HARRISON UNIVERSITY: The Scho...

By GHIEbeloved

13.9M 389K 66.2K

Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her... More

PROLOGUE
HUTSOM BOOK IS NOW AVAILABLE!
Chapter 1 : [Harrison University]
Chapter 2 : [ The Fountain]
Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]
Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]
Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]
Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]
Chapter 7: [ Mission Impossible]
Chapter 8: [ Forced decision]
Chapter 9: [ Unexpected Guest]
Chapter 10: [Identity]
Chapter 11: [ Revelation ]
Chapter 12: [ Officially Part of Harrison Rulers ]
Chapter 13: [ Confrontation ]
Chapter 14: [ Final Decision ]
Chapter 15: [ Choices ]
Chapter 16: [ New classmate? Hell!]
Chapter 17: [ Lady in the shadow ]
Chapter 18: [ Worried ]
CHAPTER 19: [ She's familiar]
Chapter 20: [ Alaine De Castro]
Chapter 21: [Second Crime ]
Chapter 22:[My Queen]
Chapter 23: [ Crimson Palace ]
Chapter 24: [ Myrko ]
Chapter 25: [ The Palace Queens]
Chapter 26: [ The Announcement ]
Chapter 27 [ Protect ]
Chapter 28: [ Her tears]
Chapter 29: [ Miesha ]
Chapter 30: [ Special students ]
Chapter 31 [ The Queens Rule]
Chapter 32 [ Arrow ]
Authors Note (PleaseREAD)
Chapter 33: [ Goodluck]
Chapter 34 [Behind the mask]
Chapter 35 [Her Side]
Chapter 36 [I'm Sorry]
Chapter 37 [ Unknown Feelings]
Chapter 38 [Twins]
Chapter 39 [Her other side I]
Chapter 40 [Her other side II ]
Chapter 41: [The mean Girls]
Chapter 42: [Slave]
Chapter 43: [Phoenix]
Chapter 44: [The Plan]
Authors 2nd Note ( Please read)
Chapter 45 [Guilty]
Chapter 47: [Dayle Trinidad]
Chapter 48 : [Confuse]
Chapter 49: [Please, stay]
Chapter 50: [Worst than nightmare]
Chapter 51: [Death threat]
Chapter 52: [Unmask]
Chapter 53: [Trapped]
Chapter 54: [Im trapped again]
Chapter 54: [Paint]
Chapter 55: [Cloud Montague]
Chapter 56 [The Other Side]
Chapter 57(part I): [Bestfriend]
Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]
Chapter 58 [Comeback]
Chapter 59: [Unveiled]
Chapter 60 [The Game of Doom]
Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]
Chapter 62: [Special Students]
Chapter 63: [The Fall]
Chapter 64: [Wicked]
Chapter 65: [The Gift]
Chapter 66: [The Zone]
Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]
Chapter 68 : [ Wish Granted]
Chapter 69: [Me]
Chapter 70: [Glance]
EPILOGUE
Author's Note
HUTSOM SOON TO BE PUBLISHED UNDER PSICOM!

Chapter 46[She's Here]

159K 4.2K 1.1K
By GHIEbeloved

HARRISON UNIVERSITY: The school of Monsters
By: GHIEbeloved

BLAISE HARRISON BLAIRE

Badtrip na babaeng 'yun! Lakas mang-inis! Kahit kelan talaga hindi na ako naubusan ng dahilan para kainisan siya!

Asar akong bumaba sa sasakyan ko at galit na galit na sinalubong ang mga babaeng hinihintay ang pagdating ko sa entrance ng Harrison University. Lagi nilang ginagawa ito. Weird pero sa kasamaang palad, sanay na ako.

Hindi ko lang sila pinansin at gaya ng lagi kong ginagawa. Sinimangutan ko lang silang lahat.

"O.my.Ghie Girls. Sobrang hot ni Papa Blaise kapag galit!" Dinig kong puri ng isang babae.

Inis ko itong nilapitan at hinawakan sa kwelyo niya.

Inaasar ba talaga nila ako?!

"Ako galit?! Hindi ako galit!" Inis kong bulyaw sa pag mumukha niya.

Hindi ako galit. Bakit ako magagalit kat Myrttle?! Isa lang naman siyang bwisit sa buhay ko na walang ibang ginawa kung hindi painitin ang ulo ko! Tapos sasabihin niyo saakin na galit ako?! Hindi ako galit!

Naiinis lang ako! Hindi ba niya alam kung gaano ako nag-alala sa pagkawala niya?! Parang nawala sa pwesto ang puso ko sa kaba! Tapos ano?! Malalaman ko lang sa mga babaeng 'yun na umalis lang pala siya?! Langya, buti kung hindi namin kasama maghanap yung Kenzie, at Aki na yun 'eh. Kaso kasama namin!

Ang malupit pa nun pati si Aki nakikitaranta pa sakin! Kung hindi ko pa tinanong sa kanila hindi ko pa malalaman. Nyemas!

Manang-mana sa kaibigan nilang si Myrttle. At 'yung babae namang 'yun. Ni hindi man lang nagpaalam sakin! Hindi man lang kinunsidera ang pagiging leader ko?! Ang raramdaman ko kung bigla siyang mawala!?Ugh! I should know! Dapat niya lang ipaalam sakin Dahil...Dahil...

"Oy Boss, Tama na 'yan." Awat sakin ni Landon. Sinamaan ko lang naman siya ng tingin at binitawan na ang madaldal na babaeng nagsabing galit ako.

Hah! Kung makapagsabi ng galit ako eh hindi naman talaga! Naiinis ako.. Inis na inis dahil kahit na 'Hoy alis lang ako ah bye', wala! Wala man lang. Kung hindi din naman ano!

"Sorry Miss, Intindihin niyo nalang may red tide din siya eh." Rinig ko pang paliwanag ni Landon doon sa babae.

Tsk, Red tide. Ano ako babae?!

Imbis na gantihan pa sila nagpakawala nalang ako ng malakas na buntong hininga at tumalikod na sa lahat. Wala nang magagawa ang pagkainis ko. Tapos na at wala din naman siya dito para idamay pa sila. Nagtungo ako sa lugar kung nasaan nakapwesto ang mga rulers. Nasa South wing sila ng Management building at hinihintay ako.

Napatingin din naman ako sa kaliwa ko ng may sumabay saking maglakad. Nang tignan ko ay si Agata lang pala. Agata Fontelan ang babaeng weird at misteryoso sa grupo. Hindi ko pa siya nakakausap at madalang lang talaga. Ang madalas niya lang kausap ay si Ethan.

"Oh Blaise mukhang ang sama ng gising mo ah." Ngisi ni Agata sakin.

"Tsk, Ewan." Tamad na tamad ko lang namang sagot sa kanya na sinundan nito ng mahinang tawa!

Bagay na ikinalingon ko sa kanya muki at sasamaan ko sanng tingin nang makita ko itong nauna na saakin at pinipisil na ang pisngi ni Ethan.

"Aww, Mashakit Ashgata." Daing ni Ethan.

Tignan mo tong babaeng to. Talikuran daw ba agad ako?! Agh. Lahat nalang pinapainit ang ulo ko.

"Haha ang cute mo kasi."

Namula naman si Ethan at ngumiti ng labas ang harapang ngipin.

Magharutan daw ba sa harapan ko?! Iniingit ba nila ako?! Nak nang...

"Oh Ate Kiera! Andyan ka na!" Masayang bati ni Ethan habang hawak hawak pa ang pisngi niya. Napatingin ako kay Kiera na parating na pwesto namin. May kasa-Kasama ito na si. Sino nga ulit to?

Naka all pink ito at naka...

WTH? Para saan ang bunny headband na yun?!

Teka naala ko na!!!!

Siya si Paris! Huh? Ang pagkaka-alala ko hindi sila magkasundo.

"Ash, Here's your girl." At nginitian niya ang kapatid niya. Para lang akong eng-eng na nakatingin sa lahat at hindi nagsasalita. Because I just can't say a word.

Kitang kita ko naman na ang nagtatakhang ekspresyon ni Ash. Napatingin naman ulit ako kay Kiera ng lapitan ito ni Hunt at ginulo ang buhok nito.Napasimangot lang si Kiera dito pero hindi nagtagal ay nag-ngitian na sila ni Hunt.

What the hell happened?!

Anong nang nangyayari sa lahat. Bakit masiyado na ata akong maraming hindi alam?

Na out of focus ba ako sa kanila? At kanino naman ako nag focus?

Kanino nga ba?

Huh?! Bakit 'kanino' ang tanong ko?! Wala akong iniisip na tao ah! Wala!

I mean 'ano' ba ang pinagkaabalahan ko?

Tsk Ewan!

* * *

Nakarating na kami sa classroom ng sabay-sabay pero syempre kulang dahil sa Myrttle na iyon!

Nagiingay lang silang lahat dahil malalate daw ang instructor namin, at ako? Wala akong pakialam. Ang boring-boring. Kaya naman napatingin nalang ako sa silyang bakante sa tabi ko.

Saan naman kaya siya pumunta? Hindi kaya mahalaga talaga ang pinuntahan niya kaya miski ang magpaalam saakin.... I mean samin, ay hindi na niya nagawa?

Ugh!

Asar kong ginulo ang buhok ko at nilarozlaro nalang ang fountain pen sa bibig ko.

Kahit kelan talaga napaka-walang kwenta mo....

MYRTTLE JOONG

Agad akong lumabas sa aking sasakyan at ang malamig na hampas na agad ng hangin ang bumungad saakin. Namiss ko ang klima na ito. Dahil malayong-malayo sa mainit at maalinsangang hangin sa Pilipinas.

I just arrived in Korea earlier using our jet plane. Ang bansa kung saan ako isinilang. Ang Korea.

Agad akong lumipad papuntang Korea ng may tumawag saaking may lead na sila tungkol kay Dayle.

Just Hell! Ang tagal tagal ko nang naghihintay ng balita tungkol sa kanya and finally mayroon na. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero isa lang ang alam ko. Kailangan ko nang makuha si Dayle sa kanila ngayon.

Pero nagitla ako ng mag-vibrate muli ang aking telepono at nakita ko ang isang message na galing sa unknown caller na nagsabing alam na nila kung nasaan si Dayle. Nakasaad dito ang address kung saan ako pupunta kaya agad ko naman ding pinasok muli ang sasakyan ko at pinaandar ito ng mabilis.

Finally Dayle, makikita narin kita. Sana bigyan mo ako ng pagkakataong ipaliwanag ang lahat.

I missed you so much Dayle, so much. At kung dati ay hindi kita nagawang bawiin sa dumukot sayo? Ngayon hindi na ako papayag na mawala ka pang ulit sa piling ko. Hinding-hindi na ako papayag Dayle.

Gabi na akong nakarating sa nasabing lugar pero kaswal lang akong naglakad sa eskinitang iyon patungo sa lumang nuclear power plan. Ramdam ko ang mga mata na nakatingin sakin ngayon pero gaya ng dati? Hindi ko lang ito pinansin.

Nasa isang lungga ako ngayon ng mga sanggano sa South Korea kaya naman napakadami nila. Nakakaramdam man ako ng panganib ngunit hindi ako nagpahalata sa mga ito.

Alam kong hindi lingid sa kaalaman nilang ako ang Reyna ng Crimson palace kaya naman kahit lumakad man ako ngayon dito ay alam kong nanginginig silang makita ako. They should know, they are goons. Kaya walang nangingimi saking lumapit man lang.

I am walking safe and sound patungo sa nasabing eksaktong lugar kung nasaan si Dayle.

At hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko, dahil magkahalo ang tatlong bagay sa puso ko. Ang kaba, ang saya, at ang pagkatakot sa maari niyang maging reaksyon kapag nagkita kaming muli.

She's very special to me like Paris, Aki, Kenzie, Autumn and the rulers. Kaya hindi ko kakayaning makatanggap ng masakit na reaksyon kapag nakita ako nito.

Nang makarating na ako sa tagpuan ay agaran ko nang binuksan ang pinto ngunit nagulat ako sa aking nadatnan..

Isa itong lugar na parang impyerno. I've seen injections with drugs scattered on the floor. At kinilabutan ako ng sabay-sabay nagsitinginan sakin ang mga lalaking halata mong nasa kalagitnaan pa ng session nila. Pansin na pansin ko ring ngumiti ang iba dito.

What the....Huwag mo sabihing sa ganitong lugar naroon si Dayle?!

Or maybe...

Isa lang itong patibong!

Babalik na sana ako kung saan ako nanggaling ng isang malaking mama ang humarang sakin.

His red eyes and his mischievous smile creeps me pero hindi ko ito pinahalata.

"Back off." Banta ko dito pero tinawanan lang ako nito.

I glare at him blankly but inside me. I am furiously mad and disappointed dahil walang bakas ni Dayle sa lugar na ito.

"Back off huh? This is my territory Queen Mizuki. And I am the king of this place so don't expect anyone to obey you." Isang pamilyar na boses ang nagsalita mula sa likuran ko. I knew it, Stupid Myrttle, Stupid...

Bakit hindi mo naisip ito.

May isa pang dahilan kung bakit kilala ako sa lugar na ito. Dahil ang lugar lang naman na ito ang nagsilbing training ground ko noong bata pa ako. Kaya naman marami nang nakakakilala sakin sa edad kong iyon.

At ngayong bumalik ako dito. Inaasahan ko 'ding may welcome party sila saaking ihahanda. Galit sakin ang mga taong kagaya ko dito sa Korea sa kadahilanang iniwanan ko sila. But the truth is hindi. Wala lang talaga akong choice dahil iyon ang utos ng Lolo ko. They are mad at me, at kahit ilang ulit pa akong magpaliwanag ay baliwala lang sa kanila. Dahil alam kong hindi sila makikinig.

Well this is it. I'm trapped, badtrip naman oh.

"Oh boy, you look gross tonight Ryu." Giving him my smirk and held my hand gun on my pocket. B-But...

Daym! Bakit nawawala?!

"Hand gun? Do you think I'll allow you to hand any weapon of yours? I'm not that stupid Mizuki." At nabalik ang atensyon ko sa kanya... Sa kanyang asul na mata!

Damn you Johann Ryu!!

Duwag!

"I can't believe that you easily fall from our trap Mizuki." Sabay tawa pa niya ng napakalakas. But I rolled my eyes to him heavenward.

"Where's Dayle?" Deretso kong tanong dito na ikinahalak nito ng malakas.

Si Johann Ryu. My Childhood....Ummh Friend? Pero hindi na ngayon. Dahil mula ng sabihin ko sa kanyang papadala na ako ni Lolo sa Pilipinas for good ay hindi na niya ko tinuring na kaibigan. And yeah, kilala niya si Dayle dahil magkababata kami.

Sumenyas naman si Johann sa mga kasamahan niya at pinalibutan ako ng mga ito.

Men!

"So wala si Dayle dito?!"

Kumunot naman ang noo ng mga koreanong hilaw sa harapan ko.

"Tignan niyo, hindi niyo ko maintindihan. Mga ugok din kayo 'e. Papapuntahin niyo ako dito sa lugar na 'to para ano?! Para sa wala?!" Galit na galit kong sigaw sa kanila. Ipinaikot ko ang mata ko at may nakita akong mahabang tubo.

"What the f*ck are you saying?!"

Galit na galit na tanong ni Johann Ryu.

Pero nginitian ko ang mga ito, "Ang sabi ko kukunin ko 'yung tubo at ibabaon ko sa mga kupal niyong ulo!"

"What is she saying?" Bulong ng isa.

"Jal Mollayo (I don't know)" Kibit balikat naman ng isa.

Psh..

Mabilis akong kumilos at kinuha ang mahabang tubo at isinagawa na ang pagkilos ko.

Tsk, Pwede na 'to. Pagtyagaan.

Samot-saring mura ang narinig ko sa paligid ng makita nila kung anong hawak ko. Kumuha sila sabay -abay ng armas nila at dahil sabay-sabay sila. Hinawi ko naman agad ng tubo ang mga kamay nila dahilan ng pagtilapon ng armas nila sa malayo.

Badtrip dehado parin ako!

Isang koreanong hilaw ang mabilis na sumugod sakin at may hawak itong patalim sa kaliwa niyang kamay. Kaya naman agad kong iwinasiwas ang tubo at hinampas ito ng hindi nagaatubili sa batok niya.

Don't worry you're not gonna die, matulog ka lang ng ilang buwan.

Iwinasiwas ko lang ng iwinasiwas ang tubong hawak ko kaya walang nakakalapit sakin. Pero bawat hawi ko nito napapaatras ako. At deym! Kaunti nalang at mapapasandal na ako sa pader!

Mahigit lima pa sila. Ang iba ay napatulog ko na. Pero badtrip lang! Alam kong hindi ko na kaya.

Lumakas ang pintig ng puso ko ng maramdaman ko na ang likod ko sa pader. But a strange sound questioned me. Paggulong ito ng kung anong bagay sa sahig.

At ang pintuang hindi kalayuan saamin ay bumukas at niluwa nito ang isang taong nakasakay sa isang skate board.

Maging ang mga kumakalaban saakin ay napatingin sa kanya. Pansin ko kaagad ang dugo sa sapatos ng taong naka skate board na lubos kong ipinagtakha.

Saan galing iyon?

Nang matapat na siya sa lugar na malinaw ko na siyang makikita ay natanaw ko na kung ano siya.

Hindi ko maiwasang magulat dahil isa itong babae na naka bonnet na pula. She's with her black sweater at nakasakay parin ito sa skate board niya.

"W-What the hell are you doing he..."

At tuluyang nanlaki ang mata ko ng mabilis niyang pinadulas ang skate board niya sabay talon para maibalibag ng mabilis at deretsyo ang skate board sa tiyan ni Johann.

What the....mukhang masakit.

Dahil doon ay nawala na ang atensyon sakin ng apat pang natitira kaya naman inihampas kong ito sa paanan nila dahilan ng pagkapatid nila.

Kitang-kita ko naman kung gaano kawirdo ang ginagawa ng babae dahil sinisipa niya lang ng walang pamundangan ang mga may malay pang kalaban.

Samantala ay nagpunta lang ako kay Johann na kasalukuyang namamalipit sa sakit ng kanyang tiyan.

"Don't ever use Dayle's name just to gain your revenge." Tinitigan lang ako ng malalim ni Johann. Na akala mo ay may gusto siyang sabihin. Pero lubos kong ikinagulat ng tawanan niya ako ng pagkalakas-lakas.

"Myrttle. She is still your weakness...."

At nanlaki ang mata ko ng sipain nung babaeng naka skate board sa mukha si Johann. Dahilan ng pagkawalan nitong malay.

"Tsk, Are you Okay?" Malamig na tanong nito sakin. Halatang-halata sa pagsasalita niya na hindi siya sanay mag english.

I nod to her and smile.

"Jal Jinae, Kumawoyo."

(I'm fine, thank you)

Ngumiti din ito saakin at tumalikod na. Buong akala ko ay aalis na siya. Pero kukunin lang pala nito ang Skate board niya at pinagulong.

"Your name is?"

Habol kong tanong sa kanya.

Sumakay na ito sa skate board niya at tinignan niya akong muli ng seryoso.

"I am Max. I need to go. Please take care." Then she left me.

Napa kibit balikat nalang ako ng iwan ako nito.

Max, sa height at sa mukha nito ay malalaman mo lang na kasing edad lang siya ni Celine. No, mas bata pa siya kay Celine. At sa lagay ko kanina siya pa ang nagligtas sakin. The hell, niligtas ako ng babaeng mas bata pa saakin.

Weird

Weird

Weird

Umalis narin ako sa lugar na iyon. Pero bago ako sumakay ng sasakyan ko at napabuntong hininga nalang.

Dayle nasan ka na ba? Magpakita ka na naman sakin oh. Please..

At nang oras na iyon ay hindi ko na mapigilang pumatak ang luha ko.

Wala si Dayle. Ang buong akala ko pa naman makikita ko na siya pero hindi, wala akong Dayle na nakita.

Ginamit lang nila sakin si Dayle. Bakit si Dayle pa kasi ang kinuha nila. Sa dinami dami ng tao sa mundo ba't ang Bestfriend ko pa? Bakit?

* * *

Dumeretyo na ako sa condo ng kambal ko dahil alam ko naman password nito.

Lahat naman kasi ng account niya o bagay na kinakailangan ng password ay iisa lang ang nilalagay kito. Kaya minsan hindi na ako magtataka kung may makapasok doon 'e.

Sino ba naman kasing matino ang maglalagay ng password na '1234' sa lahat ng account niya diba?!

Baliw...

Pagkabukas ng elevator ay agad kong nakita ang bukas na pinto ng condo ng kambal ko.

"Nak nang kakasabi ko lang!" Diin kong bulong sa sarili ko habang tinatahak ang daan papuntang pinto nito.

Dahan-dahan akong pumasok sa madilim na condo ng kapatid ko.

Shemay.. Nalintikan na talaga.

Pagkasaradong-pagkasarado ko ng pinto ay biglang bumukas ang ilaw at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Wahhh!!!! Wag po." Tahimik ko lang na tinignan ang Apat babaeng nakasoot ng damit ng mga staff ng hotel na to.

"Myrkooo!!"

"OMG! I can't believe this, sa dinami-dami naming pinagdaanan makita ka lang namin ng malapitan Myrko. Sa wakas! Nandito na kami ngayon!!"

At isa pang tili.

Humalukipkip lang ako at tinignan sila ng walang kagana-gana. Pinagkakaguluhan si Myrko ng apat na die hard fans niya sa harapan ko. Halos malukot na ang polo nito kakakuyog sa kanya.

So I cleared my throat to gain their attention.

"Hi Bro." Kaswal ko lang na bati kay Myrko. Kitang-kita ko naman ang pagningning ng mata nito.

"Princess! Thanks goodness you came. Please hel..." I cut him.

"I'm not in my mood Bro." And I walked out towards his kitchen to get some food. Gutom na ako, hindi ako nakapag-agahan dahil sa lintik na frame up na 'yun!

At si Myrko? Kaya na niya 'yun.

Nagtimpla ako ng coffee at kumuha ng bread at pinalamanan ito ng strawberry jam.

Nang matapos na ako ay naglakad na ako papalabas ng kusina. Napatigil ako sa bukana nito ng makita ako ang bagong mukha.

Autumn?

Hindi ako makapagsalita dahil may subo -ubo akong tinapay at may hawak akong kape.

"Back off. " Malamig na pagbabanta ni Autumn sa apat na babae.

"At sino ka naman?" She is Rosie,

I actually knew them, dahil last year lang ay kinulit din nila ako makakuha lang ng impormasyon sa kapatid ko. Die hard fans nga diba? Now Autumn will kill them.

Kidding.

"Oo nga who are you ba?" Sabi naman ng isa and her name is Hayde.

"Istorbo ka naman eh just get lost." Mataray pang dagdag ni Roselyn.

"Huy, h'wag nga kayong Bad. " Awat nito. "Hello po. Pasensya na po die hard fans lang po kami ni...." But Autumn cut Anesha ang pinaka mabait sa apat.

"I'm his girl, so back off or Teddy will bite you." Seryosong sabi ni Autumn at nanlaki ang mata ko nang ilabas ni Autumn si Teddy sa bag niya.

T-Teddy?

Nangilabot ako sa ityura ni teddy. May hawak itong kutsilyo. Labas ang mata nito. At may pulang marks pa sa leeg nito na para bang mapuputol na ang leeg niya.

"W-What is that?" Nanginginig na tanong ni Roselyn.

"N-nakakatakot." Nanginginig ding bulong ni Anesha kay Hayde. Napalunok lang naman si Hayde.

"Say 'Hi' to them Teddy. Oh by the way..." Autumn gave us a creepy smile

"I'm a witch."

Tawa nito ng nakakatakot.

At wala pang ilang segundo ay agad na silang nagtilian at naguunahang magsitakbuhan ang mga die hard fans ni Myrko. Si Myrko naman ay napatulala lang kay Autumn.

Mabilis akong naglakad sa pwesto ni Autumn at binitawan muna ang hawak kong kape. Ibinaba ko din muna ang tinapay ko.

"Oh Myrttle, dito ka pala pum...Aray." Daing ni Autumn sakin matapos ko siyang batukan ng mahina.

"Kahit kelan talaga napaka-taba ng utak mo." Gigil ko lang na ingit kay Autumn.

Badtrip! Pati ako natakot sa kalokohan niya!

"Well." Tawa pa nitong mahina. Nang mapansin naming hindi nagsasalita si Myrko ay sabay kaming tumingin dito.

"T-teddy." Mahina nitong sabi.

"Tsk, Don't worry it's just a prank Myrko. Kahit kelan talaga." Nagulat din ako ng tanggalin ni Autumn lahat ng kung ano sa katawan ni Teddy. Badtrip! Akala ko nagawa niya talagang dumihan ang Teddy bear na 'to eh.

Nagliwanag ang mukha ng kambal ko at akma ng yayakapin si Autumn.

Kaya naman tinalikuran ko na sila at kumain nalang ulit. Moment na nila' yun. Ayokong makakita ng PDA. Kadiri.

* * *

Pagtapos ng moment nila ay niyaya ko na si Myrko na pumunta kay Lolo. Excited na akong puntahan siya dahil miss na miss ko na 'yung matandang 'yun. At marami din akong gustong itanong sa kanya. Mga tanong na alam kong siya lang ang makakasagot.

Noong una ay tinatanggihan pa ako ni Myrko na puntahan si Lolo sa hindi malamang dahilan pero bandang huli ay heto ngayon at pinagmamaneho na niya ako papunta sa bahay ni Lolo.

"Bakit parang pinipigilan mo akong makita si Lolo?" Seryoso kong tanong sa kambal ko. Dahil mula ng mapilit ko siyang samahan ako ay hindi na siya nagsalita. Ang dating masayang aura nito ay naging gloomy at seryoso.

And I know that there's something wrong. Na hindi ko alam..

But instead of answering me, he just focused his eyes on the road and never say a word.

Na lubos kong ikinainis.

Iniyukom ko ang palad ko sa sobrang inis. But instead of letting it out and scream it to him I just take a deep breath and make myself calm.

"You're now hiding secrets to me."

And that was the last words I say to him.

Buong byahe ay hindi na ako nagsalita. Ayoko, dahil ayoko nang kausapin pa siya! Ang sakit, ang sakit maramdamang pinaglilihiman ka na ng kambal mo ngayon. At nakakainis ito, sobrang nakakainis dahil ang pinaka ayoko sa lahat ay 'yung may hindi ako alam. Bakit? Wala na ba akong karapatang malaman ang lahat ngayon? Ganoon ba ako kainutil para hindi maintindihan ang mga lihim na wala man lang akong kamuang-muang? Lihim na alam kong may koneksyon saakin dahil kung wala ay dapat alam ko na iyon matagal na!

Pero bakit ang kambal ko pa ang gumawa ng ganitong bagay saakin?

Bakit nagagawa mo saakin ito Myrko.

Sa wakas ay nakarating na kami sa bahay ng lolo ko. Oumasok kami sa isang mala ancient palace ng Korea. Na agad din kaming kinunsedera nang makita ng mga bantay nito ang special plate number ng mg Joong.

Our family is the most exclusive family here in Korea. And of the five Giant sa buong mundo ay nangunguna kami dito. Pero hindi ito ipinapaalam sa publiko lalo na sa hindi namin kauri dahil ang Five Giants maging ang mga under nito ay may koneksyon sa Doom Society.

Doom society, kung saan kasali ang mga Giants ng Mafias at iba't-ibang personalidad na kasali sa mga ilegal na gawain. And yeah, Me, Autumn, Kenzie, And Aki are belong to the family of the giants.

Ang pamilyang Blood na kinabibilangan ni Kenzie ay ang sunod samin. The Blood Family is the boss of all mafia sa northern hemisphere. Particularly, in the northern america.

The third rank is from Autumns' family. The Banbini clan.

And the fourth Giant is The Granger clan...

Pero lingid sa kaalaman ng lahat ay may isa pang Giant na hindi pa lumalabas.

I don't know much about them, only Lolo and the chairman's knows the information about the last giant. But who cares, as long as hindi sila nanggugulo, hindi ako magiging interisado sa kanila.

Nang nakapasok na kami ay may sumalubong kaagad saming mga man in black. Humerera sila at sabay sabay na nag bow ng oras na makalabas na kaming dalawa ni Myrko.

"Good evening young masters." Isang katangkarang lalake ang humarap samin. Naka black toxido din ito at binigyan kami ng ngiti.

MYRKO JOONG

Seryoso ko lang na tinignan si Mr. Lee. Palihim ko ring tinignan si Myrttle at ramdam na ramdam ko sa seryoso niyang mukha na galit ito sakin.

I'm really sorry Princess. Hindi ko ginustong maglihim sayo. Dahil hindi ko kahit kelan ginustong magalit ka sakin. Hindi ko naman 'to gagawin kung hindi dahil din para sayo. At kahit masakit na kagalitan mo ko titiisin ko. Maprotektahan lang kita.

"We're here to see the Chairman." I coldly stared at him and he told us to follow him.

Nang makapasok na kami sa kwarto ni Lolo ay agad ng yumakap si Myrttle dito. At oo hanggang ngayon parang walang 'ako' na kasama nito. At ang sakit nito. This is too much to make me serious and stop my childish act.

"I really really missed you Lolo." Mangiyak-ngiyak na yakap ni Myrttle kay Chairman Joong, our Grandfather.

"P-Princess." Bulong ko sa hangin.

Kitang-kita ko ang pangungulila ng kapatid ko dito. I tried to hide my tears but it's still falling. She always following our grandfathers order. Kahit na maapektuhan ng husto ang pamumuhay niya. Maraming naiwang ala-ala ang kapatid ko dito sa Korea, maging ang pangarap nito ay tinalikuran niya dahil ito ang gusto ni Lolo.

Giginagawa niya ito dahil mahal niya si Lolo. Dahil alam niyang sa mundong 'to ako lang at si Lolo ang meron siya.

Bata palang kami ay minulat na kami ng kapatid ko sa mga taong hindi naman talaga namin magulang at alam ko ito matagal na. Bata palang ako ay narinig ko nang lahat ng sekreto at baho ng pamilyang ito. Nasaktan ako, napuno ng galit ang puso ko at ito ang dahilan kung bakit ayokong sabihin ito sa kapatid ko. Ayokong mas lalo siyang ma-depress, dahil alam kong kahit na mukhang malakas ang kapatid ko ay napakahina parin nito.

Kabisadong kabisado ko si Myrttle. Ayaw niya lang na ipakita sa iba na mahina siya dahil ayaw nitong may madamay sa kalungkutan nararamdaman niya. That's why I treasure my Princess feelings.

Ako nalang ang kayang magprotekta sa kanya ngayon. Ako nalang.

Nagulat ako ng makita ko ang nanlilisik na mata ni Lolo sakin. Tinging punong-puno ng kahulugan.

Agaran kong pinunasan ang luha ko at tumayo ng maayos.

I know lolo, I know.

* * *

Tahimik lang akong kumakain habang si Lolo at Myrttle ay masayang nag-uusap. I'm silently listening to them. And also praying na sana ay walang masamang bagay ang mangyari.

"Really ? I want to meet the Rulers. I can teach them free lesson for target shooting." Natatawa pang tugon ni Lolo sa kwento ni Myrttle sa kanya.

"Nga pala lolo may tanong ako."

Natigil ako sa pag nguya at nanatili lang na nakatingin sa pagkain ko.

Please d-dont a-ask him...

"Sure Myrttle." Masaya pa nitong sabi sa kapatid ko.

"Mr. Harrison told me something."

And that word is enough para mapatingin sa kanilang dalawa. Nawala ang ngiti sa labi ni Lolo at si Myrttle ay seryoso narin.

Rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko.

"M-Myrttle Tara na g-gala na tayo sa s-Seoul T—"

"Myldred Joong? Who is she?" Hindi ako nito pinansin. At seryoso lang na nakatuon ang paningin niya kay lolo.

Kabado lang akong napatingin kay Lolo at kitang-kita ko kung paano nagbago ang mga mata nito.

Hindi lang nito kinibo si Myrttle at binaba na ng mahinahon ang chopsticks niya kasabay ng kanyang pagtayo.

Sinubukan kong hawakan ang kamay ni Myrttle pero itinaboy niya lang ito ng malakas na lubos kong ikinagulat.

Bagay na agad ding ikinabasag ng puso ko nang makita ko ang makislap na likidong pumatak sa pisngi nito.

"Y-you're hiding secrets to me."

Garalgal na saad ni Myrttle.

Napahinto si Lolo sa paglalakad niya paalis. At halos marinig na sa buong kwarto ang kabog ng dib-dib ko. Gusto kong magsalita, gustong sabihin sa kanya lahat. Gusto kong punasan ang luha ngayon ng kapatid ko at patahanin siya pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makagalaw.

"Myldred Joong."

Gulat akong napatingin sa gawi ni Lolo ng magsalita ito ng hindi tumitingin samin.

But one unexpected answer came out from him.

"She's nothing." Kasabay noong ang patuloy niyang paglakad papalayo saming magkapatid.

At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko....

Ngayon ko lang naramdaman ang salitang 'galit'.

MYRTTLE JOONG

"Myrttle, please talk to me."

Iyan ang huling salitang narinig ko kay Myrko ng umalis ako ng Korea.

I don't want to talk to him, I hate them. Ginagawa nila akong tanga. At ang sakit sakit nun!

Alam ko may alam sila, alam kong may tinatago sila sakin. At sobrang sakit dahil kung sino pang hindi mo inaasahang maglilihim sayo eh sila pa ang mga taong gagawa sayo nito.

Bakit ba kasi nila ako ginaganito? Gaano ba ako kasama para maging ganito ang buhay ko? Gaano ba ako kamangmang para hindi malaman ang lahat sa buhay ko.

At ang eksaktong nararamdaman ko ngayon ay para akong mag-isa! Para akong isang babaeng lumabas nalang kung saan, 'yung walang pinanggalingan, iyung walang pinagmulan at hanggang ngayon ay nabubuhay parin sa kasinungalingan.

Siguro nga, siguro nga ganun ako kawalang kwenta, dahil miski isa ngayon sa mga kadugo ko ay ramdam na ramdam ko ng iniwan na ako. Lagi kong sinasabing sanay aking magisa. Na nabuhay na akong mag-isa pero nakakatawang sabihin na ito ang pinaka kinatatakutan kong bagay sa mundo. Ang maging magisa.

Dahil sa inis ay hindi ko namamalayang pumatak nanaman ang luha sa mga mata ko. Agad ko itong pinunasan bago ako bumaba ng sasakyan ko. At oo nasa Pilipinas na muli ako dahil hindi ko na kaya pang tumagal ng ilan pang oras sa Korea! Napagdesisyunan ko naring pumasok sa klase para kahit na papaano'y malibang ko ang aking sarili.

Bumaba ako at dumeretyo na agad sa classroom. As usual maraming mata ang nakatingin sakin. At sanay na ako dito, nakakaasar lang kung bakit hindi nalang sila kumuha ng camera at kuhaan nalang ako ng litrato nang hindi na nila ako titigan pa ng husto.

So I flipped my hair at naglakad na ulit.

After a few minutes ay nakarating narin ako sa Logic class namin.

Tahimik ko lang na binuksan ang pinto at ipinagtaka ko nang tahimik na klase ang bumungad sakin. Nakaharap silang lahat sa gawi ko at parang gulat na gulat din na may halong kaba.

What? Masama bang pumasok? parang isang linggo lang nawala ganyan na agad sila. Psh, parang mga sira.

So I rolled my eyes heavenward at nagsimula nalang na maglakad sa upuan ko. Maging ang mga rulers ay sinusundan lang ako ng tingin.

"What?" Irita ko lang na tanong sa kanila.

Para namang isang spell ang boses ko nang magsimula silang matarantang tanggalin ang tingin nila sakin.

Kita mo na, mga to talaga....

Napatingin ako sa pintuan ng classroom ng bumukas ito ng napakalakas at iniluwa nito ang hingal na hingal na si Blaise.

"Patay na."

"Oh-uh."

"Ugh."

Samut-saring hindi ko maintindihang salita ang binitiwan ng mga Rulers at mangilan-ngilan sa klase.

Problema nila kay Blaise?

At anong problema nanaman ng isdang 'to?

"Myrttle Valencia Joong!" Nanlaki ang mata ko ng tawagin niya ako sa buo kong pangalan. Kung nakakamatay lang ang mala-agila niyang tingin? Patay na siguro ako ngayun.

Humalukipkip lang naman ako at tinaasan siya ng kilay.

"What is it Blaise Harrison Blaire?" Ganti ko dito. Dinig ko ang pigil na tawa ni Landon pero hindi ko lang ito pinansin. Buong pagtatakha ko lang 'ding pinagmasdan si Blaise nang mamula ang tenga nito.

May sakit kaya siya sa tenga?

Sinundan ko siya ng tingin ng padabog itong lumapit saakin.

"...Ikaw babae ka iniinis mo ba talaga ako?!"

Iniinis?

"Bakit naman?"

Aba ayus din 'to, Mapa-absent at mapa present ako sa harapan niya kinaiinisan niya parin ako? Just wow.

"Anong bakit naman? Bakit hindi ka nagpaalam sakin na pupunta ka palang Korea?! Bakit hindi mo man lang ako sinabihan. Bakit hindi mo kami sinabihan na aalis ka?! Bakit huh?! Ang lakas mo din talaga eh! Alam mo ba kung gaano ako... Kami nagalala sayo huh?! Hinanap ka pa namin sa buong resort tapos malalaman lang pala namin sa dalawa mong kaibigan na umalis ka lang pala?! Badtrip ka Myrttle Badtrip."

And thats makes me speechless.

What is this living creature talking about?

"Ni hindi mo man lang kami inisip kung anong nararamdaman namin kung bigla kang mawala! Miski sana 'Hoy aalis ako!' Ni hindi ka nagpaalam sakin eh....."

Hindi ko na maintindihan ang sunod niya pang sinasabi. Nakakatuwa siyang panooring nagagalit.

Masaya ako dahil ayus na sila ng Daddy niya. Ang totoo niyan magpapaalam sana ako sa kanya nung gabing iyun. Kaso nakita kong palapit siya sa Daddy niya. Alam kong hindi biro ang pinagdaanan niya makakuha lang ng lakas na loob na lapitan si Manong. At natutuwa ako dahil magkaayos na sila.

Masaya ako, totoong masaya dahil sa kabila ng pagkukulang ng pamilya kong alagaan ako atleast nakagawa ako ng paraan para makakita ng pamilyang nagkakaayus. Hindi ko man maayus ang sarili kong pamilya atleast nakagawa ako ng paraan para hindi magaya sakin ang mga taong pinapahalagahan ko.

"...Nakikinig ka ba?!" Naputol ako sa pagiisip ko ng pumasok si Davian ang presidente ng Student council ng school sa classroom.

"Everybody please take your seats."

Kaswal nitong utos. As usual puting-puti parin ang buhok nito. Daig pa si Lolo....

Lolo...

"Tss. Pasalamat ka dumating 'yang si puti." Rinig kong bulong ni Blaise. Pero hindi ko lang ito pinansin.

"We have a transfer student today from Italy. So be nice to her. "

Intruduction nito hanggang sa isang pamilyar na babae ang pumasok sa pintuan ng classroom. At sa hindi malamang dahilan ay nagsimula ng magwala ang puso ko dahil sa kabog nito. Nang humarap na siya sa amin. Ay tuluyan na akong napatayo dahil sa gulat ko.

Her soft and shinny hair. Her fine porcelain skin. Her strong sharp eyes. Her nose. And her genuine smile.

"Dayle Trinidad." Pagpapakilala ni Davian sa klase dito.

Hindi ko mapigilan ang luhang matagal ko ng gustong ilabas at ramdam na ramdam ko ang unti unting pagpatak nito sa pisngi ko.

Da-Dayle....

To be continued ~

Continue Reading

You'll Also Like

7.1M 248K 50
Emerald Prescott thought that her life was just normal. Not until her 18th birthday when a group of scary men took her parents and tried to kill her...
60.6K 677 6
Magaling ka bang magpanggap at magtago ng nararamdaman? Mahilig ka rin bang tumanggi sa mga katotohanang tungkol sa sarili mo? Ako si Zhavia. Lahat a...
10.3M 460K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...
4.2M 122K 50
[MAOG Book 2] Do you think you've been toyed enough by the ride called life? Then, you're wrong. It doesn't end with a happy and perfect picture but...