HARRISON UNIVERSITY: The Scho...

Oleh GHIEbeloved

13.9M 389K 66.2K

Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her... Lebih Banyak

PROLOGUE
HUTSOM BOOK IS NOW AVAILABLE!
Chapter 1 : [Harrison University]
Chapter 2 : [ The Fountain]
Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]
Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]
Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]
Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]
Chapter 7: [ Mission Impossible]
Chapter 8: [ Forced decision]
Chapter 9: [ Unexpected Guest]
Chapter 10: [Identity]
Chapter 11: [ Revelation ]
Chapter 12: [ Officially Part of Harrison Rulers ]
Chapter 13: [ Confrontation ]
Chapter 14: [ Final Decision ]
Chapter 15: [ Choices ]
Chapter 16: [ New classmate? Hell!]
Chapter 17: [ Lady in the shadow ]
Chapter 18: [ Worried ]
CHAPTER 19: [ She's familiar]
Chapter 20: [ Alaine De Castro]
Chapter 21: [Second Crime ]
Chapter 22:[My Queen]
Chapter 23: [ Crimson Palace ]
Chapter 24: [ Myrko ]
Chapter 25: [ The Palace Queens]
Chapter 26: [ The Announcement ]
Chapter 27 [ Protect ]
Chapter 28: [ Her tears]
Chapter 29: [ Miesha ]
Chapter 30: [ Special students ]
Chapter 31 [ The Queens Rule]
Chapter 32 [ Arrow ]
Authors Note (PleaseREAD)
Chapter 33: [ Goodluck]
Chapter 34 [Behind the mask]
Chapter 35 [Her Side]
Chapter 36 [I'm Sorry]
Chapter 37 [ Unknown Feelings]
Chapter 38 [Twins]
Chapter 39 [Her other side I]
Chapter 40 [Her other side II ]
Chapter 41: [The mean Girls]
Chapter 42: [Slave]
Chapter 43: [Phoenix]
Chapter 44: [The Plan]
Authors 2nd Note ( Please read)
Chapter 45 [Guilty]
Chapter 46[She's Here]
Chapter 47: [Dayle Trinidad]
Chapter 48 : [Confuse]
Chapter 49: [Please, stay]
Chapter 50: [Worst than nightmare]
Chapter 51: [Death threat]
Chapter 52: [Unmask]
Chapter 53: [Trapped]
Chapter 54: [Im trapped again]
Chapter 54: [Paint]
Chapter 56 [The Other Side]
Chapter 57(part I): [Bestfriend]
Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]
Chapter 58 [Comeback]
Chapter 59: [Unveiled]
Chapter 60 [The Game of Doom]
Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]
Chapter 62: [Special Students]
Chapter 63: [The Fall]
Chapter 64: [Wicked]
Chapter 65: [The Gift]
Chapter 66: [The Zone]
Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]
Chapter 68 : [ Wish Granted]
Chapter 69: [Me]
Chapter 70: [Glance]
EPILOGUE
Author's Note
HUTSOM SOON TO BE PUBLISHED UNDER PSICOM!

Chapter 55: [Cloud Montague]

156K 4K 690
Oleh GHIEbeloved

MYRKO JOONG

Dere-deretyo lang akong lumabas sa studio kung saan nakatakda sana akong mag photoshoot para sa isang clothing line. Bago pa man tumagal ang kombersasyon namin sa loob ay umalis na ako. Tama na ang isang paliwanag para sa rason ko.

Ikinansila ko ang lahat ng mga nakatakdang projects ko ngayong buwan. Hindi ko na sakanila kailangan pang ipaliwanag ng mabuti kung bakit. Dahil alam naman ng manager ko na sapat nang dahilan si Myrttle para bitawan ito.

Isang lingo, isang linggo na niya akong hindi kinakausap, tinatawagan o kinakamusta man lang. At ito na ang pinakamasakit na bagay para sakin. Ang kagalitan ako ng kambal ko.

Mabilis ko lang na iniharurot ang sasakyan ko ng makita kong nagsisimula na akong sundan ng mga media. I'm sick of being popular to the point na maging ang pribado kong buhay ay aalamin na nila. Dahil kung ako sa kanila, hindi ko na nanaising malaman pa.

Pero kahit na ganoon.

Hindi ko parin bibitawan ang career kong ito. Because being an actor is my only escape to reality. Kung saan ako ang laging bida, at ako ang laging masaya sa huli. Hindi katulad sa kung anong meron sa realidad. Malayong-malayo sa script at scene na ina-aral ko araw araw.

I want to fix this problem first before anything else.

Gusto ko munang ayusin ang lahat sa pamilya ko bago ang sarili ko.

Bago ako lumipad patungong Pilipinas. Minabuti ko munang dumaan sa bahay kung saan kami lumaki ng kambal ko. Isang bahay sa Seoul kung saan pala kami ikinulong ng matagal.

"Young master." Nag bow ang mga kasambahay ng sabay-sabay sakin at ganun din naman ako sa kanila. This was the first time na makita nila ako sa ganitong sitwasyon. Ang maging tahimik at seryoso.

Agad akong pumunta sa kwarto naming dalawa ng kapatid ko. Since gusto ko lagi siyang kasama. Ginusto ko naring magkasama kami sa iisang kwarto.

Natuwa naman ako dahil hanggang ngayon ay hindi parin nila napapabayaang linisin ang kwarto namin. At kahit isa din sa mga gamit na nasa loob ay walang ginalaw. Isa lang naman ang kulang sa kwartong ito ngayon eh, at iyon ay si Myrttle.

Agad akong dumiretso sa walk in closet ng kapatid ko. At napailing nalang ako ng makita ko nanaman ang napaka-ayos niyang gamit. Mula sa kulay nito hanggang sa mga size ng mga gamit niya ay naka-arrange. May isa ding parte ang closet kung saan nakasabit ang ibat-ibang face mask ni Myrttle.

Face mask...

Lolo told her that she needs to wear those mask everytime na aalis siya sa mansyon. Pero tinanggal niya rin naman ito sa pamumuhay niya ng nagdalaga na siya. She doesn't have any idea kung bakit niya kailangang gawin iyon. Pero ako alam ko.

At iyon ay pala ay para mailayo siya ni Lolo sa gulo.

Bata palang si Myrttle ay sinubukan na siyang kuhanin ng hindi pa malamang grupo. Kaya naman bantay sarado ko ang kapatid ko mula noon para hindi na ito maulit.

Chairman Joong is known as the first Giant ng limang kilalang pamilya sa buong mundo. At ito ay base sa yaman nito at sa katanyagan ng pangalan nito sa underground transactions.

Sa aming dalawa ni Myrttle, si Myrttle ang paboritong apo ni Chairman Joong. Na wala namang halaga sakin, dahil sapat na ang kapatid ko para sumaya ako.

Pero ito rin ang nakikita kong posibleng dahilan ng grupong iyon para subukang kuhain si Myrttle. Because they knew that Myrttle may be the weakness of the first Giant. But they failed on stealing Myrttle from us. Dahil imbis na si Myrttle ang makuha nila, si Dayle ang nakuha.

Si Dayle ang nauna naming naging kaibigan dito sa Korea bago kila Shenny, Alexander at sa tatlo pang reyna. Kaya naman alam kong lubos na masasaktan ang kapatid ko pag nalaman niyang nadamay lang si Dayle sa mga gulong meron sa pamilya namin.

That's the reason why Chairman Joong told me na ilihim ko ang lahat ng ito sa kambal ko.

Hindi ko ginustong magsinungaling sa kapatid ko pero wala akong choice. Kay Myrttle ako nagaalala. Alam kong kapag oras na malaman niya ito, kamumuhian niya ang sarili niya and worst. Siya mismo ang magpahamak sa sarili niya para makuha lang pabalik si Dayle.

Sinubukan ko ding hanapin si Dayle. Hindi lang dahil naaawa ako sa kanya. Sinusubukan kong hanapin siya dahil mahalaga siya sakin.

I had my feelings for Dayle back then, dahil nagawa niyang pasayahin ang kapatid ko. Bibihira lang mapangiti noon ang kambal ko, kaya naman ng magawa niya itong kausapin at pangitiin, nahulog na agad ako sa kanya. Pero hindi niya alam ang pagtingin kong ito. Maging hanggang ngayon walang nakakaalam na may nararamdaman ako para kay Dayle maliban lang kay Autumn.

Noong araw na kinuha siya ay ang araw sana ng pagtatapat ko kay Dayle. Pero huli na ang lahat. Kinuha na nila si Dayle.

Pinilit kong isawalang bahala ang lahat pero hindi ko pala kaya. She seems so special to us, especially for me. At wala akong ibang magawa kung hindi ang tumahimik dahil iyon ang utos ng Lolo ko, utos ni Chairman Joong.

At ito ay naging mitsa ng pagkamuhi ko sa kanya.

Dahil hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan niya lang na mapasakamay ng grupong iyon si Dayle. Hindi man lang siya dito naawa. Dahil ano?

Dahil ba ordinaryong bata lang si Dayle na namuhay sa isang normal na pamilya? Dahil ba wala ang pamilya nila sa mga kilalang pamilya sa mundo?!

That was cruel!

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, kung bakit ko pa nagagawang sundin ang isang tao na kahit na minsan ay hindi nagpakita ng interes sakin. Taong kahit na minsan hindi ako pinakitaan ng pagmamahal. At siya yun, si Chairman Joong 'yon.

Napangiti nalang ako ng may maalala akong isang bagay na alam kong ikakagalit niya ng husto.

At iyon ay ang pagpasok sa silid na iyon.

The Chairmans Office.

Tahimik akong umakyat sa silid kung saan lubos na pinagbabawal ni Chairman Joong na pasukin naming magkapatid.

Sinigurado ko rin namang walang makakakita sakin. Pero hindi ko inaasahang makasalubong ang dalawa sa pinagkakatiwalaang butler ng Lolo ko.

Dere-deretyo lang akong naglakad pasalubong sa kanila at kita ko ang pagkunot ng mga kilay nito.

"Young Master you are not allow to enter h..." Hindi ko na siya pinatapos pa sa sinasabi niya at pinatulog nalang ito. Mabilis ding kumilos ang isa para pindutin ang emergency alarm ng bahay pero hindi siya nakaabot dito. Dahil bago pa man ito makahakbang ay pinatulog ko narin ito.

"Bakit ngayon ko lang naisip ang suwayin ka." Sarkastiko kong usap sa sarili ko.

Emergency alarm huh? I wonder how dark your secrets is Chairman Joong.

Mabilis kong nabuksan ang pinto ng pinagbabawal na silid para saaming kambal.

Madilim na kwarto ang sumalubong sakin ngunit nasisinagan ng kakaunting ilaw mula sa mga bintana ang ilang bahagi nito. Sapat nang liwanag para maaninag ko kung anong nasa loob.

Isa itong napakalawak na opisina. May apat na nagtataasang bookshelves sa ding-ding na punong puno ng mga libro. At bawat espasyo ng bookshelves ay naka pwesto ang nagtataasang mga bintanang salamin, kung saan tinatakpan ito ng puting mga kurtina.

Mukhang si Lola ang nag decorate ng buong office dahil mahilig ito sa mga bagay na eleganteng tignan.

Naglakad pa ako papalapit sa pinakamalapit na bookshelf sa pwesto ko. At tinignan ang mga labels nito. Wala din itong alikabok.

Marahil ay nililinis din ito palagi.

The maids are allow to enter here...

So kami lang talaga ni Myrttle ang bawal pumasok dito?

"Classic books." Bulong ko sa sarili ko ng basahin ko ang isang librong nakalagay sa shelves.

Isinandal ko ang sarili ko sa shelves at panandali munang binasa ang isang libro. Humarap din ako sa upuan ni Chairman Joong at natanaw ko ang isang malaking frame na nakapaskil sa likod nito. Hindi ko ito gaano makita kaya naman binuksan ko nalang ang libro.

Shems maganda 'tong librong i...

Hindi ko sinasadyang maiangat ang mata ko ng makita kong masinagan ang isang bahagi ng frame na iyon.

At malos manginig ang buong katawan ko sa nakita ko. Sapat ng dahilan para mabitawan ang librong hawak ko...

"Pr-Princess." Garalgal na bulong ko sa hangin ng ma-mukhaan ko ang teddy bear na may burdang puso sa dibdib ang hawak ng dalaga sa larawang nasa malaking frame.

Isa pala itong portrait.

Family portrait....

Wala ako sa sariling naglakad papalapit sa larawang iyon.

Kabog ng dibdib ko ang namamayani sa katauhan ko. At halos marinig ko ito dahil sa pagwawala ng puso ko.

Princess, is the teddy bear of mine na ibinigay ko na kay Myrttle since siya na ang prinsesa ng buhay ko. Hindi ko alam kung saan galing iyon pero, iyon ang laruang nakamulatan ko. Ang sabi ng pinakamatandang maid sakin. Iyon daw ay pagmamayari pa ng magulang namin ni Myrttle. Pagmamayari ng aming ina.

Pagmamayari ng aming ina....

Ang marahan kong paglakad ay naging patakbo na.

Bawat hakbang ng paa ko ay nagdudulot sakin ng pag-asa. Pag-asang sa wakas ay matutuldukan na dahil sa wakas ay makikita ko na ang aming ina. Pangarap na matagal ko ng ipinapanalangin. At pangarap na matagal naring ipinagkakait ng lahat ng taong nakapaligid samin.

S-She must be h-her....

She must be our Mother....

Ngunit nang tuluyan ko ng malapitan ang portrait at makita ito ng malinaw. Ay nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.

"B-Bakit...Bakit dalawa sila?" Wala sa sarili kong bulong.

Nakapinta sa portrait na iyon ang apat na imahe ng masayang pamilya.

Pero ang lubos kong ipinagtatakha ay kung bakit apat sila..

Ang pagkakaalam ko ay iisa lang ang anak ni Lolo at Lola..

P-Pero...

"S-Sino ka?" Bulong kong muli sa hangin na waring umaasang sasagutin ako ng isa pang babaeng nasa larawan..

She must be—

At napaatras akong bigla mula sa larawan habang iniyuyukom ang kamao ko..

'Why are you doing this to me Miesha! Bakit ginaganito niyo ako ni Myldred! Bakit ba lagi niyo nalang akong sinusuway!'

Isang ala-ala ang nag-echo sa utak ko. Salitang narinig ko dati mula kay Lolo.

Inilipat-lipat ko ang tingin ko sa mukha ng dalawang dalaga at isang bagay ang napagtanto ko.

K-Kambal s-sila....

AGATA FONTELLAN

"Ethan tama na 'yan, tara na kain na tayo." Biglang nag light up ang mukha ni Ethan ng may narinig na pagkain.

Batang 'to talaga.

Kami ang incharge sa pagkausap sa mga aarkilahing kung ano ano para sa foundation week. At isang linggo nalang bago ito kaya naman hapit na hapit kami ngayon.

Lumabas na kami sa Student council office at naglakad na patungong Canteen.

"Mabuti at niyaya mo ako! Si Prisident Davian kasi nakatitig lang sakin parang kakainin ako." Nakanguso pa nitong sabi sakin. Kaya naman ipinalupot ko nalang ang kamay ko sa braso nito para kumalma siya.

"Subukan niya lang." Pabiro kong sabi dito.

I like doing this thing to my kuya's at kahit na kaninong lalaking kamaganak namin. Ang hawakan ang braso nila. I feel secured kadanasa tabi nila ako, but more secured kapag nakay Ethan ako.

"Ah-Eh..." Kamot naman nito sa batok niya.

Psh, halos isang linggo ko ng ginagawa ito kay Ethan. Wala naman sigurong malisya kasi friendly gestures lang naman.

"H'wag mong pansinin si President White. Seryoso 'yun masyado sa school daig pa tayo."

Ngayon ko lang napansin. Mas matangkad pala sakin ng ilang inches si Ethan.

Palihim kong tinitigan ang naka side view niyang mukha at deym. Naging dahilan nanaman ito ng malakas na pagkabog ng dibdib ko.

N-Nung isang linggo pa to!

Mabilis kong iniiling ang ulo ko. Tsk, that was nothing Agata, wala, wala wala!

Kaya naman tinitigan ko nalang ulit ang mukha niya ng palihim.

Pero nakakapagtakha lang, kapag ibang tao... Sobrang lapit ko sa mukha nila kada gusto kong sipatin ang mga ito. Pero bakit kapag kay Ethan..

Agh nevermind...

Matangos ang ilong ni Ethan pero sakto lang ito at hindi ganoon katayog. Napakaputi at napakakinis din ng balat nito. Kaunti nalang siguro ay kutis babae na. And his eyes, I really really love his eyes. Bilog na bilog ito at kitang-kita mo sa mga mata niya ang lahat ng emosyong nakapaloob dito. And his lips? Ang mamula mula may kakapalan nitong labi?

Napayuko nalang ako ng maramdam kong uminit ang mukha ko.

Agh, Agata ano bang nangyayari sayo.

"Ummh... Ethan."

"Agata."

Napatingin kami sa isa't-isa ng magkasabay kami ng salita.

"Ikaw mauna."

"Ikaw na mauna."

Sabay nanaman naming banggit.

Sinimangutan ko ito at tinignan ng masama. Gulat na gulat naman ito na parang walang alam sa nangyayari.

"Ikaw sabi ang mauna eh." Banta ko dito.

Napatango naman ito ng maraming beses na akala mo ay takot na takot sakin.

Cute.

"Yung tungkol sa taong nakita nating kausap ni Dayle."

Napaayos ako ng tayo at sumeryoso ng tingin sa kanya.

Napayuko ito, na akala mo ay pinipigilang magsalita ang sarili niya.

"Kung bakit wala parin akong ginagawa?" Deretyo kong dugtong sa tanong nito.

Agad itong napatanghod sakin at kitang-kita ko nanaman sa mata niya ang gusto niyang sabihin.

A weak smile appeared in my lips.

Nginitian ko lang ito ng mapait.

"Wala kasi ako sa lugar." Lumingon ako sa view sa corridor na nilalakaran namin at kitang-kita dito ang University ground.

"Ilang buwan ko palang siya nakilala at kahit kasuklam-suklam ang ginagawa niya. Wala parin ako sa lugar para husgahan siya ng ganoon kabilis. Ikaw?" Lingon ko kay Ethan.

"Kung meron saating dalawa ang nararapat maunang kumilos. Ikaw 'yun, hindi ako." Ngiti ko dito ..

Wala ako sa lugar para husgahan ang isang tao base lang sa kung anong narinig ko o kung anong nalaman ko. Everything has it's reason, at dahil masyado siyang malihim. Mas lalong wala akong karapatang ipagkalat ang nalaman ko. Dahil hindi ko pa siya ganoon kakilala.

Si Ethan dapat ang maunang kumilos saming dalawa dahil siya ang mas nakakakilala sa taong iyon. Pero dahil nakikita kong wala siyang ginagawang aksyon, naniniwala akong may hinihintay lang din siya. At iyon ay ang malaman ang dahilan niya.

Ganun pa man isang nakakatuwang bagay ang pinaniniwalaan ko.

At ito ay ang pagkatiwalaan ang bawat isa sa grupo. At kasama siya sa grupong iyon...

* * *

Matapos ang usapan namin kanina, nagulat ako ng biglang hawakan ni Ethan ang mukha ko.

Badtrip lang, kaya heto, nauuna akong maglakad sa kanya. Wait, hindi ako naglalakad...Tumatakbo ako.

How dare him to touch my face?!

Pero bakit nga ba ako umalis?

Lintik kasi! Parang may time bomb sa puso ko at na-activate 'yun mula ng hawakan niya ang mukha ko.

Agh!

"Agata!!"

Nataranta ako ng marinig ko ang boses ni Ethan kaya naman pumasok ako sa room na pinakamalapit sakin.

Jeez, hindi niya ako dapat makita! Hindi ko pa alam sasabihin ko kung bakit ako tumatakbo ngayon. Agh Agata! Para kang baliw!

"Happy birthday, Happy birthday. Happy birthday Tyn-Tyn."

Halos mapasigaw ako sa gulat nang iharap ko ang sarili ko sa room na pinasukan ko.

B-Bakit ang daming tao!?

Parang may dumaang anghel at napatahimik silang lahat habang nakatingin sakin.

Alam kong mukha kong anghel pero agh! Para silang gulat na gulat!

Inilibot ko ang mata ko sa buong room at mukhang birthday party ang napasukan ko. Maraming nakasabit na lobo at may nakasulat din sa board na 'Happy 16th Birthday Christine Joyce Mabasa!'

Mabilis ko pang sinipat ang mga tao sa paligid ko at nakita ko ang isang babaeng nanlaki ng sobra ang mata sakin at naka birthday hat siya.

Agad akong naglakad papalapit sa kanya at nagtago sa likuran nito.

"M-Miss Agata." Wala sa sarili nitong bulong na parang hindi makapaniwalang nasa harapan niya ako.

"Shh, Kapag pumunta si Ethan sa lugar na 'to h'wag na h'wag niyong sasabihin nandito ako." Pakiusap ko dito. Gulat naman akong makitang nakikinig din ang lahat kaya nakamot nalang ako sa batok ko.

"Understood?" Sigaw ko sa kanila at sabay sabay naman silang tumango.

Halos sumabog nanaman ang puso ko ng malakas na bumukas ang pintuan kung saan ako nanggaling. Napangiti naman ako ng itago ako ng mga tao sa silid na ito sa likuran nila.

"N-Nakita niyo po ba si Agata Fontellan?" Halos hingal na hingal nitong tanong sa lahat.

Sabay sabay namang umiling ang lahat. Pfft.

Sabay sabay talaga? Ganoon ba ako nakakatakot.

"Wahh, Asan na ba siya. Anyways."

Sumilip ako kay Ethan at nakita ko itong humarap sa board at binasa ang nakalagay dito. Gulat din naman ako ng maglakad ito papalapit s-sakin?

No! sa Birthday celebrant!

Kaya naman nagtago muli ako. Badtrip lang nasa likod kaya ako ng celebrant.

Sinilip ko siyang muli nang makalayo na ako sa kanila.

"Happy 16th Birthday Christine Joyce Mabasa. Pasensya na sa istorbo huh? " Kamot pang muli nito sa batok niya.

Yah! He is so adorable!

Matapos iyon ay lumabas na siya. Tumayo narin ako mula sa pagkakatago ko at tinungo na ang birthday Celebrant.

Agad kong kinuha ang bag ko at kinapa ang rainbow lollipop dito.

"Para sana ito kay Ethan, pero dahil naistorbo ko ang kasiyahan mo kasama ang mgakaibigan mo. Ito nalang regalo ko." Abot ko sa celebrant ng lollipop. Hindi parin naman ito makapagsalita..

Errr.....

"Happy 16th Birthday Christine Joyce Mabasa. Enjoy your birthday sweety." And I tapped her head before leaving..

Nginitian ko rin naman ito maging ang mga kaibigan niya at nag wave ng kamay to say goodbye.

Siguro wala na si Ethan sa labas. Wahh, please sana wala na s...

"I knew it! Amoy mo talaga 'yun!" Halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng makita ko si Ethan na naghihintay sa labas.

W-What the...

Agh...

"Amoy?!" Nag galit galitan ako para hindi na niya mapagusapan pa 'yung kanina. Tsk, sige Agata tumakas ka!

"Oo! Amoy apple ka kaya!" Pagmamalaki pa nitong sabi na akala mo walang ginawa.

"Tsk, yeah whatever." Saka ako naunang maglakad sa kanya.

Tsk, nakakainis na ayoko na nga.

Agad akong humarap muli sa kanya at tinignan ko siya ng seryoso.

"Ethan Romsay." Gulat na gulat siya ng sabihin ko ang pangalan niya. At waring hinihintay ang sasabihin ko.

I take a deep breath.

"I like you."

MYRTTLE JOONG

"Hoy babae! H'wag ka nga diyan sa mga chichiria!" Saway sakin ni Blaise pero hindi ko lang ito pinansin at tuloy tuloy parin ang paglalagay ko ng gusto kong pagkain sa cart ko.

Nasa supermarket kami malapit sa ospital kung saan naka confine si Biboy. Namimili kami para may makakain ang sino mang dumalaw kay Biboy.

Napatingin ako sa cart ko at inis kong tinignan si Blaise ng makita kong wala nanamang laman ito.

"Agh! Ano bang problema mo!? Kanina pa ko lagay ng lagay ng pagkain diyan tapos ikaw balik ka ng balik!"

Badtrip na! Gusto ko nga sabi ng junkfoods eh!

"H'wag kang sumigaw." Mahinahon nitong suway sakin.

"Agh! Eh ano ba kas—"

"Makakasama nga kasi ang sobra. Tataba ka lalo sige."

Halos mamula ako sa galit ng sabihin niya ang salitang pinaka-ayaw kong marinig.

M-Mataba daw ako.. Hindi naman gaano ah? Kung makamataba naman to!

Hindi nalang ako nagsalita at kumuha nalang ng isa pang cart.

Tatanungin na sana ni Blaise kung anong gagawin ko nang bigyan ko siya ng death glare ko.

"Subukan mo lang sumunod. Hindi ka na sisikatan ng araw." Seryoso kong banta dito na agad niyang kinaatras.

Umalis na ako kaagad at mag-isa nalang naghanap ng makakain ko.

Mataba pala huh? Hah! Kung makasabi ng mataba akala mo siya napaka matcho! For your information, hindi gaanong visible ang abs mong isda ka! Bwisit, nakakainis!!

Inilibot ko ang tingin ko dahil nasa candy section na ako.

"Hmmh, ano nga ulit stress reliever ko?" Tanong ko sa sarili ko.

Kuminang ang mata ko ng makita ko siya!

"Gummy worms!"

Sigaw ko. Napatakip naman ako ng bibig dahil pansin kong napatingin sakin ang ibang tao.

Hahawakan ko na sana ang kaisa-isang balot ng gummy worms sa lagayan nito ng bigla akong nakakita ng isa pang kamay.

Our finger tips met. Kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Akin 'yan." Walang gana kong turo sa gummy worms na hawak niya. Nauna niya kasing kunin ang gummy worms ko.

"Ako unang nakakuha." Walang gana din naman nitong sagot sakin.

Nakatingala ako sa dito dahil sa katangkaran nito. Ang kanyang mga mata ay nakatitig din sakin ngunit matatakpan ng kalahati ng mata nito ng kanyang bangs. May silver din siyang hikaw na nakakapagbigay ng dahilan para mas lalo siyang magmukhang sanggano.

Tsk, just kidding.. May ityura siya....

At gaya nila Blaise...

Pwede na siyang janitor sa bahay.

"So kapag nakuha ko 'yan sayo? Akin na 'yan?" Sarkastiko kong tanong dito at napa kibit-balikat naman ito.

"Okay then."

Naglakad ako ng papalapit pa sa kanya at mabilis na tinusok ang nerves kung saan mapaparalisado ang kanang kamay niya. Nang mabitawan na niya ito ay kinuha ko na agad ito.

"Nakuha ko." Ngiti ko dito na may halong pangaasar. Pero nagulat ako ng tignan lang ako nito ng seryoso. Tingin na akala mo ay kilala niya ako.

"What?" Iritable kong bulyaw dito.

Napatitig lang ako sa kanya ng may gawin din siyang kung ano sa braso niya at napagalaw niyang muli ito.

S-Seriously?

"You're Impressing me Miss Myrttle Joong."

Nagulat ako at umayos ng tintig ng oras na sabihin niya sakin ang buo kong pangalan.

Kinabahan ako at napahawak sa bulsa ko.

"Sino ka?!" Sigaw ko dito.

Jeez! Wala kong dalang kahit na ano!

"Easy, hindi kita sasaktan." Natatawa pa nitong sagot sakin. Na lalo kong ikinainis.

"Myrttle! Saan ka ba nagpupupunta!" Hindi ko lang pinansin ang prisensya ni Blaise at masama lang na tinignan ang lalake.

"Anong nang... Anong ginawa mo kay Myrttle?!" Galit na bulyaw ni Blaise dito ng mapansin niya ang lalake.

Pero nanlaki ang mata ko ng mabilis siyang makalapit sakin at hawakan ang k-kamay ko.

Wh-What the hell...

Akmang susuntukin ni Blaise ang lalaki pero pinigilan siya ng isa pa nitong kamay.

At ako? Hindi ko alam.. Hindi ako makagalaw.

Nakahawak parin ang mainit niyang palad sa palad ko.

Nakagawa kong masilayan ang kamay ni Blaise at sa kamay niya. At parang wala lang sa kanya ang kamay ng gigil na gigil na si Blaise.

"I'm Cloud Montague.."

And I gasped when he kissed my hands with a smile on his lips.

"Nice to meet you Miss Myrttle Joong." Then by that he left us dumbfounded.

Sino ka ba?

Cloud Montague?

May kilala ba akong Montague?

Nang mabalik na ako sa wisyo agad kong tinignan ang kamay ni Blaise at pulang pula ito.

Hahawakan ko na sana ito ng bigla niyang ilayo ang kamay niya.

Tsk,

"Umalis na tayo."

Napatingin ako sa kanya at nakayuko lang ito, hindi ko gaano makita ang mukha niya pero sapat na ang tono ng boses niya para malamang galit siya.

"Okay." At matapos noon ay hinila na niya ako ng kabila pa niyang kamay.

Babalik ko na sana ang tingin ko sa likuran nang...

"Don't look back. "

Nagulat ako ng sabihin ito ni Blaise Kaya naman sinunod ko nalang.

Pero sino nga ba talaga siya?

Cloud Montague..

Cloud..

Montague..

Tsk! What the hell?!

Bago nanaman bang tagapagdulot ng gulo?!

* * *

Pagbalik namin sa ospital ay isang hindi inaasahang bisita ang naabutan naming nakasandal sa labas ng kwarto ni Biboy.

"Max." Tawag ko dito para makuha ang atensyon niya.

Agad naman siyang lumapit sakin at tinignan ako sa mata.

"Miss M Friend is in danger. Please save her."

And for the nth time gulat na gulat ako ng sabihin niya ito sakin.

"Sorry for being rude earlier. I just can't accept the fact na hindi ko pa kayang tulungan si Miss M. So please help her. I want to make Miss M happy.. Please." Nagulat ako ng biglang tumulo ang luha nito.

Pupunasan ko na sana ang luha nito ng unahan ako ni Blaise.

"Don't cry. Tutulong kami. Kung ito ay pahihintulutan mo. "

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Blaise.

Tumango naman ang batang si Max at niyakap kaming dalawa ni Blaise.

Hindi nagtagal kumalas din ito sa pagkakayakap sakin at may inabot na kung ano sa kamay ko.

Marahan kong binuksan ang palad ko at isang hindi inaasagang bagay ang nakuha ko.

Ito 'yung papel...

Tama ito nga yun!.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.5M 54.7K 36
In a snowy castle, far, far away from everyone, lives a girl. Her hair is as dark as the night sky, her skin is as white as snow, and her lips is as...
5.2M 266K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
26K 1.4K 40
"Tuwing nananaginip ako, nagkakaroon ako ng ikalawang buhay at tila lahat ng nangyayari doon ay totoo." Evangeline Laverde, isang call center agent n...
3.2M 91.4K 86
An unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of...