Bossy Bree

By Lady_Lemonade_

1.3M 34.5K 1.5K

Mula ng magkasakit ang kanyang ama, Bree Montecillo acted as the CEO of a multimillion-dollar corporation and... More

Bossy Bree
1 The will
2 Mr. Santillan
3 I need him
4 How much are you?
Hello guys!
5 Red faced
6 His Conditions
7 Mrs. Santillan
8 First Fight
10 Heartbeat
11 Almost but not quite
12 Interruptions
13 The Maid
14 makes No sense
15 Dashing Dandy
16 Date
17 That Night
18 The day after
19 The Vacation
20 Love in bloom
21 The visitor
22 Office Romance
23 Denial
24 Realization
25 The Tyrant
26 Consequences
27 Its a trap
28 Trapped
29 settlement
30 Madness
31 One of us
32 Hate
33 Ceasefire
34 Scapegoat
35 Promise me
36 I'm done for
37 Fait Accompli
38 Epilogue
39 Clyde POV
40 Clyde POV (2)

9 Living together

35.7K 920 21
By Lady_Lemonade_

Bree POV

I saw Clyde's back as soon as I open my office door, probably waiting for me.  He's busy talking to someone on his phone that he didn't see me standing near him.

"Althea, you have to get to know her better. Bree is not that bad." Tumaas ang isang kilay ko ng marinig ang aking pangalan. Looks like ako ang topic ng magkaptid na magkausap sa telepono. And I'm curious as hell kaya naman walang ingay na sinarado ko ang pinto ng opisina ko.

"So what if she's my boss?! Really Althea? Why would you think she's way out of my league? Dahil ba hindi ako kasing yaman niya?" Another long silence. Mukhang naglilitanya din ang kapatid nito sa kabilang linya. I saw Clyde massage his forehead then heavily sighed.

"Look, desisyon kong pakasalan siya. No one forced or threatened me to do this. Althea naman..." He sounded frustrated. 

So, Clyde's little bubbly sister is not  happy that I married his nerdy brother? So what?! Who cares?! This is already a done deal. His sister needs to get used to it!

Malakas akong tumikhim na ikinalingon sa akin ni Clyde. Agad din siyang nagpaalam sa kausap niya sa telepono at lumapit siya sa akin.

He is now facing me and I didn't know what to say or do. I don't even know why I'm suddenly clueless on how to deal with Clyde now that he's my...ulk... husband. This is a whole new level of awkwardness.

"I...I'm going home." Naiilang na nasabi ko na lang. Tumango lang si Clyde sabay kinuha niya ang bitbit kong laptop bag at shoulder bag. Hinayaan ko lang siyang dalhin iyon at sabay na kaming dumeretso sa personal elevator ko. Hindi umiimik si Clyde and I'm not the type who would start a conversation. Lalo na at naging mainit ang usapan namin kanina. Naroon pa rin ang inis ko sa lalaki.

"Did you approve of the condo renovation?" Anito sa akin sa mahinahong tono. He's obviously trying to casually start a conversation with me.

"Yeah." Walang gana kong sagot sa kanya. My eyes lazily inspecting my perfectly polished nails. Napakamot sa batok si Clyde dahil sa hindi ko pagbibigay ng atensiyon sa kanya.

"You look tired. Are you hungry? We can stop by your favourite restaurant if you want." Muling subok ni Clyde. Napahugot ako ng hininga.

"I just want to go home, okay?!" Nauubusan ng pasensiyang sagot ko kanya.

"Fine. Give me your keys, I'll drive and you can sleep on the way home." Aniya sa akin na nagpaalarma sa akin. Alertong napalingon ako kay Clyde at ngayon ay kuhang-kuha na niya ang buong atensiyon ko. I own a penthouse suite in an exclusive condominium, three blocks from here kaya mabilis lang makarating . He said I could sleep on the way home and that means...

"You mean... I have to... as in tonight?!" Kulang-kulang na tanong ko. Pero mukhang naintindihan naman iyon ni Clyde ng tumango-tango siya.

"It is in my condition. We will live in my house. I'll provide for our basic needs. Hindi  nga lang kasing rangya ng nakasanayan mo but still, I'll try my best to make you comfortable." Sagot nito.

"Keys." Ani Clyde sabay lahad ng palad niya. Naging blangko ang utak ko kaya naman wala akong nagawa ng kunin ni Clyde ang susi sa kamay ko.

Nagbabyahe na kami at ramdam ko ang tensiyon sa loob ng kotse habang palingon-lingon sa akin si Clyde.

"So... unang gabi natin bilang mag-asawa. We started in an unconventional way, but it doesn't mean it won't work. Right?" umpisa ni Clyde. The mention of our first night together ang nagpapakilabot sa buong katawan ko.  Napaghahalata ang excitement ng lalaki sa mga pinagsasasabi nito. May pasakalye pa ito para lang maipahiwatig ang gusto niya.

"I want to sleep." Pasupladang nasagot ko lang sa litanya niya.

"Alam  kong napagod ka sa trabaho, sige matulog ka lang, gisinging na lang kita kapag nakarating na tayo sa bahay natin." Sagot ng lalaki. 

Natin? Ugh! That word is sickening.

Tumagilid ako patalikod sa kanya at pumikit. Lumipas ang ilang minuto pero gising na gising pa din ang diwa ko. Halos twenty minutes din akong nagpapanggap na tulog. I can't sleep because of this gnawing feeling. Clyde's last condition in the agreement is lingering in my head, making me as nervous as hell. Napapapitlag ako sa bawat paghinto ng kotse at napapatingin ako sa window. Lumuluwag lang ang aking paghinga kapag nakikitang tumigil lang ang kotse dahil traffic.

I can't believe this nerd is such a perv that he is really going for it right after the wedding! I'm a bundle of nerves and I can say that this ordeal is starting to make me go crazy!

Parang ayoko ng matapos ang byahe. For the first time in my life I'm wishing for the traffic to get even worse.   Parang ayoko ng bumaba ng kotse nang huminto ito sa isang pamilyar na bahay.

Pinagbuksan ako ni Clyde ng pinto kaya naman napilitan na akong bumaba doon. Pinauna ko siyang maglakad kaya naman kiming nakasunod lang ako sa kanyang likod hanggang sa buksan na niya ang pinto ng loob ng bahay nila.  Nagulat pa ako ng bigla niya ako hawakan sa kamay. On instinct, agad akong nagpumiglas pero mas humigpit lang ang hawak ni Clyde sa kamay ko. Then when I gave him a warning look,  he just smile at me reassuringly. Kabado man ay pilit kong tinatago iyon sa harap ng lalaki ng mag-umpisa ng hatakin niya ako paakyat sa hagdan ng ikalawang palapag ng bahay nila.

"That is Althea's room." turo ni Clyde sa pinakadulo na kwarto. 

"And this is our room, pasensya na may kaliitan lang." anito at binuksan ang pinto. Doon na niya binitiwan ang kamay ko. My instinct tells me to make a run for it. Gusto kong magtatakbo palayo pero nakaharang si Clyde sa daraanan pababa ng hagdan. Clyde is looking at me intently, as if he wanted to know what I am thinking of at that exact moment. My face was always blank and I knew he can't see the agitation and anxiety that is messing my head. Tumaas ang isang kilay ko sa kanya, pero mahinang tumawa lang si Clyde at lumahad ang kamay niya sa kwarto niya na para bang hinahamon niya ako kung kaya kong panindigan ang pagsang-ayon ko sa lahat ng kondisyon niya sa pamamagitan ng pagpasok sa maliit na kwarto niya.

Just for three years Bree! Endure this nerd for three freaking years! If he make a move, I'll run like the devil is after me!

Kaya naman taas-noong pumasok na lang ako ng kwarto niya. Mahinang tawa naman ni Clyde ang narinig kong muli na para bang nag-eenjoy siya sa silent battle of will na nangyayari. Sumalubong sa akin ang manly at amoy lalaking pabango pagkapasok ko pa lang ng kwarto.  Marahang inilibot ko ang aking paningin sa maliit na kwartong iyon. Malinis naman ito at mukhang kapapalit ang bedsheets. The room was plain and bare. It's boring and plain just like it's owner. It has white painted walls, white sheets with gray-colored pillows and a mahogany table on the far end near the window. A little shelf of books with colorful covers are the only thing that gives color to the dull room. Narinig ko ang pagtikhim ni Clyde.

"Ah... naroon nga pala ang banyo." Turo nito sa kaliwang bahagi ng kwarto.

"Gusto mo bang mauna ng maligo? Hindi ko pa nakukuha ang mga gamit mo sa condo mo pero may mga bago namang sabon at shampoo na pambabae dyan. May bagong labang towel sa loob ng cabinet at may toothbrush din doong bago." Ani Clyde na muling ikinaarko ng kilay ko.

"What?! You already brought me here and didn't think to bring my things here?! FYI Santillan, my skin is too sensitive for some cheap soap! I want to use my own toiletries!" Naiirita at medyo napalakas ang tono ko sa kanya pero nagkibit-balikat lamang si Clyde.

"Paano ba iyan? Cheap soap lang ang kaya ng pobreng asawa mo?" He sounded insulting and bitter. Na para bang hinamak ko na siya sa sinabi ko at gusto niyang gumanti. But what can I do? My skin is super sensitive and dries easily.

"Ano nga iyong nasa kondisyon natin? Mamumuhay ka sa paraan na kaya kong ibigay sa'yo, naaalala mo iyon?!" Mahinahong paalala ni Clyde na kabaligtaran ng gustong sumabog na itsura ko.

Ah, so this is what he meant when he stated those conditions in the agreement. He wants to see me suffer. Is this his way to avenge his male pride?! Gumaganti ba siya dahil sa tingin niya pinahirapan ko ang buhay niya bilang secretary ko?!  And this is his little revenge? How pathetic!

I will not give him that satisfaction! I will not make him feel like he won over me just because of this stupid stuff.

"Of course, I remeber! How can I forget that!" I said sarcastically. Then fake a smile. He return my smile with a nerdy grin.

"Oh, you know what? It's fine. It's no big deal. I can use your cheap soap. No biggy." Labas sa ilong na aniko. Mabilis na tumalikod ako bago pa siya makasagot. Naglalakad na ako papunta sa banyong tinuro ni Clyde ng muling magsalita siya.

"Ah! Oo nga pala, nakalimutan din kitang ikuha ng pamalit na damit. You can use mine. Don't worry, may mga damit pa akong 'di pa nagagamit." He sounded too happy. He is enjoying this too much. Napapikit ako at napabuga ng hangin sa bibig. Hindi ko na napigil ng malakas na naisara ko ang pinto ng banyo niya. Sa loob ay natakpan ko ng kamay ko ang bibig ko at naggigigil na napasigaw at nagpapadyak.


It's too late when I realized that I have to get out of the bathroom wrapped only in a small towel. Sa sobrang inis ko kay Clyde ay nagderederetso ako sa paliligo at doon nagpalamig sa buhos ng tubig ng shower. But I'm too clever to just get out of the bathroom almost naked.

I cracked the bathroom door open and saw Clyde sitting on the leather chair right next to the table by the window.

"Clyde!" Tawag ko sa kanya na ikinalingon niya sa akin. Tanging ulo ko lang ang nakasulpot doon.

"Bakit, wifey?" Tanong naman nito. Gusto kong masuka sa tawag niya.

Really?! Do I look like a Wifey?! Wifey my ass!

"Hand me the clothes you're lending me." Irita na sagot ko sa tawag niya. I extended my hand out of the cracked bathroom door. Pero nagdaan ang ilang minuto na walang damit na napunta sa kamay ko. Muli akong sumilip at nakitang nakaupo pa din si Clyde. Ni hindi man lang gumalaw.

"Can you say... 'please hand me the clothes, Cylde.'"ani Clyde na para bang nagtuturo siya sa isang bata kung paano magsalita. Hindi ko na napigilan at pagak akong natawa. He is really testing my patience. And my patience is wearing thin. Konting-konti na lang talaga at sasabog na ako.

"Don't push it!" I warningly said na ikinakibit-balikat lang muli ni Clyde. Nagmamartsang lumabas ako ng banyo. Kesehodang makita ng lalaki ang kaluluwa ko sa sobrang igsi ng tuwalya niya. Mabilis na namula ang mukha ni Clyde pagkakita sa naging itsura. Napa-iba pa siya ng pwesto sa upuan niya na para bang hindi siya naging komportable. Napailing lang ako sa kanya at walang pakundangang nagbukas ako ng cabinet niya. I rummage through his clothes until I found a white folded shirt that looks new and a boxer that is still inside a plastic box. Masamang tinignan ko muna si Clyde bago muling nagmartsa papasok ng banyo para magbihis. Clyde looks amused at what I did but stayed silent.

"Clyde, Don't you agree that things should be taken slowly? You know, we don't have to rush things..." Napatigil ako sa pagsasalita ng malakas na nagtawa si Clyde. Nakaupo ako sa bandang dulo ng kama at nagsusuklay ng basang buhok ko habang umiinom si Clyde ng isang baso ng wine at nakaupo pa din sa leather seat niya.

"Mas epektib yata sa atin ang paspasan eh. Wala na ngang mas bibilis pa sa nangyari sa atin. Biruin mo mag-asawa na tayo agad." Nakangising aniya naman. Napangiwi ako. Inubos ni Clyde ng isang lagok ang wine niya pagkatapos ay biglang naghubad ng polo niya. Nanlaki ang mata ko ng tumambad sa akin ang matipunong dibdib at ang six-pack abs ng lalaki. May itinatago pala itong katipuhan ng katawan.

Mukhang desidido talaga si Clyde sa mga makamundong binabalak niya!

Humakbang si Clyde kaya mabilis akong napaurong sa dulo ng kama malapit sa pinto.

Oh no! No! No! No! Don't you dare come near me! Sigaw ng utak ko. Alam kong dehado ako kung manlalaban ako. Sa laki ba naman pala ng katawan ng lalaki ay kayang-kaya niya akong ipagbalibagan. Gusto ko ng magtatakbo palabas pero ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko sa sobrang kaba at pagkataranta. My eyes began looking for something to serve as a weapon. Nakarinig ako ng mahinang tawa pagkatapos ay ang pagsarado ng pinto. Pumasok lang pala ang binata sa banyo. Napahawak ako sa puso kong abot-abot ang kaba.

Mabilis na pinatuyo ko ang buhok ko sa tapat ng electric fan ni Clyde habang naliligo pa ang lalaki. Nagmamadali ang bawat kilos ko. Nang maramdaman kong natuyo na ng bahagya ang buhok ko ay mabilis akong nahiga at pumikit. I wanted to pretend that I'm asleep para lang maiwasan ang ano mang naiisip na gawin ni  Clyde. Mas idiniin ko pa ang pagpikit ng marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo. But I readied myself. I readied myself to punch him if he even touch me and I'll make a run for it.

Naramdaman kong lumugdo ang kama sa paghiga ni Clyde sa tabi ko. Pigil na pigil ko ang paghinga ng ilang minuto at nakikiramdam. Nagkunwari pa rin akong tulog na. But I'm on full alert. My right hand is already balled into a fist. Isang suntok sa mukha sabay takbo. That's my plan. Ngunit lumipas ang ilang minuto na walang nangyayari. Walang kamay na dumama, walang katawan na dumikit. Wala hiningang lumalapit. Nada. None. Wala. 

Unti-unti kong binuksan ang mata ko at sumilip ng bahagya sa katabi kong lalaki. Nangunot ang noo ko ng mapagtanto ko na natutulog na pala si Clyde na patalikod sa akin.

This guy is confusing as hell! Akala ko pa naman excited na excited na ito sa gabing ito kaya dinala na niya ako sa bahay niya!

Lahat pala ng presumptions ko, pati na din sa anxiety at nerbiyos ko  ay wala palang katuturan. Assumera pala ang labas ko. Naguguluhan man ay napatitig ako sa puting kisame ng bahay ni Clyde. Lalo tuloy ako naguluhan kung bakit pa niya ako dinala sa bahay niya. Not that I'm complaining of an uneventful night. In fact, I should be thankful. But all I'm feeling now is confusion.

What is this nerd's deal?! 

Pero kahit anong pag-iisip ko ay hindi ko iyon nasagot. Muli na lang akong pumikit hanggang sa tuluyan ng hatakin ng antok ang aking kamalayan. Nakatulog ako sa sobrang pagod.

Continue Reading

You'll Also Like

48.7K 967 53
"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lo...
513K 11.5K 35
LOVE AFFAIR BOOK 3 Si Deviree Shantal o Ruby Montero. Isang makapangyarihang babae na nagtatago sa katauhan bilang si Deviree. Punong puno ng pagkamu...
248K 13.9K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.9M 66.2K 45
Elize Montemayor has been in love with Jared Villaflor ever since she has heard of his name. Thing is, Jared is too out of her league and taking noti...