

-

"Oh, bakit bad mood ka?" tanong niya habang umuupo sa kama ni Mika kung saan nakaupo lang rin ito, nakasandal sa headboard. Ibinaba niya sa sahig ang crutches niya. 

"Nag-away kami ni Kiefer," sagot ni Mika.

"Bakit?"

"Nagseselos siya sayo."

Natawa ka naman ng bahagya kasi naalala mo noong ganito rin ang sitwasyon niyo noong si Bang ang nagseselos kay Mika.

"Gusto niyang layuan mo ako?" tanong niya kay Mika.

"Hindi naman, Daks," sagot ni Mika. "Naiinis lang siya na priority daw kita kesa sa kaniya na boyfriend ko. Eh, malamang. Injured best friend ko tapos unahin ko pa siya? Sapakin ko siya, eh."

Natawa siya lalo.

"Hindi naman sa kinakampihan ko siya, Daks, pero ilang dates niyo na ba ni-cancel mo para samahan ako sa check up?"

"Eh, ayaw mo naman laging magpasama kay Bang. Alangan namang hayaan kitang mag-isa?!"

Napakamot siya ng ulo. Ayaw lang niya talagang maabala ang dalawang mahalagang babae sa buhay niya kaya lang mas matigas ulo ni Mika sa kaniya paminsan-minsan.

"Sorry na. Sige na. Magpapasama na ako kay Bang. Pansinin mo na boyfriend mo, okay?"

Ngumiti naman si Mika. "Okay."

"Halika nga dito," yaya niya kay Mika at humiga sa tabi nito bago ito pinaunan sa braso niya.

Magkatabi lang sila sa kama sa ganoong posisyon at nagkwentuhan. Isinantabi muna lahat ng problema nila.

-

"TANGINA NIYA, AH! GAGO!" galit na galit siyang tumayo at kinuha ang saklay niya, handang sugurin ang unggoy na ex-boyfriend ni Mika.

"Daks! Ano ba? Saan ka ba pupunta?" Pigil sa kaniya ni Mika na humihikbi habang niyakap siya mula sa likod.

"Papatayin ko 'yung walang kwenta mong ex-boyfriend! Ang kapal niya, ah! Kapag nakita ko siya, isasaksak ko sa kaniya 'tong saklay ko!"

Hinigpitan ni Mika ang yakap sa kaniya.

"Daks, wag na. Hindi worth it. Hayaan mo na siya. Gago siya, eh."

Binitiwan niya ang isang saklay niya at humarap kay Mika at niyakap ito. Ramdam na ramdam niya ang sakit sa boses ni Mika.

Ang walang kwentang Kiefer Ravena na iyon ay pinagbintangan lang naman ang best friend niya na niloloko raw ito. Gago. Dati sa kaniya nagseselos tapos ngayon nagcheat naman daw si Mika at ibang lalaki. Demonyo.

"Sinaktan ka niya, Daks! Hindi naman pwedeng ganoon na lang 'yun! Babawi tayo! Magbabayad siya!"

Umiling si Mika na ang mukha ay nakasubsob sa leeg niya. 

"Hindi na, Daks. Okay lang ako. Basta dito ka lang, ah. Wag mo akong iiwan tulad niya," umiiyak na sabi nito.

Hinalikan niya si Mika sa ulo at pilit na isinantabi ang galit. Kailangan siya ni Mika ngayon upang masandalan. 

'Yun ang ginawa niya.

-

"Daks, abangan ko na ba 'yan sa labas ng gate ng bahay ni Kuya?" tanong niya kay Mika habang nanonood sila ng PBB.

Siniko siya ni Bang na inaakbayan niya habang inirapan lang siya ni Mika na nasa bandang kaliwa naman niya.

"Ang insensitive mo, Vic. Kita mo na ngang ang sama na ng loob ni Ye, eh," saway sa kaniya ni Bang.

"Baby, hindi ako insensitive. Protective ako," sabi niya. Alam niyang nakikinig si Mika. "Alam mo namang ngayon lang ulit nagpaligaw 'yang si Daks tapos tingnan mo naman, nanliligaw na pero mahal pa daw 'yung ex!"

"Nagsabi naman siya, Daks," paliwanag ni Mika. "Bago siya pumasok. Nagsabi naman siya na may kailangan siyang gawing pub stunt. Wag daw ako maniwala kasi ako na talaga gusto niya."

"Naniniwala ka naman?"

"I'm giving him the benefit of the doubt."

Nagbuntong-hininga siya. "Basta ang sakin, Daks, kapag 'yan sinaktan ka, babasagin ko mukha niyan at di na ulit 'yan makakapag-artista."

Nailing na lang si Bang sa tabi niya.

Natawa naman si Mika. "Sige, Daks, sabihin ko na sabi mo 'yan." 

-

"Daks, umamin ka nga. Si Jerome ba nagpapalipat sayo sa Petron dahil nagseselos siya sakin?" biglang sabi ni Ara at humiwalay ng bahagya kay Mika.

Natawa si Mika.

"Hindi, 'no! Choice ko talaga, Daks. Saka, kahit naman nagseselos sayo si Jerome, alam mo namang love ka rin noon, eh."

Nagkunwari si Ara na kinilabutan.

"Ew. Well, ako. Di ko siya love. Ikaw lang love ko. Kaya kapag may nagbago satin kapag lumipat ka na sa Petron, si Jerome sisisihin ko," parang batang sabi ni Ara. 

"Baliw," natatawang sabi ni Mika.

Ngumiti lang si Ara bago yumakap kay Mika.

"Pero seryoso, Daks, walang magbabago satin, ah. Ganito pa rin tayo dapat," may takot na sabi ni Ara.

Hinigpitan ni Mika ang yakap kay Ara at may pangako nitong binigkas, "Oo naman, Daks. Ganito tayo hanggang tumanda tayo. I love you."

"I love you, too, Daks," sinserong sagot ni Ara. "Dalasan natin dates natin para di kita ma-miss, okay?"

Tumango si Mika at nanalangin na sana ay kayanin nila ni Ara na hindi maging teammates.

-

January 4, 2018

"HAPPY BIRTHDAY, DAKS!" sigaw ni Mika sa phone niya. Ka-facetime niya si Ara.

"Thank you, Daks," masayang sagot ni Ara. "Andiyan ba si Jerome?"

Iniharap ni Mika ang camera ng phone niya sa boyfriend niya na nasa tabi niya.

"Happy birthday, Vic," bati ni Jerome.

"Thanks," sagot ni Ara. "Hoy, Je! Pagbalik niyo, akin muna best friend ko, ah!"

Sumimangot naman si Jerome. 

"Oo na! Oo na! Sabi ko na nga ba dapat pinilit ko na lang si Mika na imove 'yung vacation namin at umattend na lang ng birthday mo ngayon, eh! Diba, Bang?" tanong ni Jerome sa girlfriend ni Ara na nasa tabi na nito.

Ilang birthdays na kasi ni Ara at Mika ang hindi inaattendan ng isa't isa. Sinasadya na iyon ng dalawa para sa mismong birthday nila ay hindi na sila makikipag-agawan sa ibang tao ng atensyon. Sa halip ay madalas ay naga-out of town silang dalawa lang or staycation bago o pagkatapos ng birthday nila. 

"Hay, nako, Jerome. Hayaan mo na 'yang dalawang 'yan. Masanay ka na," naiiling na sabi ni Bang.

"Psh!" 

Natawa silang lahat at hinalikan ni Mika sa pisngi si Jerome para di na ito magselos.

"Baby, oh! Kiss mo rin ako!" sabi ni Ara na nainggit. 

Hinalikan naman siya ni Bang sa pisngi kaya lumawak ang ngiti niya.

"Inggitera ka talaga  kahit kailan, Daks," asar ni Mika.

Dinilaan lang ni Ara si Mika. "Ikaw rin. Kiss ko?"

Tumawa si Mika.

"Pagbalik ko na!" 

Nawala na sa screen si Jerome at Bang dahil lumayo na muna ang mga ito para hayaan ang dalawa na makapag-usap. 

"Daks," seryosong sabi ni Mika. "Happy, happy birthday. Alam kong medyo nabawasan oras natin simula noong lumipat ako pero sana alam mo na if you need me, andito lang ako. I love you."

"I love you, too, Daks," nakangiting sagot ni Ara. "Ako rin naman, andito lang ako para sayo. And oo, less ang time natin together so bawi tayo this year, okay?"

"Okay," sagot ni Mika. "Enjoy your day, ah! I love you so much!"

"I love you more! Ikaw rin, enjoy mo vacation mo. And I'll see you pagbalik mo."

Ngumiti si Mika at ngumuso para sa kunwaring kiss para kay Ara at ganoon rin naman si Ara kay Mika.

"Love you!" sabay nilang sabi bago pinatay ang tawag.

Masaya si Ara na bumalik sa tabi ni Bang at ganoon rin naman si Mika kay Jerome. Parehas na nakangiti at iniisip ang isa't isa.

Masaya sila sa buhay nila at kahit na hindi na sila madalas magkasama sa harap ng mga tao, ang mahalaga ay walang nagbago sa kanila kapag sila na lang ang magkasama. Tanggap ng girlfriend at boyfriend nila na ganoon lang talaga sila sa isa't isa.

They were the best of friends and they couldn't ask for more. 

-

Author's notes: I have 8 more oneshot drafts. May KaRa, MikaSa, JhoBea, JiBea, MiBea, at YeYeon. Hahahuhu. Ito, medyo sabog na kasi di ko maalala kung anong plano ko dito. Parang 1/5 na ata naisulat ko tapos tinigil ko kaya walang kwenta na yung sumunod na part. Pagpasensyahan niyo na. Hahahuhu. But huhu KaRa pls, namiss ko sila.

Thank you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

51.5K 820 47
Just some Jaya Oneshots that I have been coming up with for awhile now. It might include some other ships in as well. Mainly a Jaya book.
1.5K 55 18
These are similar to my other shorts. They are just drabbles/one shots but from my notes. Stored up from a while ago.
20.4K 403 29
A bunch of one shots from different Seventeen ships I have a lot of ideas, but not all of them I would wanna turn into a full story, so I'll be writi...
8.7K 481 19
"๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ข๐˜บ..๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ธ๐˜ฆ ๐˜ง๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ง๐˜ฆ๐˜ต๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ด..." [a story based off of youtub...