HARRISON UNIVERSITY: The Scho...

By GHIEbeloved

13.8M 388K 66.2K

Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her... More

PROLOGUE
HUTSOM BOOK IS NOW AVAILABLE!
Chapter 1 : [Harrison University]
Chapter 2 : [ The Fountain]
Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]
Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]
Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]
Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]
Chapter 7: [ Mission Impossible]
Chapter 8: [ Forced decision]
Chapter 9: [ Unexpected Guest]
Chapter 10: [Identity]
Chapter 11: [ Revelation ]
Chapter 12: [ Officially Part of Harrison Rulers ]
Chapter 13: [ Confrontation ]
Chapter 14: [ Final Decision ]
Chapter 15: [ Choices ]
Chapter 16: [ New classmate? Hell!]
Chapter 17: [ Lady in the shadow ]
Chapter 18: [ Worried ]
CHAPTER 19: [ She's familiar]
Chapter 20: [ Alaine De Castro]
Chapter 21: [Second Crime ]
Chapter 22:[My Queen]
Chapter 23: [ Crimson Palace ]
Chapter 24: [ Myrko ]
Chapter 25: [ The Palace Queens]
Chapter 26: [ The Announcement ]
Chapter 27 [ Protect ]
Chapter 28: [ Her tears]
Chapter 29: [ Miesha ]
Chapter 30: [ Special students ]
Chapter 31 [ The Queens Rule]
Chapter 32 [ Arrow ]
Authors Note (PleaseREAD)
Chapter 33: [ Goodluck]
Chapter 34 [Behind the mask]
Chapter 35 [Her Side]
Chapter 36 [I'm Sorry]
Chapter 37 [ Unknown Feelings]
Chapter 38 [Twins]
Chapter 39 [Her other side I]
Chapter 40 [Her other side II ]
Chapter 41: [The mean Girls]
Chapter 42: [Slave]
Chapter 43: [Phoenix]
Chapter 44: [The Plan]
Authors 2nd Note ( Please read)
Chapter 45 [Guilty]
Chapter 46[She's Here]
Chapter 47: [Dayle Trinidad]
Chapter 49: [Please, stay]
Chapter 50: [Worst than nightmare]
Chapter 51: [Death threat]
Chapter 52: [Unmask]
Chapter 53: [Trapped]
Chapter 54: [Im trapped again]
Chapter 54: [Paint]
Chapter 55: [Cloud Montague]
Chapter 56 [The Other Side]
Chapter 57(part I): [Bestfriend]
Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]
Chapter 58 [Comeback]
Chapter 59: [Unveiled]
Chapter 60 [The Game of Doom]
Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]
Chapter 62: [Special Students]
Chapter 63: [The Fall]
Chapter 64: [Wicked]
Chapter 65: [The Gift]
Chapter 66: [The Zone]
Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]
Chapter 68 : [ Wish Granted]
Chapter 69: [Me]
Chapter 70: [Glance]
EPILOGUE
Author's Note
HUTSOM SOON TO BE PUBLISHED UNDER PSICOM!

Chapter 48 : [Confuse]

128K 4K 1.7K
By GHIEbeloved

HARRISON UNIVERSITY: The school of Monsters
By: GHIEbeloved

AGATA FONTELLAN

"All this time." Napatingin ako kay Ash nang sabihin niya ito.

Napatigil na din ako sa pagnguya ng pagkain ko at nakiramdam sa mga ito.

Kanina pa ako nakikinig. Dahil hindi ko naman talaga alam kung ano na ang nangyayari.

"All this time pinagmumukha mo pala kaming tanga."

Pahabol nito na bahagya kong ikinagulat. Narinig ko ba talagang nagmura si Ash? Oh nabingi lang talaga ako?

Pinagmukhang tanga? How come?

Ano bang big deal kung siya 'yung Tel-Tel?

Nang dahil doon ay napatuon ang aking tingin sa katabi kong si Myrttle. Nakayuko na ito at tila nabato sa kanyang kinatatayuan.

"A-Ate M-Myrttle. Tell me, na hindi ikaw si Tel-Tel na nakilala namin."

Garalgal na usal ni Ethan na tila ikinanlambot ngvaking tuhod. Halos paiyak na ito ngunit ang kanyang mga matang nagpapakita ng pagkawalang pagasa'y ikinaninibago ko.

"Tell me please." Pagmamakaawa pa nito na hindi parin kinaiimikan ni Myrttle.

Tulala narin si Myrttle ngayon and I feel guilt dahil hindi ko man lang siya maipagtanggol. Pero sino ba naman ako para makialam. Ni hindi ko alam kung anong istorya sa likod ng sitwasyong mayroon ang rulers ngayon. So this is the best thing I can do for them. Ang manahimik. Makinig. At makisimpatya.

Ngunit ikinagulat ko ang pagtaas na ng boses ni Ethan. "Ano?! Bakit hindi mo ako sinasagot?! Answer me! Please Ate! Please!"

Ngayon ko lang nakita ang iaang Ethan ng punong-puno ng galit. Nakakapanlambot ito lalo na't ramdam kong nasasaktan din ito.

"Stop it Ethan. What you are asking is hopeless. She might answer us with her lies again." Awat ni Hunt sa kanya.

"Myrttle, alam mo bang sa kanilang lahat ikaw ang pinaka pinagkatiwalaan ko? Pero sinira mo. Dahil sinungaling ka pala. Simula palang alam mo ng kami a Five kings tama ba? Pero bakit hindi mo agad sinabi saamin? Bakit kailangan mo pang itago na ikaw at si Tel-Tel ay iisa?" Seryoso pero damang-dama mo din ang sakit sa pananalita ni Hunt.

"Simple lang ang sagot Hunt. At halatang'halata naman." Napalingon kaagad ako kay Blaise ng bigla itong magsalita. At maging sila ay napatingin din dito.

"Gusto niyang palitan si Dayle. Naiingit kasi siya, dahil si Dayle maraming nakapaligid sa kanyang kaibigan. Ikaw?" Walang buhay nitong tuon kay Myrttle. " Wala."

At sa gitna ng mga masasakit na salitang iyon ay nakita ko kung paanong bumagsak ang mga luha ni Myrttle.

Ngunit ang kanyang mga tinuran ay hindi ko mapaniwalaan. Nakapagbibigay ito saakin ng galit dahil sa hindi nito makatwirang banat.

Alam kong ikaw ang Leader, Blaise. But please..Stop it. Kung ayaw mong ako pa mismo ang magpatahimik sa bibig mong walang magandang sinasabi.

"Kaya hindi niya sinabi sa atin ang lahat, dahil ito ang plano niya! Ang kunin lahat mula kay Dayle. Ang kunin niya tayong lahat kay Dayle. Kitang-kita naman diba? 'E, halos gusto niya na nga ring palitan ang pwesto ko bilang leader niyo ! Hah! Napakagaling mong magpaikot!" Sarkastiko nitong katwiran!

"Ginamit mo lang pala kami para matupad ang plano mo! So what is your next step kapag nakuha mo narin sakin ang pagiging leader? Edi hawak mo na ang Harrison University at mga Special student dito? Hah! Kung akala mo matutupad mo 'yun. Pwes, pipigilan kita!"

I clenched my fist as he continued.

Hindi ko alam ang pinagsasasabi ng Blaise na ito! Hindi ko magawang paniwalaan dahil kahit sa kakaunting panahon kong nakasama si Myrttle. Sinisigurado kong, ni minsan hindi maiisip ni Myrttle ang bagay na ibinibintang niya!

Myrttle is great! She think twice or maybe thrice, before making moves. Maybe she failed a several times pero alam kong hindi na mauulit ito. So bakit niya itatama ang sinasabi nilang pagkakamali ni Myrttle sa isa pang pagkakamali?

This is crazy!

Nakakainis siyang mangatwiran kahit na kailan! Hindi purkit hindi maganda ang relasyon nila ni Myrttle ay ganoon na siya kasakit magsalita!!

Dahil sa inis ay buong pag-alala lang akong tumingin kay Myrttle. Umaasang ipagtatanggol niya ang sarili niya.

P-Pero...

Kitang-kita ko ang mangilang beses na paglunok ni Myrttle na tila ba hindi kayang nakapagsalita.

Dahilan upang mas mainis ako nang dahan-dahan itong yumuko at iniwasan lang ang tingin naming lahat.

Bloody hell?! Bakit hindi niya magawang ipaglaban ang sarili niya?! Ang Myrttle na nakilala ko ay palaban! Ang Myrttle na kilala ko hindi hinahayaang apihin siya ng mga tao lalo na kung si Blaise lang naman!

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo ngayon, Myrttle. But please, don't make them believe na tama ang mga pinagsasasabi ng mokong natung leader.

Dahil ako tiwala ako, tiwalang-tiwala ako sayo na ni isa sa sinabi nilang iyon ay hindi mo 'yun maaatim na gawin. Lumaban ka!!!! Lumaba..

Ngunit napalingon ako sa gawi ni Linzy ng hawakan ako nito sa kamay. Diniinan niya ito na sinagot ko lang rin ng pagkadiin sa hawak sa kamay nito.

And for the nth time ramdam kong pareho kaming nagpipigil ngayon.

"So ano? Tumahimik ka kasi tama ako?! Akala mo ba m-mapapalitan mo si Dayle? Hindi! Dahil isa ka lang sampid sa grupong 'to! Sampid na walang ginawa kung hindi ang magmayabang! Manang-mana ka sa pinagmanahan mo."

And once again, hinigpitan namin dalawa ni Linzy ang hawak namin sa isa't-isa.

'Eh, sirau—

"Enough Blaise." Napalingon kami bigla kay Kiera ng magsalita ito.

Walang emosyon ang kanyang mukha tulad ng dati. Pero may kakaiba sa kanya ngayon. Tila tumalas ang mga mata nito na wari mo'y kayang makasugat ng kahit na ano.

Please Kiera, Kampihan mo si Myrttle. She needs us....

"Myrttle, makakaalis ka na muna. It's better na mag-absent ka na muna ngayon. Ako na bahalang magdahilan sa professor natin mamaya." Seryoso pero may otoridad parin nitong utos kay Myrttle. At dahil malapit ako kay Myrttle. Kitang-kita ko ang panginginig ng kamay nito nang kunin nito ang gamit niya at walang paalam na umalis. Susundan ko na sana siya ng unahan ako ni Landon na sundan ito.

"Nakaalis na siya Ms. Trinidad. Maari ka nang magsalita."

At napatigil ako sa paglabas ng VIP section ng canteen nang marinig ko itong sabihin ni Kiera.

Nakakapagtakha lang...

May dapat ba siyang sabihin?

"Kaibigan mo si Myrttle hindi ba?" Kalmado pero nakakapagtakha talaga kung anong gusto niyang ipunto.

"Of course! She's my childhood friend. At mula bata palang kami ma..." Ngunit ikinagulat ko ng pigilan ito ni Kiera nang pag-taas ng kanyang kanang kamay.

"Then defend your so called friend." Ani nito na ikinakunot ng aking noo.

Kita ko ang pamumutla ni Dayle dahil dito.

"What the hell are you saying Kiera?! H'wag kang makialam wala kang alam...." Ngunit sa pagkakataong ito ay si Blaise naman ang pinigil ni Kiera sa hindi inaasahang paraan.

"Ikaw ang huwag makialam dahil sa ating dalawa ikaw ang walang alam!!"

Dahilan upang tuluyan akong magulantang dahil sa kauna-unahang pagkakaon ay narinig kong sumigaw si Kiera. Dinig na dinig ito sa buong canteen. Kaya naman nagsimula naring lumapit sa VIP section ang mga studyante para maki-osyoso. Bagay agad kong ikinaalarma kaya naman sinarado ko muli ang pinto upang wala silang marinig na kung ano.

"Anong ako?! Tumigil ka nga Kiera sa pagkampi mo sa babaeng 'yun. Wala siyang i...." Galit din na sigaw ni Blaise. But he stopped when Kiera slam the table using his hand.

Takte!

"Kiera!!" Mabilis na sigaw ng kambal niyang si Ash at hinawak ang kamay na pinanghampas niya sa lamesa.

It's painted red na sumisimbulo kung gaano kalakas at kung gaano kasakit sa kamay ang kanyang ginawa.

Lumapit narin ako sa likod ng kambal para tignan sana kung may damage ang kamay ni Kiera.

"Stop it Kiera, hindi ko maintindihan ang punto mo."

Rinig kong bulong ni Ash sa kambal niya.

"Don't worry Ash, I know what I'm doing." Bulong din na sagot ni Kiera dito.

Tila hindi iniinda ni Kiera ang sakit ng kanyang kamay. Na agad niya ding ikinangiti nang humarap ba muli siya kay Dayle Trinidad.

"And you Ms. Trinidad. Nakakatawa ma rin ano? Kaibigan?" She laugh after giving Dayle an award winning smirk.

"Stop fooling around. Dahil kung kaibigan mo talaga siya. Pinagtanggol mo na siya kanina pa. Pero ang tanong kaibigan ba talaga ang turing mo sa kanya?" Crossing her arms.

I don't know what's her point but it sounds interesting.

"May dalawa lang namang pwedeng maging dahilan kung bakit natatawag mong kaibigan ng isang tao. Maaring kinaibigan siya mo dahil mahalaga siya sayo. O—" Muli itong ngumiti. "—O kinaibigan mo siya dahil may kailangan ka lang dito." Seryoso pa nitong dugtong na may halong pangaasar.

At dahil dito ay muli kong tinignan kung anong sasabihin ni Dayle. Pero nakaramdam ako ng inis ng magsimula itong humagulgol.

Badtrip! Bakit hindi niya masagot at kailangan pa niyang umiyak para ano maawa kami? Ugh!

"I'm sorry, Hindi ko talaga sinasadya. I'm really sorry." Agad namang pinatahan ni Blaise si Dayle.

Takte! Pwede ko na bang sapakin 'tong lalaking 'to ngayon?!

"Tsk, don't cry. Just don't mind her. She know nothing Dayle. She.Know.Nothing." Diin pa ni Blaise.

"Nakita ko Blaise. Nakita ko lahat ng nangyari. At ikaw ang tumahimik dahil ikaw ang walang alam." Nanlaki ang mata naming lahat dahil dito. Maging si Dayle at Blaise ay nagulat.

"Why? Nagulat ka ano? Enough for your drama Ms. Trinidad and just say the truth. You're wasting my precious time and you're not worth it." Irap nito kay Dayle na nakatulala lang sa kanya..

What is this Girl hiding?! Ano bang totoo?!

"Totoo? Ano bang totoo Dayle?" Muling pagbaling ng tingin ni Blaise kay Dayle. Tinignan niya ito ng seryoso at kitang-kita ko sa mata ni Dayle ang kaba.

"W-Walang kinalaman si M-Myrttle sa mga nangyari." Pautal-utal pa nitong sabi.

Blaise expression turns blank.

At tula ba gusto ko naring saktan nalang ang walang kwentang Dayle na ito! Alam niya naman pala ang buong pangyayari. Bakit hindi niya pa sinabi agad?! Nakaka....ugh!

"I'm sorry, hindi ko alam ang gagawin ko, may trauma parin ako sa nangyari kaya hindi ako makapagsalita s-sorry." Nanginginig ang buong katawan nito kaya inalalayan nito ni Blaise. Kitang-kita ko ang pigil na galit ni Blaise sa nag-ngangalit niyang panga.

"It's okay. I understand." Mahinahon na alo ni Blaise kay Dayle. At pinaupo niya ito sa upuan.

"Ethan, Hunt. Kayo na muna bahala dito. May pupuntahan lang ako."

Biglang usal ni Blaise matapos bitawan si Dayle. At hindi pa nakakapayag ang lahat ay umalis na ito.

"Pathetic jerk." Bulong ko sa sarili ko ng tuluyan na siyang makalabas ng silid.

Wala kasing preno ang bibig. Kung ano ang maisip sasabihin agad. Tsk, Kung ako si Myrttle matagal ko ng sinapakan ang bibig nyan nang kung anong bagay na mapupulot ko sa paligid!

GILL RODRIGUEZ

"Kahit ano mang mangyari Gill pagkatiwalaan mo kami. Alam kong ngayon mo lang ako lumabas pero maniwala ka. Ginagawa naming lahat ni Edward ang lahat, huwag lang maguluhan ang mga bata. Please bare with us.'

Muli ko nanamang naalala ang sinabi ni Miesha Joong bago kami naghiwalay. Noong una nagtaka ako kung bakit ang laki na ng kaibahan niya sa Aimi na kilala ko. Pero nang malaman ko ang totoo nagulantang ako. Hindi ko akalaing may k.....

"Nasan ka na ba Myrttle. Ugh." Napatigil ako sa pagiisip ng marinig ko ang boses na iyon. Parang may bagay na puso ko ang gumalaw at muling napangiti nang makita ko ulit siya....

Ang aking anak..

Si Blaise.

Hahakbang na sana ako papalapit sa kanya ng pigilan ko ulit ang sarili ko. Imbis na humakbang papalapit sa anak ko ngayon parang winawarak ang dibdib ko habang nakikita ko ulit ang sarili kong humahakbang papalayo dito.

Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang tignan lang siya mula sa malayo. Wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang mangarap na balang araw malalaman niya rin lahat. Na kikilalanin niya rin ako bilang tunay niyang ama.

Wala, dahil sa bwisit na sitwasyon na 'to. Dahil isa akong walang kwentang lalake na hindi magawang ipaglaban ang mga taong mahal ko.

Mula palang ng sabihin sakin ni Edward - lalaking pinakasalan ng babaeng mahal ko - na may anak kami ni Naomi. Gusto ko nang kunin si Blaise noon. Pero pinigilan ako ni Edward. At hindi ko naman siya masisisi kung bakit niya ako kailangang pigilan. Alam kong hindi rin agad matatanggap ni Blaise na ako ang ama niya. Masakit, pero wala akong magawa kung hindi sundin nalang ang sinabi ni Edward. Para sa kapakanan din ito ni Blaise kaya tiniis ko nalang na tignan nalang mula sa malayo ang anak ko.

Mahirap para sa isang ama na makita ang anak niyang makailang beses nang nasasaktan pero wala parin akong magawa. Ako, ako din ang dahilan kung bakit naging ganito ang buhay ko ngayon. Kung nagawa ko lang sanang ipaglaban si Naomi mula kay Mr. Harrison. Masayang pamilya sana kami ngayon kasama si Blaise.

"Ugh." Parang namang nalaglag sa lupa ang puso ko ng makita kong sabunutan ni Blaise ang sarili niya.

A-Anong gagawin ko?

Nasa likod kami ng main building ngayon kung saan ko din sila nakita noong nakaraan.

Nagdesisyon akong humakbang na papalabas kung saan ako nagtatago. At sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ko na inintindi ang magiging resulta ng gagawin ko ngayon. Dahil ang alam ko lang ay kailangan ako ng anak ko ngayon.

BLAISE HARRISON BLAIRE

Ugh, Ang tanga tanga ko talaga kahit kailan!

Madiin kong sinabunutan ang sarili ko at padabog na umupo kung saan nakapwesto si Myrttle noong tumakas kami mula sa detention room. Halos lahat ng sulok ng University ay nalibot ko na pero ni anino Myrttle hindi ko nakita. Maging sa restricted area na matagal na naming hindi napapasok ay wala din akong nakitang bakas ni Myrttle.

Nakakainis!

Naiinis ako pero hindi sa kanya. Kundi sa sarili ko.

Napalingon ako sa kanan ko ng may maramdaman akong paggalaw dito. At lumakas ang kabog ng dibdib ko ng masilayan ko kung sino ito...Siya, siya ang misteryosong lalakeng lagi kong nakikita ng madalas kahit san man ako pumunta. Dapat akong mangamba ngayon ngunit hindi ko alam kung bakit kampante parin ako sa kanyang presensya.

Naglalakad ito papalapit saakin at nakatitig lang ako sa mga mata nitong napaka pamilyar saakin.

A-Anong gagawin niya?

"A-Ano pong kailangan nyo?"

Takte bakit nauutal ako?

Pero imbis na sagutin ako nito umupo lang ito sa tabi ko at sumandal din sa punong sinasandalan ko. We are facing different directions.

"W-Wala I-Iho, Nakita kasi kitang parang problemado kaya nilapitan kita." Malaki ang boses nito pero nauutal din siya kagaya ko.

Nakita ko ang sapatos nito at gasgas gas-gas na ito. Mas malaki din sa kanya ng kaunti ang soot niyang polo. Pero hindi ito ang unang mapapansin sa kanya. Lalo na siguro nang mga babae. Dahil sa kabila ng damit nitong outdated at gasgas nitong mga sapatos. Kitang-kita ko parin sa mukha nito ang kakisigan niya.

Te-Teka hindi kaya professor siya dito?

"Ahm. Prof po ba kayo dito?" Nahihiya kong tanong sa kanya. Ang awkward pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong.

"Ah, oo photography ang tinuturo ko."

Nanlaki ang mata ko at tinanggal ang pagkakasandal ko sa puno ng marinig ko iyon.

"T-Talaga po? Edi mahilig po kayong kumuha mg mga litrato? I mean malamang. Pero seryoso? May Photography class pala dito. Tsk bakit hindi ko alam." Dismayado ko pang sabi sa kanya. At nakaramdam ako ng hiya ng mapagtanto ko na ang ginawa ko.

Lintek, para akong sira.

"Mukhang mahilig kang kumuha ng mga litrato ah." Ngiti nito sakin.

Parang tumalon naman ang puso ko dahil hindi lang ako mahilig dito. Dahil gustong-gusto ko ang pagkuha ng litrato.

Napakamot nalang ako sa ulo at tumango sa kanya.

"Bihira lang ako makatagpo ng mga batang hilig ang pagkuha ng mga litrato. At base sa nakikita ko sayo ngayon mukhang hindi mo lang hilig ang bagay na ito. Mukhang mahal at gustong-gusto mo na ito."

Napakamot nalang ulit ako ng ulo at tumawa nalang ng mahina.

"Gusto ko po talaga ang pagkuha ng litrato Sir. Pero ayaw na ayaw ng Mommy at Lolo ko na makakita ng mga larawan na kinukunan ko." Nagulat naman ako ng parang nalungkot siya sa sinabi ko.

"Pero kahit na ganoon Sir. Sinuportahan parin ako ng Daddy ko at palihim niya akong binilhan ng DSLR noong bata pa ako." Masaya kong dugtong at kita ko naman ang mapait nyang pagngiti.

Takte, ang awkward ko kasi nag kwe-kwento agad a—

"Atleast suportado ka ng Daddy mo."

Kamot niya din sa ulo niya. Nahawa ata sakin si Sir.

"Oo nga po eh, buti nalang pero dahil siya lang ang suportado sa hilig ko. Sariling sikap ko palang din ang mga kaalaman ko sa photography. Magagalit kasi sakin si Lolo kapag pinilit kong magaral ng Photography."

Ewan ko ba, magaganda naman 'yung mga kuha ko bakit kapag nakikita nila galit na galit sila.

"G-Gusto mo bang turuan kita? Willing ako." Nagliwanag ang mukha ko bigla ng sabihin niya ito.

"Seryoso?!"

Napatakip ako ng bibig ko ng hindi ko sinasadyang mapasigaw. Nagulat naman ako ng tumawa siya ng malakas at ginulo ang buhok ko.

"Oo naman seryoso ako, pero sa isang kondisyon."

Kinabahan naman ako bigla sa kondisyon niya. Sisingilin niya ako ng malaki para sa tutorial?

Mga magkano kaya?

"A-Ano po 'yun?"

Kabado kong tanong sa kanya.

"Sabihin mo muna kung anong problema mo ngayon."

Nawala ang ngiti sa labi ko ng maalala ko na may problema pala ako.

Bagay na ikinawala ko lang ng isang buntong hininga.

"Ummh, ayus kang din kung hindi mo sabihin. Basta kahit ano man yan ma—" Ngunit nagsalita na ako kaagad.

"May tao po kasing mahalaga saakin ang hindi ko nanaman sinasadyang masaktan." Sagot ko sa tanong niya.

Napatingin ako sa kawalan kasabag ng malakas na pag-ihip ng hangin.

"Dahil sa padalos-dalos kong pananalita. Nasabihan ko nanaman siya ng mga salitang hindi niya dapat narinig."

Napalingon ako sa kanya ng wala akong marinig kung ano sa kanya.

"Just continue, I'm listening. "

Bumuntong hininga lang ulit ako.

"Huli ko na kasi nalaman na wala pala talaga siyang kasalanan."

Badtrip kasi, hindi ko naman masisisi si Dayle dahil mukhang may trauma pa siya. Kasalanan ko 'to eh, nakakainis.

"Edi magsorry ka." Agad na sagot saakin ni Sir.

"'Yun na nga po eh, magsosorry na ako pero wala siya sa buong University." Asar kong sagot.

"Susuko ka na agad? Ganito anak. " Tila naman napako ang atensyon ko sa kanya ng marinig ko ang sinabi niyang iyon.... Ang weird....

"'Pag alam mong ikaw ang nakagawa ng mali, pilitin mong itama iyun. H'wag ka agad susuko. Gawin mo na agad ang mga dapat mong gawin bago pa mahuli ang lahat."

Mahuli ang lahat? B-Bakit parang natakot ako sa sinabi niya?

Paano nga kung sumusobra na pala ako. Paano kung nasaktan ko na talaga siya? Magagalit ba siya? Hindi ba niya ako lalong papansinin? Or worst is.... Lalayo kaya si...

No! Hindi pwede!

"I know a person, natakot siyang ipaglaban ang taong mahal niya. Hanggang sa dumating ang oras na nagkaroon na siya ng lakas ng loob. Pero huli na ang lahat para dito. Hindi na niya nagawang ipaglaban ang taong mahal niya. Dahil nakita na niya itong masaya na sa piling ng iba."

Napalingon agad ako kay Sir ng sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung anong meron sa sinasabi niya pero naapektuhan ako.

"Nabasa ko lang 'yan sa drama sa TV... Este nabasa ko lang sa libro. Oh siya, puntahan mo na ang dapat mong puntahan." Ngiti nito sakin parehas narin kaming tumayo sa pinagkakaupuan namin at ngayon ko lang napagtanto na mas matangkad sakin si Sir ng kaunti.

"Salamat po sa payo niyo Sir."

Ang akala ko masamang tao ang lalaking lagi kong nahuhuling pinagmamasdan ako pero hindi pala. Baka nagkakataon lang talaga.

Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya. Tama pupuntahan ko si Myrttle. Kailangan kong humingi ng paumanhin sa lahat ng nasabi ko. It's now or never, ayokong magalit siya sakin. Ayoko rin lumayo siya saakin. I mean samin, ayokong matulad sa taong kilala ni Sir...

Teka! Hindi ko pa pala natatanong ang pangalan niya!

Muli akong napalingon sa pinanggalingan ko at nagtaka ako kung bakit may pinunasan ito sa pisngi niya.

Hindi kaya? Pero imposible, bakit naman siya iiyak.

"Sir! Pwede po bang malaman ang pangalan niyo?!" Sigaw ko dito dahil sampung metro na ang layo namin sa isa't-isa.

"I am your father."

Sumabay ang pag tunog ng bell ang sagot niya kaya naman hindi ko ito narinig.

"Ano po ulit 'yun?" Paguulit ko sa tanong ko.

Ngumiti ito sakin pero nagtatakha ako kung bakit hindi na iyon gaya ng ngiti niya kanina.

"I am Gill! I'm Gill Rodriguez." Sigaw niya rin sakin.

Nag-wave na ako dito at masayang tumakbo papuntang gate.

Thanks Mr. Rodriguez hindi mo alam kung gaano ako nalinawan sa sinabi mo.

Atleast now, I finally knew her place...

MYRTTLE JOONG

Nagkulong agad ako sa kwarto ng makauwi ako ng bahay at pasado alas-sais na ng gabi ng magising ako muli.

Tumayo ako at tinignan ang ityura ko sa salamin.

I looked like a mess. Magang-maga ang mata ko kakaiyak. At ni hindi ko na namalayang nakatulog ako kakaiyak.

Hindi ko man lang nagawang ipaglaban ang sarili ko mula sa kanila. Pero sino bang niloloko ko? Alam ko namang walang maniniwala saakin kung sakaling ipaglaban ko ang sarili ko.

Ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat. P-Pero bakit ang sakit, ang sakit at tumagos sakin ang lahat ng sinabi ni Blaise.

Ganun ba talaga ang tingin niya sakin? A-Ang akala ko ba ayus na kami? A-Ano bang meron sakin Blaise? Bakit hindi mo ako makita bilang ako at kung sino ako?

Takte, eh ano naman kasi kung ganun ang tingin niya sakin? May magagawa ba ako? Wala naman eh. At kelan ba ako naging concern sa kung anong sasabihin ng iba. Lalo na ng Blaise na 'yun?

Naguguluhan na ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano bang ikinabibigat ng puso ko ngayon.

'Yung sakit ba ng iwasan ako ni Dayle at hindi ako nito ipagtanggol o ang sakit matapos sakin sabihin lahat iyon ni Blaise?

Agh.

Ano ba Myrttle Umayos ka nga!

Wala kang pakialam kay Blaise wala!

Sa muling pagkakataon narinig ko nanamang kumatok si Nay Julie sa pinto ng kwarto ko.

Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili ko.

Lumakad ako papalapit dito at bahagyang binuksan ang pinto.

"Nay Julie." Mahina kong tawag dito.

"Anak kakauwi lang ni Blaise, hindi ka na niya nahintay magising. Susunduin daw kasi niya 'yung kapatid niya."

Nanlaki ang mata ko at napahigpit ang hawak ko sa pinto.

"B-Bakit daw siya n-nandito nay?"

Bakit siya nandito? Hindi kaya...

Nah! Ano ba 'tong pinagiisip ko? Malamang at sa malamang kulang pa 'yung mga sinabi niya sakin kaya hanggang dito sa bahay susundan niya ako para sumbatan?

Tsk.

"Wala siyang sinasabi. Pero may binigay siyang sulat."

May inabot saking kulay PINK na papel si Nay Julie.

Langya 'yung totoo?! BAKIT KULAY PINK TO?!

Pero bago ako magwala sa kulay ng papel na bigay ni Blaise ay binuksan ko nalang ito.

"Oh siya anak may niluluto pa ako. Baba na muna ako huh."

Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Nay Julie at napatulala nalang sa papel na pink. Oo kailangang i-mention ang kulay nito.

'Meet me tomorrow. 5 am. Room.'

PS. Don't ever dare to be late or else you're dead.

Pss. I'm dead serious Miss Joong.

From: BH'

As in hell?!

Siya 'yung lintik na nagbigay sakin ng sulat nung unang pasukan?! SERIOUSLY?!

P-Pero takte bakit niya ko pinapapunta sa school? A-Anong gagawin n...

Dali-dali akong pumunta sa kama ko at kinuha ang Cellphone ko dahil may tumatawag dito.

Nagtakha ako ng makita kong unknown number ito.

"Sino 'to?" Bungad ko kaagad na tanong sa tumawag.

Mahirap na baka mamaya k...

"It's me, Myrttle." Napahawak ako sa puso ko ng marinig ko ang boses ni Dayle sa kabilang linya.

T-Totoo ba to? T-Tinawagan niya ako?.

"Oo Dayle... Ako ito. Mabuti at napatawag ka a-ang dami kong gu—" Napatigil ako ng sabayan miya ako sa pagsasalita.

"We need to talk tomorrow morning in **** coffee shop. Magkita tayo doon ng alas singko ng umaga."

Tumulo kaagad ang luha ko ng sabihin ito ni Dayle.

Ang ibig sabihin ba nito binibigyan na niya ako ng pagkakataong makausap siya?

"Talaga Dayle. Sa-Salamat talaga hindi mo alam kung ga—"

Hindi ko naman na naipagpatuloy pa dahil naputol na bigla ang linya pero hindi parin nawala ang ngiti sa labi ko.

Ang buong akala ko kinalimutan na ako ni Dayle. Pero sa sinabi niya ngayun. Alam kong hindi pa at parang napalitan na ngayon ng saya ang lahat ng sakit na naramdaman ko kanina.

Binuksan ko ang ilaw ng kwarto ko dahil kanina pa ito patay.

Nang may makita akong pink na papel sa sa sahig.

"Sh*t!" Kagat labi kong sabi sa sarili ko ng maalala ko ang schedule din na sabi ni Blaise.

Shems! Anong gagawin ko, bakit ba nagsabay pa sila?!

Agh!

Bakit kasi sumabay pa 'tong si Blaise. Ano ba kasing sasabihin niya? Sino ba talagang pupuntahan ko?

Takte, Bakit parang nahirapan ako bigla kung ano pipiliin kong puntahan?

Ano ba? Si Dayle o si Blaise?

Dayle

Blaise

Dayle

Blaise

Agh...

Ano ba talagang nangyayari sakin? Sino ba talaga pipiliin ko?

Tsk, bahala na. Bastaang alam ko lang pareho silang mahalaga.    

a/n: PAKIBASA PO

HI rulers. Bago ang lahat happy 47K reads !!! OMGHIE hahaha salamat talaga sa pagbabasa ng aking mundong binuo sa pamamagitan ng pasaway kong isip. Pasensya na sa mga typos at mga wrong grammar hindi ko pa siya maayus sa ngayun dahil sa cp lang ako nag uupdate.

Sorry din kung hindi consistent yung date kelan ang Update. Sa kadahilanan ng aking schedule. Pero atleast diba nakaka pag update. Mahal ko kayu eh.

So ayun, PM nyo lang ako chikahan tayo wala kong kausap minsan eh. Kung may mga tanong about sa story ask lang kayo. PM nyo ko dito sa wattpad or sa fb account ko na GHIEbeloved

So ayun. Sana nagustuhan nyo ung UD...
I dedicate this UD To all the rulers na nagtanong sakin kung kelan ang Upadate ko hihi xD
Love you guys.

kitakits sa next Chapter.

Continue Reading

You'll Also Like

6.8K 586 46
Limang minuto. Limang minuto niya lang nakausap ang binatang iyon na biglang naglaho na parang bula. Ngunit sa limang minutong iyon ay doon nagsimula...
13.3K 929 26
"We are all sinners." There was a prediction that the end of the world will be coming soon but nobody knows when and how will it end. Christians beli...
25.5K 1.4K 40
"Tuwing nananaginip ako, nagkakaroon ako ng ikalawang buhay at tila lahat ng nangyayari doon ay totoo." Evangeline Laverde, isang call center agent n...
4.2M 121K 50
[MAOG Book 2] Do you think you've been toyed enough by the ride called life? Then, you're wrong. It doesn't end with a happy and perfect picture but...