Volleybelles One-shots

By Team_MikaReyes

490K 9K 5.3K

KaRa, JhoBea, AlyDen, MikaSa, MiBea, etc. short stories. Drabbles in my head put into paper. More

How Wrong They Are
Can't Lose You
Love
Phenoms
Soul Searching
Marked
All You Had to Do Was Stay
Begin Again
Preview
NEW STORY
Enchanted
Other Best Friend
Perfect Set, Perfect Hit
Drunken Tweets
Is It Too Late
The Truth
Neighbors
The Truth (Part 2)
Free
The Truth (Part 3)
Free (Part 2)
Unexpected
Love (Part 2)
The Truth (Part 4)
Para Sayo
The Truth (Part 5)
Date
One Last Time
Author's Notes
The Truth (Part 6)
If I Let You Go
Fast Talk
End Of Their Journey
Crazy: Dennise
Signing Off
Endless Possibilities
She Will Be Loved
She Will Be Loved (Part 2)
Hmmn.
Lips Of An Angel
Lips Of An Angel (Part 2)
Lips Of An Angel (Part 3)
Lips Of An Angel (Part 4)
Do You Remember?
Outside Of Work
Cheers!
Endless Possibilities (Part 2)
Cathartic
Jersey Numbers: A History
A Little Bit Of The Truth
YeYeon
YeYeon (Part 2)
YeYeon (Part 3)
YeYeon (Part 4)
MS Telepathy
ASD
Q & A?
#8
Stubborn
Proposals
KoBei
Conversations
Cliché
Taglines
Lost
Happy New Year!
History
World
Pick Up Lines
Drabbles
Thank you, Jho!
Happy 23rd!
World (Part 2)
B
Ponytail
World (Part 3)
Plot Bunnies
Plot Bunnies #2
Plot Bunnies #3
Kissing Booth
JaFUN
Plot Bunny #4?
Plot Bunny #5
World (Part 4)
Instant Mommy
Plot Bunny #5 (Part 2)
Plot Bunny #6
Alyssa and Dennise
The Prettiest Bride
Maybe (?)
Bubble

Katipunan Love

5.3K 94 28
By Team_MikaReyes

"Gaga ka, Maria Lina Isabel!!!!!" bulyaw ko sa babaeng nasa harap ko.

Ayyyy. Nginitian pa ako ng gaga. Jusko. Hampasin ko 'to, eh! Pigilan niyo 'ko!

"Noong sinabi mong the place is lit, tinanong pa kita kung fireworks ba sinasabi mo kasi alam mong 'yun lang ang lit na gusto ko! Ayoko sa bar na ganito!"

Dinala ba naman ako ng gaga sa bar. Dito pa kami sa harap nagtatalo. Loko din 'to, eh. Siya party na party ang get up, ako nakapants, shirt, at cap pa. Dala ko pa dlsr ko. Jusko! Pinapataas ng batang 'to ang presyon ko! Kaloka siya, bes!

"May fireworks naman talaga, Ate Jho, eh. Uminom ka ng marami tapos makakakita ka na ng fireworks."

"Eh, kung sapakin kaya kita para makakita ka ng fireworks?!" amba ko sa kaniya kaya napaatras naman ang gaga.

"Eh, sige na, Ate Jhooooo. Samahan mo na ako! Ngayon lang naman, eh. Saka malay mo makita pa natin sina Ate Nicole sa loob! Dito kaya hangout ng Katipunan Squads."

Pinanlisikan ko siya ng mata.

"Ah, kaya pala gusto mo dito! Jusko Maria Isabel! Idinamay mo pa ako sa kaharutan mo kay Diana Mae! 'Yung totoo? Teammates kayo diba? Bakit di ka na lang sa practice magpapansin?!"

Namula ang gaga.

Part 'yang si Isa ng UP WVT. Rookie siya. At may crush sa kapwa niya rookie na si Diana Mae or Tots or Caloy. Eh, torpe ang gaga. Nakakaloka.

Tiningnan ko ang bar.

Nope. Ayoko. Lakongpake kung andiyan si Nicole. Kahit na papi siya at crush ko siya. Ayoko. Ayoko sa mga bars na ganiyan.

"Ngayon lang talaga, Ate Jho. Pleaaaaaase!" paawa namang sabi ni Isang.

Napabuntong hininga ako.

Childhood friend ko 'yang si Isang. Magkateam kami noong elementary sa volleyball bago sila lumipat sa Cebu. At di naman nawala ang komunikasyon namin. Parehas pa naming pinlano na sumali sa UP WVT pero na-ACL ako noong high school. Kaya umayaw na ako. Saka photography at arts naman talaga ang hilig ko. Doon na lang ako nagfocus. Habang siya ay tinupad ang pangarap namin na makasali sa UP Lady Maroons. Masaya ako para sa kaniya.

At mahal na mahal ko ang batang 'yan kahit gaga siya.

Pero ayoko pa ring mag-bar.

Bigla na lang may lumapit samin at magsalita.

"Isa?"

Paglingon namin parehas ay ang kras lang naman ni Isabel. Jusko. Nagliwanag ang mukha ng gaga. Kaloka.

"Uy, tots!" pigil kilig na bati ni Isang.

"Pumupunta ka rin pala dito?" halatang gulat na tanong ni Tots.

Namula naman si Isang.

"Ah, hindi ko talaga hilig. Pero sinamahan ko lang ang kaibigan ko," sabi ni Isang.

Sinong kaibigan? May inexpect pa ba kaming makakasama.

Lumapit naman sakin si Isang at inakbayan ako.

"Si Ate Jho nga pala. Ate Jho, si Tots, teammate ko."

Ay, putaragis! Ako pala ang kaibigan niyang tinutuoy niyang sinamahan! Aba leche 'tong gaga na 'to, ah! Kinurot ko nga.

Napangiwi naman siya.

"Sinong kasama mo? Punta ba sina Ate Nicole?" tuloy lang ni Isa.

Kinurot ko ulit si Isang. Mukhang ilalaglag pa ako nito, ah! Peste!

"Nasa loob na sina Ate Ayel," sagot naman ni Tots. "Si Ate Nics dapat kasama pero nag-away ata sila noong girlfriend niya, eh." Nagkibit-balikat na lang si Tots.

At bago pa ako pangunahan ni Isabel o bago ko pa siya mapatay, nagpaalam na lang ako.

"Ah, pwede ikaw na lang bahala dito kay Isa? May kailangan pa pala akong puntahan," sabi ko.

Natigilan naman si Isang na parang kinabahan.

"Ah, okay po," awkward na sagot ni Tots.

At kumaripas na nga ako ng alis at kumaway. Bahala 'yang si Isabel. Pero itinext ko pa rin naman ang gaga na mag-ingat at itext ako kapag nakauwi na siya.

So ako naman, nganga. Charot. Since andito na rin naman ako sa kung saang lupalop ng QC ay mag-iikot na lang ako. Pwede na street photography. At may pepper spray naman ako sa bulsa so feeling safe ako. Hehe.

Pero siyempre dahil hindi naman magaling si ako sa direksyon, napadpad ako sa parking lot. Husay ko, bes. Ayos buhay, self.

Creepy pa naman kasi madilim at walang tao at plano ko na talaga bumalik kung saan ako dumaan ng may mahagip ang paningin ko.

Matangkad, bes. Maganda ang tindig. Pamilyar. Pinilit kong aninagin kung sino at hindi nga ako nagkamali, 'yung isa ko pa ngang girl crush. Bea de Leon, mga bes! Ang gandang gwapo kahit sa malayo.

So totoo nga ang sinasabi ni Isang na hangout place 'to ng katipunan squads. Hindi na dapat ako nagtaka lalo na sa ALE, yayamanin kaya mga 'yun.

Anyway, nakita ko si Bea na parang medyo hilo na naglalakad. Ang aga ata nalasing. Tsk.

Pero laking gulat ko ng biglang may van na tumigil sa harap niya at may lumabas na mga armadong lalaki. Nakita ko ang gulat at takot sa mukha ni Bea at napaatras na ito. Pero mabilis siyang hinawakan ng dalawang lalaki at pilit hinihila papunta sa van.

Ay, putangina! Hindi ko alam kung bakit o paano, pero na-realize ko na lang na patakbo na ako kay Bea. Tangina talaga! Inilabas ko na lang ang pepperspray ko at nag-spray noong nakalapit ako sa kanila ng di inaasahan.

Pero siyempre, shunga rin ako pati ako at si Bea ay ubo kung ubo! At least, nabitiwan nila si Bea at kahit na parehas kaming umuubo ay hinila ko siya at tumakbo na sa kung saan kami dumaan.

Paglingon ko naman ay hinahabol kami noong dalawang lalaki.

Lord, jusko, help us! 

Dinasal ko na ang lahat ng dasal na alam ko habang hila-hila ko pa rin si Bea. Pero medyo mabagal siya.

"Bes, ang haba ng biyas mo! Unting bilis! Ayos buhay!" sigaw ko sa kaniya.

Mukhang natauhan na rin siya at tumakbo na rin ng mabilis.

Buti na lang at di naman kami kalayuan sa highway na maraming tao kaya nakarating kami agad doon tapos hinila ko siya sa isang convenient store at doon kami nagtago. 

Sumilip ako at nakita ko 'yung dalawang lalaki na  palingon-lingon hanggang umalis na sila. Hallelujah!

Pagtingin ko naman kay Bea ay namumutla ito at tulala.

"Huy!" tawag ko sa kaniya.

Napalingon siya sakin tapos bes, natunaw ako.

Ay, putaragis, Jhoana! Muntik na nga kayong mapahamak, ang landeee pa rin ng isip. Ayyyy! Ayos buhay!

"Thank you," mahinang sambit ni Bea.

"Walang anuman," sabi ko na kunwari di ako affected kahit feeling ko sasabog na puso ko.

Dahil doon sa pagtakbo! Hindi dahil kay Bea. Anuna.

Bigla akong napabitiw noong narealize ko na hawak ko pa rin kamay niya. Ayyyyy, kilig amp! Pero safety bago landi muna kaya nilabas ko cellphone ko.

"Hahanapin ko nearest police station tapos mag-uber na lang tayo papunta doon para makapagfile ka ng complaint."

Hinawakan niya ako sa braso.

"No! Wag na, please. I want to go home. My mom and dad will know what do better," sabi ni Bea.

Napatango na lang ako.

"Uhm, can I borrow your phone?" tanong pa niya.

Hindi na ako umimik at ibinigay na lang sa kaniya, akala ko may tatawagan pero ibinalik lang niya sakin ang phone ko after niya magbook ng uber papunta ata sa bahay nila.

Nanginginig siya. Siguro sa takot. Ako rin naman. Feeling ko hindi pa lang nagsisink-in. Pero ano namang gagawin ko diba?

Tahimik lang kaming naghintay dumating ang uber at tahimik lang kami sa biyahe.

Pagdating namin doon ay mabilis siyang bumaba pero tumigil siya noong napansin niyang hindi ako sumunod.

"Why are you not coming down?" nagtataka niyang tanong. "Oh, wait. Hindi ka naka-credit card? Are you still paying?"

Ayyyy. Bakit feeling ko may judgement doon? Pinigilan ko ang sarili kong irapan siya, bes! 

"Uuwi na rin ako, Bea. Wala rin naman akong maitutulong sa inyo kasi hindi ko namukhaan 'yung mga lalaki. Saka ayaw ko talaga ma-involve," sabi ko. "Di ko nga alam bakit tinulungan kita, eh," bulong ko.

Totoo naman kasi. Hindi naman ako matapang at hindi naman ako mahilig mag-feeling hero. Jusko. Kashungahan. 'Yun lang talaga maisip kong dahilan kung bakit ko nagawa 'yun. Imagine, may armas sila tapos sumugod ako na may dalang pepperspray?! Shunga talaga tawag doon, bes.

Tapos nangangatog na tuhod ko at nanghihina na ako. Ayoko na ma-involve pa lalo. bahala na sila diyan.

"But we'll probably have some questions," protesta niya.

"Wala na talaga akong maitutulong sa inyo, Bea. Ingat ka na lang palagi," madiin kong sabi.

"Wait! You know me?!" gulat niyang tanong. 

Tumango ako. 

"I'll see you around," sabi ko pa.

Magkukrus naman talaga ang landas namin kasi member ako ng isang volunteer press group na nagcocover ng UAAP. Photographer ako pero may writers din kami. Minsan kapag walang available writers, ako na rin nagrerecord ng interview pero sila sumusulat. 

"You do look familiar," bulong ni Bea. Ngumiti na lang ako sa kaniya. "I'm sorry, I didn't even get your name. You are?"

"Jho. Jhoana Maraguinot."

"Thank you, Jho," sabi niya na puno ng sinseridad.

"You're welcome, Bea."

Ngumiti siya sakin at ngumiti rin ako sa kaniya. 

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Natutunaw na naman ako sa tingin niya kaya umiwas na ako ng tingin.

Nagpaalam na siya at ganoon rin ako.

Pumasok na si Bea sa bahay nila habang inaayos namin ni manong driver kung paano ako makakapagbook ulit sa kaniya papuntang UP. Pabalik sa dorm ko.

Makikilala pa kaya ako ni Bea kapag nagkita na kami sa UAAP? 

Ngumiti na lang ako ng pagkalapad-lapad.

Bahala na si Lord.

Basta ang alam ko lang, napagod ako sa nakakalokang adventure namin ngayon.

...

-

Author's notes: So this is an idea for a multi-chaptered story. For now, oneshot muna. Kasi di ko alam kung maisusulat ko ba ang kasunod. Kung sisipagin ba ako. O kung madudugtungan ko pa. Hahahahaha. Kasi alam ko lang paano simulan pero di ko alam paano sundan at tapusin. Anuna. 

What do you think?

P.S. ito na 'yung isa pang UD bago mag-Monday theregoesanother 😂😂😂

Continue Reading

You'll Also Like

9.5K 291 15
Just what the title says:) Requests are allowed and appreciated. This is purely a work of fiction. Do not mix up reality with this. Some chapters mi...
10.6K 213 19
A bunch of one shots from different Seventeen ships I have a lot of ideas, but not all of them I would wanna turn into a full story, so I'll be writi...
31.4K 429 20
just random oneshots and scenarios involving any and every ships of enhypen members. REQUEST ACCEPTED on the request page. please give me ideas wh...
11.8K 167 24
Idk what to write? ._.