HARRISON UNIVERSITY: The Scho...

By GHIEbeloved

13.9M 389K 66.2K

Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her... More

PROLOGUE
HUTSOM BOOK IS NOW AVAILABLE!
Chapter 1 : [Harrison University]
Chapter 2 : [ The Fountain]
Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]
Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]
Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]
Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]
Chapter 7: [ Mission Impossible]
Chapter 8: [ Forced decision]
Chapter 9: [ Unexpected Guest]
Chapter 10: [Identity]
Chapter 11: [ Revelation ]
Chapter 12: [ Officially Part of Harrison Rulers ]
Chapter 13: [ Confrontation ]
Chapter 14: [ Final Decision ]
Chapter 15: [ Choices ]
Chapter 16: [ New classmate? Hell!]
Chapter 17: [ Lady in the shadow ]
Chapter 18: [ Worried ]
CHAPTER 19: [ She's familiar]
Chapter 20: [ Alaine De Castro]
Chapter 21: [Second Crime ]
Chapter 22:[My Queen]
Chapter 23: [ Crimson Palace ]
Chapter 24: [ Myrko ]
Chapter 25: [ The Palace Queens]
Chapter 26: [ The Announcement ]
Chapter 27 [ Protect ]
Chapter 28: [ Her tears]
Chapter 29: [ Miesha ]
Chapter 30: [ Special students ]
Chapter 31 [ The Queens Rule]
Chapter 32 [ Arrow ]
Authors Note (PleaseREAD)
Chapter 33: [ Goodluck]
Chapter 34 [Behind the mask]
Chapter 35 [Her Side]
Chapter 36 [I'm Sorry]
Chapter 37 [ Unknown Feelings]
Chapter 38 [Twins]
Chapter 39 [Her other side I]
Chapter 40 [Her other side II ]
Chapter 41: [The mean Girls]
Chapter 42: [Slave]
Chapter 43: [Phoenix]
Authors 2nd Note ( Please read)
Chapter 45 [Guilty]
Chapter 46[She's Here]
Chapter 47: [Dayle Trinidad]
Chapter 48 : [Confuse]
Chapter 49: [Please, stay]
Chapter 50: [Worst than nightmare]
Chapter 51: [Death threat]
Chapter 52: [Unmask]
Chapter 53: [Trapped]
Chapter 54: [Im trapped again]
Chapter 54: [Paint]
Chapter 55: [Cloud Montague]
Chapter 56 [The Other Side]
Chapter 57(part I): [Bestfriend]
Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]
Chapter 58 [Comeback]
Chapter 59: [Unveiled]
Chapter 60 [The Game of Doom]
Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]
Chapter 62: [Special Students]
Chapter 63: [The Fall]
Chapter 64: [Wicked]
Chapter 65: [The Gift]
Chapter 66: [The Zone]
Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]
Chapter 68 : [ Wish Granted]
Chapter 69: [Me]
Chapter 70: [Glance]
EPILOGUE
Author's Note
HUTSOM SOON TO BE PUBLISHED UNDER PSICOM!

Chapter 44: [The Plan]

161K 4.6K 500
By GHIEbeloved

MYRTTLE JOONG

Ipinikit ko ang mga mata ko at inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Aki. Ramdam kong nakatingin sila sakin pero hindi ko lang ito pinansin. I just let my last tears fall freely from my eyes.

Ayokong may makakakita sakin kapag umiiyak ako. At talaga namang kinaiinisan ko ang sarili ko kung may makakita saking ganito. Ang makita nila ako sa isang kaawa-awang sitwasyon.

Madalas akong masaktan kada may makikita akong malapit sakin na nasasaktan. Kaya naman naisip kong ayoko nang ipakita pa sa kanila kapag ako na mismo ang may dinadala. Dahil alam ko ang pakiramdam ng masaktan dahil nasasaktan ang iba. Kaya dibale nang kimkimin ko ang lahat h'wag ko lang silang makitang magalala sa kalagayan ko.

But the mean girls?

Hindi ako makawala sa kanila. They know me too much at alam na alam din nila ang lahat tungkol sa akin. Makakatakas pa ba ako?

Hindi ba... hindi na?

Marahan kong idinilat ang mata ko at kitang-kita ko ang may pagaalalang tingin ni Autumn at Kenzie sakin. Gayun din naman si Aki dahil pagkislot ng balikat nito. So I stood up and weeping my tears.

Bakit nga ba ako umiiyak sa isang taong ngayon ko lang nalamang nag e-exist pala? Nabuhay naman ako dati ng wala siya ah?! Tapos dadating siya ngayon para saktan lang ako? Para paasahin lang ako na may pakialam parin siya sakin? Samin?!

Hindi na! Ititigil ko na ang kahibangan ko na 'to!

Bakit ko ba iniiyakan ang isang walang kwentang tao?

Na piniling iwan ang sarili niyang dugot laman dahil sa hindi malamang dahilan?!

Bakit ba ako umiiyak para sa isang taong pinili lang din naman kaming iwan noong una palang?

At bakit ako umiiyak dahil sa isang walang kwentang ina na alam ko namang walang pakialam sa existence ko simulat sapul pa man?!

BAKIT?!

Kelan pa ako naging ganito ka-tanga?! Kelan pa ako naging ganito kasensitibo pagdating sa usapang pamilya?! Dapat lang ay mamanhid na ako. Mamanhid na, dahil mula bata palang ako sanay na ako sa ganito. Ang iwan magisa kasama ang kambal ko...

I stared at Aki, Autumn, and Kenzie. At sa kahulihulihang pagkakataon ay pumatak nanaman ang luha ko. But this time hindi na dahil sa sakit na nararamdam ko. Kung hindi dahil sa masaya ako sa nakikita ko.

I should be happy right now. Because I have this three mean girls, I have Shenny, Xander and Paris.. I have Nay Julie.. I have Myrko my twins.. At ngayon ay mayroon narin akong mga taong natutunan ko nang pahalagahan.

Ang Rulers....

Tama, papatunayan ko sa kanyang hindi ko siya kailangan at hindi na kakailanganin kailanman.

"Tsk ang drama ko badtrip!" At nginitian ko silang tatlo. But they role their eyes heavenward.

"Tsk, Myrttle it's okay. We understand you." Kaswal lang na sagot ni Kenzie sakin at syempre kasabay nito ang irap niyang sobrang tirik ang mata.

But I gave her my sweet smirk.

"Wushuu... Understand. Kaya pala mas grabe pa ang iyak mo saakin." Pangaasar ko pa dito.

Yeah, Our wicked Kenzie is now crying . At ang malupit pa nito ay parang siya pa ang mas problemado saming dalawa.

Kahit na mataray, masungit at brutal na babae itong si Kenzie, siya parin ang pinaka mababaw ang luha saming apat.

"Shatap." Nguso nito at tumingala sabay punas ng panyo sa baba ng kanyang mata.

Seriously?! Umiiyak parin siya?

Ugh.

Naagaw ng atensyon ko ng biglang umupo ng padabog si Autumn sa isang upuan. Nakasalubong ang kilay nito ay mahigpit lang na niyayakap si Teddy.

Poor Teddy..

"Girls I need to go back to Korea this afternoon."

Oh? Aalis siya? Bakit biglaan? Hindi kaya umatake nanaman ang mga...

"And you two, take care of this young lady," She pointed her finger to me. "And keep Blaise away from her."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niyang iyon.

Nak nang... Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko nga gusto si B...

Takte si Blaise!!

"Oo nga pala! Kailangan nyo akong tulungan!"

* * *

Matapos kong ipaliwanag sa kanila ang gagawin ay sinamaan nila ako ng tingin nilang tatlo.

What? May sinabi ba akong masama?

KENZY BLOOD

Seriously? What the hell is going on to Myrttle?! Ugh! I quickly change my mood when she said her plan to us.

At tungkol saan ang plano niya?!

Eh kanino pa ba?! Edi tungkol nanaman kay Blaise! Ang pag batiin ang mag-ama.

The Hell!?

Sa sitwasyon nya ngayon nakuha pa niyang isipin ang kapakanan ng iba? Ang pasayahin ang iba? Ang unahing ayusin ang pamilya ng iba kesa sa sarili niya?

It's a pure stupidity! I hate this side of Myrttle! I ha-------

"Okay we will do our best." Ibinaling ko ang galit kong paningin sa dalawa kong katabi.

Bloody Hell?! Anong pinagsasasabi ng dalawang to?! Ugh! Ayoko! Ayoko...

Napatingin ako sa pinto ng kusina ng may kumatok dito. Agad ko itong pinagbuksan dahil ako ang pinakamalapit dito. At halos sumabog ako ng makita ko kung sino ang tao sa pinto.

"Tsk, Kakain na daw." Sabay kamot sa batok ng hindi ka gwapuhang lalaki na to sa harapan ko.

Ugh! Gusto ko na talaga siyang sapakin! It was Blaise! Pero ano bang meron sayo huh lalaki ka?! Bakit ganito nalang sayo si Myrttle? Nakakainis!

"Oh, himala sinunod mo utos nila. May sakit ka ata." Pilyang asar ni Myrttle kay Blaise.

WTH? Magusap daw ba sa harap naming tatlo?! Alam nya ba kung gaano nagiinit ang dugo ko sa lalaking to?!

"Tsk, Wala ka na dun, Bakit may choice ba ko?" Asar na sagot ng lalaking to.

Aba't! Sino siya para sagutin ng pabalang si Myrttle?!

I clench my fist. But in my surprise Autumn helds it..

I look back to her and gave her a glare. But she just smile at me.

Bitterly.....

Tsk... You owe me big time Blaise.

BIG TIME!

Nauna nang lumabas sa kusina si Blaise at Myrttle. At padabog ko lang ding isinarado ang kusina ng makalabas na kaming tatlo doon. Dala narin naman Autumn ang vagetable salad niya.

"Kenzie, hayaan mo nang gawin ni Myrttle ang gusto niya." Nagulat ako ng sabihin iyon ni Aki habang naglalakad at hindi sakin tumitingin.

Nauuna silang dalawa ni Autumn saking maglakad at nasa himdi kalayuan din si Myrttle at Blaise.

"This is least thing we can do to make her happy." Maikli pero malamang sabi sakin ni Autumn.

Tama, nakakainis man.. Pero totoo ang sinabi ni Autumn. Ito lang ang magagawa namin para mapasaya si Myrttle.

Hindi ko maitatangi ang sayang bumabalot sa mga mata ni Myrttle habang sinasabi niya samin ang plano niya sa mag-ama. At oo ganito si Myrttle. Kaya espesyal siya para saamin.

Lagi niyang isinasantabi ang kanyang sarili, mapasaya lang ang iba. Kung minsan ay nagsasakripisyo pa ito para lang makitang masaya ang ibang tao.

I should know. She's the reason, kung bakit nakita ko na sa wakas ang Mommy ko. Siya ang dahilan kung bakit nabuo muli ang pamilya ko. And now siya naman ang nangangailangan. Wala kaming magawa kung hindi ang gawin lang din ang ikakasaya niya. Ang magpasaya lang din ng ibang tao. Malaki ang naging papel ng karakter na ito ni Myrttle sa aming tatlo. Kay Autumn, kay Aki at lalo na sakin maging sa pamilya ko.

Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang magpakawala ng malakas na buntong hininga. Pinagmasdan ko matapos niyon si Myrttle at Blaise na naglalakad lalakad sa hindi kalayuan samin.

Okay fine.... gagawin ko to para sayo Myrttle dahil nakikita kong masaya ka sa ginagawa mo. But the next time na gagawa ako ng pabor? Sisiguraduhin ko ng ikaw naman mismo ang sasaya hindi ang ibang tao..

CELINE HARRISON BLAIRE

"Princess ang daming foods! Excited na akong kumain!" Hawak ni Kuya Ethan sa braso ko. Habang parehas kaming nilalanghap ang mabangong amoy ng mga pagkain sa aming harapan!

Wah! Heaven!

"Oo nga kuya Ethan pero tignan mo si Kuya bakit niya hinihiwa 'yung lityon? Asan na 'yung taga-katay niyan?" Nagtatakha kong tanong habang nakatingin sa kuya kong matatapos ng pagpira-pirasuhin ang lityon.

Omo! Ang gwapo parin ng kuya ko ! Hihi.

"Aba malay ko diyan sa kuya mo Princess. Ang alam ko ay pinaalis niya yung binayaran ni Tito na taga katay niyang lityon nung dumating eh." Nagtatakha ding sagot ni kuya Ethan.

Eh talaga? Omo! May sakit ba si kuya?! Never si kuyang gagawa ng isang bagay na madumi lalo na ang masebo. Ang weird lang...

"Naku, h'wag na kayo magtaka. Inutos kasi sa kanya 'yan ni Myrttle kaya ayan ayaw magpatulong. Kuya mo talaga. Isa siyang dakilang Hokage." Natatawang sagot samin ni Kuya Landon galing kung saan.

Ano daw? Hokage what?

"Mga Kuya ano po ang Hokage?" Takhang tanong ko ulit sa kanilang dalawa.

"Ang hokage ay other word para sa 'the moves' ng isang lalake." Hawak pa sa baba ni Kuya Landon at sinalubong ang kilay sabay ngiti.

OMG! ang gwapo!!!!

"Tama, Ang the moves naman ay ginagawa ng mga lalake kapag gusto niya ang isang babae. Halimbawa nalang ng ginagawa ng kuya mo ngayon. Dahil utos 'yan sa kanya ni Myrttle. Ayaw niya pagawa sa iba." Pilyong ngiti rin ni Kuya Ethan!

Ugh! Masyadong nakakasilaw ang kagwapuhan nilang dalawa!!

"Hoy! Mga loko-lokong 'to! H'wag niyo nga turuan ng kung ano-ano si Celine." Nagulat ako ng kotongan pa ni Ate Linzy si Kuya Landon at Kuya Ethan.

At mukhang masakit 'yun!

Pero ano daw?! Kapag gusto niya ang babae? So ibig sabihin may gusto si kuya kay Ate Myrttle?!

My god! Seryoso na ba "to?

Naagaw ang atensyon ko ng tanggalin ni Kuya Blaise ang apron niya at naglakad papalayo.

"Hala saan pupunta si kuya?!" Gulat kong tanong.

"Yiiee sabi sayo eh!" Tulak na mahina ni kuya Landon kay Ate Linzy.

"Oh my! Susunduin ba niya si Myrttle?!" Kinikilig ding sambit ni Ate Linzy.

Nagtaka naman ako ng dahan dahang lumayo si kuya Ethan sa tabi ni Ate Linzy at tumabi sakin.

"Oo, napansin niya rin sigurong wala pa sila." Masaya pang sagot ni Kuya Landon.

"Bunso Count down ka mula three."

Gulat naman akong nag count down dahil ito ang sabi ni kuya Ethan.

"Three....Two.....One..."

At nanlaki ang mata ko nang mamalipit si Kuya Landon sa sakit habang hawak-hawak niya ang braso niyang hinampas ni Ate Linzy sa kilig.

"Wahhh! Nikikilig ako!! Bagay talaga sila ni Myrttle Wahhh!" Palukso lukso pang talon sa kilig ni Ate Linzy.

Isa pang Awtch! Mukhang mas masakit 'yun.

Pero Wahh!!

kinikilig din ako!

Oxygen Please!

BLAISE HARRISON BLAIRE

Nakabalik na kaming lima sa kainan. May lamesang mahaba dito na kinalalagyan ng mga pagkain para sa boodle fight. At kanina pa ako asar na asar sa ngiti ng isang to sa tabi ko!

Ano bang problema ng babaeng ito at sobra kung makangiti sakin ngayon?! Langya! Eh mas gusto ko pang habang buhay nalang siyang straight face kesa sa ngumiti eh! Parang may hindi magandang gagawin sakin!

Nakakakilabot! Takteng ngiti 'yan..

"Tigil-tigilan mo nga ako sa ngiti mong yan babae!" Hindi na ako makatiis at asar ko na itong sinabi sa kanya.

Hindi ko alam kung pano ipapaliwanag pero niirita ako sa ngiti niya! Oo nakakairita! Oo maganda siya ngumiti pero nakakairita!

"Sus kunwari ka pa. If I know gustong-gusto mong nginingitian kita."

Nagulat naman ako ng sundot sundutin pa ako nito sa tagiliran!

'Yung totoo?!! Anong nangyayari kay Myrttle?! At kelan pa siya natutong mangantyaw?! Agh! Badtrip!!!

"Hala, biro lang Blaise..Teka ba't namumula ang tenga mo? Ayus ka lang ba?"

Eh? Namumula? Ugh...

Agad kong tinakpan ang tainga ko at tinignan pa pabalik si Myrttle ng mas masama.

"Ewan ko sayo!" Layo ko pa dito.

Nakainom ba 'yun ng gamot niya at tinutopak ng pagkabaliw? Langya, E, mas gusto ko pang maghapon kaming magaway kesa sa ganyan siya eh.

Nakakakilabot talaga!

"Wahhh! Ang daming pagkain!" Sabay sabay na sigaw ng mga gluton sa Rulers. Sino pa ba? Edi si Landon at Ethan.

"Tara na dali!" Masayang pumwesto si Daddy sa tabi ng lamesang gagamitin sa boodle fight at inaya na ang lahat na pumwesta sa gusto nilang kainan.

Sanay na akong mag boodle fight. Dahil hilig ito ni Daddy kaya natuto narin kaming kumain ng ganito paminsan-minsan.

Ang pagkakatanda ko natutunan niya daw ito sa isa niyang professor nung college pa sila. Mas magiging tight daw kasi ang bond kapag kumain ng magkakasabay lalo na kung boodle fight ito.

Pero isang bagay ang lubos kong ipinagtaka.

Si Daddy, Iba ang mga ngiti niya.. May mali..

"Blaise." Naputol ang pagmamasid ko sa ikinikilos ni Daddy ng tawagin ako ng nakakakilabot na boses na iyon..

Boses ni Myrttle.

Ugh... Ano nanaman ba?!

Nasa tabi siya ni Daddy at pinanlakihan ko siya ng mata ng ituro nito ang pwesto sa tabi ni Dad.

Agh! Seriously?! Doon ako tatabi?! Ayus lang ba siya?! No W...

"Si Teddy dito, alis." Nagulat ako ng lingunin ko kung sino ang lapastangang nagsalita niyon.

It was.....

A-Autumn..

Langya! Bakit ba kinikilabutan ako sa babaeng to?! Lalo na sa teddy bear na hawak niya?!

"Tsk." Walang angal akong umalis sa pwestong iyon at nagtungo sa space sa pagitan ni Kiera at Hunt.

Wala naman sigurong sisingit na sakin dito di..

"Nauna ako hihihi." Naginit na ang ulo ko ng maunahan nanaman ako ni Aki na nagmamadali pang pumwesto sa gitna ni Kiera at Hunt.

Daym! Whats wrong with this girls?! Ako nauna ah! Bakit ba feeling ko sinasadya nila?!

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi lang ako nito pinansin at kinausap pa ng malakas si Kiera at Hunt.

Nak nang... Dinedma ako?!

"Hello po." Awkward naman siyang tinignan ng dalawa.

You wish Miss Aki, asa ka namang kausapin ka ng dalawang 'yan.

Inis akong naglakad at inilibot ang tingin ko. Nagsisimula na silang kumain at badtrip lang gutom narin kaya ako!

Hanggang sa makita kong may dalawang space nalang ang natitira.

Ang pwesto sa tabi ni Ethan at ang pwesto sa tabi ni Myrttle.. at Daddy.

Aghh!!

Mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng last choice ko ang pwesto ni Ethan.

Nang biglang...

"Oopps Sorry nauna ko sayo, kupad mo kasi." Balya sakin ni Kenzie?!

What the...

MYRTTLE JOONG

Sinusundan ko lang ng tingin si Blaise habang naghahanap ng upuan at natutuwa ako dahil tinutulungan ako ng mean girls para sa plano kong ito.

Tsk, lupit din kasi nitong isdang 'to eh. Siya na nga ang ginagawan ng pabor siya pa tong nagpapahirap sakin. Tsk, kung hindi lang talaga ako naawa sa tatay niya di ko na to pinagkaabalahan pa eh..

Kitang-kita kasi kay manong...este Mr. Edward ang pagkalungkot niya kada iiwasan siya ni Blaise.

Tsk! Alam kong maling makialam sa buhay ng iba lalo na't hindi ko alam ang punot dulo ng pagiwas ni Blaise kay Mr. Edward. Pero sa hindi ko rin maintindihang dahilan, may naguudyok saking gawin ang bagay na ito..

Ugh! Hindi ko talaga maintindihan, basta.. Pero sa bagay, matagal ko ng ginagawa ito. Sadyang medyo weird lang ngayon dahil kaaway ko pa talaga ang tutulungan ko.

Si Blaise, si Blaise lang naman ang ginagawan ko ng pabor ngayon. Si Blaise na walang ginawa kung hindi ang simangutan ako. Ang angilan ako, ang asarin ako. Miski nga pagsabi ng kung ano ano tungkol sa magulang ko nagawa na niya eh..

Pero hindi ko maintindihan, dahil sa kabila ng mga 'yun, sa kabila ng napakaraming dahilan para kagalitan ko siya.. May isa paring natitirang dahilan para gustuhing manatili sa tabi niya. -- Ummh No...

Actually may tatlo akong dahilan kung bakit ko 'to ginagawa.

Pero isa na sa doon ay ang pananatili ko sa tabi ni Blaise dahil kailangan niya ito...

Kailangan niya kami...

"Oopps Sorry nauna ko sayo, kupad mo kasi." Naputol ang pagiisip ko ng marinig ko nanaman ang pagtataray ni Kenzie.

Tsk, Kahit kelan talaga. Hindi na magbago tong babaeng to.

Nataranta ako ng makita kong unti-unting naging straight face ang ekspresyon ni Blaise. Isang simbolo na dapat kong ikabahala.

Ugh! Masama 'to!

Agad akong umalis sa pwesto ko at mabilis na pinuntahan si Blaise.

Shocks! Alam na alam ko ang eksenang 'to 'eh! Ito ang isa sa mga senyales ni Blaise Harrison Blaire kapag asar na asar na siya. At kapag sinabi kong asar na siya? Isa na ito sa mga bagay na hindi mo dapat makita sa kanya bago ka mamatay.

Well pwera lang sakin dahil kayang kaya ko siya.

Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Blaise at hinila sa pwesto ko. Pinigilan niya ang kamay ko pero tinignan ko lang siya ng masama.

At gaya ng inaasahan ko . Inirapan lang ako nito.

Tignan mo tong isang to. Daig pa si Kenzie kung umirap.

But his eyes...

Its really beau...

.

.

.

Agh! Ano ba 'tong pinagiisip ko!

"H'wag ka ng pasaway Blaise, slave kita remember?" Giving him a smirk at kitang kita ko ang pagkaasar niya dito.

"Sabi ko nga." Gaya niya sa ginawa ko.

Huh?

Pero imbis na intindihin ang sinabi niya ay napatingin ako sa baba....

Sa k-kamay ni Blaise sa k-kamay ko.

I'm not helding Blaise hands... But he's holding mine.

"Start na! Yehey! Celine lead the prayer na." Masayang masayang panimula ni Mr. Edward.

Pero langya lang! Hindi ako makapag concentrate!

"Blaise 'yung kamay ko." Ipit at pigil kong inis na bulong sa kanya.

Ugh! Nakakairita! Sobrang nakakairita!

But instead of answering me, he just smile, habang nakapikit siya. Nag p-pray na ang lahat kaya no choice ako.

Ugh! God please give me more patients.

Mataas ang mesa na pinaglagyan ng pagkain kaya hindi din napapansin ng lahat ang kamay ni Blaise na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. At hindi ko nanaman maintindihan kung anong pakiramdam itong nararamdaman ko!

Langya bakit ba ayaw nit...

"Ang sabi mo gusto kita diba? Edi gusto nga kita." At isang makahulugang ngiti ang binigay niya sakin. Ngiting nakapagpakabog nanaman ng husto sa dibdib ko!

WHAT THE HELL?!

Naginit bigla ang buong mukha ko dahil doon at maging ang lahat ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko!

Itinaas ko ng mabilis ang kanang paa ko at mabilis at madiin ding inapak sa paa ni Blaise!

"Aw--aray." Halos pigil na pamamalipit niya sa sakit. Kasabay ng mabilis ng pagtanggal ng kamay niya sa kamay ko.

Langya! Siraulo ba 'tong isang 'to o sadyang may saltik lang din talaga siya ngayon?! Ugh!!! Kainis nakakainis!

Pero bakit...

Ugh!!

Nakakainis talaga, sa lahat ng ba naman ng biro bakit ito pa ang naisipan niya!

BLAISE HARRISON BLAIRE

Itinago ko ang aking ngiti habang haplos-haplos ang masakit na paa kong inapakan niya. Pfft... She's blushing...and she's d*mn cute!

I knew it was part of my trip but...hell! Bakit pati ako ay naapektuhan!?

Gusto ko lang namang gantihan siya sa trip niya kanina pero bakit ganito.

Dahil ba ang lambot lambot ng kamay niya?! Ugh! Bakit ko ba kasi ginawa 'to?! May saltik karin Blaise eh no?!

Sa dami ng babaeng pwede mong pagtripan bakit si Myrttle pa.

And f*ck! Ang sakit niyang mang-apak! Lakas lakas niya mantrip tapos kapag ako gumanti, mananakit?! Makatarungan ba 'yun?! Sabihin niyo nga!!

"Tsk, Ang sakit mong mang-apak!" Inis kong bulong dito.

Inangilan lang naman ako nito at nagsimula ng magkamay.

Ang cute din ng isang 'to eh.

Nagsimula narin kong magkamay at kumain. At gaya ng sinabi ko. Sanay narin akong gamitin ang kamay ko sa pagkain.

"Tsk Usod." Napausod agad ako nang sabihin iyon ng isang nakakatakod na boses.

Si Myrttle!

Nanlilisik ang mata niya sakin! Yah! Ano bang nagawa ko?! Nagbibiro lang din naman ako ah! Kahit kelan talaga hindi ko maintindihan ang mga babae tsk.

Magbibiro tapos pag ginantihan mo naman sila pa ang pikon?! Yung totoo?! Agh!! Nakaka baliw!

"Nak, ang onti ng kanin mo ito pa oh." Nawala ang atensyon ko kay Myrttle at lalong nairita ng maalala kong katabi ko ngayon si Daddy.

Tsk, Nawala sa isip ko. Katabi ko pala siya. Inis ko lang na tinignan ang kamay niya ng lagyan pa niya ng kanin ang dahon ng saging na nakatapat sakin. Hindi ko naman siya pinansin.

H'wag ngayon, wala kong ganang pansinin ka.

"Oh, ang konti rin ng ulam mo. Nahihiya ka bang kumuha. Oh eto..." But I stopped him.

"Enough."

Tumigil siya sa pagkuha ng dalawang stick ng BBQ at pansin ko ring nakatingin sakin lahat.

Our eyes met in a seconds pero iniba ko naman agad ang tingin ko.

" May kamay ako, ako na." At kinuha ko ang dalawang stick ng BBQ sa kamay niya.

A moment of silence win the place. But I continued eating my food and ignore their stares.

No one can blame me, they don't know how much pain this guy bring to us. For me, and especially for Mom. Kaya wala akong dahilan para makonsensya sa mga tingin nilang yan. They know nothing.

"Tsk, don't be too bad." Malumanay pero matatag na pagkakasabi sakin ng taong nasa kaliwa ko.

Agad na kumulo ang dugo sa ulo ko ng marinig ko ito sa isang taong hindi ko inaasahan.

Dumilim na ang paningin ko at hindi ko sinasadyang maihampas ang kamay ko sa lamesa. At matalim na tinapunan ng tingin si Myrttle.

Sa lahat ng taong pwede saking magsabing masama na ang ginagawa ko ay ikaw pa? Huh? Isang Myrttle Joong pa?!

I cutted my gaze to Myrttle when I heard Celine...

N-no....

"K-kuya..."

MYRTTLE JOONG

Nagulat ako ng biglang hampasin ni Blaise ang lamesa.

W-What the.....

At napalingon agad ako ng makarinig ako ng hikbi sa likuran ko.

TAKTE! Celine!

Agad akong lumingon kay Blaise.

Ano sa tingin niya ang ginagawa niya!? Ni hindi man lang niya ginalang ang pagkain! What the hell is his prob....

But I paused when Blaise expression turns cold.

"B-Blaise." Halos pabulong kong tawag sa dito. Naging dahilan ito ng upang muli siyang pagtingin saakin at sa kauna-unahang pagkakataon ay nasaktan ako sa mga tingin niyang iyon.

Tingin na may pagkasuklam.... Tinging ngayon ko lang natanggap sa buong buhay ko.

Napatulala ako dahil dito at bago pa man ako makakurap ay umalis na siya sa harapan ko. Umalis siya at lumayo.

Si- Si Blaise... Umalis siya...

At sa hindi malamang dahilan naginit ang dugo ko at sinundan siya kung saan siya pupunta. Tumakbo ako at iniwan ang lahat para sundan si Blaise. Rinig ko ang pagtawag nila sakin pero hindi ko lang ito pinansin.

Tumawid ako sa tulay at sinugod ang mainit na araw. Hirap man akong tumakbo dahil sa bumabaon ang paa ko sa buhangin ay pinilit ko parin.

Hindi ko palalagpasin ang ginawa niya. Hindi tama iyon. Hindi tamang itrato niya ng ganun si Mr. Edward. Ang Daddy niya.

Binilisan ko lalo ang pagtakbo ko ng makita ko siya na naglalakad papalayo. Nakapamulsa pa ito at mabagal lang na naglalakad. Agad ko namang hinablot ang balikat niya ng tuluyan na akong makalapit dito.

"Bl-Blaise." Hingal na hingal kong tawag sa pangalan nito. At nilingon ako nito ng walang kahit na anong ekspresyon.

"Ano bang problema mo huh?! Ganun ka ba talaga kasama para gawin iyon?!" Sigaw ko sa dito. Pero hindi parin nagbabago ang tingin nito. Ang malamig nitong mga mata, ang kadiliman nitong hindi ko mabasa.

"Birthday na birthday ng kapatid mo! At manhid ka kung hindi mo halatang ginagawa lahat ng Daddy mo maging malapit lang kayo!"

Maging ako, ginagawa ko lahat ng ito dahil naawa ako sa Daddy mo. Pati sayo..

"Tapos gaganunin mo lang? Ganyan ba talaga katigas 'yang puso mo huh?! Sige nga! Sabihin mo! Makatwiran ba yang ginawa mo?! Nakita mong umiiyak si Celine pero wala! Ni kahit na anong salita wala siyang natanggap sayo! Iniwan mo lang siya basta! At kung nakakalimutan mo! Birthday niya! Birthday ng kapatid mo Blaise... Birthday ni Cel...."

"Enough!" Gigil na gigil niyang sigaw saakin. At sa kauna-unahang pagkakataon ay natakot ako dito. "Wala kang alam kaya h'wag kang magsalita na parang alam mo ang lahat!"

Parang may isang libong karayom ang tumusok sa dibdib ko sa huling salitang binitawan niya.

"Wala kang alam Myrttle! Wala kang alam kung gaano kalaki ang nagawa niyang kasalanan sakin! Samin! Kay Celine! At kay Mom! Wala kang alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko kada makikita ko siya! Kada kakausapin niya ako na parang okay lang ang lahat! Wala kang alam!"

Paulit-ulit lang na nag e-echo ang bawat salitang binibitawan nito.

Pero ikinagulat ko ng tumawa ito ng mapait.

"Sa bagay! Ano nga bang alam mo diba? Ano nga bang alam mo sa sakit na nararamdaman ko ngayon? Eh ni pinagmulan mo nga hindi mo alam 'eh. 'Yung buhay pa kaya ng ibang tao? 'Yung buhay ko pa kaya? You've got to be kidding me Myrttle. You've got to be kidding me.."

Natulala ako... And for the first time of my life... Nasaktan ako dahil lang sa isang salita..

"Kung gusto mo akong maintindihan. Unahin mo munang alamin kung ano ang nakaraan mo.. Pero...Teka..." He paused and fake a laugh. "Sino bang niloloko ko. Dahil sigurado akong kapag nahanap mo na ang sagot sa mga tanong mo? Ay sinisigurado kong mas magiging masaya ka kesa ang maintindihan ang sakit na nararamdaman ko!" Sigaw nito sakin bago niya ako talikuran muli at maglakad papalayo.

I don't understand whats the meaning of his last words but....

W-Why am I crying?

Bakit ang sakit at tumagos lahat ng sinabi niya sakin? Bakit ang sakit..

Dahil ba totoo? Dahil ba sa totoong pakiilamera ako? But deym! I'm just doing this for him.

Bakit ganun.. Bakit parang mas maling move pa ang nagawa ko?

He's in pain. I can see it..

And what, here I am saying those stupid thing to him.

I-im such a horrible person...

"Shhh." Nabalik naman ako sa realidad ng isang kamay ang dumampi sa mga braso ko at tinapik ito.

I look up and in my surprised . I blink with my tears again.

Hindi ko mapigilan ang luha ko. Lalo itong bumagsak ng oras na makita ko kung sino ang nasa harapan ko.

It's

Blaise Father...

Edward Blaire.

"Pagpasensyahan mo na si Blaise huh. May nagawa lang kasi talaga ako sa kanya, kaya ganun nalang siya sakin. Okay lang naman sakin, sanay narin akong iwasan niya at sigawan niya," He faked a smile "Pero still hindi ako sumusukong suyuin siya."

Tumagos sakin ang tingin niya at alam kong tinanaw niya si Blaise.

"Alam mo bang napakabait na bata niyang anak ko. He loved his mother so much.. That's why he hate me this much."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niyang iyon.

"But thanks to you Myrttle, for trying your best just to make me and my son be close again."

Nagulat ako ng sabihin niya iyon. Ibig sabihin nahalata niya ang galaw ko?

But...

"But I failed." Malungkot kong tugon sa kanya.

Pero hinawakan ako nito sa tuktok ng aking ulo.

"Its okay, ang mahalaga ginawa mo ang best mo. It's not about the result Iha. Its about how you pursue the things you wanted. Ginawa mo na ang lahat at sapat nang ginawa mo ito ng buong puso mo. Because that's the essence of helping others. Having a heart of helping. "

At ikinagulat ko ng yakapin ako ni Mr. Edward. It feels like I finally found the missing pieces in my life, pero hindi ko matukoy kung ano ito at bakit ito ang nararamdaman ko...

Ngunit nabalik ako sa realidad ng maramdaman ko ang paghigpit ng yakap sakin ni Mr. Edward.

"M-Manong?"

Pagtatakha kong tawag sa kanya. But he just lighten his hug.

"Y-your parents must be so proud of you. Y-You grown up well."

Nagtaka ako kung bakit mangarag ngarag ang boses nito. Pero inalis niya lang ang yakap niya sakin at nginitian ako... A fake smile again.

"Tara na hinahanap ka na nila. Hayaan na muna natin si Blaise."

EDWARD BLAIRE

Hindi ko maiwasang maalala ang araw na iyon. Ang mga araw kung saan patuloy akong nahuhulog kay Myldred.

~*~

Isinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Myldred. At gaya ng lagi nitong ginagawa ay hinawak nito ang kanyang kamay saaking pisngi.

"Ginawa ko lang naman 'yun para sa kanya. Bakit ganun, ako pa ang mali. Ako pa ang masama?" Mahina at halos pabulong ko lang na bangit.

"Shh, You're not bad, you're the great person I'd ever met." But i just keep my mouth shut as she slowly stokes my hair and brush it up. "Cheer up Ed, Its not about the result. Its about how you pursue the things you've done. You try your best and you put lot of effort and heart for it. And thats the essence of helping others. Having a heart of helping. Don't hesitate to regret it. Don't ever be."

At sapat narin 'yun para mapangiti ako.

~*~

Nang matapos ng kumain ay nagpunta ako saglit sa parking lot at nagkulong sa sasakyan ko.

Hinawakan ko ang dibdib ko na kanina pa namamanhid at kaunti nalang ay bibigay na.

B-bakit ko ito nararamdaman? B-Bakit ganito ang naramdaman ko ng yakapin ko si Myrttle? B-bakit pakiramdam ko ang laki ng koneksyon ko sa kanya. B-bakit kamukhang-kamukha niya si Myldred? B-Bakit....Bakit... Bakit ako umiiyak?..

I look outside the window of my car when I saw someone's walking outside.

It's Myrttle. May hawak siyang tray ng pagkain.

Ibinaling ko ang tingin ko kung saan siya pupunta.

And my lips formed a smile when I saw Blaise sitting on a rock.

She did not give up.

Like what the girl Iknew before.    

Continue Reading

You'll Also Like

209K 12.5K 70
Cold-blooded murder. A psychopath serial killer on the loose. Two of Eastwood's greatest detective agents in the same labyrinth of mystery. Time is r...
1.5M 54.7K 36
In a snowy castle, far, far away from everyone, lives a girl. Her hair is as dark as the night sky, her skin is as white as snow, and her lips is as...
5.7M 18.4K 5
Heartless, ruthless, and merciless-four legendary gangster princesses bound by their thirst for revenge. They are the four Fujiwara sisters. Despite...
55.9M 987K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...