HARRISON UNIVERSITY: The Scho...

Por GHIEbeloved

13.9M 389K 66.3K

Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her... Más

PROLOGUE
HUTSOM BOOK IS NOW AVAILABLE!
Chapter 1 : [Harrison University]
Chapter 2 : [ The Fountain]
Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]
Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]
Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]
Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]
Chapter 7: [ Mission Impossible]
Chapter 8: [ Forced decision]
Chapter 9: [ Unexpected Guest]
Chapter 10: [Identity]
Chapter 11: [ Revelation ]
Chapter 12: [ Officially Part of Harrison Rulers ]
Chapter 13: [ Confrontation ]
Chapter 14: [ Final Decision ]
Chapter 15: [ Choices ]
Chapter 16: [ New classmate? Hell!]
Chapter 17: [ Lady in the shadow ]
Chapter 18: [ Worried ]
CHAPTER 19: [ She's familiar]
Chapter 20: [ Alaine De Castro]
Chapter 21: [Second Crime ]
Chapter 22:[My Queen]
Chapter 23: [ Crimson Palace ]
Chapter 24: [ Myrko ]
Chapter 25: [ The Palace Queens]
Chapter 26: [ The Announcement ]
Chapter 27 [ Protect ]
Chapter 28: [ Her tears]
Chapter 29: [ Miesha ]
Chapter 30: [ Special students ]
Chapter 31 [ The Queens Rule]
Chapter 32 [ Arrow ]
Authors Note (PleaseREAD)
Chapter 33: [ Goodluck]
Chapter 34 [Behind the mask]
Chapter 35 [Her Side]
Chapter 36 [I'm Sorry]
Chapter 37 [ Unknown Feelings]
Chapter 38 [Twins]
Chapter 39 [Her other side I]
Chapter 40 [Her other side II ]
Chapter 41: [The mean Girls]
Chapter 42: [Slave]
Chapter 43: [Phoenix]
Chapter 44: [The Plan]
Authors 2nd Note ( Please read)
Chapter 45 [Guilty]
Chapter 46[She's Here]
Chapter 47: [Dayle Trinidad]
Chapter 48 : [Confuse]
Chapter 49: [Please, stay]
Chapter 50: [Worst than nightmare]
Chapter 51: [Death threat]
Chapter 52: [Unmask]
Chapter 53: [Trapped]
Chapter 54: [Im trapped again]
Chapter 54: [Paint]
Chapter 55: [Cloud Montague]
Chapter 56 [The Other Side]
Chapter 57(part I): [Bestfriend]
Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]
Chapter 58 [Comeback]
Chapter 59: [Unveiled]
Chapter 60 [The Game of Doom]
Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]
Chapter 62: [Special Students]
Chapter 63: [The Fall]
Chapter 64: [Wicked]
Chapter 65: [The Gift]
Chapter 66: [The Zone]
Chapter 68 : [ Wish Granted]
Chapter 69: [Me]
Chapter 70: [Glance]
EPILOGUE
Author's Note
HUTSOM SOON TO BE PUBLISHED UNDER PSICOM!

Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]

111K 3.5K 799
Por GHIEbeloved


MYRTTLE JOONG

"NASAAN?!! " Sigaw ko sa natirang kalaban sa harapan ko. Isang floor nalang at nasa pinakatuktok na ako ng clock tower ngunit ni isang bakas ng Fifth Giant ay wala parin akong nakikita.

Bata-batalyon nang kalaban ang sumalubong saakin ngunit wala parin sila.

Nagawa ko nang matalo ang mga kalaban ko dahil sa kagustuhan kong matapos na ang lahat. Napuno na rin ng mga dugo ng aking kalaban ang sahig ng hallway. At ang dating kulay puting silid ay nabalutan na ng karimarimarim na dugo ng mga demonyong ito.

Nakakainis dahil ginugusto pa nilang mamatay kesa sabihin saakin kung nasaan na ang pinaka punot dulo nito!

Gustong-gusto ko na silang makaharap para matapos na ang lahat. Pagod na ako, pagod na akong alalahanin ang kalagayan ng lahat. I want them all safe at gusto ko nang matigil ang kahibangang to!

"Hindi ko alam!!" Lakas loob nitong sigaw saakin kaya naman agad ko nang nilaslas ang nakatutuk sa kanyang leeg na katana at agad naman itong nahiwa hanggang sa matanggal na ito sa kinalalagyan niya.

"Useless! " I yelled to his headless body.

Sa dami ng aking nakasalubong na kalaban mula palang ng pasukin ko ang clock tower ay hindi ko maiwasang magkaroon ng tama ng bala sa aking katawan. Ngunit hindi naman ito malala dahil mga daplis lang ito. Isa pa, hindi ko na ito iniinda dahil manhid na ang katawan ko sa kahit na anong sakit.

Naglakad pa ako ng naglakad at tanging ang tunog nalang ng sapatos ko ang namayani sa buong lugar.

Katahimikan...

Katahimikan na lubos kong ikinatatakot sa lahat...

Hanggang sa marating ko hagdan patungo sa tuktok ng Clock tower. At nanlalambot ko itong sinimulang akyatin.

Kani-kanina lang ay nakarinig ako ng mga pagsabog at alam kong hindi iyon galing sa malapit.

Is it from the Restricted area?

Pero napailing agad ako ng mariin ng sumanggi iyon sa aking isipan.

Hindi, hindi maaring mangyari iyon. Mahigpit ang pagbabantay ng mga Special student sa lugar na iyon. Hindi maaring mapasok iyon ng mga kalaban ng basta basta. Hindi maari dahil kung nagkataon ay wala silang magiging laban.

Pero papaano kung doon nga nanggaling iyon?

Paano kung ang pagsabog na iyon ay ang bombang nilagay nila sa restricted area para maungusan kami sa laban..

"S-Shenny... Alex... "

Bulong ko sa hangin ng matapat ako sa bintana na tanaw ang ibabaw ng pader na naghahati sa Eskwelahan at sa restricted Area..

Ngunit natauhan ako ng makaramdam ako ng mainit na likido sa aking pisngi.

Nanginginig kong tinignan ang aking mga kamay na punong puno na ng dugo ng aking kalaban..

Isa lang ang paraan para mapigilan ko ang pangyayaring ito.. At ito ay ang matalo na sila.

Ilang tao na ang napatay ko..

Ilang pagmamakaawa na ng mga tao ang nilampasan ko.

Pero heto parin ako... Nanginginig sa realidad na hanggang ngayon ay hindi ko parin napapatay ang tunay na dahilan ng lahat..

At ngayong alam ko ng wala na akong kasiguraduhang makakalabas pa ang mga ordinaryong estudyante sa lugar na ito...

Hindi na ako papayag pa na matapos ang araw na ito ng hindi ko sila natatapos.

Nagpatuloy pa ako sa pagakyat sa pinakatuktok ng Clock tower at kasabay ng pagakyat kong ito ang nabuong mas pinainting na galit sa puso ko.

Mahigpit kong hinawakan ang aking katana at tuluyan nang nawala muli sa aking pagiisip.

I don't know whats happening again. Pero heto nanaman ako, para bang tinitignan ko nanaman ang aking sarili mula sa malayo..

Ito ba iyon? Ito ba ang bagay na kinatatakutan sakin ng lahat? Dahil kung ito nga iyon ay gusto ko na itong hayaang kontrolin ako...

Hahakbang na sana ako sa pinaka huling baitang ng hagdan ng isang patalim ang naramdaman kong papalapit saakin. Agad akong umiwas dito, napatalon nalang sa hawakan ng hagdan at kalmadong tumore dito.

"Well, well, well your Majesty. It seems like you're with your legendary Zone huh?" Napakunot ako ng noo ng hindi inaasahang tao ang makita ko sa gitna ng silid na ito.

Bumaba na ako sa aking kinalalagyan at tumayo ng maayos sa hindi kalayuan sa kanya.

Alam kong siya ang dapat kong intindihin ngayon ngunit panandalian ko muna itong isinantabi. Nilagpasan ko ito ng tingin at inilibot ang aking mata sa kabuuan ng silid. Walang ibang tao dito bukod sa babaeng ito at sa mga naglalakihang makina ng orasan ang mayroon rito. Wala... Walang bakas ng pinuno ng Fifth Giant.. Wala ang Fifth Giant.

Nang malibot ko na ang aking mata ay natuon ko na ang atensyon ko sa kanya. Sa babaeng nakadaupang palad namin sa mansyon ng nga Spark.

Nakaupo lang ito ng prente sa isang lamesa habang pinaglalaruan ang kanyang mga punyal.

Mga punyal dahil punong puno ng mga patalim ang lamesang inuupuan nito.

"Ilang tao na ang napatay mo mahal na Reyna? " Pangaasar nitong tanong saakin. But I just gave her a smug look and point my finger to her.

"I didn't count." Looking at her eyes straight. "But I want you to be counted." Malimit kong ngiti dito. Pero binawi ko naman agad ito ng makita ko ang pagngiwi nito at pagirap nito saakin.

Why? Iniisip ba nitong nagbibiro ako?

I'm dead serious my dear... Dead serious...

"What ever b*tch.. Oh by the way, I'm Rain Montague the heiress of the Montague Clan. And this is how I greet." Ngiti nito saakin kasabay ang paghagis nito saakin ng napakaraming patalim.

Mabuti nalang at alerto ako kayat nakailag ako sa mga patalim na ibinabato nito saaking pwesto.

Kasabay ng aking pagilag ay ang pagsalag ko sa mga ito gamit ang aking Katana. Banggaan ng mga matatalim na bagay ang bumalot sa buong lugar at hindi nagtagal ay pabilis na ng pabilis ang kanyang pagbato saakin na animo'y walang katapusan.

Seriously!?

Napakunot ako ng noo dito dahil naiirita na ako sa ginagawa niya. What the hell are her reason for keep on throwing me this nonsense weapons?!

This things are getting to my nerves!

Napakarami pang patalim ang pinakawalan nito ngunit sa bawat bitaw nito ay isang hakbang ang ginagawa ko. Hindi ko maiwasang madaplisan ng mga patalim ngunit hindi ko ito iniinda.

Patuloy lang ako sa ginagawa ko ng mapatigil ito dahil mukhang nagsawa na ito sa kanyang ginagawa.

You lame creature...

"Mukhang napagod ka huh? " Asar pa nito saakin pero this time ay nginitian ko lang ito.

Mabilis ng nakita ng aking mga mata ang nagkalat na mga patalim sa sahig na gawa ng pagsablay nito.

Before doing what I am thinking ay nginitian ko pang muli si Rain.

Agad kong nakuha ang mga patalim sa aking paligid gamit ang aking katana. Hinawi ko ang aking katana sa baba at mabilis itong hinawi pataas upang silay magsabay sabay na lumutang sa ere at sabay hinapas ito upang sabay sabay na gumawi sa pwesto ng kalaban.

Hindi ito inasahan ng taong nasa harapan ko kaya naman halos mapasigaw ito ng makita nalang nitong nagdurugo na ang kanyang tainga.

"D*mn! " Mura nito na ikinangiti ko.

Susugurin ko na sana muli ito ng sunod sunod nanaman ako nitong hagisan ng kanyang walang katapusang patalim. Ngunit sa pagkakataong ito ay alam kong iba na ang sitwasyon.

Nagiba ang tempo ng galaw ni Rain at maging ang bilis ng kanyang pagbato ay mas bumilis. Bukod sa mga mas maliliit na patalim na hinagagis nito saakin ay nababahala din ako sa dami nitong pinapakawalan kada segundo.

Agh, hindi maaring magpatuloy ito dahil malakas makaagaw ng enerhiya ang walang humpay na pagiwas at pagsalag. This girl has a plan and I knew that..

Hindi ko man ito malaman ngayon ngunit alam kong lalabas din ito..

Sana nga lang ay mapuna ko na iyon bago mahuli ang lahat.

RAIN MONTAGUE

Nakakangalay mang batuhin ng mga armas ko ang babaeng ito ay hindi ko parin tinitigil. Bwisit! She got my ears! At ang hapdi hapdi nito! Wengya! Nakakayamot!!!

I was expecting the worst from her, thats why I am using this scheme.. To frame her up! To make use of my mind over my skills on throwing things.

Inaaksaya ko lang ang oras ko mula kanina, gusto ko nang asintahin ito ngunit mas gusto ko siyang pahirapan kaya naman sunod sunod ko nalang na ibinato sa kanya lahat ng mga patalim na meron ako. Hindi naman kasi ako inutil para isiping kaya ko siyang talunin sa ganitong paraan lang. Hell! She is the most powerful Queen among the three more divisions! What Am I expecting?! But she's still a b*tch and I don't like her! She deserves to die! And I want her die in my own hands.

Why? Because I just hate her heroic character. I hate how fool she is for sacrificing even her own stupid life just for the others. Ano bang mapapala nya sa katangahan niya? Wala diba? Nonsense ! Katangahan!

And she must be thankful for me later because I am going to end her stupidity.

Napangiti naman ako ng tagumpay ng makita kong mapaluhod ito. Pansin ko rin namang may hiwa na ito sa braso niya.

"Got yah bitch." Bulong ko sa sarili ko ng makita ko nang sa wakas ay magalusan ko na siya.

"A-Anong g-ginawa mo?" Nanghihinang nitong tanong saakin. At sinagot ko lang naman ito ng aking bitchy laugh.

"Ganoon ba katanga ang tingin mo sakin para hindi paghandaan ang laban ko sa pinakamalakas 'daw' na pinuno ng mga dibisyon?" Sarkastiko kong tanong dito. Nakita ko naman ang pagkakunot ng noo nito ngunit nakakaasar parin ito dahil sa smug expression niya. Agh...

But actually, I am disappointed.

I didn't expect that the famous heartless Queen Mizuki are now risking her life for the sake of others. For what? For those who don't even know her? The fudge! Ganito ba ang reynang tinitingala ng lahat? Isang Reyna ng katangahan? Kung ganito rin lang mas dapat pa pala akong maging Reyna kesa sa kanya. Psh..

You're just a killing machine.. Not a Queen.

"Nilagyan ko lang naman ang mga patalim ko ng mga likidong sinisigurado kong ikapaparalisa ng katawan mo kahit madaplisan ka lang nito. " Sa pagkakataong ito ay nakalapit na ako sa kanya at hinawakan na ang mga panga nito ng mahigpit.

"Wala ka na bang maramdaman? " Ngiti ko dito pero nakakainis dahil wala akong makitang kahit na anong takot sa mga mata nito.

Mas nanginig ako sa galit kaya mas hinigpitan ko ang hawak ko sa panga niya.

I hate her! I hate her for having everything! Dayle! She owns Dayle! She have this so called group 'rulers' and now she also had the stupid student inside this campus. Bakit? Anong espesyal sa taong ito? Wala naman diba? Wala!

Pinagmasdan ko pa ang kabuuan ng babaeng ito. Punong-puno ng dugo ang kanyang damit at ANG LANSA NITO! Badtrip. Kasing lansa ng katangahan niya!

Pero sa kabila niyon ay hindi ko maitatangging magaling siya makipaglaban at ikinabahala ko ito.

Ngunit kahit na gaano pa siya kalakas, kahit na gaano pa siya karaming taktika at kahit gaano pa ito karaming armas. Hindi parin nito maitatago saakin ang kanyang katangahan. No one can escape my trap. At nasa trap na iyon na ang babaeng ito ngayon.

Pero napakurap ako ng mabilis ng tila isang kisap matang nakita kong ngumiti ito..

"I didn't expect that you are able to made this scheme. May utak ka rin pala?" Nakangisi nitong sabi saakin na kadahilanan ng pagbitaw ko sa panga nito.

Sh*t....

Akma ko nang lalayuan ito ngunit nahuli na ako. Masyadong mabilis ang pangyayari at kasabay ng mabilis na kabog ng dibdib ko ang kabilisan nitong mabago ang sitwasyon.

D*mn it!

Napangiwi nalang ako ng maramdaman ko ang malamig na bakal sa leeg ko.

"Thanks for informing me. " Nangingisi pa nitong sabi saakin.

Nakakainis! Nakakainis!!!

Sinubukan kong kumilos ngunit pinigil ko kaagad ang sarili ko dahil mas bumaon lang ang patalim na hawak niya saakin! And sh*t, hawak niya ngayon ang patalim na may pamparalisa.

Gusto ko mang kumawala pero alam kong kapag gumalaw ako ay hindi ito mangingiming isaksak saakin ang hawak niya.

MYRTTLE JOONG

Walang pagsisisi kong itinutok sa babaeng nasa harapan ko ang talim ng kutsilyong sinasabi nitong may kemikal na makakapagparalisa sa katawan.

Sinasabi ko na nga ba't may mali sa mga nangyayari. Mabuti nalang at napansin ko kaagad ang kakaibang amoy at ang kakaibang kislap ng patalim nito.

"Inisip mo ba talagang kaya mo akong talunin? " Tanong ko dito.

Ako ang dahilan ng sugat ko sa braso at hindi talaga ang punyal nito ang nakapagsugat sakin.

"Oh, do I have to make my apology?" Sarkastiko nitong sagot sakin na ikinakagat ko sa labi ko.

"Hindi. " Agad kong sagot dito at mas inilapit pa ang sarili ko sa kanya.

Kitang-kita ko sa mga mata nito ang takot ngunit hindi ko lang ito binigyang pansin.

"Bibigyan kita ng deal my Dear.. You have to tell me where they are or you're going to die like this? " Baon ko pa sa leeg nito ng patalim.

"Argh! Just get that knife away from me! " Irita nitong angal pero hindi ko ito sinunod at tinitigan lang ito ng seryoso.

Ilang segundo pa kaming nagtitigan ng masama hanggang matalo ito at mapairap.

"They are now away Stupid! " Angal pa nito na mas kinainit ng ulo ko.

"Tell me you are lying! " Pinalupot ko ang kamay ko sa leeg nito at itinutok parin sa leeg nito ang patalim. It is now bleeding but the hell I care!

"Why would I need to lie? " Inis nitong sagot saakin.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko at tuluyan ko nang ibinaon sa braso nito ang patalim. Hindi ko sa leeg nito itinarak ang patalim dahil gusto ko ring maramdaman niya ang patibong na siya mismo ang gumawa.

"Hindi ko alam kung ano pang dahilan niyo kung bakit niyo ginawa sa eskwelahang ito ang lahat. Pero sinisigurado kong hindi lang ikaw ang susunugin ko sa impyerno." Bitaw ko dito. "Lahat kayo ay sa kamay ko misko mawawalan ng buhay. " Pahabol ko pa dito at kitang kita ko ang pagpatak ng kanyang dugo sa sahig. Ngunit napakunot ang aking noo dahil imbis na ang daing nito ang marinig ko ay ang halakhak nito ang sinagot niya saakin..

"Siguro nga ay natalo mo ako ngayon. Pero hindi ibig sabihin nito ay matatapos na ang lahat. " Natatawa nitong pahabol kaya naman inis ko itong binalikan at mahigpit na hinawakan ang kanyang buhok.

"Anong ibig mong sabihin! " Sigaw ko pa dito pero halakhak lang ito ng halakhak!

D*mn! What the hell is she talking about!

Isn't it over?!

Tapos na ang lahat hindi ba?!

Umalis na sila at natalo ko na siya! Pero bakit parin nito nagagaaang maging masaya!

"My father targeted your weakness your highness. At alam kong ngayon ay wala nang natira sa mga estudyanteng nasa likod ng mga pader na iyon. "

Napatulala naman ako sa narinig ko.

So it's true?!

Napasok nila ang restricted area!

Walang pasabe kong binitawan ang babaeng ito at tinakbo ang pinakamalapit na bintana.

"Hindi.. "

Hindi pwede.. Anong gagawin ko!

Kita ko ang sunod sunod na pagilaw ng mataas na pader sa harapan ko. Mga pagsabog mula sa loob nito na sadyang ikinalalambot ng tuhod ko.

Ngunit agad akong napatingin pabalik kay Rain Montague ng maalala ko ang isang bagay.

"Ang Grace of Bulwark! Nasaan! " Sigaw ko dito, hinawakan ko na rin ang aking Katana.

"I knew you will ask me about that matter. " Natatawa nitong banggit saakin ngunit sinagot ko lang ito ng pagtutok ng Katana ko sa leeg niya.

At sa pagkakataong ito ay hindi na ako mangingiming ibaon ang talim nito sa leeg mo Halimaw.

"Where is it! " I shouted. But I was shocked when she pointed her finger on me...

Wh-what?

"Your necklace are the Grace of Bulwark. " Ngisi nito saakin na ikinagulat ko.

Napahawak naman agad ako dito at nanginginig lang itong kinapa.

T-this necklace are the Bulwark?...

All....... All this time..

All this time ay napasailalim lang pala ako sa isang plano?..

But Dayle gave it to me..

Dayle knew.......

Gusto niya na ba akong mamatay?...

"Bohoo... Why are you crying? Isn't it sweet? Your friend just gave you your death. " Natatawa pa nitong habol kaya naman agad kong hinawi ang aking Katana sa kanya ng walang pasabi. Nakailag ito ngunit ilang mga hibla ng buhok nito ay naputol ko.

"Shut up. " Pigil ko sa kanyang pagsasalita..

Bakit Dayle... Bakit kailangang humantong ang lahat sa ganito.

Bakit mo kailangang gawin sakin to..

Bakit...

"But guest what kung nasaan ang ka partner ng kwintas na 'yan. Do you have any idea? " Ngisi nitong tanong saakin na nakapagbalik saakin sa realidad. Ngunit tila ba ayoko ng marinig pa ang sagot sa kanyang tanong...

"Nakay Dayle... "

Sambit nito na nakapagpatigil sa aking paghinga..

Dayle Trinidad...

Nasa kanya din ang isa pang Grace of Bulwark.

Dayle possesses the thing that can stop this chaos...

But in order to stop this... Ay kinakailangan mo siyang patayin.

To kill Dayle is to save everyone..

Killing my very best friend are the only way to save them...

But why....

Why do I need to choose.. Why... Why do I need to kill her just to save them...

No... I know I-I can't do this.

Hindi ko kaya...

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari at nakita ko nalang ang sarili kong bumababa sa Clock tower. Tuluyan nang nawalan ng malay si Rain Montague at ako ngayo'y naglalakad lang patungo sa kawalan.

Hindi ako makapagisip ng maayos. Hindi ko alam ang dapat kong gawin.

I have now all the reason to kill her. Pero ang isipin palang ito ay nakakanginig na ng laman.

Kaya ko ba?...

Gagawin ko ba?

Ang hirap...

At ngayon palang ay nasasaktan na ako.

Si Dayle... Naisip narin kaya ang magdalawang isip noong binigay niya ito saakin?

Nagdalawang isip din ba siya na mapapahamak ako kapag nasa akin na ang kwintas na to?

Naisip niya ba? Nasaktan din ba siya?Nahirapan din ba siya?.. Inalala niya rin ba ako?...

Pero.... Psh... Sino bang niloloko ko..

After seeing her earlier... I knew she didn't...

Pero heto ako umaasang kahit na kakaunti ay mabalik ang dating siya..

Stupid...

Stupid....

Stupid!!!!!

"Ah!!!! " Sigaw ko at gigil na hinawi ang aking katana sa base na naka display sa gilid ng hagdan..

Nawasak ito at kasabay ng paghulog ng mga bubog nito ay ang pagbagsak ng mga luha ko maging ang pagbasag ng puso ko..

Bakit Dayle!!!

Bakit mo ako sinasaktan ng ganito....

Bakit sobrang sakit na dito....

Ang sakit....

Nanlalambot akong napaupo nalang sa baitang ng hagdan.

Para akong nabibingi sa mga sunod sunod na bombang sumadabog galing sa labas.

Tama din ba ang sinabi ni Rain? Wala na ba talaga ang lahat?... Si Shenny.... Si Xander..

Wala na ba talaga sila?

Hindi ko na ba talaga sila maliligtas lahat?

Hindi na?

"Myrttle? "

Napabalikwas ako at napabalik sa realidad nang makarinig ako ng boses sa communication device.

I keep myself silent ng tumunog muli ito.

"Myrttle?! Ano ba naririnig mo ba ako?! "

At napakurap nalang ako kasabay ng sabay sabay na pagtulo ng mga luha ko ng mapagtanto ko kung kaninong boses ito.

"B-Blaise. " I almost whispered in the air.

"Yeah it is me silly. "

Sagot nito sa kabilang linya. At hindi ko na namamalayan ang mga pagpatak ng mga luha ay naging sunod sunod na..

"B-Blaise... A-ano na? A-ayus ka na ba?.. Ma-magaling ka na ba? Kamusta na ang nararamdaman mo?" Agad kong tanong dito.

Lambot na lambot na ako at tila ba ang lahat ng pagod at sugat na aking natamo ay ngayon ko lang naramdaman ng sabay sabay..

"Shh... Calm yourself down my Queen. Ayus na ako at wala ka ng dapat alalahanin.."

He said with his weak voice.. and it pains me.

"Sigurado ka ba? " Agad ko pang tanong dito.

"Oo, okay na ako, ako pa."

Mayabang nitong ani pero hindi parin nito matago ang panghihina nya sa kanyang boses.

Liar.

But somehow, hearing his voice comforts me..

"How about you, ayus ka lang ba? "

Tanong nito saakin at hindi ko alam kung bakit tila mas bumigat pang lalo ang pasan pasan ko..

"I'm not okay." Tapat ko dito at napasalo nalang ng ulo ko.

"Ano?! Anong nangyari sayo?! Nasaan ka ngayon. "

Napangiti nalang ako ng mapait sa pinagsasasabi nito.

"No, I'm physically okay Blaise." Pagpapakalma ko dito. Pinunasan ko ang aking mga mata dahil nakakahilam ang mga nilalabas nitong mga likido..

"But you said you're not? What happen?"

Kalmado nitong tanong saakin.

"Si Dayle Blaise.. " I broke my voice and start crying again. "Do you still remember the necklace she have given to me? It was the Grace of Bulwark. " Pigil kong hikbi.

Rinig ko ang pagsinghap niya ngunit pinagpatuloy ko lang ang aking sinabi.

"And Dayle also own one of this... She also has the Grace of bulwark.. And all I need to do right now is to face her... Stop her... And kill h-er.. "

I can't escape this right?... Wala na akong kawala...

Dahil alam ko na ngayong kung hindi ako ang mauuna ay ako pa mismo ang papatayin nito..

And I won't allow her to do such thing..

"No you don't... " Napakunot ako ng noo sa sinasabi ng isdang t'o. Napatayo nalang din ako at nagsimula ng bumaba pa. Kailangan kong hanapin si Dayle bago ang lahat.

"Basta't bumaba ka nalang dyan sa Clock tower." Nagtakha ako sa sinabi nito pero hindi ko lang ito pinansin. Narinig kong naputol na ang linya kaya naman nagpatuloy pa ako sa pagtakbo..

Ngunit unang hakbang ko palang papalabas ng Clock tower ay ikinagulat ko ang sumalubong saakin.

Blaise wave his bloody hands to me nang nagtama ang aming paningin.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Para bang gusto nanamang lumabas ng mga luha sa aking mata dahil sa nakikita ko.

"Ate Myrttle! " Napalingon agad ako sa gawi kung saan may tumawag saakin. It was Kyrene.. at tuluyan na akong mapaluha ng makita ko na ang lahat..

T-they are all safe..

The Rulers...

The Special Student...

And even the Ordinary one..

T-They are safe...

I don't know what to say right know. Pero ang lahat ay tila panaginip nalang.

Totoo ba 'to?...

Ligtas ba talaga silang lahat?

May liwanag na ang kalangitan at kitang-kita ko ang ngiti ng bawat isa.

Hindi man gaya ng mga presentableng mga persona kapag ordinaryong araw ay kitang-kita ko sa mga ngiti nito ang tagumpay.

Ang mga sugatan ay salo salo ng mga maayus ang pangangatawan. Nakakatawang makita na sobrang dungis ng mga ito sa kabila ng kanilang mga pormal na bihis dahil galing kami sa isang pormal na selebrasyon. Nagkulay pula narin ang mga ito dahil sa mga talsik ng dugo. I can't imagine kung paano sila naging ganito. I can't imagine how this guys become united as one..

I think I just miss the half of my life with them..

Napalingon muli ako sa mga Rulers at napangiti ng makita din ang kanilang matatamis na ngiti saakin. Hindi ko alam pero dahil sa sayang nararamdaman ko ay naluha ako dito..

They are all smiling at me like there's no tommorow.

Landon gaves me a thumps up at kumaway naman saakin si Linzy at Ethan wearing their radiating smiles.

It's over...

And I don't even need to kill her.. They are now safe at walang nawala sa kanila.. That b*tch should die.. She lied to me!

Hahakbang na sana ako papalapit sa kanila ng mapahinto ako ng makita ko ang pagkawala ng mga ngiti nila sa labi.

Bagay na lubos kong ikinakaba.

I was about to continue my walk towards them, when a cold metal touches my neck...

"Don't move. " I froze when I recognized his voice..

"Hunt..." Bulong ko sa hangin ngunit hindi ito sumagot.

H-Hunt is now holding me at nakatutok sa leeg ko ang patalim na hawak nito..

"Hunt! " Isang sigaw ang ikinagulat ko ng makita kong si Blaise ito. He is still weak ngunit umalis siya sa pagkakaalalay sa kanya ni Landon upang awatin si Hunt..

Samantalang ako ay hindi makagalaw dahil sa mahigpit na hawak saakin ni Hunt maging ang pagkakatutok nito ng kanyang patalim sa leeg ko.

Pero kahit na ganito ay hindi ako nakakaramdam ng kahit na anong takot. Tiwala ako kay Hunt at hindi ako nito malilinlang.

"Hunt tigilan mo na 'to. " Kalmado at mahina kong sabi dito na sapat na para marinig niya. "Alam kong may dahilan ka pero huwag mong hayaang kamuhian ka nila ng husto. " Pahabol ko dito ngunit wala parin itong imik. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay nito kaya naman nasasaktan lang ako sa ginagawa niya..

I know that he is still our Hunt.. I believe in him. At napatunayan ko iyon mula palang sa Conopus mansion. He pushes Kiera and Blaise para magalit ang mga ito sa kanila. Ginawa niya ito dahil sa rasong may mga paparating nang kalaban. Alam ko iyon dahil may device si Paris nang araw na iyon na nakakapag trigger sa mga darating..

Hindi ko man alam ang kanyang tunay na rason ngunit hindi ko na hahayaan pang humantong pa ang lahat sa malalang sitwasyon.

"Hunt please.. Take that knife away from her.. Please.. " Pagmamakaawa ni Blaise dito na ikinatulala ko. Nakaluhod na ito ngayon sa lupa at hindi nito iniinda ang kanyang mga sugat..

What the hell is this man doing?!

"Blaise Stop! " Sigaw ko dito ngunit hindi ito tumigil sa kanyang ginagawa. Nakita ko ang pagpigil din ng mga rulers sa ginagawa niya ngunit hindi ito nagpaawat.

"Hunt nagmamakaawa ako. Huwag siya. " Sigaw pa nito.. Halos madurog naman ang puso ko ng makita ko ang mga butil ng luha nito.

Nakakainis ka talagang isda ka kahit kelan!

"Hindi kita sasaktan. " Nagitla naman ako sa binulong saakin ni Hunt..

Ngunit ako lang ang nakakarinig nito.

"I just want to get this Necklace away from you. " Dugtong pa nito. "Your necklace has a bomb and before that thing happen, we need to deactivate this." At tuluyan na nitong pinutol ang kwintas sa leeg ko.

Bomb?

Deactivate?

We?

"With whom? " Pigil ko sa mga kamay nito bago ako nito bitawan.

"With Dayle.. " Simple nitong sagot ngunit nag echo ang sagot niyang ito sa aking isipan....

Dayle..

Dayle Trinidad.

"Plano naming lahat ito ni Dayle mula una palang. Hindi ako umalis sa tabi niya dahil alam kong kailangan ako nito. Kailangan niyo ako. Kaya kahit gaano pa nila ako kamuhian ay tatanggapin ko maligtas ko lang kayo.. Lalo na siya... Si Kiera. " Paliwanag nito ngunit wala akong magawang ireact dahil hindi ko ito masink in sa utak ko.

"I just need to finish all the mess that my father started at babalik na ako. Pero pwede bang humingi ng pabor sayo? " Tanong nito. May kaluwagan na ang hawak nito saakin ngunit hawak parin nito ang punyal at nakatapat parin ito sa leeg ko.

"Don't tell anyone kung anong mga sinabi ko sayo ngayon. Babalik ako at ako mismo ang magpapaliwanag sa lahat. Lalo na sa kanya... But, " Tigil niya na ikinakaba ko...

"But if we didn't make it. Can you please atleast say to her that I really love her?" Hinarap ako nito sa isang dereksyon. Kay Kiera.. " That one, who's staring at us with her smug expression. " Dugtong pa nito.

Tila nanan nanigas ako sa kinatatayuan ko at tuluyan na itong umalis sa tabi ko.

Napatulala lang kami ni Kiera sa isa't-isa ngunit siya'y nagsimula ng umiyak.

B-Bakit niya iyon sinabi sakin?

Bakit hindi siya siguradong magagawa niyang makabalik?!...

B-Bakit....

"Myrttle!" Isang yakap ang kumanlong saakin at nakapagbalik saakin sa realidad. It was Blaise.. Hugging me so tight at ramdam ko ang pagpatak ng luha nito sa aking likuran.

"Anong ginawa niya sayo? Sinaktan ka ba nya? Nasugatan ka ba? Wengya 'yung Hunt na yun! Namumuro na talaga siya sakin! " Panggagalaiti nitong angal pero wala lang akong sinagot.

Sa wakas ay binitawan na ako nito at nakita ko nalang na nakapalibot na saakin ang mga Rulers.

Nakarinig ako ng tunog ng helicopter at napalingon agad kaming lahat dito. Lulan ito si Hunt at... Dayle ? Nagulat ako ng makita ko si Dayle dito...

S-She is smiling at me.

She's genuinely smiling at me...

Dayle, Dayle is still Dayle... I'm sorry for doubting you... Patawarin mo ako...

Ngunit nagitla ako ng isang mahigpit na kamay ang humawak saaking braso....

"Anong sinabi niya sayo?" Hawak ni Kiera sa aking braso. May kahigpitan ito ngunit hindi ako nasasaktan.

I keep my mouth shut until I saw her tears again.

"Bakit niya ginawa sayo 'yun Myrttle?! Bakit hindi niya magawang bumalik satin?! Bakit hanggang huli ay sila parin ang pinili nya?! " Sigaw nito saakin ngunit para itong mga patalim na sunod-sunod na bumaon sa puso ko.

"Ano?! Alam kong may sinabi siya sayo! Magsalita ka! Anong dahilan kung bakit niya ginagawa ito? " Pinigilan ni Ash ang kanyang kapatid pero sinalag lang ito ni Kiera. Nasasaktan na ako sa hawak nito pero nanatili akong hindi nagsasalita...

"Mahal ka niya Kiera. Mahal na mahal ka niya. " Tanging sagot na sinabi ko sa lahat ng katanungan ni Kiera. At wala nalang itong magawa kung hindi ang mapaluhod sa harapan ko habang hawak hawak ang aking kamay...

He really loves you Kiera... He really do. Agad kong pinunasan ang mga luhang naguunahang pumatak saaking mga mata...

I'm sorry Kiera. Pero siya lang ang may karapatang magsabi saatin ng lahat..

Siya lang...

But another unexpected thing happen...

Isang malakas ba pagsabog ang saamin ay nakapagpagulat... At wala nalang akong nagawa kung hindi ang mapabuwal sa lupa ng makita ko kung ano ang sumabog na ito..

Ang helicopter....

Ang Helicopter na sinasakyan ni Hunt at Dayle...

"H-Hindi.... "

A/N:
*Abot tissue*

Seguir leyendo

También te gustarán

82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
691K 48.2K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
33.9K 773 103
[NCT EPISTOLARY SERIES#7] "Tandaan mo ito Yang! One day, matatalo din kita!" "Kung kaya mo, Ms. Seo." "Be ready!" Zavia Seo. Ang ka isa-isang rival s...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...