HARRISON UNIVERSITY: The Scho...

By GHIEbeloved

13.9M 389K 66.3K

Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her... More

PROLOGUE
HUTSOM BOOK IS NOW AVAILABLE!
Chapter 1 : [Harrison University]
Chapter 2 : [ The Fountain]
Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]
Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]
Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]
Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]
Chapter 7: [ Mission Impossible]
Chapter 8: [ Forced decision]
Chapter 9: [ Unexpected Guest]
Chapter 10: [Identity]
Chapter 11: [ Revelation ]
Chapter 12: [ Officially Part of Harrison Rulers ]
Chapter 13: [ Confrontation ]
Chapter 14: [ Final Decision ]
Chapter 15: [ Choices ]
Chapter 16: [ New classmate? Hell!]
Chapter 17: [ Lady in the shadow ]
Chapter 18: [ Worried ]
CHAPTER 19: [ She's familiar]
Chapter 20: [ Alaine De Castro]
Chapter 21: [Second Crime ]
Chapter 22:[My Queen]
Chapter 23: [ Crimson Palace ]
Chapter 24: [ Myrko ]
Chapter 25: [ The Palace Queens]
Chapter 26: [ The Announcement ]
Chapter 27 [ Protect ]
Chapter 28: [ Her tears]
Chapter 29: [ Miesha ]
Chapter 30: [ Special students ]
Chapter 31 [ The Queens Rule]
Chapter 32 [ Arrow ]
Authors Note (PleaseREAD)
Chapter 33: [ Goodluck]
Chapter 34 [Behind the mask]
Chapter 35 [Her Side]
Chapter 36 [I'm Sorry]
Chapter 37 [ Unknown Feelings]
Chapter 38 [Twins]
Chapter 39 [Her other side I]
Chapter 40 [Her other side II ]
Chapter 41: [The mean Girls]
Chapter 42: [Slave]
Chapter 43: [Phoenix]
Chapter 44: [The Plan]
Authors 2nd Note ( Please read)
Chapter 45 [Guilty]
Chapter 46[She's Here]
Chapter 47: [Dayle Trinidad]
Chapter 48 : [Confuse]
Chapter 49: [Please, stay]
Chapter 50: [Worst than nightmare]
Chapter 51: [Death threat]
Chapter 52: [Unmask]
Chapter 53: [Trapped]
Chapter 54: [Im trapped again]
Chapter 54: [Paint]
Chapter 55: [Cloud Montague]
Chapter 56 [The Other Side]
Chapter 57(part I): [Bestfriend]
Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]
Chapter 58 [Comeback]
Chapter 60 [The Game of Doom]
Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]
Chapter 62: [Special Students]
Chapter 63: [The Fall]
Chapter 64: [Wicked]
Chapter 65: [The Gift]
Chapter 66: [The Zone]
Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]
Chapter 68 : [ Wish Granted]
Chapter 69: [Me]
Chapter 70: [Glance]
EPILOGUE
Author's Note
HUTSOM SOON TO BE PUBLISHED UNDER PSICOM!

Chapter 59: [Unveiled]

153K 4.6K 1K
By GHIEbeloved

HARRISON UNIVERSITY: The school of Monsters
By: GHIEbeloved

MYRTTLE JOONG

Nanatili lang akong nakaharap sa mga mangagawa at ramdam kong nasa likuran ko parin si Blaise kaya mas pinili kong huwag ng lumingon pa.

"Para po mamayang gabi Sir. Mga lightings po." Sabi ng isang mangagawa. But he is acting so strange.

"Lightings for what?" Dugtong kong tanong dito.

"For tonight. Magkakaroon ng isang malaking pagdiriwang mamaya. At nakagawian na ito ng school kada magtatapos ang foundation day." Sagot sakin ni Blaise at sa oras na ito ay hinarap ko na siya.

"So, kailangan din ba nating pumunta doon?" Takha kong tanong dito at tumango naman siya.

Seryoso ba siya. Hindi ko gustong mapilitan ang lahat na magdiwang gayong hindi biro ang mga pinagdaanan namin..

Ngunit sinundan ko nalang ito ng tingin ng maglakad na ito muli papalayo saakin.

"Blaise." Malungkot kong bulong sa hangin. Pero alam ko namang hindi niya ito maririnig.

* * *

Pagkapasok na pagkapasok namin sa Restricted area ay ipinagtakha namin ang mangilan-ngilang na sasakyang nakapark sa labas ng Blue house.

Kaya naman nagmadali na kaming pumasok doon at tumambad saamin ang mga personalidad na hindi saakin pamilyar. Tinignan ko kaagad si Blaise upang makakuha ng kasiguraduhan sa kanilang pagkakakilanlan. At naging kampante mang mag-bow si Blaise sa mga ito at tumuloy na sa silid kung saan nandoon ang kanyang ina.

Matapos akong iwan ni Blaise ng mag-isa ay saka ko lang narealise ang tingin nilang lahat saakin.

Halos manglaki ang mga mata nito na akala mo'y gulat na gulat ng makita nila ako.

Bagay na ikinairita ko dahil hindi ko naman sila kilala.

"Oh-my...Totoo ba ito?" Nanlaki din naman ang mata ko ng isang magandang babae ang bigla nalang saking yumakap..

Ugh! Bakit niya ba ako niyayakap? Kilala ko ba siya? Tyaka anong sinasabi niya?

"I-I can't breath." Walang buhay kong daing dahil sa higpit ng yakap nito.

Nang marinig naman nito ang daing ko'y agad niya akong binitawan at hinarap sa kanya matapos hawakan ang magkabilang balikat ko.

Isa itong babaeng napakaputi na akala mo ay kasing edad lang din namin. Pero may pagkakahawig siya sa malaki at expressive eyes ni Ethan.

"Kamukhang kamukha mo talaga siya Iha." Puri nito na agad niyang sinundan ng pagiyak na lubos kong ikinagulat. Pero hindi ko ito naintindihan kaya kunot noo ko nalang itong tinignan.

What is she talking about? Sinong Siya?

Nang makarinig ako ng pagpigil ng tawa sa aking likuran. "H'wag ka nga umiyak diyan Hana. Tara Iha.." Higit naman sakin ng isa pang babae na hindi ko kilala.

Maganda ito. May katangkaran at may katawang mala-model. May pagkamatured na ang ityura nito pero bakas ang kanyang kagandahan noong kabataan niya sa kanyang mukha.

"Pagpasensyahan mo na 'yung babaeng 'yun ah. Masyado lang talaga siyang emosyonal. Anyway she's Ethans Mother, Hana Romsay. At ako naman ang Mommy ni Landon. Dionne Ace." Kindat saakin nito matapos niya akong bulungan.

Okay, halata naman dahil para silang pinagbiyak na bunga. Pero hindi ko maiwasang mabigla dahil ang kaharap ko ngayon ay ang mga legendary rulers.

"Sundan mo lang ako sa kusina papakilala kita sa pinaka matalik na kaibigan ng Mama mo." Ngiti nito sakin na binigyan ko naman ng walang pagkainteres na tugon.

Ang totoo'y gusto kong umalis nalang sa lugar na ito dahil wala silang ibang bukhang bibig kung hindi ang magulang ko. Na para bang nakikita nilang may pakialam talaga ako sa mga pinagsasasabi ng mga ito.

But I'm like an idiot right now, because I'm still following this lady. Following the things that is connected to her. Still allowing myself to know everything about my Mom.

Iwas ako ng iwas, takas ako ng takas. Ngunit hindi ko na pala napapansin na ang bawat hakbang ko para iwasan ang lahat ng impormasyon mula sa aking pinagmulan ay gumagawa narin pala ako ng mas malaking hakbang para mas makilala siya.

It doesn't matter how many steps I take to escape what is true, but what matter is kapag ang mga hakbang mo na palang ito ay ang mas magpapalapit pa sayo sa katotohanan. Katotohanang matagal mo ng iniiwasan.

"Ana, si Myrttle nandito na." Akay sakin ng Mama ni Landon. But I'm still keeping my mouth shut.

"Myrttle?" Napatingin naman ako sa may ari ng boses na iyon at ikinagulat ko ang pag-sulpot ng isang babaeng walang kabuhay buhay ang mga mata ngunit kung makatingin ito saakin ay akala mo'y matagal na niya akong hinahanap.

She Must be Ana..

Pero imbis na mag-react sa kanya ay tinitigan ko lang naman din ito sa mata. Matang alam ko kung saan ko nakita.. Sa kambal...

She must be Kiera and Ash Mother.

"Y-you're Myldreds daughter, right? Where is she? Tell me." Deretyo nitong tanong sakin na lubos kong ikinagulat. At para bang may tumusok sa parte ng katawan ko dahilan para masaktan ito.

"Ana!" Sigaw ng isa pang lalakeng may kakapalan ang kilay. May katandaan narin. At sa tingin ko'y Daddy iyon ng kambal dahil nahahawig din siya kay Ash. Pero hinila nito papalabas ng kusina ang kanyang asawa.

"Tsk, I'm sorry. Hindi niya 'yun sinasadya. Namiss niya lang siguro talaga ang Mama mo. You know, partners in crime ang dalawang 'yun." Daldal sakin ng Mama ni Landon.

Hindi ko lang naman ito sumagot at naglakad na papalayo sa kanya.

Mama ko?

No,

Madiin kong iniling ang sarili ko at napakagat nalang sa labi ko.

Mali, wala akong magulang..

* * *

Lumabas na muna ako pansamantala sa Blue House. Ayoko sa loob, masiyadong maraming tao.

Nandoon ang mga magulang nila. At oo sila ang sinasabi ni tanda na Legendary rulers.

Okay, scratch that... Wala doon si Myldred.

As if I care?

Pero hindi ko maitatangging hinihintay ko siyang dumating. Hanggang sa marealise kong wala pala akong hihintayin.

Asa ka naman kasing dumating siya diba Myrttle? Psh...

Kami ngang mga anak niya hindi niya nagawang dalawin. Ang pagbalik pa kaya ng kaibigan niya?

Nang makalabas ako ay naramdaman ko kaagad sa aking balat ang pagihip ng malakas na hangin.

At ipinikit ko nalang ang mata ko para lasapin ito.

But one question echoed inside my head.

'Y-you're Myldreds daughter? Where is she? Tell me'

At napakunot muli ang noo ko dito.

Naiinis ako, naiinis ako hindi dahil sa dinami-dami ng pwede niyang tanungin ay ako pa. Nakakainsulto ito dahil miski ako ay hindi alam ang sagot sa katanungang niya.

Wala, wala akong alam.

But there's a part of me that still wishes that I knew the answer. Nagsusumigaw sa parte ng pagkatao ko na sana talaga, sana talaga alam ko ang sagot sa tanong na iyon. But that was too impossible. That freaking thing is impossible.

Naningkit ang mata ko ng sa hindi kalayuan ay nakita ko si Blaise. Sinisigurado kong si Blaise ito dahil kabisado ko na ang hubog ng katawan nito at mga kilos kahit sa malayuan pa. Agad naman akong naglakad papalapit sa kanya without thinking kung ano nanamang idadahilan ko kapag nakita ako nito.

Nice Myrttle, you're doing that weird thing again.

Kaya pala wala sa loob si Blaise ay dahil nandito lang pala siya sa labas.

Napagalaman kong wala paring malay si Ms. Naomi. Pero hindi iyon 'yun eh. Dapat ay nasa loob siya, dapat ay bantayan niya ang Mommy nya.

Ilang metro nalang ay malapit na ako dito pero hindi parin niya ako napapansin. Tulala lang ito sa kawalan na akala mo ay may malalim na iniisip. At naging dahilan ito nang paghinto ko sa paglapit sa kanya.

You need to do something Myrttle!

BLAISE HARRISON BLAIRE

Ano bang nagawa ko?

Naging masama ba akong kaibigan?

Naging pabaya ba ako kaya nagawa sakin lahat iyun ni Hunt? Pero bakit hindi niya ako makumbinsi? Bakit sa kabila ng galit na nararamdaman ko ay namamayani parin ang Hunt na nakilala namin?

Kung sino ba ang bestfriend ko.

Pero hindi e...

Halos barilin mo na kami kanina, Halos ipagkalandakan mo na, na hindi mo talaga kami pinapahalagahan.

At si Kiera...

Nagawa pa nitong itulak si Kiera..

Isang bagay na akala ko'y hindi niya magagawa kahit kailan dahil ayaw na ayaw nitong nakakasakit ng babae. Pero kitang-kita ko, kitang-kita ko ang malakas nitong pagtaboy kay Kiera. Sa taong gustong-gusto niya.

Pero bakit ganun? Bakit si Mom pa?

Sa ilang taon nating pinagsamahan ni Hunt. Kada mangungulila ako kay Mom, dadating ka Hunt..

Dadating ka at sasamahan mo ko sa pangungulila ko sa Mommy ko. Hindi mo man maintindihan, hindi ka man makarelate ay makikinig ka parin. Pero hindi ka man magsalita sapat na iyon para mapagaan ang loob ko. Na masabing may kasama ako sa pangungulila ko. Pero hindi Hunt, hindi kita maintindihan.

Hindi ko maintindihan ang dahilang sinabi mo. Dahil kahit kailan ay hindi kita nakitaang naiingit sa kahit na sino.

Umihip muli ang malakas na hangin, kasabay nito ang marahan kong pagpunas sa aking pisngi at mapait ko lang muling tinignan ang litrato naming lima, katabi ko dito si Hunt at ito lang ang kaisa-isang litratong nakangiti siya.

Kanina, nang dumating na ang Daddy mo at iba pa niyang kasama. Nang oras na lumabas ka sa mansyon at papiliin ka..

Alam mo bang kahit punong-puno ako ng galit sayo. Kahit na walang kapatawaran ang ginawa mo ay umasa parin akong kami ang pipiliin mo?

Pero hindi,

Stupid me, dahil umasa ako sa isang bagay na imposible mong maging sagot. Umasa ako sa bagay na buong akala ko ay may matibay na pundasyon. Ngunit wala Hunt, ang bilis nitong gumuho.

Dahil noon palang pala ay trinayidor mo na ako. Trinayidor mo na kaming lahat.

Halos mahilam na ako sa luhang lumalabas sa mga mata ko. Pero gindi na ako nag-abalang punasan ito dahil hindi rin naman ito titigil pa. Sa isa pang pagkakataon ay pinagmasdan ko ito. Kasabay ng pag kapa ko sa lighter na kinuha ko mula sa Head quarters. Walang emosyon ko tong sinindihan, na tila ba nakapagpawala ng kahit anong aking nararamdaman.

Namamanhid, namamanhid ang aking buong katawan. Na mas ginusto ko pa kesa mamamalipit sa sakit sa paglisan ng aking matalik na kaibigan.

Nang oras na na kumapit ang apoy sa litrato ay pinagmasdan ko lang ito. Pinagmasdan kung paano lamunin ng apoy na ito ang isang masayang alaala na kahit kailan ay alam kong hindi na maibabalik ng kahit na ano..

At nang oras na maramdaman ko na ang init nito sa aking kamay ay agad ko na itong binitawan.

Pinagmasdan ko itong matupok ng tuluyan hangang liparin nalang ito ng malakas na hangin sa kanyang kinalalagyan.

Sa mga natitirang mga abong iyon ay pumatak ang kahuli-huliang luha sa mga mata ko. Luha at sakit na naidulot ng isang taong naging malaki ang parte sa buhay ko.

Ngunit ako'y napabalik sa realidad ng gulat akong napakislot nang isang mainit na palad ang lumapat sa mga mata kong basang-basa ng aking luha. Isang ring pamilyar na amoy ng pabango ang naamoy ko na dahilan para mas maluha pa ako ng todo.

"Tumigil ka na." Mahinahong utos nito saakin pero hindi ito sinunod ng mga luha ko. Dahil mas umagos pa itong lahat ng dumating siya.

"Myrttle. " Mahinang ani ko na tila ba nakapagpahina saakin.

"Tsk... Sabi nang h'wag ka nang umiyak eh." Inalis na nito ang pagkakatakip ng kamay niya sa mga mata ko at mabilis na napunta sa harapan ko. Nakasimangot ito ngunit ang kanyang mainit na kamay ay pinahid ang mga luha sa mga pisngi ko.

Nakatingala ako dito at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagaala.

Pinagmamasdan ko lang si Myrttle habang kunot noong pinupunasan ng kamay niya ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Hindi ko rin alam ang eksaktong dahilan kung bakit niya ito ginagawa ngayon. Hindi ko alam kung trip niya lang talagang punasan ng walang humpay ang mga luha ko o ano. Pero hindi ko mapailawinag sayang naidudulot nito. Ang kakaibang sensasyon na tumatapal sa sakit na nararamdaman ko.

Naaalala ko rin sa kanya si Celine noong panahong buong akala namin ay wala na ang aming ina.

Hindi nagtagal ay marahan kong nahuli ang kanyang mga kamay sa aking pisngi at hindi na ito binitawan pa. Tumayo narin ako upang maging kalebel niya at taimtim na sinipat ang buong mukha ni Myrttle.

Ang matalas at nangniningning nitong mga mata na bakas ng pagaalala ay aking binigyang pansin. Ramdam na ramdam ko dinudulot ng pagtitig na ito sa dibdib ko. Napakalakas ng kabog nito. Kabog sa aking dibdib na napakapamilyar sa isang Blaise Harrison Blaire kapag kaharap nito ang isang Myrttle Joong. Babaeng hindi ko inaasahang magiging ganito ang epekto saakin.

Hindi ko maiwasang maitanong sa aking sarili. Kung ano bang naging kasalanan ko sa katulad niyang isang binibini.

Bakit sa kabila ng pananakit, pag-iwan, pag-sigaw dito at maging ang pangmamaliit sa babaeng ito ay hindi parin nito magawang magalit saakin.

Patuloy parin ako nitong ginagawan ng mabuti, at nananatili sa aking tabi kada kakailanganin ko ng sandalan. Taong hindi nagngingiming itama ang mga pagkakamali ko. At taong sobrang nakapagpabago sa takbo ng buhay ko.

Hindi ako humihiling, ni hindi ko sinasabi kahit na kanino ang mga problemang kinakaharap ko. Pero heto ka, dadating at dadating sa oras na kailangan na kailangan kita. Dadating ka, at sa dami ng taong nakapaligid saakin ay hindi ko inaasang magiging ikaw pa.

Hindi ko inaasahan na isang Myrttle Joong pa ang magpapagaan sa lahat ng aking dinadala. Myrttle Joong na anak ng taong lubos kong kinamumuhian.

Taong dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang pamilya namin. Tao na nagdulot ng dulo sa aming buhay ang makakapagdulot ng ganitong saya sa pagkatao ko.

Marahan kong isinampi ang aking palad sa mukha ni Myrttle. Marahan ding inayos ang mga nawala sa linya nitong buhok na sinundan ko lang naman ng tingin.

Siguro nga Myrttle ay wala kang idea sa kung anong ginawa ng iyong ina sa buhay namin. Pero nakakamanghang lingid man sa kaalaman mo ang katotohanan ay ikaw pa mismong anak niya ang tila ba nagsaayos ng lahat ng gusot na ginawa ng iyong ina.

Hindi mo namamalayang ang lahat ng bagay na kinasangkutan mo sa buhay ko ay gawa ng nagsilang sayo. At ikaw ang naging daan para maayus lahat ng iyon.

Salamat doon Myrttle, maraming maraming salamat.

Nagsimula nang kumunot ang noo nito pero pinanatili ko paring hinahaplos haplos ang may katabaan nitong pisngi.

Pero sino bang niloloko ko. Kulang ang salitang salamat para matumbasan kung anong sayang idinudulot mo sa buhay ko.

Kulang..

Kulang na kulang.

Mahigpit kong niyakap si Myrttle at ramdam ko man ang kanyang pagkagulat ay mas hinigpitan ko lang ang pagkakayapos sa kanya.

Gustong-gusto ko ang pakiramdam kada madidikit ako kay Myrttle. Kada mayayakap ko ito o kahit ang malapitan lang ito. Dahil ang pakiramdam kong naguumapaw sa saya ay tila ba nagpapapanatili sa aking ligtas. Ligtas kasama siya kahit gaano pa kadilim ang aking pinagdadaanan. Safezone kung saan ligtas kami sa kahit na anong sakit na dulot ng magulong mundong aming ginagalawan.

Noong una ay hindi pamilyar sa akin ang aking nadama nang unang beses na makita ko siya. Sobrang lakas ng pintig ng dibdib ko ng araw na iyon na inakala kong dahil lang sa pagkamangha sa kanya. Ngunit ito pala ay sa kadahilanang, una beses palang na makita ko siya ay nahulog na ako sa kanya.

Pinigilan ko ang sarili kong mahulog sayo. Pinilit kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kadahilanang anak ka ng taong sumira sa buhay ko. Pero hindi, dahil hindi ko pala kayang limutin ang bagay na una palang ay tumatak na sa puso ko..

Napadilat akong bigla ng hindi ko inaasahang yakapin ako pabalik ni Myrttle. Bagay na tila ba time bomb sa dibdib ko na dahilan para sumabog ito.

Wenya, patagal ng patagal ay mas lumalala na ang epekto sakin ng babaeng ito.

"Salamat Myrttle." Bulong ko dito. At lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.

Siguro nga mapagbiro ang tadhana.

Dahil ang dati kong kinamumuhian at inakalang walang maidudulot na maganda sa buhay ko ay kabaligtaran pala.

Kabaligtaran dahil ang buhay na akala ko ay hindi na maayus, ay si Myrttle pa ang naging daan upang unti-unti itong mabuo.

"You're welcome." Bulong din nito saakin kasabay ng mararahan nitong tapik sa likuran ko.

"But promise me one thing." Nagtakha ako sa sinabi niyang ito kaya naman humarap na ako sa kanya.

Kinunot ko ang aking noo at sinabing, "Promise what?" Tanong ko dito pero seryoso parin itong nakatingin sa mga mata ko.

MYRTTLE JOONG

"H'wag na h'wag ka na ulit iiyak." Seryosong sagot dito.

H'wag ka na muling iiyak dahil nasasaktan akong nakikita kang nasasaktan.

"I promise, but in one condition." Ngiti nitong ganti na ikinakunot din ng aking noo.

Ano namang kondisyon?

"Let me do this." Dugtong pa nito at mabilis na...

Our lips met in a seconds. Mariin ito at talaga namang nakapagpatulala sakin. Pagkatulala dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko na halos nakakapagpabingi sa pagkatao ko.

A-anong g-ginawa niya.....

"I love you Myrttle. " Wika nito na nakapagpabalik saakin sa realidad. " Kulang ang mga salitang iyan para matumbasan ang aking nararamdaman pero oo, mahal kita Myrttle. Mahal na mahal. "

Sinsero nitong ani na hindi magsink in sa utak ko!

Hindi ito mag sink in kahit na patuloy iyong nageecho sa utak ko.

M-Mahal niya ako?

Mahal a-ako ng isang B-Blaise Harrison Blaire?

Mahal ako ng isdang ito?

"I want you to be mine Myrttle." Seryoso nitong bato saakin habang hawak ng may kahigpitan ang aking mga balikat. "Oo, alam kong hindi ito ang tamang oras. But please say thay you love me too."

Ani nito na tila ba nasasabik sa mga isasagot ko ngunit nagkakamali siya.

Nagsimulang maningkit ang mga mata ko at agad kong kinutusan ang kanyang noo!

"YAHH! What was that for?!" Inis nitong daing sakin.

At nagawa mo pa talagang itanong 'yan?!

"May saltik ka ba talaga?" Inis ko rin namang bulyaw dito.

"Akala mo ba ganun nalang kadaling sabihin 'yang pinagsasasabi mo?! Ugh!!" Inis ko pang suntok sa dibdib nito.

Langya kang isda ka, bakit ngayon ka pa nagtapat. Wala ba talaga sa hulog ang isang 'to?

"Bakit mahal mo rin ako?" Mapanukso nitong tanong sa sakin kasama ang kanyang tulu-uhog na bungisngis!

Oo! Bakit?! hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa ko para maramdaman mo 'yun?! Siraulo din talaga 'to eh!

"Hindi ! Hindi kita mahal." Inis kong bulyaw dito.

Pero ngumiti lang ito saakin ng nakakaloko.

"Mamaya, sa party na gaganapin gusto ko may sagot ka na saakin."

Napatulala naman ako sa sinabi niya.

Seryoso ba siya? Kailangan ko siyang sagutin agad?!

"Eh paano kung ayoko?" Irap ko dito pero napatulala nanaman ako biglang halikan nanaman ako nito sa labi ko!

Kasabay nito ay ang pagtakbo niya ng matulin papalayo saakin.

"EDI GAGAWIN KO LANG YAN NG PAULIT-ULIT HANGGANG SA SAGUTIN MO NA AKO!" Sigaw nito saakin habang kumakaripas na ng takbo.

"SIRAULO KANG MANYAKIS KA! BUMALIK KA DITONG ISDA KA!! PRIPRITUHIN NA KITA!!!" Galit na galit kong panggagalaiti sa ginawa niya.

How dare him to kiss me?!!

Manyak ka Blaise. Manyak!!!

"Baliw, mahal rin kita. Hindi ko lang talaga gustong sinasabi ang nararamdaman ko." Irap ko dito at pinagmasdan lang syang kumaripas ng takbo.

Madapa ka sana.

At natawa naman ako nang bigla nga itong madapa at una ang ulo sa lupa.

"Pfft. Buti nga."

* * *

"Do we really need to attend that freaking party?" Walang gana kong tanong kay tanda. Nandito kami ngayon sa Meeting room ng at wala dito ang mga magulang nila. Which is good dahil hindi kasi ako komportable sa mga tingin nila.

Pinatawag din kami ni tanda para sabihing kailangan naming dumalo sa lintik na party na 'yun! Nagbibiro ba talaga siya?!

"Oo iha, ang presensya nyo ay napaka importante para sa pagdiriwang na iyon."

Inis ko namang tinignan nalang ang mga kasama ko. Lahat sila ay walang mga imik. Nakayuko lang na akala mo ay walang karapatang magsiangal.

Si Blaise naman ay kanina pa ako gustong pigilan pero hindi ako nagpaapekto sa kanya. Ayokong umatend sa party na iyon hindi dahil sa iyon ang oras ko para sasagutin si Blaise.

Ayokong pumunta sa party na iyon dahil isa iyong insulto para sa pagluluksa namin sa pagkawala ni Hunt sa grupo. Ang pagiwan niya samin.

"May ideya ka ba talaga kung anong pinagdaanan namin huh?! Alam mo ba talaga kung gaano kasakit samin na mawalan ng myembro? Sabihin mo nga tanda. Anong pwede naming gawing dahilan para pumunta sa kasiyahang sinasabi mo gayong heto kami nasasaktan dahil wala na ngayun si Hunt?!" Nanggagalaiti kong angal dito at napatayo narin sa upuan ko. Pinipilit kong huwag pumatak ang luha ko pero hindi ko mapigilan ito.

Ang sabi niya ay alam na niya ang lahat ng nangyari, umaasa akong naintindihan niya kami pero mali ako. Hindi niya naiintindihan ang hinaing namin.

"Myrttle tama na." Bulong saakin ni Blaise at hawak hawak nito ang kamay ko.

Binawi ko ito ng padabog at pinunasan ang luha ko.

"Anong tama na?! Huwag mo akong pigilan Blaise. Hindi ang matandang 'yan ang nakakita ng lahat ng paghihirap niyo kanina. Hindi ang matandang y'an ang nakakita kung gaano kayo nasakyan kanina ng mas piliin tayong iwanan ni Hunt. Hindi siya! Kaya wala siyang karapatang pilitin tayo sa isang bagay na walang kadahidahilan para puntahan!" Galit ko pang saad.

Nakatingin nalang sakin ngayon ang mga Rulers. Pero wala parin sa kanilang nagsasalita. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nito na dahilan para mas lalo pa akong masaktan.

"Enough, Tama na ang mga narinig ko mula sayo. Pero hindi nito ako makukumbinsi. See you later."

Then he left us dumbfounded.

Hindi ako nakapagsalita sa ginawa niya at napaupo nalang sa upuan ko.

"Psh..." Dismayado kong pakatak sa kanilang lahat.

"I'm sorry Myrttle. But Mr. Harrison is a man of his word. Kapag sinabi niya ang isang bagay ay dapat mo itong sundin." Paliwanag saakin ni Ethan.

Napatingin kaming agad kay Ash ng hampasin niya ng kamay niya ang lamesa. Matapos noon ay hinigpitan nito ang hawak sa kamao niya.

"Wala tayong magagawa kung hindi ang pumunta mamaya Myrttle. Wala tayong choice." Dugtong pa ni Landon saakin.

"Okay, suko na ako." Tumayo na ako at naglakad papunta sa pwesto ni Tanda.

"Kung ganito ang gusto ng Lolo mo Blaise, sige papayag na ako. Pero pwede bang tulungan na tayo ni Paris sa mga susuotin natin?"

Nagtakha silang lahat sa sinabi ko pero nginitian ko lang sila.

Kung ito ang gusto ng matandang 'yun, sige papatulan ko siya. Pero asahan niyang hindi ko gagawin ng may paggalang ang lahat mamaya.

* * * * *

Dumating na ang pinakahihintay ng lahat ng magaaral sa Harrison University. Ito ay ang engrandeng selebrasyon ng Harrison University para sa pagtatapos ng kanilang Foundation Day. Hindi lang ang mga estudyante ng Harrison University ang imbitado, dahil dadalo rin ang mga naglalakihang stock holder at maging mga kasama ni Mr. Harrison sa kanyang mga Negosyo. Ito ang dahilan kung bakit kailangang umatend ng rulers sa nasabing pagdiriwang dahil gusto niyang ipagmayabang ang mga ito sa lahat.

Habang abalang-abala ang lahat sa kanilang pagbibihis at paghahanda sa naturang pagdiriwang ay naipadala na ni Paris sa lahat ng rulers ang kani-kanilang mga sosootin. Isa ito sa imbensyon ng dalaga at maya maya lang ay makikita na ng lahat kung ano ito.

Sa kabilang banda ay nakapasok si Gill sa Restricted area sa pamamagitan ng isang lihim na pintuan. Pintuang si Naomi mismo ang nagturo sa kanya dati upang makapagkita sila ng walang nakakapansin.

Nalaman na ni Gill na nakabalik na si Naomi at nasa restricted area ito. Kaya naman hindi ito nagdalawang isip na pasukin ang pinagbabawal na lugar kahit alam niya sa sarili niya maari nitong kahinatnan.

Nang makapasok na ito sa head quarters ay nakasalubong nito si Levy.. ang Ama ni Landon.. Nagulat silang dalawa sa isa't-isa at sobrang kaba ang naramdaman ni Gill dito. Pero lubos nitong ipinagtakha ng lampasan lang siya ni Levy na akala mo ay walang nakita.

"Pag-akyat mo sa hagdan ay kumaliwa ka, huwag kang dadaan sa kanan dahil nandoon silang lahat." At sabay itong umalis na akala moy walang nakita.

Hindi na nagawa ni Gill na magtanong kay Levy at sinunod nalang niya ito.

Maingat at tahimik nitong tinahak ang sinabing direksyon ni Levy at dinala nga siya nito sa silid kung saan nagpapahinga si Naomi.

Nang makapasok si Gill sa loob ng silid ay isinara na niya ito at tinanggal na ang soot nitong sumbrero. Napaluhod agad ito sa tabi ng kama ni Naomi at maluha-luhang hinawakan ang palad nitong kasing putla parin ng kulay ng papel.

"Ang buong akala ko ay hindi na kita makikitang muli Naomi. Ang akala ko ay iniwan mo na talaga ako." Hagulgol nito sa babaeng nakahimlay sa isang kama.

"Patawad kung hindi kita naipaglaban. Patawarin mo sana ako kung naduwag akong ipaglaban ang pagmamahalan natin Naomi. Patawarin mo ako sa kaduwagan ko. Kung hindi sana ako naduwag ay hindi nasapit sa ganito ang lahat. Kasalanan ko ito Naomi. Kasalanan ko." Pagtatangis ni Gill kay Naomi habang hawak hawak ang isang palad ni Naomi na kinakabitan ng dextros.

Ngunit isang bagay ang hindi nito inaasahang mangyari.

"Gill."

Ani ng mahinang boses..

Mahinang boses na nanggagaling kay Naomi. Gulat na gulat na si Gill sa narinig niyang tinig kaya naman napatunghay agad ito kay Naomi at napaluha itong lalo ng makita na niya itong may malay na.

"My Goodness Naomi, gising ka na." Halik nito sa kamay ni Naomi at hinaplos-haplos ang noo ng babae.

But Naomi gives him a weak smile at napangiti dito si Gill.

"W-Wag mong sisihin ang sarili mo Gill. Hindi ikaw ang m-may gusto ng mga nangyari. H-hindi ika—" Pinatigil ni Gill ang pagsasalita ni Naomi dahil hirap na hirap ito.

Pinunasan din nito ang luhang papatak pa lamang sa mata ni Naomi.

"Shh, h'wag ka nang magsalita Naomi. H'wag mo nang piliting magsalita." Pagmamakaawa nito sa babae.

Samantala ay sa hindi kalayuan ay naglalakad na si Blaise papunta sa silid ng kanyang ina. Malapit ng magsimula ang Party at nakabihis narin ito. Gusto niya munang dalawin ang kanyang ina bago siya magpunta doon. Ngunit hindi niya inaasahan ang makikita niya matapos nitong buksan ang silid ng kanyang ina.

"Si-Sino ka. A-Anong ibig nitong sabihin?" Gulat na gulat na bungad ng binata sa dalawang taong nakita niya sa silid.

Samantala ay ganoon din naman ang gulat ni Naomi at Gill dito.

"Blaise Anak." Isang mahinang tawag ni Naomi sa anak nito. Nagulat naman si Blaise kaya nilapitan nitong agad ang kanyang ina at sinamaan lang ng tingin ang lalaking kilala niya bilang isang tagapagturo sa Harrison University.

"Mom, gising na kayo. Ano po, may masakit pa ba sa katawan niyo? Gusto niyo po bang tawagin ko na sila Tito Levy para matignan kayo? Ano nang nararamdaman niyo Mom.." Tarantang tanong ng binata at sa hindi nito malamang dahilan ay naluha nalang ito bigla. May mga bagay na nabubuo sa isip nito pero hindi niya ito matanggap.

"Anak." Hawak ni Naomi sa braso ni Blaise. Nang tignan na muli ni Blaise ng masama si Gill.

"Makakaalis ka na, ayokong may dalaw ang Mommy ko ngayon." Walang buhay nitong utos kay Gill.

Nasaktan si Gill sa sinabi ng binata. Para nitong nakagat ang dila dahil hindi niya nanaman magawang sabihing na siya ang ama nito.

"No Gill, stay here."

Ikinagulat ng binata ang sinabing iyon ng kanyang ina. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawa at nang makita niyang magkahawak ang mga kamay nito ay binitawan na niya ang kamay ng kanyang ina.

Napaatras si Blaise ng isang hakbang at napayuko nalang sa nangyayari. Napa-sapo rin ito sa kanyang ulo at hindi nanaman mapigilan ang luhang kumakawala sa kanyang mga mata.

"Hindi, hindi pwede... Anong ibig sabihin nito?" Gulong gulong bulong ng binata sa sarili.

"Blaise." Tawag ng kanyang ina sa kanya ngunit hindi niya ito pinakinggan. Buong prustasyon siyang tumunghay sa kanyang ina ng may luha ang mga mata.

"Ang buong akala ko ay si Dad lang ang may kabit. B-Bakit pati ikaw. Hindi... hindi ko maintindihan." Gulong-gulong wika ng bata na akala mo ay natataranta sa nangyayari.

Samantala ay pinilit na ni Naomi na tumayo na sa kanyang pagkakahiga at umupo na sa kanyang kinahihigaan. Pilit siyang inawat ni Gill pero hindi ito nagpaawat.

"Blaise, hindi kabit ng Daddy mo si Myldred. At lalong hindi ko rin kabit ang lalaking to ngayon. S-Si Myldred, Si Myldred at Gill ang totoong mahal namin ng Daddy mo noon pa man." Nagulantang ang binata sa sinabing iyon ng kanyang ina. Napatulala siya sa kanyang ina at nawalan ng sigla ang kanyang mga mata..

"H-Hindi ko maintindihan Mom." Pagmamakaawa ng binata dito.

Hindi na matiis ni Gill na makita na umiiyak ang binata kaya nilapitan na niya ito at akmang yayakapin ng itulak siya ni Blaise.

"H-huwag mo akong lalapitan! H-Hindi kita kilala!" Sigaw ng binata sa kanyang Ama.

This time alam na ni Blaise ang lahat, nabuo na ang konklusyon sa kanyang isip na ang lalaking kasama ngayon ng kanyang ina ay ang kanyang ama. Alam na ni Blaise kung bakit pamilyar ang lalaking iyon sa kanyang paningin.

Dahil kada haharap sa salamin ang binata. Ay ganitong mata rin ang kanyang nakikita. Mata ni Gill Rodriguez na patunay lang ng kaniyang pagkakakilanlan.

"Blaise!" Sigaw ni Naomi sa kanyang anak at natulalang muli dito si Blaise.

"Huwag na huwag mong tratuhin ng ganyan ang iyong ama!" Galit na suway ni Naomi sa kanyang anak.

"Ama? Si Daddy lang ang Ama ko Mom. Si Edward Blaire lang." Wala sa sariling wika ng binata.

"Hindi anak, hindi siya ang ama mo. Kung hahayaan mo lang sana akong sabihin sayo ang lahat maipapaliwanag ko." Nanghihinang pagmamakaawa nito sa kanyang anak.

"Hindi! Ayoko ng paliwanag niyo Mom. Sawang-sawa na ako sa gulo ng buhay ko! Ang buong akala ko ay si Dad lang ang may sinisekreto! Ang buong akala ko ay Kabit ni Dad ang Aimi na 'yun! Kaya kinamuhian ko siya! Kaya kahit idulong idulo ko si Daddy! Kinamuhian ko siya! Kasi ang buong akala ko ay siya ang dahilan kung bakit kayo nagkaganito! Kung bakit kayo nagkasakit! Pero hindi! Hindi ko na maintindihan! Tapos makikita ko kayo ngayon ng lalaking ito?! Lalaking lagi kong nakikitang umaaligid sakin na sinasabin niyo ngayong siya ang tunay kong ama?! That's bullsh*t Mom! F*cking Bu**sh*t!" Ngunit nagulat ang binata ng isang malakas na suntok ang natamo niya.

"H'wag na h'wag mong mumurahin ang Mommy mo!" Galit na galit na sigaw ni Gill kay Blaise. Kaya naman sinuntok din ito ni Blaise.

Samantala ay pinilit na tumayo ni Naomi sa kinahihigaan niya dahilan para mahulog ito sa sahig dahil nanghihina na ito.

"Tama na." Mahinang tawag ni Naomi sa kanyang mag-ama pero patuloy parin itong nagsusuntukan. Pero isang kalinga ang hindi inaasahan ni Naomi. Isang babae ang nagtayo sa kanya mula sa pagkakalag niya sa kanyang kama ay inihiga ulit siya nito dito ng maayos.

"Huwag niyo nang piliting tumayo pa. Makakasama sa sa inyo ang pagtayo." Mahinahong ani ng dalagang si Myrttle.

Walang sigla ang mga mata nito dahil kanina pa ito nakikinig sa kanila. Alam na rin ni Myrttle ang lahat. At walang nakakalam ng sakit nitong nararamdaman matapos marinig ang lahat mula sa kanila.

"Myldred?" Nagtakha ang dalaga kung bakit siya nito tinawag sa pangalan ng kanyang ina.

"Tama ako, dumating ka nga. Hindi mo alam kung gaano ko hinintay ang pagdating mo. Ang buong akala ko ay hindi mo na ako magagawang iligtas dahil sinaktan ko kayo ni Edward. Patawarin mo ako Myldred. Patawarin mo ako." Niyakap ni Naomi ang dalaga ng mahigpit sa pagaakalang si Myldred ang nasa harapan niya ngunit wala itong alam na anak lang ito ni Myldred.

Napatulala lang si Myrttle sa mga narinig niya. At lalong nawalan ng buhay ang nga mata nito kasabay ng pagpatak ng mga luhang kusang kumawala sa kanyang mga mata.

"Hindi ako si Myldred." Ito nalang ang nasabi ng dalaga matapos nitong humiwalay kay Naomi.

"Hindi ikaw? Nasaan siya?" Walang kamalay malay na tanong ni Naomi dito.

"Bakit ka umiiyak?" Dugtong pa nito ng mapansin ang luha ng dalaga. Marahas namang pinunasan ni Myrttle ang kanyang luha at tinignan muli sa mata si Naomi.

"Wala siya dito." Maikling sagot nito.

Matapos noon ay tumalikod na siya kay Naomi at hinigit na si Blaise na kasalukuyang nakatayo sa likuran niya.

"Tara na, mahuhuli na tayo sa Pagdiriwang." Walang buhay nitong utos sa binata at iniwan na nila ang silid na iyon kung nasaan nandoon ang lumuluhang si Gill at naguguluhang si Naomi.

* * *

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Blaise ng magiba sila ng daan ni Myrttle. Kanina pa siya hinihila ng dalaga at napansin na nga ni Blaise na iba na ang dereksyon nila.

Ngunit hindi lang ito sumagot hanggang makarating sila sa clinic ng school. Kung saan niya rin ginamot si Blaise sa unang pagkakataon.

"You need to be presentable. At hindi ako papayag na may pasa ka sa mukhang haharap sa lahat mamaya." Ani nito na may deretyong tono.

Umupo nalang din si Blaise kama habang ang dalaga ay abala sa paghanap ng gamot na maaring ilagay sa galos ni Blaise sa mukha gawa ng suntok ni Gill.

Ngayon lang din napansin ni Blaise na nakabihis narin pala si Myrttle para sa gaganaping pagdiriwang. Soot soot ni Myrttle ang isang Dark Red gown na kita ang likod dahil sa design neto. Hindi ganoon ka conservative at hindi rin naman ganoon ka revealing.

Simple lang pero mas umangat ang hubog ng katawan ng dalaga maging ang kaputian nito at ganda.

Samantalang si Blaise ay nakabihis narin. Naka Itim itong tuxido at puting polo sa loob. Nakataas din ang bangs ng binata at kinulayan din ang kanyang buhok ng blonde na bumagay din naman sa binata.

Nang makuha na ni Myrttle ang gamot ay nilagay na niya ito sa galos ng binata.

Nilagyan niya rin ito ng gel para maiwasan ang pamamaga.

Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Lalong-lalo na si Myrttle. Kaya naman nang natapos nang gamutin ng dalaga si Blaise ay hindi na nito matiis ang magtanong.

"Anong sinabi sayo ni Mom?" Tanong ng binata dito na hinarap naman ni Myrttle.

"Salamat daw." Pagsisinungaling ng dalaga sa binata.

Agad namang napaniwala ni Myrttle si Blaise ay nagtungo na sila sa HU hall. Kung saan gaganapin ang kanilang selebrasyon.

* * *

"Ladies and Gentlemen. Lets give the star of this night a round of a applause! Lets all welcome, the rulers!" Ani ng emcee at isa isa nang umakyat sa stage ang mga rulers. Dala-dala ng mga ito ang kulay ng kanilang inirerepresenta batay sa kung anong kulay mayroon ang kanilang pamilya.

Ito ay ang araw bago magtapos ang foundation week, kaya naman ang lahat ng first year student at second year student ay dumalo sa victory party na ito. Nagsipalakpakan ang lahat ng mga tao ng tuluyan ng makalabas ang lahat ngunit hindi naiwasan ng ibang estudyanye na mapansing kulang ang mga ito. At ito ay si Hunt.

Engrande ang setting na ginawa nila sa HU hall. May limang naglalakihang chandelier sa taas ng hall na sadyang napakaganda at nakadagdag sa pagka-eligante ng buong lugar.

Ang tema ng lugar ay Silver at White, puting mga lamesa na may touch ng mga silver na tela. Gayon din ang mga upuan na halatang pinasadya pa.

May sari-sarili ring lamesa ang bawat sampung estudyante at guests sa hall. Makikita rin ang labanan ng mga ito sa mga soot soot nitong mga mamahaling damit kung saan ito ang nakapagbigay ng buhay sa Lugar. Dahil sa makukulay na soot ng mga estudyanye ngayon.

Si Mr. Harrison ay tuwang tuwa dahil sinunod siya ng mga rulers niya kaya naman ngayon ay nasa bahagi ito ng lugar kung saan nandoon ang mga stock holders at mga naglalakihang guests na inibintahan ni Mr. Harrison para makilala ang mga rulers na lubos na ipinagmamaki ng matanda.

Pero hindi naging sapat ang mga magagandang bagay na ito para magkaroon ng dahilang sumaya ang mga rulers. Kaya naman dito na nagsimula ang plano nila Myrttle at Paris.

Si Paris na ngayon ay nakaupo sa hindi kalayuan na may kulay Rosas na kulay na damit na angat na angat sa lahat. Ngunit tulad ng dati ay may mga nakatagong nakakamatay na bagay sa loob ng magarang gown niyang iyon.

Tumango na si Myrttle sa lahat. At nang oras nang matapos ang palakpakan ng mga tao ay nagsiikot na ang mga babaeng rulers sa kanilang pwesto samantalang nanatili lang ding nakatayo ang mga kalalakihang Rulers.

Hindi maiwasang mapatingin ng mga tao sa ginagawa ng mga rulers at nagulat ang mga ito ng unti unting nagiging kulay dugo ang kulay ng mga damit nito na akala mo ay tumutulo ito mula taas ng kanilang mga kasootan hanggang sa masakop na ng maladugong kulay na ito ang buong kasootan ng mga ruler. Ngunit hindi lang iyon, dahil unti unti ring naging kulay itim ang kulay ng damit nilang lahat na akala mo ay namatay ang matitingkad nitong kulay kanina.

Ang lahat ng tao ay nagulat sa nangyari. Nagtakha din ang mga ito kung bakit walang ngumingiti sa mga rulers di gaya ng huling pagkakakita nila dito sa Hall. Noong panahong pinayagan silang magaral sa labas ng restricted area.

Namayani ang bulungan sa buong lugar dahil halatang halata naman ang kanilang pinararating sa lahat.

Samantala ay gulat na gulat si Mr. Harrison sa nangyari.

Hindi ito pinansin ng mga rulers at umupo na sa kani kanilang upuan. Upuang gaya ng kung anong upuan ang mayroon sila sa kanilang head quarters.

ALEXANDER MITSUO

"Hindi ko gusto ang nakikita ko." Sabi ko sa katabi ko ngayong di Shenny. Maging siya ay napatulala sa ikinikilos ng mga rulers.

Naka formal din na damit ang dalawa ngunit simple lang ito hindi gaya ng soot ng iba.

"Ako rin Xander, kutob kong may nangyayaring hindi maganda sa kanila. Lalo na kay Myrttle." Sagot nito saakin. Sabay sulyap ulit sa kaibigan naming si Myrttle.

Nandito kami ngayon ni Shenny sa lamesa na nakalaan sa mga student council. Malapit kami sa stage kaya naman kitang kita namin ng malapitan ang ginawa ng mga rulers.

Hindi ko maitatangging nakamamangha ang nangyari sa mga damit nila pero hindi nito maitatago ang mensahe ng kanilang ginawa para sa lahat. Nakita ko na ang ginawa nila sa isang pilikula at hindi ko akalaing may makagagawa ng ganito sa tunay na buhay.

At gaya ng bidang babae sa Hunger games. Ginawa nila ang pagpapalit ng kulay ng kanyang damit dahil gusto nitong sabihin na ayaw nila sa ginagawa nila. Pero anong ibig sabihin nito Myrttle.

Bakit niyo ginawa ang bagay na yan.

Natapos na ang palakpakan matapos ipinakilala na ni Mr. Harrison ang mga guest niya.

Pero hindi iyon ang pinagtuunan ko ng pansin.

Kung hindi ang bawat kilos ng mga rulers na ngayon ay nakaupo sa kani-kanilang upuan na may kakaibang desenyo.

Lahat sila ay kulay itim ang damit at sa motif na Silver and White ng lugar ay lutang na lutang ang kulay Itim dito.

Para silang nagluluksa na ewan.

"Alam ko na Shenny."

Bulong ko kay Shenny na nakatitig din sa mga rulers.

"It must something to do with Hunt." Dugtong ko pa dito at napatingin ito saakin ng walang emosyon ang mukha.

Ngunit isang pangyayari ang kinalakas ng kabog ng dibdib ko at napahawak agad ako kay Shenny.

Namatay ang lahat ng ilaw at ilang mga tilian ang narinig ko dahil dito.

"Sh*t anong nangyayari." Para akong bulag dahil wala talaga akong makita na kahit na ano. Ramdam ko rin ang panginginig ni Shenny kaya naman niyakap ko na ito.

A-Anong nangyayari...

Ngunit naagaw ng isang liwanag ang paningin ko ng may mag project sa stage na kung ano.

At nagulantang maging ako sa napapanood ko.

N-No, this can't be.

MYRTTLE JOONG

Naalarma ako ng biglang mawalan ng ilaw sa buong hall. Nakarinig din ako ng ilang sigawan at hiyawan sa kadiliman.

"Anong nangyayari?!" Sigaw ko sa mga rulers.

"Blaise kasama ba to sa program?!" Rinig ko rin namang sigaw ni Ethan kay Blaise.

"Hindi, hindi ito kasama sa program."

At kinabahan na ako sa sinabi niyang ito.

"A-Anong nangyayari." Rinig ko pang takot na takot na sabi ni Linzy sa hindi kalayuan.

Ngunit napatigil kaming lahat ng may tumapat saaming nakakasilaw na liwanag.

At sa sobrang liwanag nito ay napapikit nalang ako..

Ugh, ano bang nangyayari.

Pero nagulantang kaming lahat ng may isang babaeng tumili..

"H-Hindi." Rinig kong bulalas ni Blaise na kanina lang ay katabi ko.

Nang makapagadjust na ang mga mata ko ay nakita ko ang ibang rulers na nakaharap na sa likuran naming puting tela..

Katulad nila ay napatingin din ako dito at nabigla.

M-Mga litrato ito ng mga dating estudyante ng Harrison University na ngayon ay patay na gawa ng hindi makontrol na gulo sa loob ng University. At oo, kasama dito si Jenny. Pero Deym! Matagal na ang mga larawan na 'yan! Anong dahilan at ipinakikita pa iyan sa lahat?!

Pero isa pang litrato ang ikinagulantang naming lahat.

'They are hidding monsters inside this University.'

"What the—" Ngunit napatigil ako sa sinasabi ko ng may salitang namuno sa buong hall..

Kasabay ng nakakatakot na tunog na sadyang nakapagpaligaw din saakin.

"Nakakabigla hindi ba? Hindi ba kayo nagtatakha kung bakit may mga estudyante dito, na bigla bigla nalang na nawawala?"

Teka..

Dayle?!

"Nasaan siya! Kailangan natin siyang pigilan." Galit na galit na sigaw ni Kiera. Ngunit huli na ang lahat.

Nagliwanag na ang buong lugar at kitang kita ko ngayon na ang lahat ay nanonood na sa kung anong nagflaflash sa likuran namin.

This is not good.

Marahan kong iling habang nakikita ko ang takot na bakas sa kanilang mukha.

"Hindi niyo ba alam na sa tinagal-tagal niyo nang nagaaral sa school na ito ay nakakabit lang sa inyo ang posibilidad na hindi na kayo makalabas pa sa lugar na ito?" Kasunod noon ang kanyang tawa.

N-No D-Dayle...

"Badtrip nasaan na siya! Dayle!! Tumigil ka na!!" Sigaw ni Landon dito at this time ay nakita ko na kung nasaan nakapwesto si Dayle.

B-bakit Dayle..

Bakit mo ginagawa samin to...

H-Hindi nila pwedeng malaman ang lahat ngayon Dayle. Please tumigil ka na.

Sa kabila ng makahulugan kong tingin sa kanya ay sinagot lang nito ako ng isang nakakatakot na ngiti...

Ngiti na hindi ko kailanman nakotang ipinamalas ni Dayle.

Ngiti na hinding hindi magagawa ng Dayle na kilala ko.

A/N:

Hey! Labas na mga silent redears..  11 chapters nalang oh.. pakilala na kayo sakin! Hihi..

Votes and Comments are Highly appreciated! Wait ko ah <3

Continue Reading

You'll Also Like

914K 38.4K 54
[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang pag...
233K 6.1K 59
She loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in...
3.2M 91.4K 86
An unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...