HARRISON UNIVERSITY: The Scho...

By GHIEbeloved

13.9M 389K 66.2K

Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her... More

PROLOGUE
HUTSOM BOOK IS NOW AVAILABLE!
Chapter 1 : [Harrison University]
Chapter 2 : [ The Fountain]
Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]
Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]
Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]
Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]
Chapter 7: [ Mission Impossible]
Chapter 8: [ Forced decision]
Chapter 9: [ Unexpected Guest]
Chapter 10: [Identity]
Chapter 11: [ Revelation ]
Chapter 12: [ Officially Part of Harrison Rulers ]
Chapter 13: [ Confrontation ]
Chapter 14: [ Final Decision ]
Chapter 15: [ Choices ]
Chapter 16: [ New classmate? Hell!]
Chapter 17: [ Lady in the shadow ]
Chapter 18: [ Worried ]
CHAPTER 19: [ She's familiar]
Chapter 20: [ Alaine De Castro]
Chapter 21: [Second Crime ]
Chapter 22:[My Queen]
Chapter 23: [ Crimson Palace ]
Chapter 24: [ Myrko ]
Chapter 25: [ The Palace Queens]
Chapter 26: [ The Announcement ]
Chapter 27 [ Protect ]
Chapter 28: [ Her tears]
Chapter 29: [ Miesha ]
Chapter 30: [ Special students ]
Chapter 31 [ The Queens Rule]
Chapter 32 [ Arrow ]
Authors Note (PleaseREAD)
Chapter 33: [ Goodluck]
Chapter 34 [Behind the mask]
Chapter 35 [Her Side]
Chapter 36 [I'm Sorry]
Chapter 37 [ Unknown Feelings]
Chapter 38 [Twins]
Chapter 39 [Her other side I]
Chapter 40 [Her other side II ]
Chapter 41: [The mean Girls]
Chapter 42: [Slave]
Chapter 43: [Phoenix]
Chapter 44: [The Plan]
Authors 2nd Note ( Please read)
Chapter 45 [Guilty]
Chapter 46[She's Here]
Chapter 47: [Dayle Trinidad]
Chapter 48 : [Confuse]
Chapter 49: [Please, stay]
Chapter 50: [Worst than nightmare]
Chapter 51: [Death threat]
Chapter 52: [Unmask]
Chapter 53: [Trapped]
Chapter 54: [Im trapped again]
Chapter 54: [Paint]
Chapter 55: [Cloud Montague]
Chapter 57(part I): [Bestfriend]
Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]
Chapter 58 [Comeback]
Chapter 59: [Unveiled]
Chapter 60 [The Game of Doom]
Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]
Chapter 62: [Special Students]
Chapter 63: [The Fall]
Chapter 64: [Wicked]
Chapter 65: [The Gift]
Chapter 66: [The Zone]
Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]
Chapter 68 : [ Wish Granted]
Chapter 69: [Me]
Chapter 70: [Glance]
EPILOGUE
Author's Note
HUTSOM SOON TO BE PUBLISHED UNDER PSICOM!

Chapter 56 [The Other Side]

141K 4K 1.3K
By GHIEbeloved

DAYLE TRINIDAD

Matapos kong pumunta sa school para i-check ang ilang mga bagay ay dumeretyo na ako sa bahay ng mga Montague..

Ang pamilyang kumupkop saakin na ipinapanalangin kong hindi na sana nangyari pa.

Dumiretyo ako sa kwarto ko at umupo sa harapan ng salamin.

Napatingin ako sa repleksyon ng mukha ko.

Dayle Trinidad..

Isang mukhang hindi makabasag pinggan. Isang mukhang noo'y kinahahangaan ng lahat. At ang isang mukhang kinamumuhian na nila ngayon.

I tried to smile but it didn't work again.

Gusto kong tumawa, gusto kong maglumpasay kakatawa, dahil maging ang ekspresyon ko ay hindi ko narin pala kayang makita pa.

So I closed my eyes and imagine the smile in my lips, way back years ago. Isang magandang ngiti, noong kaya ko pa. Noong ako pa ang may-ari ng ngiting iyon. At noong kontrolado ko pa ang lahat.

Pero imbis na mainis at sumuko sa kalagayan ko ngayon. May natitira parin palang dahilan para ipagpatuloy pa ang buhay ko.

And its her, it's always her.

I was there,

I was there, watching Myrttle habang ginagawa ang masasayang bagay kasama ang mga rulers. Malayo sa kanya, sa lugar na hindi niya makikita.

Mga Rulers na nagsilbing sandalan ni Myrttle noong mga oras na wala ako. At ngayon. Masasabi kong may dahilan na akong sumaya dahil alam kong totoong kaibigan ang nasamahan ni Myrttle. Hindi lang totoong kaibigan, dahil alam kong makakaya din siyang protektahan ng mga ito sa oras na dumating ang araw na iyon.

I feel sorry for her dahil sa ginagawa ng katawang ito para lang agawin sa kanya ang lahat. Mahirap mang paniwalaang hindi ko ito ginusto. Pero sino bang niloloko ko, hindi ko talaga kahit kelan ginustong masaktan si Myrttle. But I still brought her in pain.

Because I'm so stupid..

Wala akong kwenta.

Kung kaya ko lang sana, gusto ko siyang samahan kahit saan man siya magpunta. Makipagtawanan kasama siya. At ang masabing namimiss ko na rin siya ng sobra. Pero hindi, hindi maari. Dahil alam kong sa oras na malaman ng lintik na organisasyong ito na tinataliwas ko sila. Alam kong mapapahamak siya. Mapapahamak si Myrttle.

Myrttle.... Myrttle Joong....

The girl with ridiculous personality but a girl with a good heart.

My friend. My very own friend.

That was the same phrases that I used to review in my mind. Because I don't have any idea when is the time that even my mind couldn't

remember anything about her.

Kaya naman paulit-ulit ko itong iniisip dahil gusto kong sa oras na iyon ay hindi parin mawala ang alaala niya sakin.

Ayoko, at hindi ko hahayaang mangyari ito...

I cried in pain ng muling kumirot ang kanang braso ko. Mariin ko itong hinawakan at agad kong sinubukang lumayo sa salamin para hindi ko makita ang sarili ko.

A-Ayoko, ayokong makita kung anong ityura ng bagay na sumisimbolo sa kasamaan nila. A-Ayokong kaawaan ang sarili ko.

Pero mas nasakyan ako nang hindi ko na maramdaman ang mga paa ko.

'The first side effect. The numbness of the lower parts.'

Biglang nag-echo sa utak ko ang boses na iyon.

Boses na miski sa panaginip ay pinapanalangin kong h'wag na muling marinig.

H-Hindi...

H'w-wag ngayon, hindi pa ako h-handa.

Pilit akong nagmamakaawa sa bagay na ito pero sino nga namang sasagot sakin. Niloloko ko lang ang sarili ko.

Hindi ko na napigilan pang pumatak ang luha sa mga mata ko ng makita ko mismo kung anong meron sa braso ko.

My vains is turning purple at para itong sasabog dahil sa pamamaga nito.

Bagay na ikinawawasak ng dibdib ko. Bagay na nagiging dahilan ko upang lumuha hindi dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Kung hindi sa awa ko sa sarili ko, dahil sa ganitong paraan ko lang kayang protektahan si Myrttle.

Walang akong kwentang nilalang na walang kakayahang ipaglaban ang taong mahalaga sakin sa patas na paraan.

Kaya heto, ang sarili ko nalang ang isasakripisyo ko para maprotektahan siya. Para maprotektahan si Myrttle.

Wala din naman nang patutunguhan ang buhay ko. Kaya mas maganda pang isakripisyo nalang ito sa taong mas nararapat pang mabuhay kesa saakin. At siya iyon.

Si Myrttle iyon...

Ang nangyaring gulo matagal na taon na ang nakakalipas. Ang pagdukot nila sakin.

Ay isa lamang...malaking pagkakamali..

I'm not their true target.

In fact I'm just their failure.

Because it was her, their target is Myrttle.

Tandang-tanda ko pa ang mga unang araw ko sa kampo ng mga Montague. Ang Montague ang ikalimang Giants sa organisasyong meron ang lolo ni Myrttle.

Lubos kong ipinagtakha kung bakit sa kabila ng impormasyong hindi ako ang batang dapat nilang dinukot ay ni hindi man lang nila ako kinanti para saktan. And instead of being harsh to me, they treated me like their own child.

Kasama kong lumaki ang tatlo pang anak ni Chairman Montague. At sila ay sina Cloud, Rain at si Milory. Si Could ang panganay na anak ni Chairman Montague at ang eredero ng Montague clan. Magkaedad kami nito ngunit hindi kami nito naguusap. Siguro ay hindi nito gusto ang makipagusap sa kagaya ko. Kagaya kong noon pa man ay hindi alam ang lugar ko sa pamilyang ito.

Ang sumunod ay si Rain. Anak na babae ni Chairman Montague na sumunod kay Cloud. Magkaibang-magkaiba sila ni Cloud dahil si Rain ay napakabait. Hindi ito makabasag pinggan. Pero akala ko lang pala iyon.

Dahil nagbago ang lahat nang bumalik sa ala-ala ko ang eksenang inakala ko ay panaginip ko lang.

~*~

"Stupid! Hindi siya ang batang babaeng pinapakuha ko sainyo!"

Nagising ako sa pagkakahimbing ko ng makarinig ako ng sigawan sa paligid ko. Medyo hindi pa ako makagalaw dahil sa gapos ko pero rinig na rinig ko ang pinaguusapan nila.

Madilim ang buong lugar at isang parte lang nito ang nasisilayan ng ilaw.

Then I saw him. Isang batang kasing edad ko ang maalam lang na nakatingin sakin.

Si Cloud..

Gulat na gulat ako ng may malakas na kung anong bumalot sa buong lugar. At halos maputol ang litid ko kakasigaw ng makita ko nalang ang duguang katawan ng kung sino sa harapan ko.

"Wala nang magagawa ang pahingi mo ng tawad . Marahil ngayon ay natunugan na nila ang pagkawala ng batang ito at itinatago na saatin si Myrttle." Galit na sabi ng isang lalaking may matikas na katawan. Tingin ko ay mas bata siya kaysa kay sa lolo ni Myrttle..

Itatago si M-Myrttle?

B-Bakit?

"Pakinabangan nalang natin siya Daddy." Isang hindi makabasag pinggan na boses ng babae ang hindi ko akalaing makakapagpanginig saking katawan ng ganoon.

Nilingon ko kung sino ang nagsalita. At laking gulat ko rin na isang bata lang din kagaya ko ang nagsabi nito. Pero hindi iyon ang ikinahindik ng aking balahibo.

Kundi ang kanyang ngiti. Isang magandang ngiti na hindi ko na dapat nakita pa.

~*~

Matapos niyon ay nalaman kong si Myrttle pala ang....

"Ate Dayle, tawag ka na ni Daddy."

Pilit kong tinago ang nginig ng katawan ko ng biglang lumitaw kung saan ang masayahing si Milory.

T-Tawag n-na nila ako.

Si Milory, pinakabata sa pamilyang Montague.

Sampung taong gulang palang ito at inusente pa ito sa lahat.

"Sige." Pilit kong sagot dito.

I tapped her head at nginitian ito. Isang napakainosenteng bata ang nakatira sa bahay na itinuturing kong impyerno.

"Ate who's Myrttle?" But my blood runs cold when I heard Myrttles' name.

Madiin kong iniling ang ulo ko at mas pinigilang pumatak ang luha ko.

"Hindi! I-I mean I don't know h-her. W-Why?" Kabado kong tanong sa kanya.

I know they're hearing us right now. Pero, hindi. Wala akong pakialam kung anong maging katapat na parusa ng gagawin ko. Basta ang alam ko, kailangan kong makasagap ng impormasyon tungkol sa balak nila kay Myrttle.

Pero inosente lang itong nakatingin sakin na para bang nagaalala.

"Saan mo narinig ang pangalang 'yun Milory?"

Paguulit ko sa tanong ko. Ngunit laking gulat ko ng ngumiti lang ito, pero hindi ito para sakin, kung hindi sa likuran ko.

H"w-wag mong sabihi....

At itomatikong nanigas ang kagawan ko kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko ng maramdaman kong may pagkilos mula sa likuran ko.

"Lory, nandito ka lang pala." Lalo akong kinabahan ng marinig ko ang mahinahong boses na iyon.

"Kuya Namiss kita. Where have you been! Kanina pa kita hinahanap kuya." Yakap nito sa nakakatanda niyang kapatid. Agad naman akong lumingon at yumuko dito bilang paggalang.

Cloud Montague, ang kaisa-isang tao dito sa lugar na ito na hindi ko mabasa. Ni ang makausap siya sa loob ng apat na taon ay hindi ko nagawa.

Pero ano naman?

Bakit ko kakausapin ang isa sa mga taong alam kong kasama na nagplaplanong saktan si Myrttle? Bakit ko kikilalanin ang taong may posibilidad na kitlan ang buhay ng pinakaimportanteng tao sakin ngayon. Si Myrttle...

I only have her. Kaya naman ginagawa ko ang lahat para mailigtas lang siya.

Nang maiangat ko ang ulo ko ay nakita ko nanaman ang kanyang mata. Hindi ito nanlilisik, hindi din ito nagpapakita ng awa o galit. Ang mata niya ay parang mata ng mga patay. Wala kang makikitang dito na kahit anong emosyon.

"Nandito ako para sunduin ka. Malapit ng magsimula ang pagpupulong." Deretyong sabi nito sakin at nauna ng naglakad habang buhat buhat si Milory.

Tahimik lang akong naglalakad sa mahabang pasilyo, habang si Milory at Cloud ay nauunang maglakad sakin. Makailang beses kong nakita ang ngiti ni Cloud dahil sa kapatid niyang si Milory. The rare thing of him na pansin kong tanging kay Milory niya lang ipinapakita.

Huminto kami pansamantala ng madaanan namin ang Music room. Sa music room laging namamalagi si Milory kaya dito namin siya hinatid. They kissed each other as a goodbye. Milory kisses Cloud cheeks while Cloud kisses her forhead.

This scene reminds me of Myrko and Myrttle back then. Pero hindi... Malaki ang pinagkaiba nilang dalawa sa pamilyang Montague.

"What are you waiting for?"

Nagitla ako ng ma-realise ko na nakatingin na siya sakin. Gustong bumigay mg tuhod ko sa takot pero hindi, hindi ko ito maramdaman.

The world is so cruel and its bullsh*t to realised that this cruel world are making fun of me. Dahil kung may gusto man akong hindi maramdaman ngayon. Ito ay ang takot ko sa kanila.

I need to be brave. Masyado nang malayo ang narating ko para sumuko. At alam ko rin namang kahit gustuhin ko mang sumuko ay hindi na mababalik ang lahat.

Hindi na ako hinintay pa ni Cloud at naglakad nalang muli na nauuna sa akin.

Sa dulo ng pasilyo, tanaw ang isang malaking itim na pintuan na nakasarado.

At tulad ng dati isa lang ang nararamdaman ko ngayon. At ito ay ang kaba at takot.

Ilang hakbang nalang ay nasa pintuan na ako. Habang si Cloud ay nakahinto lang sa tapat ng pintuan na akala mo'y may hinihintay na kung ano. I was about to step once more when he told me something that I didn't expect.

"I met Myrttle Joong earlier."

Napatigil ako at para bang nawala ako sa sarili ko dahil sa narinig ko.

Wh-What the H-Hell.

"And I like her."

N-No.....

* * *

Kalahating oras na ang lumipas at tuliro parin ako matapos ang huling paguusap namin ni Cloud.

H-He likes Myrttle.

No, imposible 'yun..

Hindi iyon maari...huwag si Myrttle.

"Mr. Segutier. May posibilidad din bang maging ang isip niya ay mabasa natin?" Agad kong nilingon kung sino ang nagsabi nito. And it was her.

Rain Montague...

Nakangiti lang ito sakin na akala mo ay may hindi gagawing maganda.

Pero hindi ko lang ito pinansin at tumingin na muli kay Mr.Segutier. Ito ay isa sa mga scientist na may gawa sakin ng bagay na ito.

Pilit ko mang tinatago, ngunit labis akong kinakabahan kung anong magiging sagot niya.

"We're still working for the Fifth series Miss Rain. But the goodnews is, kasalalukuyan nang kontrolado ng Elixir of Ascendant ang lower part ng ating test subject." Masayang sagot ni Mr. Segutier sabay tingin sakin. Inayos din nito ang salamin niyang ubod ng kapal at humithit ulit ng kanyang sigarilyo.

Labindalawang pares ng mga mata ang maalam lang na tumititig sakin, ang iba ay nakangiti, ang iba din naman ay wala lang reaksyon.

Isa itong magandang balita para sa mga Montague maging sa labing isa pang pamilya sa loob ng meeting room na ito. They are the twelve clans, na taliwas sa pamumuno ng First Giant na si Chairman Joong. Kaya naman bumuo sila ng alyansa para labanan ang apat na Giants at kasama nga nila dito ang mga Montague.

Sa Labindalawang taong nasa lugar na ito, dalawa lang ang kilala ko, Ito ay si Chairman Montague. At ang isa ay si...Chairman Spark ....

The reason why, even him can't escape from this curse.

It's Hunt Spark Father...

Napangiti ng sobra si Rain at tinignan nanaman niya ako ng may halong pagalala. Mga mukhang nakakalinlang, mga matang sinunghaling.

"So paano ba 'yan dear, kaunti nalang makokontrol na kita." Haplos nito sa buhok ko na agad ko namang hinawi ng malakas.

Wala na akong pakialam kung anong parusa ang kapalit! Nakakairita na....

But I screamed with pain nang may dumaloy na malakas na kuryente sa katawan ko papunta sa kamay ko!

Sh*t!!!

"Bad dog."

Habol pang pangangasar ni Rain sakin matapos niyang magpakawala ng malakas na halakhak.

Malademonying halakhak.

Hindi ko maintindihan kung anong nakakatawa o anong dahilan kung bakit kailangang maging masaya kapag alam mong may nasasaktan ka na. At hindi ko maintindihan 'yun kahit kailan...

Siguro nga dahil magkaiba lang kami ng sitwasyon. Ibang-iba lang talaga ang sitwasyon ko kung bakit hindi ko sila maintindihan..

At kung bakit?

Because I am their test subject.

Because I am Dayle Trinidad the Montague's Human guinea pig.

AND BECAUSE I'M THE ONE WHO'S SUFFERING FOR THEIR EXPERIMENTS!

Bakit ko nga naman maiintindihan ang isang bagay na ikakasaya nila. Kung ang kapalit ng bawat magandang balita para sa kanila ay ang paghihirap ko.

Bakit magiging goodnews sakin ang isang bagay na sinisira ang pagkatao ko?

At bakit ito magiging katuwa-tuwa kung sa kabila ng mga panalangin kong mag failed ang Elixir of Ascendant sa katawan ko ay naging succesful parin ito.

Bakit huh?! Bakit?!

Bakit sa kabila ng pananalig ko sayo puro kasawian parin ang hatid mo?

Gusto ko lang namang mabuhay ng normal ulit. Gusto kong lang naman mabuhay ulit kasama ang matalik kong kaibigan. Gusto ko lang namang mayakap siyang muli at malayang gawin ang lahat kasama siya.

Bakit ba huh? Bakit sa kabila ng lahat ng sakripisyo ko para sa kanya ay heto akong nagiisa?

Ang pagkilos mo ang huling bagay na inaasahan kong makakaligtas saakin. Pero hindi.. Hindi mo ako pinapakinggan.

I cried out as if God is really hearing me.

Bakit...

Baki...

"Stop it, She might die if you continue that sh*t. Remember, the Elixir of Ascendant is in her body."

Napatigil ako ng makarinig ako ng malabong sigaw ng kung sino galing sa kung saan.

Matapos nito ay napadilat ako ng maramdaman kong may nagbuhat sakin.

Tumigil narin pala ang kuryenteng dumadaloy sa buo kong katawan gawa ng paghawi ko sa kamay ni Rain.

P-Pero sino ka?

Idinilat ko ang nanlalabo kong mata

kaya naman hindi ko gaanong makita kung sino ang taong nagbubuhat sakin.

"Sundin mo nalang ang pinapagawa nila sa susunod."

Nanlaki ang mata ko at lubos kong ikinagulat ng mapagtanto ko kung kaninong boses galing iyon.

I-Its from Cloud....

"W-Why are you doing this?" Wala sa sarili kong tanong kay Cloud. Ngunit hindi na ito kumibo pa.

Binuhat niya lang ako hanggang kwarto at dahan-dahang ibinaba sa kama ko. Matapos noon ay tahimik lang din siyang umalis sa harapan ko.

Gulat na may pagkahalong pagka-mangha ang namumuno sa loob ko.

Bakit niya ako iniligtas?

Bakit?

Katulad lang din ba siya ng kapatid niyang si Rain ?

O...

N-No,

He's still a Montague, Dayle. Huwag kang magpapalinlang sa lahat ng nakikita mo.

Hiniga ko lang ang katawan ko ng tuluyan at tinitigan ang ceiling ng kwarto ko.

Yeah, he's right. The Elixir of Ascendant is me. It is running through my vains. Because I'm the only human guinea pig that is still alive after their experiments.

Ang Elixir of Ascendant ay isang liquidong may kakayang magkontrol sa isang tao base sa kung anong sasabihin ng taong may kontrol dito.

The Elixir of Ascendant has its Four stages of its series. Those series is base on how the Controller controlled the test subject.

The First Series of Elixir of ascendant is when the controller can past his massage through the use of his voice. It's one kind of controlled telepathy. Kaya naman makailang ulit din akong nakakarinig ng mga boses sa utak ko.

Mga utos na kailangang sundin kung ayaw mong malagay sa panganib ang buhay ko.

The Second Series of Elixir of Ascendant is when the controller can tracked its Test subject where ever it is.

You can't escape from the curse of Elixir of Ascendant. But wait, meron pa pala.

Makakatakas ka lang sa sumpang ito...

Kung mamamatay ka.

It is too impossible to hear those things but the Montague is also know as the clan of its high technologies. Kaya nilang gawing posible ang mga bagay lalo na kung ito ay sa para sa misyon nila.

The Third series of Elixir of Ascendant is the deadliest one..

Kayang gawin ng controller ang lahat sa test subject niya once na makarating na ang isang test subject sa stage na ito. Ito ang stage kung saan may kakayahan nang kitlan ng buhay ng controller ang test subject once na nag fail ito. Maaring tapusin nito ang test subject sa pagsabog, pagkaatake sa puso, organ failure. At maging ang pagkuryente nila sa test subject tulad ng nangyari sakin kanina.

The First series of EOA is given to the chosen members of the four palace that ruled by the Four Heiress of the Four Giants.

At ito ay sila Myrttle, Kenzie, Aki at Autumn.

They are all my childhood friend and I know that they still know me.

Ang bawat kilos ng Montague Clan ay minamarkahan nila ng isang pheonix dahil planado nilang lahat ito. Alam ni Chairman Montague na hahanapin sila ng mga ito lalo na ni Myrttle. Dahil alam din nilang malaki ang lugar ng pheonix sa buhay ni Myrttle. Simply because its the symbol of her Mother.

At ito ang dahilan kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon ngayon.

Ginagawa ko ang lahat para mapigilan ko lang silang galawin si Myrttle.

I still remember the pain I deal with noong oras na iyon.

Ang huling araw na malaya pa ako.

~*~

"Please use me!" Lakas loob kong sigaw ng magkaroon ako ng pagkakataong makausap si Chairman Montague.

"Gagawin ko ang lahat para masaktan ko lang si Myrttle." Dugtong ko pa..

I lied.

But I need to do this, ito lang ang tanging paraan para mapigilan ko silang gawin ang Elixir of ascendant kay Myrttle.

Ayoko, hindi iyon maari.

Hindi lang ito sumagot at tahimik lang na pinagmamasdan ako. Marahil ay gulat na gulat siya na sabihin ko ito. Sa apat na taong pananatili ko sa lugar na ito hindi ako pinakialaman ni Chairman Montague. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na aalamin pa iyon. Dahil ngayon alam ko na ang maari kong maging misyon.

"Ako nalang ang gawin niyong test subject para sa Elixir of Ascendant. Kahit ano gagawin ko. Magantihan ko lang siya." Pagmamakaawa ko sa kanya. Pero isa parin itong kasinungalingan.

"Magandang idea iha." Kaswal nitong sagot sakin at matipid na ngumiti.

"We're going to use her weaknesses. Para hindi pa niya mamalayan pang nasa ilalim na pala siya ng kapangyarihan ko."

Matatag nitong pagkakasabi sakin.

I also gave him my weak smile.

I don't know exactly what I am doing right now, but I'm sorry Myrttle ito lang ang makakaya kong gawin para sayo.

~*~

Matapos niyon ay sumailalim na ako sa isang eksperimento.

At iyon ay ang pag lagay nila ng Fourth series ng Elixir of Ascendant sa katawan ko.

Halos mamatay ako sa sakit at sa kakaibang dulot nito sa katawan ko pero bandang huli ay naging sanay na ako dito.

May kalakasan din pala ang walang kwentang katawan ko.

Ang fourth series ng EOA ang may dahilan ng pagkakaroon ko ng namamagang mga ugat sa braso ko.

Ito ay sa kadahilanang malakas na ang dosage nito maging ang mga laman ng liquido nito ay sadyang kakaiba na.

Ito ang series kung saan ang controller ay may kakayahan ng makontrol ang buong katawan ng test subject niya. Pero hindi ito kaagarang makikita. Dahil may nakalaang oras ang bawat side effects nito.

Pero sa kabila ng kalakasan ng alas na meron sila. May nagiisa parin itong kahinaan.

At ito ay ang pagbasa ng iniisip ko. Hindi nila alam kung anong tumatakbo sa isip ko at iyon nalang ang tanging kaya kong gawin.

Maaring makontrol nila ang pisikal kong katawan pero ang pinaka malakas na bahagi ng pagkatao ko ay hindi nila kayang pasukin. At ito ang huli kong alas para mabago ang takbo ng lahat...

Being controlled by someone is one of the painful reality of my life right now.. I am controlled physically but mentally present. At ang sakit lang dahil alam kong sa oras na malaman ni Myrttle ang lahat ng mga ginawa ko ay kamumuhian niya ako.

Pero...

Ayus lang, Ayus lang kahit layuan niya ako. Iyon naman talaga ang dapat niyang gawin.

I held my necklace na kagayang kagaya ng kay Myrttle. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikasaya ang pagbibigay ko sa kanya ng kapares nito o hindi.

Dahil sa muling pagkakataon ay nalinlang nanaman ako ng mga Montague .

This is Montague Plan B..

Hindi ko ginustong ibigay sa kanya ito. Pero hindi pwede...

Alam ko na ang maaring maidulot sa kanya nito pero hinayaan ko lang.

I'm sorry Myrttle, but please trust me I'll never allow anyone to hurt y...

Napabalikwas ako ng biglang tumunog ang phone ko.

Agad ko itong kinuha at sa hindi malamang dahilan bigla akong kinabahan ng makita kong si Hunt ito.

"Hunt." Bungad ko sa kabilang linya.

Rinig na rinig ko ang mabigat niyang paghinga at lubos kong ikinagulat ng makarinig ako ng sunodsunod na putok ng mga baril.

D*nm!!

"Hunt! Anong nangyayari dyan!" Taranta kong tanong sa kanya.

Please, if your existence is true. Please h'wag mong hahayaang masaktan si Hunt.

"D-Dayle." His broken voice signifies his pain.

A-anong nangyayari?

Pero isang hindi inaasahang balita ang sunod kong narinig.

"Nasa labas sila. Nasa labas ang lahat ng Rulers." Nanginginig na boses ni Hunt na nagkokompirmang umiiyak ito.

W-What the?!

Paanong...

Tila ba nakagat ko ang dila ko sa narinig ko. Labis na kaba ang bumabalot sakin at nang maputol na ang linya ay tuluyan nang nanginig ang buong katawan ko.

"H-Hunt."

Garalgal kong tawag dito kasabay ng pagpatak sa luha ko.

His Nightmare is now hunting him..

A-at wala man lang akong magawa para tulungan siya.

Wala... At hanggang ngayon ay wala parin akong kwenta..

"I-I'm sorry..."

Continue Reading

You'll Also Like

13.6K 929 26
"We are all sinners." There was a prediction that the end of the world will be coming soon but nobody knows when and how will it end. Christians beli...
81K 2.7K 51
"Oww maglalaslas ka kuya pogi?" "OO" "Asige kuya pogi go kalang ipagchicheer pa kita pero walang sisihan pag sa impeyerno ka napunta ha" "Eh ano bang...
1.5M 54.7K 36
In a snowy castle, far, far away from everyone, lives a girl. Her hair is as dark as the night sky, her skin is as white as snow, and her lips is as...
4.3M 136K 46
(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong...