Fragments - KathNiel One Shots

Oleh FlurriedSimplicity

220K 4.7K 1K

šŸ’™šŸ’™šŸ’™ Fragments of my thoughts, collected experiences, along with a spur of my imagination, pieced and separ... Lebih Banyak

Mr. Seloso
Bote ng C2
Starbucks
Mangga?
Cleaner?
Minsan Kasi...
Notebook
MOVE ON
Brutal na Pag-Ibig
Kisapmata
Si Kitkat at si Rocher
My 11:11 Wish
Ako Na Lang
The Best Birthday
Pagdating ng panahon
Si Gael
Hi Crush! :)
Hi Love! :)
Perfect Timing (PNP prt. 2)
Perpekto (Her Side)
Perpekto (His Side)
Bakit ba kita minahal?
He Loves Me........ He Loves Me Not.
LOL Have Fun
Scars
Fact About Kathryn Bernardo...............
Asar
Seatmate?
Ever Again
Sorry Na.........
Laruan
Bally, I'm Sorry.
Bally, I'm Sorry (Part 2)
Superman? SUPERMANHID
Hanggang dito nalang
If I Had A Choice
If I Had A Choice (HER SIDE)
Hinding Hindi Na
Ikaw
Never
I don't
Happy Birthday, Love. (Birthday Special)
Spaces
Paano ba?
I see
Hindi na kami
Swerte nga naman
Si Daniel (Birthday Special #1)
Creep (Birthday Special #2)
The way you look at me (Birthday Special #3)
Package Deal (Birthday Special #4: Bonus)
Kahit ano ka pa
Sana Maulit Muli
Bakit Labis Kitang Mahal
The One That Got Away
Hanggang Kailan Kita Mamahalin
Finally
Hanggang
Special Ingredient
Si Tatay
Si Nanay
Crazy in Love
Again
Perfect Thursday
Still Thursday
Picture Perfect
Home This Christmas
AngYna
Lovesick
Worth it
In The Mind of The "Best" Boyfriend
All That Matters
So In Love
In His Arms
P R O T E C T O R
Never Too Far
A Queen
Graduation
#PSYAppreciationLunch
I Don't Wanna Cry
Kiss Me
When I Saw You
Bittersweet
Bliss
Understand
Can't Let Go
Toxic
Half
I Like You Meter
Mended
The Cutest
Nag-Iisa Lang
One Sweet Day
Headcanon
Forever
Still
The 10th
Forever Thankful
Miss you most
The Mechanic
Miss Universe
Fluff
All I've Ever Wanted
Just To Hold You Once Again
Baby Girl
To Love Thee
Deflection
Wolves
Kislap
After All
Lapses
When
Not an update, but VERY important (UPDATE ON SITUATION)
For All It's Worth
Kontento
Dito lang ako
Like This

Against All Odds

2K 62 31
Oleh FlurriedSimplicity

5/20/16

There's so much I need to say to you... So many reasons why....

You're the only one, who really knew me at all.

-------------------

"Daddy, I think mommy's here na." Chandri turns her head to the door. "Wait baby," He carefully shifts her head again, "Matatapos na, wait."

He crosses the last stitch, and ties the elastic at the end.

"Okay." Kinalong na niya ito mula sa high chair. "Thank you, daddy." Humalik ito sa pisngi niya.

"Sige na, go na." Ibinaba niya ang bata. "Hinihintay ka na ng mommy mo."

Life has been... okay.

Everything's normal, sa ngayon.

Katulad ng nakagawian, he lets Chandri spend the day with her mother, habang siya ay nagtatrabaho, and by the time he is home, she'll be there, waiting for him.

Okay na sa kanya iyon. After all, si Chandri na lang rin naman ang importante.

He's been avoiding Kathryn. Any form of communication, any form of seeing her, he's been doing everything.

Ayaw na talaga niya. Ayaw niya ng umabot sa punto na madamay ang anak niya at makasira pa siya.

Ayaw na niyang ibalik ang pait ng kahapon.

"I love you, daddy." Nakadungaw ang maliit na ulo nito sa may pinto niya, at ayun na naman ang matamis na ngiti nito.

"I love you more, Chandri ko. Magiingat, please? Wag magmamaldita."

She rolls her eyes on him, causing him to chuckle. "I'm an angel."

"Yes, you are. You are my angel."

Because she saved him from all the pain.

-------------------

Bumaba na rin siya. Wala na naman siguro ang mga ito.

"Daddy!" Napigil niya ang paghinga. There she was. Parang slow mo ng tumingin sa direksyon niya.

His heart shatters.

He took a hold of himself.

"Yes, baby? Bakit di pa kayo naalis?" Sinubukan niya ng abot sa makakaya na pigilin ang emosyon.

"I just wanted to say goodbye, again."

"Para naman tayong di magkikita mamaya, my love." Lumuhod siya sa harapan nito. Ginulo ang buhok niya. "Grabe! Chandrina!" Angil niya bago maingat na tinanggal ang mga kamay nito sa buhok niya.

Natutop niya ang sariling bibig.

"Maghahanap nga akong trabaho, mahal," Nakangiting hinalikan niya ang nobyang nakasukbit sa kanya. "Uuwi naman ako. Para naman tayong di magkikita niya mamaya, e."

Sinimangutan lang siya ni Kathryn. "Anong oras ka uuwi?"

"5." Tila napaisip pa ito. Una'y pinatong lang ang mga kamay sa buhok niya.

Pero nanlaki ang mata niya ng bigla nitong paraanin at sabunutan siya. "Mahal! Aray!" Hiyaw niya ng mapalakas ang hatak nito. "Yan. Medyo nabawasan kapogian mo," Pilyang nginitian siya nito, "Ako lang, ha. Mamaya sexy pala yung pinagiinquire-an tapos finlirt ka tapos--"

Hinalikan niya ang labi nito. Iyun, natigil. "Ikaw lang. Ikaw lang talaga."

At totoo iyon.

Hanggang ngayon.

Huminga siya ng malalim. Naninikip na naman ang dibdib niya.

"Sige na, malelate na rin si Daddy. Go na. I love you."

"I love you too."

And now, he wished she felt the same.

-----------------

"Daniel, kape o." Alok ng isang babaeng kasamahan ng dumaan sa cubicle niya. Katabing cubicle kasi ng kwarto niya iyon.

"Ha? Libre mo, Yan?!" Hindi makapaniwalang tanong niya. Inirapan lang siya nito.

"Minsan na lang e." Inabot nito ang matangkad na cup mula sa Starbucks.

"Magkano?"

"Hindi na nga. Namnamin mo, minsan lang iyan." Nagpasalamat nalang siya.

Nang matapos na.

Marami sa kasamahan nila ang nakapagsabi na sakanyang may gusto si Dianne sa kanya.

Eh wala naman sa isip niya iyong ganoon.

Kahit naman iwasan niya, ayaw niyang dumating sa puntong mabawasan ang atensyon niya sa anak.

Talagang Hindi na siya humahangad pa.

"Pare, may bisita ka." Napakunot ang noo niya. Sino bang dadalaw sa kanya sa trabaho?

Baka mama niya.

"Huh? Teka, Yan, salamat ha."

"Daddy!" Sinalubong siya ni Chandrina. At kasunod nito ang ina.

"Aba, bakit naman naisipan niyong dumalaw dito?" Matapos dampian ng halik ang pisngi ni Chandrina ay binalingan niya si Kathryn. Hinalikan niya rin ang pisngi nito kaya namula.

"Saan kayo galing?"

"Nagikot lang kami, e aayain ka sana naming mag lunch." Nakangiting tugon nito.

"Teka, papaalam muna ako kay--"

"Napagpaalam na kita, pre. Sige na. Pagiintayin mo pa ang mag-ina mo?" Ngumisi siya. "Salamat pre. Syempre hindi, mainitin ang ulo nitong mga to lalo na nitong maliit na to!"

"Sige, alis na kami." Binuhat niya si Chandrina. Naramdaman niya ang pamumula ng pisngi ng ipagsalikop ni Kathryn ang mga kamay nila.

"Salamat, ha." Tugon nito sa kasamahan niya. "Walang anoman iyon."

-----------------

"San niyo ba gusto?" Tanong niya sa mag-ina. "Baby, okay ka pa diyan?"

Tinanaw niya mula sa gilid ng mata si Chandrina. "Yes, daddy. I'm okay. Jollibee tayo!"

"Jollibee na naman, Chandrina. Puro ice cream na naman ang kakainin mo mapaos ka na naman."

"I want fries daddy. Please?" Wala, nag please na, talo na siya. "Ayos lang ba iyon, Kath?" Tumango lang ang katabi niya.

Natunaw na nga ang kapeng bigay sa kanya kanina. Hindi na rin kasi niya napansin kanina. Pero di naman talaga siya mahilig doon. Ayaw niyang maging nerbyoso.

"Daddy, can I have your coffee?" Kumunot ang noo niya sa unang tanong ng anak pagkababa nila.

"No. Bawal ka pang coffee."

"Trust me." Simpleng sabi nito, kinuha ang kapit niya, saka tumakbo sa basurahan. Nakangiting hinulog nito ang kape.

"Woops." Pilyang sabi nito, bago sila lapitan muli at kinapitan ang tig-isang kamay nila.

"Anong order mo?"

"Chickenjoy nalang." Sagot agad nito.

"Chandri, kakainin mo lahat ng ioorder ko. Ha?" She nods, "Sige hanap muna kayong table."

--------------

He entertained himself mostly watching his daughter eat.

Pano, ang dumi nito kumain. Ultimo sa buhok nitong gabewang ay may sabit sabit na kanin. Pinaalala niya sa sarili na pagupitan na ito.

"Ano ba yan." Natatawang pinunasan niya ang pisngi nito. "Parang mas nabusog ata pisngi mo e."

"I'll learn, soon enough," Dahilan nito, "I'm a big girl na."

"No, you're still my baby girl." Hinagkan niya ang sentido nito, "Don't grow up too fast..."

Alam naman niyang iyung chance na magkaroon pa siya ng isa pang anak e little to nothing.

He grew up with half sisters and brothers, na Hindi naman malaking kaibahan, but he wanted to have one woman to be the mother of his child, his whole entire lifetime.

It's hard to grasp that what he's always dreamed actually happened, but the one that he hoped for the most was just a mere fantasy.

He has a stable job, a comfortable house, a financially well life, and a daughter to go home to. He could only wish to have her mother as a wife to go home, too.

Pero ganoon ang buhay. You can't always get what you want. Hindi lahat ng pinangarap niya noon ay maisasakatuparan, kahit pa magpursigi at magpakasasa siya. At least, some of them are just under his grasp.

"I'm soooooo full." Napangiti siya sa komento ni Chandrina na hinihimas himas ang tiyan. "Very good."

Ramdam niya ang mata ni Kathryn na nakatingin sa kanya. But he chose not to look her way.

---------------------

"Sige, Deej, magbibyahe nalang kami."

Deej.

She called him Deej again.

Natameme siya, which in return, inakala nitong papayag siya na magcommute ang mag-Ina.

"Wait, Kath. Ihahatid ko na kayo, okay."

"Baka kasi--" Hinila niya na ito palapit sa sasakyan. "No. Delikado."

Asa namang hahayaan niyang may mangyaring masama dito.

Kalagitnaan ng biyahe ay naghihilik na ang anak nila. "Food coma?" Natatawang tinignan niya ito.

"Kath, yung nangyari sa office...." Napalunok siya. "Sorry, ha. Nandoon kasi si Dianne.... um... medyo usap usapan sa opisina na may something kaya..... yon. Sorry talaga..."

"Okay lang," Bulong nito, "Wala namang kaso iyon."

"Salamat ha. Kahit pakiramdam ko e pinilit ka lang nitong si Chandria." He laughs.

"Hindi naman, ako rin ang nagaya kasi wala kaming magawa sa bahay e."

Hindi na siya nakapagsalita.

---------------------

"Salamat." Akmang bubuksan nito ang katabing pinto ng pigilan niya. "Saglit."

Siya ang lumabas at nagbukas ng pinto. Binuhat niya ang anak. "Medyo nabigat na rin eto, e."

Magaanim na taon na si Chandrina, normal na iyon. Kahit pa magaan lang ito sa una, pinapasaktan na siya minsan ng likod kapag matagal niyang karga ito.

"May tao ba?"

"Si mama, narito." Ang tugon nito sa tanong niya.

Nakakahiya man, pumasok na rin siya ng bahay, iginaya siya ni Kathryn kung saan pwedeng iwanan si Chandria, at dali dali rin siyang lumabas sa hiya na baka magpangabot pa sila ng ginang.

"Sige, Kath. Balik na ako. Salamat ulit, ha?" Paalam niya.

It was the best lunch he had in a while.

"Salamat din, Daniel." She smiled. He smiled back at her.

----------------

Nakangising aso siya ng dumating sa opisina. "Hoy, pareng Daniel!"

"Ano?" Hindi na talaga matanggal ang ngiti niya. "Kamusta naman kayo ng nanay ng anak mo? Parang may something na, pare!"

Umiling siya, "Nagpapasalamat na nga lang ako at civil kami sa isa't isa."

"Kung nakita mo lang ang talim ng tingin ni Yan." Bumuga siya ng malalim na hininga. "Mabuti na iyon, pre. Wala talaga siyang mahihita sa akin. Wala na akong planong mag-asawa kung di rin si Kathryn ang magiging misis ko."

"Mahal na mahal mo talaga e, no?" Nanubig ang gilid ng Mata niya. "Oo, e. Minsan, humihiling nalang talaga ako na sana mayaman nalang ako. Baka kung ganoon ay mas natanggap ako ng pamilya niya Una palang."

"Mayaman ka na ngayon, a."

"Wala ng bisa, pare."

It was true.

Nakamit na niya ang kagustuhan, ang maging mayaman.

Nabili na nga niya ng bahay ang mama niya.

Alam niyang isa sa dahilan kung bakit nagpursigi talaga siya ay para masabi niyang babagay na siya sa dating nobya.

Pero tulad nga ng samo niya, Wala ng bisa iyon.

-----------------

Magaalaskwatro ng silipin ni Kathryn ang mahimbing na natutulog na anak.

Kung gising naman ito ay kusa nang pumapanaog sa sala kung saan siya madalas nakatambay.

Napasarap yata talaga ang tulog.

Lumapit siya sa kama at tinabihan ito. Sinandal niya ang likod sa headboard.

Gamit ang mga daliri, pinaglaruan niya ang buhok nito. Kagaya niya ay mahaba at maganda ang bagsak ng buhok nito.

Maraming nakapagsabi. Kamukhang kamukha niya ito noong maliit pa siya.

Pero habang tinititigan niya lalo ito.... she had her father's features.

Mahaba ang pilikmata, parang kay Daniel. Her nose was inherited from him, too. Her smile had a hint of Daniel. The frame of her face....

Hindi niya itatanggi, sa kanya nakuha ang mga Mata nito at ang katambukan ng pisngi.

"Pag nagkaanak tayo," Daniel says smilingly, "Gusto ko kapag babae, kamukha mo."

Ipinulupot niya ang mga braso sa leeg nito. "I want her to inherit your lashes, though." Sabi niya.

Tumawa lang ito. "I'd be dead meat if she has your eyes..... baka maispoil ko ng maigi iyon. Baka titigan lang ako e pumayag na ako sa lahat ng gusto."

She chuckles, "If we had a boy, sana hindi kasing guwapo mo."

Kumunot ang noo ni Daniel. "Bakit?"

"Baka sumakit ang ulo natin. Panigurado habulin iyon." Nagnakaw siya ng mabilis na halik. "Kahit anong gawin natin, mahal, hindi mapipigilan iyon. Magaganda at mapopogi talaga ang mga babies natin, maganda lahi natin pareho e. It's unavoidable."

Bumulanghit ang tawa nila. "Pero my love, gusto ko at least tatlo ha. Kahit tatlo lang. Kaya mo ba?" She remembers nodding to his request.

Napangiti nalang siya. Three kids.

She only gave a third of what she promised him.

But he's over the moon with their child. Wala na nga yata itong planong magasawa at maganak pa.

Gayong may nagkakagusto dito sa opisinang pinapasukan.

She wanted more time with him. Just a bit more.

Too bad, she's not going to get that time she wanted.

"Anak." Napalingon siya sa mama niya. "Hi, ma." Pinilit niyang ngumiti.

If anyone knew her too well, It'd be her mother.

"You don't have to do this, anak. Trust me." Ilang beses na niya iyong sinabi sa kanya ng ina.

"This is dad's last request." Sambit niya. "No. This was your dad's last challenge to you."

Naguluhan siya. "Sinusubukan ka niya... you were a good daughter all your life.... tinitignan niya kung magiging isa kang mabuting ina."

"I shouldn't be telling you this.... but it's taking you too long.... masyado mo nang nasasaktan si Daniel, si Chandrina at ang sarili mo.... kailangan mo nang magising."

She was still confused. "Ano po bang ipinahihiwatig ninyo, ma?"

"Pagmasdan mo ang anak mo." She did what she was told. "Pagod na pagod na iyan. Maagang gigising araw araw, sasabak sa biyahe, uuwi sa bahay ng ama, biyahe ulit. Syempre pipigilan ang antok dahil gustong makapiling ang ama. Hindi na pwedeng laging ganoon, Kathryn... kayang kaya mong ibigay ang kailangan ng anak mo, bakit ayaw mong gawin?"

Alam niyang ang tinutukoy ng mama niya.

"Kailangan niyong magusap ni Daniel.... Kathryn, wag mo ng pigilin ang puso mo. Alam na alam nating pareho kung sino ang gusto niyan. Panindigan mo. Wag mo hayaang hanggang doon nalang...."

----------------

The talk knocked some senses.

Totoo nga. She was only living the hard way.

"Hey...."

"Hey, Kath... um may gusto sana akong sabihin sa iyo." Humugot siya ng malalim na hininga. Kinapitan niya ng maigi ang cellphone. "Me too."

"I'm not doing this to spite you.... I want to spare you the pain... I think we're better off as friends." Napaiyak siya. Thank the heavens she had one less soul to worry about.

"Thank you.... thank you so much..... I'm sorry.... but I'm still madly in love with Chandri's father.... thank you..."

"Hey, don't cry. I want to thank you, too. And I'm sorry it took this long." Umiling siya.

"It's okay. Thank you." Ngayon ay maayos na siyang nakakahinga. "Hey, Kath."

"Hmm?"

"Be happy." And she smiled.

She will be happy.

-----------------

"Chanchan, let's go na." Akay niya sa busy parin sa kapapanood na bata. "Mom, 5 minutes." Tawad pa nito kaya hinayaan na niya.

Then there was a knock on the door.

Tumingin siya doon sa maliit na butas.

"Daniel?" Dali dali niyang pinagbuksan ito ng pinto. "Hi."

Umisod siya para papasukin ito. "Ayaw pa lumarga niyan si Chandri."

"Daddy!" Gulat na sigaw nito bago patalong yumakap sa ama.

"Pasensya na, ha. Naisipan ko lang kasing daanan nalang si Chandri."

He smiled at her. Napangiti na rin siya. Napadako ang tingin nito sa may likuran niya.

"Daniel." Nanlaki ang mga Mata niya. Kilala ng mama niya si Daniel?

"Tita. Kamusta naman po kayo?" Magalang na bati nito sa ginang.

"Maayos naman, iho. Ikaw ba?"

"Maayos rin po." Umis nito bago halikan ang pisngi ng anak. "Mas maayos po ngayon, e. Up for promotion na po ulit ako." Tawa ni Daniel.

"Wow. Totoo nga ang sabi ng asawa ko, magpapayaman ka talaga!" Biro ng mama niya. Asawa? Kilala rin ng ama niya si Daniel?

"Daniel, sigurado akong naguguluhan na iyang si Kathryn kaya sana pagpaliwanagan mo na. Lalabas lang ako. Anak, palock ng pinto ha." Humalik ito sa pisngi niya, lumapit sa mag-ama at hinalikan ang apo.

"Tita, magiingat po kayo!"

Nanatili siyang nakaestatwa. Papaanong magkakilala ang magulang niya at itong si Daniel?

"Kath, uwi na kami. Gusto mo bang sumama? Dinner tayo. Tapos hatid nalang ulit kita."

Tumango siya. Kailangan na nga niyang maliwanagan.

-----------------

"Good night." Mahinang bulong ni Daniel sa anak na kakatulog lamang.
Saka dumampi ng halik sa noo.

Ngumiti ito ng makita siyang nakasilip. "Uy."

Binalik nalang niya ang ngiting iyon. Tumabi ng palabas na ito ng kwarto.

Maingat na hinila pasara ang pintuan.

"Gusto mo na bang umuwi?" Umiling siya. Oras na para komprontahin ito.

"Paanong kilala mo sila mama?" Napaiwas ito ng tingin. "Wag tayo dito. Baka magising si Chandrina."

Dinala siya nito sa sala. Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa kanila hanggang sa nagsalita na ito.

"I met your father four years ago."

"Mama, pahiram namang isang libo, bibili ko lang ng gamit at gatas si ChanChan." Nahuli kasi ang sweldo nila ngayong buwan, paubos na ang gatas nito.

"O sige, pero Hindi mo maiiwan sa akin ang apo ko ha, aalis kami ng mga kapatid mo may aayusin kasi kami." Inabot nito ang isang libong hinihiram niya.

"Opo, ma, isasama ko nalang."

"Baby, behave ka, please." Pakiusap niya sa alam niyang Hindi pa nakakaintinding anak.

Isinakay niya ang stroller nito. Saka pinagana ang makina.

"Nako." Napailing siya. Ang mahal na talaga ng gatas. Hindi kakasya ang dalang pera niya.

"Abababababababa Dada!" Narinig niyang ingay ni Chandrina na nasa stroller.

"Ang daldal talaga." Lumuhod siya sa tapat ng stroller nito. Inayos ang stuffed toy na paborito nito.

Bumuga siya ng malalim na hininga. Ibabalik nalang niya iyong ibang kinuha. Gatas at tsupon ang kailangan niya ngayon.

Napabalikwas siya ng mabangga ng cart. "Ay, pasensya na. Ayos--" Napatigil ang matanda.

"Ayos lang po." Nakangiting sambit niya. Di naman ganoong masakit. "Daniel? Ikaw ba si Daniel?"

Napakunot noo siya. "Opo... kaibigan po ba kayo ni mama o ni papa?"

Hindi naman niya alam kung paano siya nito makikilala sa anumang paraan. "Ako si Teddy.... Ama ni Kathryn." Umismid siya.

Napaatras. Saka nito napansin ang nasa stroller. "Siya na ba?"

Napalunok ulit siya, bago tumango. "Kamukhang kamukha..."

"Oo nga po, e." Pagsang-ayon niya. "Pupwede ko ba siyang mabuhat?"

Pumayag siya. Nakatagilid ang ulo ni Chandri ng iabot niya dito. "Abu adadadada na." Natawa ito sa inakto ng apo.

"Magbabayad ka na rin ba?"

"Ah... opo, may ibabalik lang po." Inaya na siya nito, ibinalik niya muna ang ibang nakuha kung saan niya ito unang nakita, saka nagtungo sa cashier.

"Sige po, Sir. Mauna na rin ho kami." Magalang na pamamaalam niya sa ginoo.

Nakalabas na sila ng pamilihan ng tawagin siya ulit nito. "Daniel!"

May inabot itong supot. Naguguluhang sinilip niya iyon. Napaawang ang bibig ng makita ang mga ibinalik niya kanina.

"Pero...."

"Sige na. Para naman sa apo ko iyan." Nakangiting pamimilit nito. "Salamat po. Maraming maraming salamat po."

"That was our first encounter.... Hindi nga ako makapaniwala, kasi paano ba niya ako makikilala, at Hindi ba dapat kung ganoong aka no siya ay nagpupuyos na siya sa galit sa akin?" Naiiling na kwento pa nito sa kanya.

"Binisita niya kami, noong ilang unang beses ay nakikitira pa kami Kay mama dahil mababa pa ang sweldo ko. Nagulat ako kung paano niya kami natagpuan. Iyon pala'y sinundan niya kami pauwi. Matapos noon ay napapadalas. Minsan inaabutan niya ako ng panggatas." Nakangiting tila inaalala nito ang lahat lahat.

"Tinulungan niya akong makapasok sa isang opisina na kilala niya iyong namamahala. Ako na ang nagtyaga para mapromote, pero tinatanaw kong isang malaking utang na loob iyon sa kanya. Hanggang sa nakapundar na ako ng sariling lote at bahay. Nakilala ko ang mama mo... Dinala ni tito kasi daw e akala nangbababae siya." Tumawa ito.

"Ilang buwang ganoon. Nagtaka ako ng tumigil bigla.. Tapos napagalaman kong naconfine pala si tito. Dumalaw rin kami ng ilang beses, pero hindi naman tayo nagtagpo. Kahit noong pumanaw siya. Naroon ako... noong lamay at libing... isa nga ako sa umiiyak. Sa sobrang daming tulong na naipangabot niya samin, isa talaga siya sa dahilan kung bakit narito ako ngayon..... Kahit nagawa siyang talikuran minsan ng anak niya dahil sa akin ay hindi siya nagpakita ng anumang galit sa akin. Sa kanya ko natutunan na masama ang magtanim ng poot sa puso." Madamdaming tinignan nito ang mga Mata niya.

Hindi siya makapagsalita. Isang malaking rebelesyon iyon.

Dati kasing strikto at talagang mainitin ang ulo ng ama niya. Kinailangan niyang sundin ang lahat ng utos nito, hanggang dumating si Daniel sa buhay niya.

"Naalala ko noong huling usapan namin.... niloloko ko pa siya..... na kung pwedeng hingin iyong kamay mo..... pumayag siya..... sabi pa nga niya, tawagin ko na siyang Dad..... pero ang huling bilin niya sa akin.... e iyong alagaan ko ang apo at anak niya...." Tumingala ito.

"Hindi ko siya makayang tawaging Dad. Masyado naman yatang makapal ang mukha noon. Pero iyon.... tinawag ko siyang dad, at nginitian niya lang ako. Ilang araw pagtapos non, binawian na siya ng buhay... he's a great man.... I could only wish that I'd be that accepting kung humantong sa puntong si Chandrina ay kailangan ko na ring pakawalan."

Daniel smiled. "You're just like your father.... I'm sure he's proud that he has you for a daughter."

"Deej." A sliver of pain engrosses through him. "Anong gagawin mo kung sabihin ko sayong....... mahal pa rin kita?" And then there was hope in his eyes.

"Ewan...... I'd cry, most probably. Makakalimutan ko lahat. I'll leave everything in the past.... to be with you in the future."

"I'd marry you in a heartbeat." Sabi nito sa baritonong boses habang titig na titig sa kanya.

"May bukas pa bang simbahan ngayon?"

And indeed. He married her that same night.

-----------------

"Balikan natin yung bahay natin sa Laguna." Daniel was toying with the ends of her hair.

"Nandoon pa kaya iyon?" Tanong niya. "Oo...... nandoon pa."

Tinignan niya itong nagtataka. "Napunta ako doon, every month."

Pinangilabutan tuloy siya. "T-talaga?"

"Oo. Ewan. Marami pa rin namang masayang alaalang naiwan natin doon." Ngumiti ito sa kanya.

"Bukas, punta tayo."

"May pasok ka!!!!!!" Angil niya. Totoo naman. May pasok pa ito. Tama na ang dalawang araw na lisan nito sa trabaho.

"Nag-leave nga ako, diba? Pinagbigyan ako ni boss, one week leave." Namumula siya habang patuloy ang paglapat ng labi ng asawa sa hubad niyang balikat.

"Paano?"

"Sabi ko honeymoon." Sinapak niya ito ng mahina. "What? We're not getting any younger, mahal. Natanda na rin ang baby girl natin. Humihingi na nga ng baby brother, diba? Saka tatlo kaya ang plano natin"

"Si Chandri nga pala." Si Chandrina ay kasalukuyang nasa bahay ng biyenan niya. Ang magaling niya kasing asawa, ayun, hinatid doon at sinabihang doon muna ng ilang araw.

Paano napapayag? Pinangakuan ng loko ng kapatid na lalaki.

Siya tuloy ang pressured.

"J naman e." Reklamo niya. "Papakasal pa tayo sa simbahan ha..... biglaan galore kasi.... pero papakasalan pa rin kita sa mismong harap ng Diyos, maglalakad sa altar ng nakaputing gown na pinapangarap mo...... tapos honeymoon ulit."

Hinalikan nalang niya ito para matigil. Tumigil nga..... Kidding.

Nothing can stop them now..... after they went against all odds?

---------------------

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

9.2K 259 63
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)
270K 10K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
16.8K 879 42
Rodrigo a secret billionaire businessman only impregnated a woman in a bar and the child was just left in front of his home with a note that he's the...