HARRISON UNIVERSITY: The Scho...

By GHIEbeloved

13.9M 389K 66.2K

Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her... More

PROLOGUE
HUTSOM BOOK IS NOW AVAILABLE!
Chapter 1 : [Harrison University]
Chapter 2 : [ The Fountain]
Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]
Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]
Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]
Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]
Chapter 7: [ Mission Impossible]
Chapter 8: [ Forced decision]
Chapter 9: [ Unexpected Guest]
Chapter 10: [Identity]
Chapter 11: [ Revelation ]
Chapter 12: [ Officially Part of Harrison Rulers ]
Chapter 13: [ Confrontation ]
Chapter 14: [ Final Decision ]
Chapter 15: [ Choices ]
Chapter 16: [ New classmate? Hell!]
Chapter 17: [ Lady in the shadow ]
Chapter 18: [ Worried ]
CHAPTER 19: [ She's familiar]
Chapter 20: [ Alaine De Castro]
Chapter 21: [Second Crime ]
Chapter 22:[My Queen]
Chapter 23: [ Crimson Palace ]
Chapter 24: [ Myrko ]
Chapter 25: [ The Palace Queens]
Chapter 26: [ The Announcement ]
Chapter 27 [ Protect ]
Chapter 28: [ Her tears]
Chapter 29: [ Miesha ]
Chapter 30: [ Special students ]
Chapter 31 [ The Queens Rule]
Chapter 32 [ Arrow ]
Authors Note (PleaseREAD)
Chapter 33: [ Goodluck]
Chapter 34 [Behind the mask]
Chapter 35 [Her Side]
Chapter 36 [I'm Sorry]
Chapter 37 [ Unknown Feelings]
Chapter 38 [Twins]
Chapter 39 [Her other side I]
Chapter 40 [Her other side II ]
Chapter 41: [The mean Girls]
Chapter 42: [Slave]
Chapter 43: [Phoenix]
Chapter 44: [The Plan]
Authors 2nd Note ( Please read)
Chapter 45 [Guilty]
Chapter 46[She's Here]
Chapter 47: [Dayle Trinidad]
Chapter 48 : [Confuse]
Chapter 49: [Please, stay]
Chapter 50: [Worst than nightmare]
Chapter 51: [Death threat]
Chapter 52: [Unmask]
Chapter 53: [Trapped]
Chapter 54: [Im trapped again]
Chapter 54: [Paint]
Chapter 55: [Cloud Montague]
Chapter 56 [The Other Side]
Chapter 57(part I): [Bestfriend]
Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]
Chapter 58 [Comeback]
Chapter 59: [Unveiled]
Chapter 60 [The Game of Doom]
Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]
Chapter 62: [Special Students]
Chapter 63: [The Fall]
Chapter 64: [Wicked]
Chapter 66: [The Zone]
Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]
Chapter 68 : [ Wish Granted]
Chapter 69: [Me]
Chapter 70: [Glance]
EPILOGUE
Author's Note
HUTSOM SOON TO BE PUBLISHED UNDER PSICOM!

Chapter 65: [The Gift]

139K 3.6K 1.1K
By GHIEbeloved

DAVIAN YATSUMI

Hininhit ko ang huling buhay ng aking sigarilyo bago pumasok muli sa Head Quarters. Itinago ko naman din ulit sa bulsa ko ang aking baril na ngayon ko lang ulit inilabas. Pero anong gagawin ko? Sino ang tatawagan ko para makahingi ng tulong? Si Big Boss ba o si Gunther?

Agh, wengya sinasabi ko na nga ba at may kakaiba sa eskwelahang ito. Kung bakit ko pa kasi napagdesisyunang matapos muna ang Foundation day na ito bago ako mag report sa Big boss namin eh! Ngayon, makakalabas pa ba ako ng buhay dito? Kaming lahat, makakalabas pa ba kami sa lugar na ito?

Isa akong private investigator na ipinadala sa eskwelahang ito upang bantayan ang mga kahinahinalang bagay na nagaganap sa loob nito. Hindi lang lugar dahil nandito rin ako para bantayan ang kilos ng iisang tao..at iyon ay si Mr. Harrison.

Ang organisasyong kinabibilangan ko ay ang gobyerno. Hindi, mas sekreto pa sa kung anong meron ang gobyerno ang organisasyong kinabibilangan ko. Ito ay ang organisasyong nag mamatyag ng palihim sa mga institusyong hindi na saklaw ng pamahalaan. At kabilang dito ang Harrison University. Mahigpit makapasok sa paaralang ito sa hindi malamang dahilan. Kaya naman nagsimulang magkaroon ng interes ang organisasyon ko rito. Kami ni Gunther ang nakaatas sanang magmatyag at pumasok sa lugar na ito ngunit hindi siya nakapasa sa standard ng paaralan. Well hindi na ako nagtatakha, pangalawa lang siya lagi sakin sa lahat ng bagay. Si Gunther Momither, ang isa sa mga nangungunang tauhan ng aming organisasyon. Kaibigan ko rin ito at katuwang sa lahat ng aming misyon pero dahil hindi nakapasa sa paaralang ito ang engot na 'yun. Ako nalang ang natira dito habang siya ay inaatasan sa ibat ibang lugar para magimbistiga ng ibang mga bagay.

Noong una ay inaakala kong madali lang ang misyon na gagawin ko ngunit hindi pala ito madali. Bukod sa trabaho kong bantayan si Mr. Harrison ay hindi ko rin maiwasang makapansin ng mga ibat ibang mga bagay na nakakapagtakha dito sa loob ng Harrison University. At ngayon lang ako nalinawan sa lahat. Kaya naman pala iba ang pakiramdam ko sa lugar na ito ay nagtatago pala talaga ito ng isang napakalaking sekreto. At maging akong pinakamagaling sa aming organisasyon ay hindi ito nalaman. Kinakailangan ko pang maging SSC President para lang maging inform sa lahat. Hanggang sa isang misyon pa ang ipadala sakin, at ito ay ang pagmamatyag kay Myrttle Joong. Sa kanya ko nadiskubre ang lahat. Dahil mula ng bantayan ko siya ay nagkaroon ako ng clue kung ano ba talagang maaring mayroon sa lugar na ito. Pero nanatili lang akong tahimik dahil gusto ko munang malaman lahat lahat bago gumawa ng aking kilos.

"Yoboseo." Napataas nalang ako ng kilay ng marinig ko si Gunther sa kabilang linya. Oo, si Gunther ang napili kong tawagan dahil alam kong sa Big boss talaga namin ito manghihingi ng tulong.

So nasa Korea pala ang mokong.

" Huwag mo kong Alien'in Mokong ka. Kailangan ko ng tulong mo." Agaran kong sambit dito.

"Oy pareng abo! Kamusta na dyan sa School na yan Haha Tuluyan ka na bang naging nerd? " Pangaasar nito sakin pero hindi ko pinansin.

Tsk, pero hindi ko matiis!

"'Eh, ikaw kamusta ka na diyan tuluyan ka na bang naging talunan?" Bwelta ko dito at narinig ko ang pagsinghal nito.

"Loko ka pre, may bagong misyon ako. Hihi hahanapin ko yung babaeng may pambihirang lakas na nakaingkwentro ko nung nakaraan! Wengya pre! Sinabihan ko siya na maganda siya! Pilipino din pala!! " Natawa naman ako sa sinabi ng thermometer na to.

"Maya ka na magkwento . Tsk masyado ka talagang madaldal." Pigil ko dito. "Tawagan mo si Boss sabihin mo....."

Nanlaki ang mata ko at agad na tinignan ang phone ko at inis kong nakitang may 'x' ng signal nito!

Seriously?! Agh!!

Badtrip bakit ba hindi ko to naisip! Wengya paano na ako makakacontact sa labas ngayon! Ugh!!

Asar na asar akong pumasok sa Head Quarters at nagtungo sa kinaroroonan ng lahat. Napadaan din sakin ang mga duguang estudyante ng paaralan pero hindi ko lang sila pinansin. Nagtakha ako ng katahimikan ang sumalubong sakin. How come, they should be crying right now.

Sumilip ako sa pintuan at nakita kong sinipa ni Alex ang upuan sa harapan niya.

"My right hand are now showing his true color. " Ngiti ko..

Tahimik lang akong nakinig sa mga pinagsasasabi niya. At pumalakpak matapos nito. Natulala ito saakin at expected ko na iyon. Sa lahat ng proposal niya ay ito lang ang sinangayunan ko. Bakit nga naman ako matatakot mamatay sa loob nang University na 'to kung kaya ko namang lumaban kasama ng mga halimaw na nasa paligid ko. Yes they indeed a monster at alam kong mas higit pa sa pambubully ang kaya nilang gawin.

Marahan akong lumakad sa tabi ni Alexander Mitsuo. At ramdam ko ang pagsunod ng tingin nilang lahat.

"Alexander pakitawag si Madam Taylor. 'Yung babaeng nagpaputok sa kamay niya. Nandoon sa Clinic. We need her support." Nginitian ko ito at tumango naman agad si Alex sakin pero bago iyon ay binigay muna sakin nito ang File na sinasabi niya.

Nakatulala lang ang mga ito saakin kaya napataas ako ng kilay.

"Now what? Tutulala lang kayo?" Seryoso kong tanong sa mga ito.

"Ano ba ang gusto niyo? Ang mamatay sa loob nito o mamatay ng lumalaban para sa kaligtasan niyo?" Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Humakbang na ako papalapit sa mga ito at kinuha ang baril ko. Rinig ko ang singhap ng mga ito pero hindi ko sila pinansin.

"Kasi sinisigurado kong hindi ako papayag na mamatay ng walang laban sa kanila. I am not weak. I'm definitely not." Iling iling ko sa mga ito. "All people always have their dark sides. But only few can understand how good things can be done by making that monster out.. Anyways, you still have your choice, to be killed by the bad guys. Or to kill those bad guys." Ngiti ko sa mga ito at napatahimik lang naman sila.

"Everybody! Move to your respective groups now! " Sigaw ko na umatungaw sa buong lugar. Nagmamadali namang nagsama sama ang lahat ng magkakadepartment. Magkakakurso at ang magkaka-blockmate.

"Very Good. But now, we just need to wait for the support from an expert." Mangilang minuto kaming naghintay ng madala ni Alexander si Mrs. Taylor sa lugar na ito. Panandalian namin itong kinausap para sa nga gamit na kakailanganin at hindi ako nagkamaling mayroon nga sila nito.

"Napakalaking tulong nito para sa Rulers. Ni hindi ko naisip na magagawa niyong tumulong sa mga Rulers at mga taong inaakala niyong mapanganib." Sabi ni Mrs. Taylor habang tumutulong maglabas ng mga gamit sa stock room ng head quarters. May mangilan ding baril na natira sa loob.

"Nagkakamali po kayo Mrs. Taylor. Hindi dahil sa kanila kaya kumikilos ang lahat ng tao ngayon dito. They are still a selfish monsters. They only want to save their lives kaya sila lalaban ngayon." Mapait kong kontra dito. Nilibot ko rin naman ang tingin ko at busy ang lahat sa kanikanilang mga plano. Sinabi ko ring ito na ang pagkakataon upang magplano sila sa kanilang gagawin.

"Ganun ba? Ang buong akala ko kasi ay may sapat ng dahilan ang mga batang iyon para ipaglaban kayo. "

Nabingi ako sa huli niyang mga sinabi pero hindi na ako nakapagtanong pa dahil tuluyan nang umalis si Mrs. Taylor para makipagusap sa ibang mga estudyante. Tinutulungan nito ang mga estudyante sa gagawin nila at tinuturuan ding humawak ng baril ang iba.

Nakakapagtakha lang, bakit sa kabila ng lahat lahat ng binabalik namin sa kanila ay hindi parin nila kami sinusukuan.

Hindi ko din naman maitatanging para talaga sa buhay ko kaya ako lalaban ngayon. Katulad nila gusto ko ring makalabas sa lugar na ito ng buhay at humihinga. Pero ang malamang may mga taong lumalaban sa labas para naprotektahan kami? Hindi ko alam. Hindi ko na alam kung ano pang sence ng ginagawa nila gayong ang mga prinoprotektahan naman nila ay walang pakialam noong una palang. Me, I honestly don't care if someone died in the battle, ang may mamatay sa kanila. Dahil hindi naman talaga sila ang misyon ko dito. Pero ang makita ang kanilang paghihirap?

Tama pa ba kayang lumaban ako para sa sarili ko lang? Tama bang lumaban kami para lang makaligtas kami? O ang lumaban kasama ang lahat, ng sama sama at tulong tulong?

Sa matagal ko ng pag i-stay sa lugar na ito. Yes, matagal na akong nasa Harrison University. I've been taking different kind of courses just to continue my investigation at sa tagal ng panahon kong pananatili ko. Updated ako sa kung anong meron sa mga estudyanteng meron ang paaralang ito. Ito ang paaralang talaga namang pinapahalagahan ang mga estudyante. Walang pakialam kung gaano karami ang bagsak mo. Walang pakialam ang school kung mahina ang utak mo. The more na makakayanan mo ang standards nila ay may kakayahan kang baguhin ang mga bagay na iyon makapagtapos ka lang ng isang degree. They have too much effort to support every students in this school. At kung wala lang akong misyon dito, kung normal lang akong estudyante gaya ng iba. Ang University na siguro na ito ang pinaka hindi ko makakalimutan.

Maganda ang pagtuturo, maganda ang facilities, at maganda rin ang mga offers para sa lahat ng klase ng estudyante.

And giving us a Rulers that can offer their lives just to protect us... I think it is too much.

Too much for me to be unselfish in this kind of situation.

Tama... Ang kailangan ko sigurong gawin ay kalimutan muna ang misyon ko at kumilos naman bilang ako sa kaunaunahang pagkakataon..

"Everyone please lend me your ears. Alexander, Mrs. Taylor and I prepared a plan for us.. " Nakuha ko naman agad ang atensyon nilang lahat.

"Ang lugar na ito ay nahahati sa limang malalaking espasyo. Kaya naman ang mga tatawagin ko ay maari ng lumapit sa ngayon para malaman niyo na ang inyong pwesto at mga gagawin."

* * * * *

Napangiti si Chairman Montague ng makita na niya sa kanilang Drone na papasugod na ang mga tauhan niya sa Head Quarters sa loob ng restricted area.

"Wala pang nakakatalo sakin... Walang wala. " Sabi nito sa sarili niya kasunod ang kanyang nakakakilabot na halakhak. Samantala ay tahimik lang ding nanonood sa live broadcast ng drone ng mga Montague ang pamilyang Sparks. Tahimik lang si Hunt at walang emosyong makikita sa pagtingin niya sa screen. Pero sa loob ng kanyang nakatagong kamay sa bulsa ng kanyang itim na jacket ay nakayukom ang mga kamay nito. Kamay na hawak hawak parin ang iniwan sa kanyang papel ni Dayle bago ang huling pagkikita nila.

Ngunit napatigil ang lahat at nawala ang atensyon sa screen ng mag-ring ang telepono ni Chairman Montague.

"Oh yes big boss."

Napatingin agad si Hunt kay Chairman Montague. At mas humigpit ang hawak ni Hunt sa papel na ibinigay ni Dayle sa kanya.

'Big boss, hindi siya nag-iisa'

Idiyang nabuo sa utak ni Hunt.

Napangiti si Chairman Montague sa kausap niya sa telepono at palarong tinignan si Hunt. Wala namang naging reaksyon ang binata kaya iniba na nito ang tingin niya.

"I'll make sure of that thing Big boss... Okay, goodluck.. Pfft----" ibinaba na ni Chairman Montague ang telepono at pailing iling pang tumawa ng mahina.

Ipinaling muli nito ang tingin sa screen at napatukod ang kamay sa kanyang baba habang nakangiti ng tuluyan ng makapasok ng tahimik ang kanyang mga tauhan sa restricted area ng Harrison University.

'Imposible, paanong nakapasok sila ng hindi napapansin ng nagbabantay sa gate?' Inis na buntong hininga ni Hunt.

"Look Ladies and Gentlemen! We are going to crush their foundations!" Halakhak nito nang makarinig ang lahat ng isang malakas na pagsabog mula sa labas. At nagulat nalang sila ng makakita ng isang malakapal na usok ang lumalabas sa loob ng headquarters.

"What the hell are happening! " tarantang sigaw ni Charman Montague na ikinagulat ng lahat. Ang makapal na usok na iyon ay nakapagbigay ng daan upang hindi na masaklaw ng Drone ang nangyayari sa Loob.

Pero isa pang bagay ang ikinagulat ng lahat nang biglang mawalan ng connection ang drone at isang nakakatakot na maskara ang nag appear sa screen nito..

'Hackers' Bulong ni Hunt sa sarili niya at pilit na itinago ang ngiting gustong kumawala sa labi nito.

Narinig naman ito ni Mr. Spark at nagtakha si Hunt ng magbingi bingihan lang ang kanyang ama.

Ang Hackers ay ang mga hindi kilalang grupo ng mga Hackers sa Harrison University. Mga taong walang pagkakakilanlan na matagal ng iniimbistahan ng Student council. Ito ay ang mga taong madaling nakakapasok sa system ng paaralan upang manira o hindi kaya ay makuha ang gusto nilang impormasyon tulad ng key answer sa mga test o hindi kaya ay ibahin ang mga grades ng mga estudyante. Pero hindi inaasahan ni Hunt na makita ang simbolo nila sa pagkakataong ito.. Simbolong isa lang ang pinaparating....

'Hindi ang mga tauhan ng demonyong ito ang may gawa ng malakas na pagsabog na iyon..... Kundi sila.'

Salitang nabuo sa isip ni Hunt na nakadagdag ng pagasa sa kanya.

* * *

"Good job. I can't believe na kayo lang pala ang hinahanap naming Hacker!" Nanlalambot na puri ni Alexander sa grupo ng mga Hackers. At sila ang mga taong kahit na minsan ay hindi pinaghinalaan ng mga nag iimbistiga sa Computer security system ng Harrison University. At ito ay sina Danica Ann Flores, Annabeth Mae Dahonan, Jaisen kurt Kag-areng, Richard Mark Labudahon, Caryl Suzanne Abuyen, Rajap Benavidez at si Melani Mayorca. Sila ay kilala sa Harrison University bilang mga mabababang uri ng tao. Karamihan sa kanila ay tinatawag na walang alam. Laging nakakakuha ng pasang awa na mga grado ngunit mga katakha takhang nakakapasa parin kahit na papaano.

"Bakit bawal nabang maging magaling sa bagay na 'to?" Mataray na wika ni Annabeth kay Alexander.

"Hindi naman kasi porkit bobo kami sa paningin niyo ay wala na kaming maibubuga." Mahina namang sabat ni Danica habang mabilis na kinakalikot ang mga codes sa Screen ng computer niya.

"We are given different talent and this are ours. Right?! " Masayang tanong ni Jaisen ngunit napanganga ang lahat ng mga ito ng mag shut-down ang lahat ng Computer na hawak nila.

"What happened ! " Inis na tanong ni Richard habang chinicheck ang nangyari kung nabunot lang ang saksakan nito pero hindi.

"Guys naman eh! Hindi pa natin na kukumpleto yung process! " Asar din namang bulyaw ni Cyril sa mga ka grupo niya .

"We know dear, we know... Chill lang mga bebe. " Kalmado at cool na cool na sagot ni Rajap.

"Oo nga masyado kang hot. Look me—" Pero napatigil si Melani ng makakita ng hindi pamilyar na karakter sa harap ng kanyang Computer.

"Sersiously?! " They shouted in unison when their screen turn into pink and a cute character appear on the screen. It is melody of Hello Kitties TV Show...

They are also hacked by someone... Someone who are most powerful than the Hackers of Harrison University..

* * *

"Tonta! Sinabi ko bang sindihan mo na?! Look! Hindi natin napaghandaan!" Sigaw ni Sasha ,ang babaeng nang bully kay Celine noon.

"But your plan are too lame! It is obviously a failure! " Nanlaki naman ang mata ni Sasha ng pagtaasan siya ng boses ng nerd na matagal na niyang binubully.. Si Cristine Jade Eñola isang Chemist.

"Can you both shut your mouth? Atleast once magkasundo naman kayo!" Buryong saway ng presidente ng Chemists Club ng Harrison University.. Si Tricia Gregorio. Napasinghap naman ang dalawa at nagirapan.

Ang mga Chemists Student ang may gawa ng pagsabog na naganap sa Head Quarters Ngunit ang pagsabog na ito ay hindi naka damage ng property ng Head Quarters dahil isa lang itong Smoke bomb. Bombang gawa lang sa mga ordinaryong bagay na nakita nila sa stock room ng mga Rulers. Ang mga chemist na ito ay kinabibilangan din ng mga estudyanteng sina, Maria Angela Opolinto, Clairevie Salpid, Eva Jeon-Oh, Karen Costosa, Lyka San Pascual, Chan Herrera, Erika Mae Abraham, at Rose Vhirnyl. Si Sasha ay hindi kabilang sa kanila ngunit siya lang ay may matalinong estratehiya at may masamang mga plano sa kanilang lahat. Hindi inasahan ni Davian na kay Sasha pa manggagaling na kaya niyang magplano dahil sa ityura at paguugali nito but she did.. She's indeed good in planning to defeat someone.

"Okay fine sorry. " Pag sosorry ni Christine dito at napabuntong hininga nalang si Sasha. Hindi na nito pinansin pa ang gulong nagawa nila at lumakad nalang si Sasha sa iba pang inutusan niyang gumawa ng mga bomba.

"Hows our fabric bomb? The Poison Bomb and the Acid Bomb?" Sasha sang at isang nakakatakot na ngiti ang nag appear sa labi nito.

*A FEW MINUTES BEFORE THE EXPLOSION*

"I-I .....I can't do this.." Yamot na pagsuko ni Analyn Prudente. Ang nagiisang babae sa Engineering department. Hindi nito malaman ang gagawin at sa kabila ng katapangan nito ay hindi niya maatim na gumawa ng bagay na ikasasakit ng iba. Pinagsama-sama ang mga taong magagaling sa paggawa ng bomba. Nasa pamumuno nito ni Davian at siya ang nagturo sa kanila gumawa ng mga improvise bomb.. Samantalang ang mga napili namang mga estudyante ni Davian ay ang mga estudyanteng alam niyang magaling sa mga bagay na iyon. Mga engineers, at mga taong may kakayahang gumawa ng higit pa sa kaya nila. Kinabibilangan ito ng mga taong may matataas na pwesto sa rankings ng Harrison University.. At ito ay sina Mary grace Aguilan, Jene Soo, Deviehblair Catmon, Jessa Amalian, Ethyl Grace Gigantana, Jovie Ann Antonio, Anjelle Cabataña, Autom Cast, Jessa Ulangkaya, Christine Roque, at Bernalyn Arco.

Narinig ni Davian ang pagsuko ni Analyn. Kaya nilapitan niya ito para palakasin ang loob.

"Yes you can!" Nagulat si Analyn sa sinabing iyon ni Davian.

"Kailangan mong kayanin Ms. Prudante. " Magalang nitong sabi.

"But I can't take this anymore! I have no nerves to kill people.. Hindi... Hindi ko kaya.." Mangiyak ngiyak nitong kontra kay Davian. Kilalang matapang si Analyn sa Department nila kaya naman hindi nila inaasahang bibigay ito sa ganitong sitwasyon.

Pero imbis na sangayunan ay tinignan lang siya ni Davian ng seryoso at nagbuntong hininga at nagsimula ng magsalubong ang mga kilay niya.

"Pero naisip mo din bang kapag hindi mo ginawa 'yan ay ikaw din ang papatayin nila?!" Davian are now losing his temper. Sinubukang awatin ito ng mga blockmate ni Analyn pero pinigilan sila ng iba.

"Tingin mo ba may konsensya ding ipapakita ang mga taong yun? Maawa din kaya sila kapag pinapili sila kung papatayin ka ba o patatakasin ka?! " Para bang natauhan si Analyn sa sinabi ni Davian. Pero galit parin nitong tinapunan ng tingin ang binata habang may mga luhang naguunahang pumatak sa mga mata nito.

"Hindi!! At kapag napatunayan mong magagawa nilang buhayin ka then stop doing anything right now!" Galit pang habol ni Davian.

Tumalikod na ito kay Analyn at naglakad na papalayo pero tumigil ito sa kanyang paglalakad ng hindi lumilingon.

"Tumigil ka na, kung sa tingin mo ay maliligtas ka ng takot mo." Then he finally continued walking away. At napatulala lang si Analyn sa sinabi ng binata. May ibang lumapit sa dalaga ngunit galit niya itong itinaboy. Habang umiiyak ay gumagawa na ito ng isang bomba. Bombang para sa mga taong papatay sa kanya.

* * *

" Jhay! Okay na ba ang pwestong to?! " Sigaw ni Kris light kay Jhay Ann Valmeo. Sila ay ang kalahati ng pangkat na kinabibilangan ng mga Engineers. Sila ang nakatokang gumawa ng mga patibong at kung ano anong bagay na maaring nakatulong para sa ikakasakit ng mga kalaban. Patibong na kung tutuusin ang simple lang para sa kanilang magaaral pero kapag itoy natikman ay sinisiguradong ang kalaban ay hindi na maabutang buhay. Ang ilan sa mga estudyanteng ito ay kinabibilangan nina DaisyRae Ancog Dumdum , Frestian Mae Pabelic, Mer Yoo at Yule Cheigh Lee. Ang mga estudyanteng naatasang magturo ng mga ganitong bagay dahil sila ang may alam at may pinaka alam ang gagawin sa ganitong usapan.

"Yes my dear, okay na 'yan dyaan." Jhay Anne winked. Namula naman si Kris at siniko silang dalawa ng kasamahan nila. Nasa taas ng mga painting si Kris kung saan nakalagay ang isang patibong na kung may mauunang tumapak sa lugar na iyon at may milyong milyong karayom na may lason ang tatama sa taong nakaapak sa lasting nakadugtong sa bukana ng pintuan at sinisiguradong pati ang mga kasama nito ay malalason..

Sa kabilang silid naman ay nakahanda na ang lahat ng sandata ng mga naatasang lalaban ng pisikalan at barilan sa mga kalaban.

"Handa na ba kayo? " Sigaw ni Mrs. Taylor sa lahat. Ang mga kabilang sa grupong ito ay ang mga natitirang estudyante na walang kakayahang makatulong sa mga nabanggit na grupo kanina. Pero kahit na gayon ay isa sila sa pinakaimportanteng parte ng kauuan. Kinabibilangan ito ng mga kilalang estudyante pagdating sa sports. Katulad nila Japril Marie Delacruz, Reycy Florentino at Ellissa Marie Sanqui. Mga estudyanteng tinaguriang mga Bully na kinabibilangan ni Lea May Marasigan Anilao. At syempre ay kasama dito ang mga estudyanteng madalas ay wala lang kibo sa lahat at madalas na nabubully katulad nila Shenna castillo, Angela Fabia at Janny Mica Reyes. Ang kabuuan ng mga natitirang estudyanteng hawak ngayon ni Mrs. Taylor ay nasa limampung estudyante. Mga estudyanteng alam ni Mrs. Taylor na kabado sa lahat ng mangyayari.

"Well sa tingin ko ay hindi pa. "

Ngiti nito sa mga estudyante at naglakad patungo sa isang estudyanteng nanginginig ang mga kamay dahil sa hawak hawak nitong baril na nagngangalang Angela Fabia.

"You all know that I am one of the Legendary rulers right? " Tanong nito sa mga estudyante.

" But little do you know na isa rin akong kagaya niyo? Kagaya mo." Turo nito sa estudyanteng nanginginig kanina pa. Nagulat naman ito sa sinabi ni Ms. Taylor at maging ang lahat ng estudyante. Nagsimula ng dumating ang ibang mga grupo.

"Funny right? Yes, I'm also a nerd during our staying here. Isa sa mga binubully! Isa sa walang awang pinagtritripan ng mga taong wala namang sapat na dahilan para ako ay pahirapan." Hindi alam ni Mrs. Taylor na may mga luha na palang tumutulo sa mga mata niya dahil naalala nito ang kanyang buhay noong ordinaryong magaaral palang siya ng HU.

" Bakit, dahil sa sinilang akong malabo ang mga mata?! Dahil ba nakasalamin ako?! Bakit dahil sa mukha akong patpatin at walang laban sa kanila. Thats so stupid! I am so stupid that time. " Irap nito.

"But the thing is, Being hit and letting them hit you are the most stupid thing on earth. Why? Dahil hinayaan mong maliitin ka nila. Hinayaan mong pagyurakan nila ang pagkatao mo at ngayon?" she stop weeping her tears. "—hahayaan mo silang patayin ka kung hahayaan mo sila. "

"Pero hindi ako pumayag noon. Hindi ako pumayag na maging talunan lang habang buhay. Hindi dahil may isang taong nagsabi saking kailangan ko ring lumaban. Paglaban hindi lamang para makaganti. Kung hindi ang paglaban para ipamukha sa kanilang ang mahihina ay hindi dapat inaapi. Na nararapat din silang ituring na kapantay ng lahat! " Mrs. Taylor Cried but sooner she laugh.

"Pero alam niyo ba ang mas nakakatawa?! " Tanong niya sa mga estudyante at ngayon ay nasa kwarto nang iyon ang lahat ng estudyante ng HU.

"Iyon ay ang maging isang Rulers... "

Tawa pa nito.

"Rulers na binubuwis ang buhay para lang sa mga taong dati saakin ay umapi at halos ako ay patayin. That was funny and it sucks! "

"But there's one thing I haven't told you. Saving this God forsaken place are the best feeling I've ever done. Because this place is my home. This God forsaken place are a home for us. Tama? "

Naluluhang tanong niya sa mga estudyante.

"I don't care about how this place makes me knocked down. It's about how this place build me up and not just giving me a chance to reach my dreams. But this awful place gave me a reason to fight... FIGHT FOR THE THINGS THAT IS WORTH FIGHTING FOR... MY DREAMS, MY DIGNITY... AND MY HOME!! " Abot kayang sigaw ni Mrs. Taylor pero ikinagulat niya ang sagot ng isang estudyante.

"FOR HARRISON UNIVERSITY! " Sigaw ng mga ito...

"FOR HARRISON UNIVERSITY!! " They shouted in unison and Mrs. Taylor tears are now overflowing with joy. Kasiyahang hindi mapapantayan ng kahit na ano

* * *

Matapos ang malakas na pagsabog ng pinagipon ipon na Smoke Bomb ay nawalan narin ng paningin sa lahat ang bulto bultong mga kalaban.

Nasa unahang bahagi sila ng Head Quarters at ito kaagad ang sumalubong sa kanila.

"Ugh! Wala akong makita!! " Sigaw ng isang kalaban at halos mangapa sila sa kapal ng usok. Pero hindi nila alam na isa isa na pala silang nababawasan dahil isa isa na silang pinagkukukuha ng mga estudyante ng HU...

"Hindi ko kayang pumatay pre. " Natatawang sabi ni Kris at itinago nalang at iginapos ang mga nakuha nilang mangilang kalaban sa isang kwarto at ikinandado ito.

"Hindi na masama. " Appear naman ni Jaisen sa kanya at nilisan na ang lugar.

Ang iba naman ay nagawa nang kitlan ng buhay ang mga kalaban. Dahil sa takot na maunahan silang masaktan nito.

Ang dating bulto bultong kalaban ay ngayon ay nagkalagas lagas na. Nang mawala na ang epekto ng smoke bomb sa lahat ng sulok ng silid ay agad ng nagsilabasan ng armas ang lahat ng makita nilang kulang na sila at nagkalat na ang dugo kahit saan. Hinanap nila ang mga pumaslang sa kanilang mga kasamahan ngunit wala silang ibang nakita kung hindi ang mga naglalakihang teddy bear.

Inis na binaril ito ng pinuno ng mga hukbo nang isa nanamang pagsabog ang naganap sa buong silid ngunit sa pagkakataong ito ay mahina naman.

"Pfft....Supot! " Tawa ng leader ng mga hukbo na ikinangisi naman ni Sasha na nasa likod lang ng isa sa mga pinto at taimtim na nakikinig.

"Boba. " Ngisi nito nang isa isa nang nagbabagsakan ang mga kalaban sa hindi mawaring dahilan.

"Yan ang amoy ng matamis na tagumpay. "

Ngisi pa ni Sasha at nag yakapan na ang mga chemist sa nangyari dahil tagumpay ang fabric bomb na ginawa nila. Ang bombang ito ay nakakasira ng lungs at hindi ito mamamalayan ng sinumang makakaamoy dito dahil sa bango nitong dala. Pero isang sigaw mula sa kalaban ang ikinabigla ng lahat.

"Wear your mask! " Sigaw ni Senji isa pang grupong kakapasok lang ng silid. But he is now smiling on the CCTV camera.

"Kung sa tingin niyo ay malilinlang niyo kami. Nagkakamali kayo. Tonight, there is one thing that surely happen... And that is your death" Sinundan ito ng nakakatakot na halakhak pero mas ikinangisi lang ito ni Sasha na ikinatakha ng lahat.

"Deym! I think I'm in love hihi. " Hawak nito sa screen ...sa mukha ni Senji. Napa face palm naman ang lahat dahil dito.

"Why? I'm dead serious! I like him! " Sigaw nito at pangiti ulit na tinignan si Senji..

Nakalabas na sa unang silid ang mga kalaban nang may maapakang kung ano sa pintuan ang nangunguna sa mga ito. Dinampot niya ito at napagalamang isa itong pisi. Pisi na hinila pa niya at nakita niya ang dulo nito kung saan nakakabit ang milyong milyong karayom.

"Ilag!" Ngunit huli na ang lahat dahil kumawala na ang mga karayom sa kinalalagyan nila at lahat ng nasa harapang hanay ng mga kalaban ay nakabulagta na sa sahig at hindi na humihinga..

"Daaaamn!!! " Inis na sigaw ni Sanji. Nagatrasan na ang ibang mga kalaban ngunit hindi ito hinayaan ni Sanji dahil patakbo palang itong lumalabas sa head quarters ay binabaril na niya ito sa ulo.

"Mga duwag! " Sigaw pa ng isang kasamahan ni Sanji.

"Sino pa ang aatras sa inyo at mapatay ko na! " Habol pa nito ng isa isa na itong magsipasukan sa loob ngunit ang ilang hukbo ni Sanji ay nanatili lang sa labas ng silid na iyon.

Samot saring patibong ang sumambulat sa lahat ng nakapasok sa loob at ni isa ay walang natira sa mga ito. Kayat ng matapos na ang lahat ay inis na humakbang ang grupo nila Sanji sa Silid na iyon at tumingin ulit sa CCTV camera.

"Ugh! "

Asar na asad nito sa mga nangyayari dahil hindi ito ang inaasahan nilang laban. Ang buong akala nila ay mapapadali ang lahat ngunit wala pa sila sa kalahati ng mansyon ay nangalahati na sila.

But the last door are slammed open. At mga kasa ng baril ang nagpanginig sa kalamnan ni Sanji...

Nagulat ito ng higit sa limampung baril at ibat ibang armas ang hawakhawak ng mga estudyanteng nasa kabilang pintuan.

Bagay na ikinaatras nila maging si Sanji...

"T-this is not.... Good... "

Bulong nito at agad na itong tumakbo sa likuran ng mga alagad niya. Nagsimula naring umatingaw ang sunod sunod na putok ng baril mula sa mga estudyante ng Harrison University..

Ngunit ikinagulat ni Sanji ng isang babae ang humablot sa kanya at hindi na nito nagawang makalaban pa dahil isang pampatulog ang isinaksak sa leeg ng binata.

"Seriously?! " Sigaw ng isang estudyanteng nakita si Sasha sa ginawa niya ngunit kinindatan lang ito ni Sasha at patuloy lang na inakay si Senji kung saan.

Natapos na ang putukam at ang lahat ng laban ay wala ng buhay. Ngunit isang tili ng babae ang ikinagulat ng lahat... Isang estudyante ang nakahandusay at naliligo sa kanyang dugo... Hindi lang siya isang estudyante dahil siya ay si......

Agad na tinawagan ni Davian ang Medics na kinabibilangan ni Shenny at nang makarating ang mga ito ay agad ng kinutuban si Shenny ng hindi niya makita si Alexander sa paligid...

Ngunit napatigil ang dalaga sa paghahanap ng mamukhaan niya kung sino ang nakabulagta sa sahig.....

"A-Alex—"

She whisper as she run to him crying...

BLAISE HARRISON BLAIRE

"Ilag Myrttle! " Sigaw ko kay Myrttle at mabilis na sinipa ang batong nasa harapan ko patungo sa baril ng kalaban. Natamaan ko naman ito kaagad at nangyari ngang hindi natamaan si Myrttle ng kanyang bala. My heart is beating with fear at dahil sa halong galit ay binaril ko ang lalaking iyon sa ulo niya ng makapulot ako ng isang baril mula sa natalo namin ni Myrttle.

Nandito parin kaming lahat ngayon sa pwesto namin mula kanina. Hindi namin malaman kung saan nanggagaling ang mga tauhang lumalabas kung saan pero masama na ang kalagayan namin ngayon dahil paubos na rin ng paubos ang supply namin ng armas.

"Are you okay?" Dikit ko kay Myrttle habang patuloy na bumabaril ng mga kalaban. Kanina pa ito walang imik at patuloy lang na nakikipaglaban. Pero hindi ako nito sinagot. Para parin itong wala sa sariling bumabaril sa kanyang mga kalaban. At ang mga napapatay niyang kalaban ay sa puso nito lahat pinatatamaan.

My Queen are a killing machine! Pero....

Nakakainis lang, ako na nga tong nagaalala sa kanya ta's ganito pa siya sakin?! Can she even recognize what I am doing for her?!

Inis akong humarap sa palabas pang mga kalaban at galit itong pinagbababaril. This time ay lumayo na ako kay Myrttle, hindi dahil galit ako dito kundi dahil para mas maunahan pa ng atake ang mga kalabang paparating.

"Protect her!" Sabi ko sa isang special student na nagngangalang Samuel Castillo. Tumango naman agad ito at tumakbo na papalapit kay Myrttle samantalang ako naman ay tumakbo na ng malayo upang mas malapitan kung saan talaga naglalabasan ang mga kalaban namin.

I was running so fast, hindi ko mang ginustong iwanan si Myrttle ay kinakailangan ko parin. Hindi ko siya kayang protektahan ng hindi ko natutuldukan kung saan nanggagaling ang mga kalaban. And it is sh*t to admit that we are loosing out of hope.

"Where do you think you are going? " Isang maangas na boses ang ikinagulat kong nasa likuran ko na. Agad ko namang ipinalupot ang kamay ko dito at binali ang kanyang kanang brasong may hawak na baril.

"I'm going to hell, sama ka? " Ngiti ko dito at kinuha ang kanyang machine gun.

"Salamat dito. " Pasasalamat ko dito at binaril na ito sa kanyang puso.

Heartless creature should be killed.

Sunod sunod pang mga armadong lalake ang aking nasalubong at tahimik ko lang ang mga itong pinagpapapatay. I throw them all my knives and make sure na napupuruhan sila sa bawat pagpapakawala ko dito.

Ilang kilometro na ang layo ko kay Myrttle dahil kanina pa ako takbo ng takbo at napapagod narin ako dahil nakakaubos ng enerhiya ito. Kaya naman minabuti ko munang magtago sa isang malaking puno at isinandal ang katawan ko sa malaking katawan nito.

I should save my energy to defeat the true mastermind!

"Dali dalian ninyo! " Rinig kong may sumigaw at agad akong napa upo sa kinasasandalan ko upang mas maitago pa ang sarili ko sa kanila. Tahimik kong sinilip ang lugar kung nasaan ang sumigaw na iyon at nagulat ako ng makita ko na sa wakas kung saan sila nanggagaling lahat.

Isa itong lagusan sa ilalim ng lupa at doon nagsisilabasan ang lahat ng kalaban.

"Where the hell did that hole came from?!" Pigil kong singhap at napatago nalang ulit sa katawan ng puno.

"They are running out of weapons Boss. Yes, boss. We're going kill Myrttle Joong." And that makes my body shiver. Para bang ang takot na nararamdaman ko mula kanina ay napalitan ng galit.

"Wala ni isa sa inyong makakalapit sa Reyna ko." Gigil kong bulong. Binitiwan ko na ang mga kutsilyo ko sa lagayan nila at hinawakan na ang machine gun na aking nakuha sa kalaban.

Sinilip kong muli ang mga kalaban ng may marinig akong kaluskos sa hindi kalayuan. Muli akong naging alerto at hinawakan pansamantala ang mga kutsilyong dala dala ko. Nang biglang sumulpot ang isang pamilyar na pigura sa hindi kalayuan. Pero mas ikinagulat ko ng mabilis itong tumakbo patungo saakin at tuluyan ng masinagan ng liwanag na buwan ang kanyang mukha...

M-Myrttle.....

Ramdam ko ang mabagal na pagtibok ng puso ko habang papalapit ito saakin...

"D-Dont...P-please..." Iling ko dito ng mariin ngunit halatang hindi niya ito iniintindi. Tuloy tuloy parin itong tumatakbo papunta saakin at halatang hindi niya alam kung ano ang naghihintay na panganib sa kanya.

Deym, freaking lady!

"I SAID DON'T COME HERE! " Sigaw ko dito at napatigil siya kaya naman tumakbo agad ako ng napakabilis papalapit sa kanya at hinarang ang aking katawan kay Myrttle mula sa mga kalaban.

"I know it is too stupid. But this is the only thing I can do for now my Queen. " Mahina kong banggit na sapat na para marinig ni Myrttle.

Hinawakan ko ng mahigpit ang machine gun at sunod sunod na itong ipinaputok sa mga kalaban. They are so close and our place are too open kaya alam kong dehado ako. But who cares, this hard headed lady needs me. And I don't want to see her bleeding! Never!

But it stings when I felt a bullets hit my body and it pains like hell. Pero nagawa ko itong hindi indahin. Nanatili lang akong nakatayo sa harapan ni Myrttle. Gusto ko siyang lingunin ngunit hindi maari. Paubos na ang mga bala ko at kinakailangan kong maubos ang lahat ng kalabang nasa harapan namin ngayon! Pero habang tumatagal ay padami lang sila ng padami... And the life of my machine gun are near to its end..

I-I hate this....

I hate for being useless...

Paano ko na maililigtas si Myrttle ngayon...

Paano....

But I was bite by the reality when an idea hits me.

May isa pa palang paraan para makaligtas si Myrttle..

At iyon ay ang iwanan niya ako dito magisa..

"R-run. " I almost mouthed when blood came out in my mouth.

Ang salitang aking binitawan ay tila ba mas masakit pa sa mga balang nakabaon saakin ngayon.

Ang paglayo mong lubos kong ikinatatakot ay ngayon ko nang hinihiling sayo... Please do it.. Before bad things happen..

Ngunit ikinagulat ko ng bigla akong hinila ni Myrttle sa isang puno at doon kami ay nagtago.

"Stupid. " Walang emosyon nitong sagot saakin habang nakasalubong ang dalawang kilay na nawala bigla ng makita niya ang aking katawan na may dalawang tama ng baril...

Patuloy lang ang pagtama ng mga bala sa punong kinasasadlakan namin ni Myrttle pero hindi lang niya ito pinansin.

Unti unti nang sumisikip ang aking paghinga at ang dugong dumadaloy papalabas ng tama saakin ng bala ay hindi tumitigil...

D-deym.... Ang s-sakit....

But I can still manage myself.. I need to manage myself.

"Yes I am stupid. "

Tinitigan ko si Myrttle sa mata at nakita ko ang namumuong mga luha dito..Ngunit sinagot ko lang siya ng aking ngiti...Ngiting hindi dahil sa gusto ko siyang asarin, pero ngiting dahil sa sayang naguumapaw sa puso kong makitang ligtas ang babaeng ito ngayon.

Since I met her I thought my heart are just malfunctioning because of its weird heartbeat when she is near. Pero ngayong alam ko na.. Hindi ko na maitatanggi pang mahal ko siya. Mahal ko ang lahat ng meron ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Ang mga mata niyang nagliliyab lalo na pag galit siya saakin. Ang amoy niyang iisa lang na halos kinaadikan ko.. Ang kapangitan niyang matulog. Ang mabigat niyang timbang noong binuhat ko siya.. At ang walang sawa niyang kakulitan pagdating sa ikabubuti ng aking buhay... Her comfort that gaves every rulers hope...

At siya yun...

Si Myrttle Joong..

My Queen..

I love her this much...

And I am more than willing to be killed than to see her in pain...

Pinilit kong manatiling nakatayo kahit na lambot na lambot na ang tuhod ko dahil sa sama ng tamang natamo ko. Pero pansamantala ko munang pinutol ang tingin ko kay Myrttle. At mabilis na hinagis sa lagusang iyon ang natitirang bombang ibinigay saakin ni Paris.

Halos patumba akong bumalik dahil sa unti unting pagkalabo ng mga mata ko.. At sa abot ng aking natitirang lakas ay tinabig ko si Myrttle at niyakap ito ng mahigpit upang mapadapa kaming dalawa sa lupa. Once again I covered her body with mine when an explosion rule the whole place.

Nakakabingi ito at ramdam na ramdam ko ang init ng apoy na dala ng pagsabog pero pinilit ko paring manatiling may malay.

"M-Myrttle. " I broke my voice as I swallowed the blood that wants to came out dahil sa dugong patuloy na lumalabas sa bibig ko at sa sakit na nanunuot hanggang sa aking buto. "I-I love you....I love you... S-So much. " Mariin kong pinikit pikit ang mga mata ko dahil sa luhang humihilam dito.

I love you and I am not crying just because of my physical pain.. But because of the reality na hindi ko na ata pa masasabi ang mga salitang yan matapos ang araw na ito..

When the fire subsided I force myself again to see her bare face. She is breathing heavily and his eyes are glittering because of tears.

I quickly wipe her tears using my bloody arms.

Hindi ko alam kung talaga bang malakas ang sapak ko sa babaeng 'to ngayon at nagagawa ko pa talagang makaayus ng upo ngayon pero ginawa ko.

Umupo ako ng maayus at tinitigan ng husto ang babaeng pinakamamahal ko..

I held my shirt colar and wipe the blood on my lips..

Soot ko parin ang black suit ko at inayos ang buhok kong pinakulayan ko..

At least gwapo parin ako hanggang sa huling sandali ng buhay ko...

Lumapit ako kay Myrttle at hinalikan ito sa noo..

"P-please K-Keep s—" I cough in blood again at niyakap ko nalang si Myrttle para hindi niya makita ito.

"Please b-be safe... K-keep yourself alive and healthy.." Habilin ko kay Myrttle pero ramdam ko lang ang mas mabagal na paghinga nito at mas lalo akong napaluha dahil sa alam kong dahil sakin kung bakit siya ganito ngayon.

She is crying... But I try to manage myself and stretch my arms through her shoulder as I look upon her eyes. I manage to make a smile for her at pinisil ng kaunti ang kanang pisngi nitong may katabaan.

"H...Happy Birthday my Queen." Bati ko at inabot ang aking munting regalo.

Isa itong itim na bracelet na may silver na apoy sa gitna.

Ibinigay saakin to ni Dad bago kami umuwi sa beach nang mawala sila Myrttle. Matagal ko na sanang gustong ibigay sa babaeng to ang bracelet na ito pero hindi ako makakuha ng lakas ng loob.

But today is her birthday. At ito narin siguro ang oras para ibigay sa kanya ang bagay na to.

This is my gift for you My Queen, ito at ang buhay ko...

I tried my best to gave her my best smile but a blood burst inside my mouth at napaubo ulit ako dito..

I look away from Myrttle...

Hawak hawak niya ang bracelet na binigay ko at umiiyak nitong tinititigan ang bagay na iyon...

Ang pinakamasakit pala talagang bagay sa mundong ito ay hindi dahil sa sakit na maari mong matamo at ikainda ng katawan mo...

Dahil ang pinakamasakit na bagay ay makita ang taong mahal mo na umiiyak sa harapan mo.

I want to held her face... I want to wipe her tears with my hands again, but I can't..

I can't move a bit...

Ito na ba ang katapusan ko?

Ito na ba ang hangganan ang buhay ko? Kasi kung oo, ayus lang sakin.. Ayus lang saking mamatay para sa taong mahal ko. A girl that I didn't expect to be part of my life. Pero ngayon siya ba ang buhay ko. My life, and I want to spend my last minute with her..

And it was her, it is Myrttle Joong..

My Queen, my Tel-tel....

Kung kanina ay nalalabanan ko pa ang sakit at pagbigay ng katawan ko... Ngayon ay hindi na... At alam kong ilang minuto nalang ay mawawala na ako ng tuluyan..

Pero...... Bago ako mawalan ng kontrol sa lahat at tuluyang mapapikit ay isang nakakatakot na bagay ang nakita ko ...

Isang matang nagliliyab...

Matang siya lang ang may nagmamayari.... Matang kayang tumapos sa lahat..

ASH TAYLOR

"Seriously?!" Facepalm ni Kiera at napatawa nalang ako ng makita ko nanaman si Melody.. Ang favorite character ni Paris..

"Why? She's really adorable. " Paris giggled at kinurot ko lang naman ulit ito sa pisngi.

Nandito kami ngayon sa pinaka main system ng Harrison University. Ito ang area ng Harrison University kung saan nag fufunction ang lahat. Ngayon ay sinira na ito ni Paris. My freaking computer monster girl.. She hacked all the system that is within the perimeter of Harrison University. Kaya sinisiguraduhin niyang wala ng connections ang kalaban mula sa kahit na ano mang impormasyon na laban saamin sa kahit na sino man.

I hug Paris as I kissed her head.

"Good Job. " Ngiti ko dito..

Paano ba naman kasing hindi maiinis tong kapatid ko. Ang lahat kasi ng system ay tinatakan ni Paris ng Melody na character. Kiera hated Hello kity at lalo na ang mga kaibigan nito.

"E-Ehem!" Walang emosyong entrada ni Kiera at napatawa nalang ako dito. Nakahalukipkip ito at masamang masama ang tingin sakin.

"Oh, sissy hindi ako ang may kasalanan si Ash! " Takot na awat ni Paris dito. Matapos naman noon ay tumayo na si Kiera dahil tapos na ang misyon namin dito sa Loob.

Napakibit balikat lang naman agad ako sa inasta ni Kiera pero alam kong dinadamdam niya parin ang bagay na iyon.

Si Hunt.

Tahimik kaming naglalakad pababa ng building ng may marinig kaming humihingi ng tulong. Agad kaming tumakbo sa pinangagalingan ng boses at nakita nagulat kami sa aming nakita.

"Mr. Harrison! " Sigaw ko ng makita ko ang nakahandusay na matanda sa sahig. Agad kong tinakbo ito at kinapa ang pulso.

"Buhay pa siya." I sigh ...

Nang mag adjust ang paningin ko sa dilim ay nagulat akong hindi lang pala si Mr. Harrison ang nasa lugar na ito.

"The shareholders ." Kiera declared.

"They are all dead. " Sabi pa ni Paris ng chekin nito ang lahat.

Nagkalat ang dugo sa paligid at mga tama ng baril sa mga dingding. Sino ang gumawa ng bagay na to!

Si Kiera naman ay wala lang buhay na nakatingin sa mga tama ng baril sa mga stock holder at sa mga dugong nasa paligid. Ash tried to read her twin by its gaze but he can't..

Napatingin lang din si Ash kay Mr. Harrison. Wala itong tama ngunit punong puno ng dugo ang kanyang damit at maging ang leeg nito..

Where did he get this —

I ship my attention when Paris phone rang.

"Queen Mizuki... Where are you! I-I'mon my way Queen. "

Kinabahan ako sa narinig ko kay Paris kaya tumayo agad ako at lunapit dito.

"Anong nangyari kay Myrttle? " Naunahan ako ng tanong ng aking kambal pero wala lang kaming emosyon na tinignan ni Paris.

"Wala, ihatid niyo na ang matandang yan sa Clinic." Sagot nito saamin at akma ng aalis kaya pinigilan ko ang kamay nito..

Our gaze met at buong pagaalala ko itong tinignan. Pero ang Paris na hindi ko nanaman gusto ang ibinalik nito saakin.

She just take my hands off of me and walk away without saying a word. Hindi ko alam kung bakit sa muling pagkakataon ay nasaktan ako sa ginawa niya.. Ganoon ba talaga siya ka-dedicated sa trabaho niya para ang iinform man lang ako sa lakad niya ay hindi ko magawang malaman? May karapatan ba talaga ako sa kanya. O sadyang mabilis lang talaga ang lahat ng pangyayari...

Ang hirap.... Pero ayokong sumuko... Ayokong isuko ang taong unang nagpatibok sa puso ko.

"Ayus ka lang? " Tanong ni Kiera at tumango naman ako dito. Kita ko ang pagaalaka sa mukha niya at ikinagulat ko ang paghawak nito sa braso ko.

"Katulad nga ng sinabi mo sakin kanina. Kailangan lang natin silang pagkatiwalaan. " Mahina nito saking sabi at ngumiti ng kaunti..

Ginulo ko naman ang buhok nito at napatingin kay Mr. Harrison ng maramdaman naming kumilos ito.

"Mr. Harrison. " Sabay naming takbo kay Mr. Harrison at iniupo ito ng maayos.

"A-Ash....Kiera.. " Nanghihina nitong tawag saamin.

"Anong nangyari dito Mr. Harrison. " Tanong ni Kiera sa matanda pero tinitigan ko lang ang reaksyon nito.

"N-nagtago kami sa lugar na ito nang may dumating na armadong mga lalake. P-pinatay nila sila Mr. Co.. Silang lahat.. Wala silang tinira..."

Bakit buhay ka pa?

"Mabuti nalang po at wala kayong tama sa katawan. " Giit ni Kiera.

"I-Ipunta niyo na ako sa clinic. N-Nahihilo na ako... " Daing ng matanda.

Nagkatinginan lang naman kami ni Kiera at napatingin ng sabay sa nakapikit ng si Mr. Harrison.

Oo, hindi namin alam ang tunay na nangyari tanda. Pero hindi kami isang mangmang..

Dahil sa kabila ng lahat ng sinabi mo... Isa lang ngayon ang nakumpirma ko...

Hindi ang boses mo ang narinig ko....

Kung hindi boses ng ibang tao...

S O M E O N E

Maalam kong tinignan si Myrttle sa screen at pilit na pinigilang maglabas ng kahit na anong emosyon.

Tinignan ko rin ang babaeng pinakaimportanteng tao na saaking buhay... She seems so lifeless.. Silang lahat... At wala man lang kaming magawa....

Bakit kasi ang tagal nila... They should be here in a seconds.. ... I wanted to end this shit.. Hindi ko na sila kayang makita sa kanitong sitwasyon... 

Continue Reading

You'll Also Like

5.7M 18.4K 5
Heartless, ruthless, and merciless-four legendary gangster princesses bound by their thirst for revenge. They are the four Fujiwara sisters. Despite...
13.6K 929 26
"We are all sinners." There was a prediction that the end of the world will be coming soon but nobody knows when and how will it end. Christians beli...
604K 38.1K 55
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
High School Terror By Shhh

Mystery / Thriller

26.7K 769 24
A summer camp gone wrong. Are they ready to experience what we call, hell?