HARRISON UNIVERSITY: The Scho...

By GHIEbeloved

13.9M 389K 66.2K

Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her... More

PROLOGUE
HUTSOM BOOK IS NOW AVAILABLE!
Chapter 1 : [Harrison University]
Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]
Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]
Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]
Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]
Chapter 7: [ Mission Impossible]
Chapter 8: [ Forced decision]
Chapter 9: [ Unexpected Guest]
Chapter 10: [Identity]
Chapter 11: [ Revelation ]
Chapter 12: [ Officially Part of Harrison Rulers ]
Chapter 13: [ Confrontation ]
Chapter 14: [ Final Decision ]
Chapter 15: [ Choices ]
Chapter 16: [ New classmate? Hell!]
Chapter 17: [ Lady in the shadow ]
Chapter 18: [ Worried ]
CHAPTER 19: [ She's familiar]
Chapter 20: [ Alaine De Castro]
Chapter 21: [Second Crime ]
Chapter 22:[My Queen]
Chapter 23: [ Crimson Palace ]
Chapter 24: [ Myrko ]
Chapter 25: [ The Palace Queens]
Chapter 26: [ The Announcement ]
Chapter 27 [ Protect ]
Chapter 28: [ Her tears]
Chapter 29: [ Miesha ]
Chapter 30: [ Special students ]
Chapter 31 [ The Queens Rule]
Chapter 32 [ Arrow ]
Authors Note (PleaseREAD)
Chapter 33: [ Goodluck]
Chapter 34 [Behind the mask]
Chapter 35 [Her Side]
Chapter 36 [I'm Sorry]
Chapter 37 [ Unknown Feelings]
Chapter 38 [Twins]
Chapter 39 [Her other side I]
Chapter 40 [Her other side II ]
Chapter 41: [The mean Girls]
Chapter 42: [Slave]
Chapter 43: [Phoenix]
Chapter 44: [The Plan]
Authors 2nd Note ( Please read)
Chapter 45 [Guilty]
Chapter 46[She's Here]
Chapter 47: [Dayle Trinidad]
Chapter 48 : [Confuse]
Chapter 49: [Please, stay]
Chapter 50: [Worst than nightmare]
Chapter 51: [Death threat]
Chapter 52: [Unmask]
Chapter 53: [Trapped]
Chapter 54: [Im trapped again]
Chapter 54: [Paint]
Chapter 55: [Cloud Montague]
Chapter 56 [The Other Side]
Chapter 57(part I): [Bestfriend]
Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]
Chapter 58 [Comeback]
Chapter 59: [Unveiled]
Chapter 60 [The Game of Doom]
Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]
Chapter 62: [Special Students]
Chapter 63: [The Fall]
Chapter 64: [Wicked]
Chapter 65: [The Gift]
Chapter 66: [The Zone]
Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]
Chapter 68 : [ Wish Granted]
Chapter 69: [Me]
Chapter 70: [Glance]
EPILOGUE
Author's Note
HUTSOM SOON TO BE PUBLISHED UNDER PSICOM!

Chapter 2 : [ The Fountain]

361K 8.4K 1.2K
By GHIEbeloved

Myrttle's Point of View

ISANG LINGGO na ang nakalipas magmula noong makapasok ako sa University. Kaunti na lamang at magsasawa na ako sa paulit-ulit na ganap sa paaralang ito.

Ngunit hindi ko maitatanging ang nakapagpapanatili sa'kin dito'y ang mga kahina-hinalang bagay na napapansin ko sa paaralan. Mga bagay na hindi pangkaraniwan at mga bagay na aking kinakatakutan. Kaya naman isang linggo ko na ring inoobserbahan ang mga ikinikilos ng mga estudyante dito.

Basta, hindi ako komportable sa mga bagay na iyon at ayaw kong magpakakampante.

Ito ang kauna-unahang vacant time ko na hindi ako busy. Kaya naman napagdesisyunan kong maglakad-lakad, hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa pinakasentro ng school kung saan naroon ang fountain.

Pansin kong hindi puntahin ng tao ang fountain bagay na katakha-takha. Ngunit nasagot iyon nang makita ko ang tila pinapabayaan na ang tubig na halos magkulay berde na.

It looks creepy but that whats makes it so special to me, I think.

Ramdam ko na naman ang mga pares ng matang nakamasid sa akin, ngunit hindi ako nito natinag at isinawalang bahala na lamang muli. Dahil kung may dapat mang matakot sa amin, sila iyon.

I don't know, napakapamilyar ng mga aurang nakapaligid sa'kin. May mga pagkakataong makakakita ako ng taong tila nakilala ko na rati, ngunit hindi ko matandaan kung saan.

I can't stop blinking in front of this magnificent fountain.

The fountain consist of twelve figures of warriors—six men and six women. It's like I am seeing a statue of the Greek gods and goddesses, but I know they're not. They probably representing different personalities from the past. Something very important, para pagtayuan ng ganito kagarbong rebulto.

They were made of crystals, kaya naman kumikinang ang mga ito sa malayuan. Lalo na't kung nasisinagan sila ng araw. Ang bawat isa'y may ipiniprisintang kulay. Bagay na sadyang napakagandang pagmasdan dahil sa tila bahagharing ilusyong nagagawa ng mga ito.

Napasingkit ang mga mata ko sa mga tangan ng mga itong bagay.

Wait... Is that a... weapon?

I was right. These figures are holding different kind of weapons. At kinalulundayan iyon ng mga simbulo.

Ang ganda. Ito ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko. Ngunit sa paglibot ng aking mata'y isang pigura ang nakaagaw nang husto sa atensyon ko.

Isang babae. Babaeng may hawak ng pana at palaso.

Kulay pula ang kristal nito na binabagayan ng ginto nitong sandata. Bagay na kamangha-mangha dahil sa nagliliyab nitong ityura sa sinag ng araw.

At tuluyan akong natigilan ng matanaw ko ang simbulo nito. At sa hindi malamang dahila'y ikinabigay rin iyon ng dibdib ko. Taglay niya ang isang nagliliyab na ibon. A Phoenix.

"Beautiful isn't it?"

Isang boses ang nakapagbalik sa'kin sa realidad. Boses ng isang matandang lalaking agad kong ikinalingon.

An old man was looking at the fountain as same as I. Narrowing his stare at the archer before looking back to me.

Napakasupistikado ng kanyang kasootan. Nakikita ang kanyang katandaan sa puting-puti nitong buhok. Pero gaya ng nakagawia'y hindi ko lang ito pinansin at ibinalik lang ang atensyon ko sa fountain.

I don't like how he stares at me, na para bang kilala ako nito at tuwang-tuwa pa siya na makita ako.

"They are the twelve Legendary Rulers of this University, Ms. Joong."

Nagawa ako nitong palingunin muli nang sabihin nito ang apelyido ko. But when our gaze met, I rolled my eyes as I made my way out of his sight.

Weird old man.

Ang totoo'y gusto ko siyang tanungin patungkol sa sinasabi niyang Twelve Legendary Rulers pero may nagtutulak sa'king h'wag na lamang siyang lapitan.

Argh. Why am I acting so weird!

Pero inokupa ng Twelve Legendary Rulers ang araw ko, thinking who they really are, and why they need to exist.

* * *

BURYONG-BURYO kong inihilig ang ulo ko sa mesa. Nahihilo akong makakita pa ng numero sa white board. Oo, alam ko 'yong lesson pero masakit na talaga sa ulo ang masyadong maraming numero! Para bang umiikot ang mga ito paningin ko. Kaya wala na akong maintindihang kahit na ano.

Truth to be told. Kahit gaano ka man kagaling sa math. Kapag masyadong marami ay sasakit at sasakit din talaga ang ulo mo. Just hell, for our three hours math lesson!

"Ms. Joong, come here," galit at parang aso sa'king tawag ng prof. I can't remember her name. But hell? Kailan pa naging ganito kaganda ang aso?

Marahan akong napatunghay sa harapan ng classroom, sa pagaakalang nandoon siya. Pero ikinagulat ko ang presensya nito sa tabi ko.

May hawak na stick at masamang-masama ang tingin sa'kin.

"Y-Yes?" I snapped out.

I don't know her. I don't even remember her name. Tahimik ang mga kaeskwela ko kapag siya ang nagtuturo. But for me she's just a typical prof who always wear her floral outfit and a shining tied up grey hair.

Nakarinig ako ng mangilang tawanan galing sa mga classmates ko. Bagay na ikinataas ko agad ng kilay dahil sa kawalang-kwentahan ng mga ito.

After pulling myself back to its mood, I lamely look back to her. But her suspicious smile bothered me. Bagay na hindi ko na lamang pinansin at inabot na lang ang librong hawak niya.

"You're not listening! You even have a nerve to sleep during my class! You're disrespecting my profession! Now, answer this equation! " She stormed out but I still manage to made my face straight. Kinuha ko lang sa kamay nito ang pinasasagutan na ikinangisi na naman ng bruha. Which mades me sense that this old woman planned something to disgrace me.

Her smile looks creepy and way too disgusting. Ugh

"Okay." I sighed.

Tiningnan ko ang papel na ibinigay nito at agad na napakunot ang aking noo nang makumpirma ang hinala ko.

Sinasabi na nga ba! She gave me an equation that is too impossible to solve!

Kunot-noo ko itong nilingon pabalik. At tulad ng inaasahan ay nakangiti na naman ito, pero sa pagkakataong ito'y ibinalik ko rito ang mga ngiting iyon.

That made her mad pero tinalikuran ko na lang ito.

Sinagot ko naman agad ang pagkahaba-habang equation nito. Mas minabuti kong gawin ang mahabang solution kaysa sa mas pinaikli na kadalasang nitong ginagamit.

At gaya ng inaasahan, mas bumusangot ito na ikinangiti ko lang nang patago.

Damn you, mabuti na lang at hilig ako ni Lolo turuan in advance.

Tatawag-tawag kasi ng estudyanteng gustong ipahiya, tapos ngayong nakasagot maasar. Is that professionalism? I know what I've done, but this old lady should know how to respect us. In order for me to respect her as well.

What I did made the whole class shut in silence. Bagay na ikinangisi ko maging sa kanila na ikinaiwas rin ng tingin ng mga ito.

Tss.

I am about to be seated when someone shouted my name at the back. "Ate Myrttle ang galing-galing mo! Idol na talaga kita!"

Seriously?

Lumingon naman ako sa likod ko at may isang babaeng nakatayo roon, naka-pigtail ang buhok, at nagniningning ang mga mata.

I manage to calm myself before looking back to her. Matiiim ko itong nginitian at sumenyas na tumahimik siya. Mahirap na, baka siya pa ang pag-initan ng babaeng iyon.

She's that adorable kid who wished to sit in here in our class. A brilliant High School student.

Agad naman akong sinunod nito na ikinatuwa ko. Masunuring bata.

* * *

BREAK TIME na't gaya ng nakagawia'y kumain muli akong mag-isa sa cafeteria. Ako lang mag-isa lagi kapag lunch break, since hindi naman kami magkasabay ng break time nila Xander at Shenny.

No one tried to join me. Maybe they sense that it's not a good idea. Which actually true. Wala naman kasi talaga akong pakialam sa kanila. And besides, sanay na rin akong mag-isa.

Nakahabang pila ang sumalubong sa'kin sa careteria. Bagay na hindi na katakha-takha dahil lunch break ng lahat ng nasa B.A Building.

Umuusad naman ito nang mabilis kaya ayos lang ang pumila.

Ilang hakbang na lamang sana ako bago makarating sa counter. Nang maramdaman kong may tumulak sa babaeng nerd na nasa likuran ko. Bagay na agad kong ikinalingon ngunit ibang mga mukha na ang nakita ko.

"Stupid Nerd!" Panunuya ng tatlong babaeng sumingit sa pila laban sa babaeng itinulak nila sa sahig.

Okay?

"Hay, ayan na naman sila," buntong-hininga ni Manang sa counter na ikinalingon ko muli rito. Ibinigay ko na rin ang debit card ko para maka-order.

"Manang, dating gawi. Padagdagan na lang ng milk tea. Iyong taro flavor with pearls, pakiramihan po 'yong pearls," pamulsa kong sabi na agad nitong inilista.

"Hey, new girl. Kaya ba 'yan today?" sarkastiko sa'king puna ng babaeng mukhang payaso dahil sa kapal ng make-up nito.

She tried to pull my arms, but she failed to defy my strength.

Bago ko siya pansinin ay hinintay ko munang maibalik sa'kin ang card ko.

There is one thing you shouldn't try before you die my dear. Do not mess with a Joong.

"Duh! Are you deaf? We're talking to you kaya!" bulyaw pa ng isang babaeng mukhang baboy. Conyo babies.

I stood before them wearing my the-hell-i-care look.

"Move." I commanded and like what I am expecting , their three clowns face turns red.

They are wearing a-hell-fashioned dresses. Revealing their cleavages that can burn my eyes out of disgust. It can't hide the layers of their fats that makes it more... Ugh. Paano nila naatim na magsuot pa ng ganoon? Though, iyong pinakamatangkad na may shades ay may balingkinitang katawan. But her chest are too full!

Nakataas ang mga kilay nito sa'kin na hindi ko ikinasindak dahil wala akong dahilan para matakot.

"Say what!?" Iritableng sigas nito.

Tss. Ako pa raw ang bingi.

"I said. Move," pag-uulit ko. Pero ikinainit ng ulo ko nang makita ko ang babaeng tinulak ng mga ito. Nakasalampak pa rin ito sa sahig na tila ba naghihintay ng pasko.

"OMG, girl. I know her! Si Myrttle 'yan, siya iyong namahiya sa amin sa Section A Management. Lumayo na tayo!" bulalas ng isa sa kanila.

Nanliit ang mata ko dito, dahil wala akong kaalam-alam na iyon na ang pagkakakilanlan ko sa lugar na ito.

Until I remember their faces. They are the first group of brat that makes me kicked their ass. Pinatid ako ng mga ito noong magpapakilala sana ako sa isang Professor. Bagay na awtomatiko rin namang ikinataob ng mga silya nila. Nagulat ang lahat. Pero wala akong pakialam. Ang akala siguro nila'y hindi ako gaganti.

"Bakit ako lalayo? Sino ba siya sa akala niya? Like duh!" Pagpapaikot ng babaita sa kanyang mata kasunod ang mapanlait nitong tingin. Tusukin ko kaya mata nito?

"I don't see any reason para lumayo." Tinuro nito sa babaeng pinatumba nila. "Ni wala nga 'yang alam na ako dapat ang masusunod sa lugar na ito. And yuck, what fashion is that? Tell me, girl saang libro ka ba galing?" Duro nito sa'kin at sa damit ko.

What the hell? Those words touches my nerves. But I manage to hold it, may tamang paraan ng paghihiganti.

First, ignore.

Walang gana ko itong tinalikuran at agad din na humarap nang makuha ang milk tea kay Manang.

Second, act stupid.

Sa bilis ng aking paglingon dito ay naitapon ko sa damit nito ang milk tea.

Third, enjoy the moment.

Kitang-kita ko ang gulat na gulat nilang ekspresyon na tila mahihimatay pa.

Psh. Ang arte!

Forth, make a convincing apology.

"Oh, dear. I'm really sorry," peke kong paumanhin dito.

And last but the best part, make them look stupid.

"Gusto ko sanang sabihing hindi ko sinasadya. Pero nakita mo naman diba? Unless your shades are too dark indoor para makita ang lahat? " I smirked na talaga namang ikinausok ng mga ilong nila.

Sabay pang napahawak ang dalawang alipores nito sa kanilang mga dibdib na tila nagtakha pa sa reaksyon ko. Samantala'y nakuha ko naman ang atensyon ng lahat ng estudyante sa cafeteria. Hindi ko alam kung anong mayroon sa reaksyon nila. Na parang nakagawa ako ng bagay na ipinagbabawal. But the hell I care.

She screamed in frustration, "My d-dress." Patuloy pa nitong pagpunas sa sariling damit habang ang Milk tea ay patuloy rin sa pagtulo sa sahig. Nang hindi na ito matanggal ay masama agad nito akong tinignan at mabilis na hinawi ang kamay para sampalin ako. Pero hindi ito nagtagumpay nang mas mabilis ko itong mapigilan.

Too slow.

"Ouch!" She cried, lalo na nang higpitan ko ang hawak sa kamay nito.

"Talaga? Masakit?" ngiting tanong ko rito kasabay ng pagbitiw ko nang malakas braso nito.

It's your fault.

"Hindi mo ba ako kilala?" I leaned closer. "Don't worry little, brat. If I were you, hindi ko na aalamin pa kung sino ang taong kaharap mo." Banta ko rito, bagay na hindi ko maiwasang ikangiti.

Dahil kapag nalaman mo kung sino ako, ay baka ikaw pa mismo ang pumatay sa sarili mo.

I looked at the cup I am holding. "Oh dear, may natira pang kalahati...wait." Without any words binuhos kong muli ang inumin sa ulo nito.

I heard how the crowd celebrating. Bagay na hindi ko lang muli pinansin.

"How dare y—" Akma na naman sana ako nitong sasampalin ngunit natigilan na ito sa talim ng aking tingin.

"I'm warning you, little brat. You're gonna regret it," seryoso kong pagbabanta na ikinatigil nito.

"Good. Marunong ka rin naman palang matakot," pabulong kong usal. I measured her once more at inilingan ito.

"You know what? I don't really get your reason why you're making this kind of useless scene..."

She bit her lower lips out of irritation, but she stopped when I poke her chin.

"...Ang saktan ang mga taong alam mong mahina. And you're indeed pathetic if you're doing this just to gain attention," bulong ko rito kasabay ng pagturo ko sa mga nanonood ng hindi sila tinitingnan.

Rinig ko ang pagngalit ng mga panga nito.

"Alam mo? Hindi mo naman ikasisikat ang paggawa ng mga ganitong eksena sa University. Tama ka, mapapansin ka nga nila pero hindi mo alam kung gaano ka mas nakakaawang tingnan dahil diyan sa mga ginagawa mo. Isang spoiled brat na walang pumapansin kaya magpapapansin," habol ko pa rito pero hindi pa rin ito nakapagsalita. "Nakakaawa." Komento ko at tuluyan itong tinalikuran.

Tinungo ko ang babaeng nananatiling nakasadlak sa pagkakatulak sa sahig. Itinayo ko ito at nagtungo na muli sa counter.

I heard her screaming while making her way out of the cafeteria.

Tss, I can't believe I waste my time arguing with those kind of people.

Manang mouted thanks to me nang ibigay nito ang pagkain ko. Tinanguan ko naman ito at nilpasan lang rin ang babaeng itinayo ko kanina. Hindi ko siya pinansin pa because I don't like people whose allowing themselves to be bullied.

No one can lay their hands to you, unless you allowed them to do so.

But what made me surprised is her sharp eyes behind those thick glasses.

"People nowadays." I sighed

Gaya ng nakagawia'y itinuon kong muli ang buo kong atensyon sa pagkain. "Thanks for the food,"

Lahat ng klase ng ingay ay maririnig mo sa Cafeteriang ito. May nga humahagalpak sa tawa, may mga nagtsitsismisan, may mga nagliligawan, at noong isang araw nga'y may nagkagirian pa. Bagay na napakasalungat sa'king mag-isa lang na ninanamnam ang pagkain sa harapan ko.

"Uhm... Ate Myrttle, p'wede po bang makisabay sayong kumain?"

Ikinagulat ko ang boses na iyon. Pamilyar na boses na alam ko agad kung kanino. Isang hindi kataasan, maputi, may matatalas na mga mata, at babang naka-pigtail na ayos ng buhok.

Ang batang naki-sit-in sa klase.

Pero saan ba siya nanggaling? Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot!

Hindi ako agad nakasagot dito.

"Sige na po. Please?" Pagmamakaawa nitong agad kong ikinakagat sa labi. Dang! I can't help not to reject this kid. She's so adorable!

"Sige," tipid kong sangayon pero sa loob-loob ko'y gusto ko na irapan ang aking sarili.

Wala naman sigurong masamang mangyayari. I'm afraid to be attached with this kid, pero imposible, panandalian lang naman ang pananatili niya dito.

Pero tila gusto kong pagsisihan ang nagawa kong disisyon.

For goodness sake! limang minuto na siyang nagdada-daldal! Hindi ba nauubusan ng laway?

"Napakaastig mo kanina ate! "

Sa totoo lang ay wala na akong naiintindihan sa idinadaldal nito. Dahil sa sobrang random ay hindi ko na masundan pa.

"Ate, kanina pa kita kinakausap, hindi ka man lang nagre-response," nguso nitong puna sa'kin.

Niloloko ba ako ng batang ito? 'Eh, maski nga isang salita hindi ako makasingit sa kadaldalan niya.

Okay, Myrttle, stay calm. She's just a kid.

"Whats your name? " singit ko na ikinaningning ng kanyang mata. She's about to tell stories about her kuya, pero pakielam ko ba sa taong iyon?

"Ako po? Ako po si Celine. Celine Harrison Blaire," pagbubuo nito at muling nagparang iritable ang kanyang mata. Kukurap-kurap

Tanungin ko na rin kaya kung anong problema ng mata niya? Actually, may kilala akong kaparehas na kaparehas niya paminsan.

Well, Celine is a nice name.

Hanggang sa tuluyan na ngang natapos ang lunch break. Thank God. Sinusubukan kong umakto ng normal pero gusto ko talagang ngumiti dahil doon. Takte, ayoko sa madaldal lalo na sa mga bagay na wala naman din akong alam. Malay ko ba sa aso nila, sa favorite cartoons niya, even aa kuya niya?

Hindi naman sa ayaw ko sa batang ito. In fact, gusto ko ang mga bata Sadyang iba lang siya dahil nag-fe-feeling bata.

Hindi na kami nagkasabay pumasok sa room dahil may kukunin pa raw ito somewhere. Mabilis na dumaan ang oras matapos niyon, pero ipinagtakha ko kung bakit hindi na bumalik pa si Celine sa klase.


~TO BE CONTINUED 

Continue Reading

You'll Also Like

55.9M 987K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
4.3M 136K 46
(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong...
604K 38.1K 55
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
4.2M 122K 50
[MAOG Book 2] Do you think you've been toyed enough by the ride called life? Then, you're wrong. It doesn't end with a happy and perfect picture but...