HARRISON UNIVERSITY: The Scho...

By GHIEbeloved

13.9M 389K 66.2K

Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her... More

PROLOGUE
HUTSOM BOOK IS NOW AVAILABLE!
Chapter 1 : [Harrison University]
Chapter 2 : [ The Fountain]
Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]
Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]
Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]
Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]
Chapter 7: [ Mission Impossible]
Chapter 8: [ Forced decision]
Chapter 9: [ Unexpected Guest]
Chapter 10: [Identity]
Chapter 11: [ Revelation ]
Chapter 12: [ Officially Part of Harrison Rulers ]
Chapter 13: [ Confrontation ]
Chapter 14: [ Final Decision ]
Chapter 15: [ Choices ]
Chapter 16: [ New classmate? Hell!]
Chapter 17: [ Lady in the shadow ]
Chapter 18: [ Worried ]
CHAPTER 19: [ She's familiar]
Chapter 20: [ Alaine De Castro]
Chapter 21: [Second Crime ]
Chapter 22:[My Queen]
Chapter 23: [ Crimson Palace ]
Chapter 24: [ Myrko ]
Chapter 25: [ The Palace Queens]
Chapter 26: [ The Announcement ]
Chapter 27 [ Protect ]
Chapter 28: [ Her tears]
Chapter 29: [ Miesha ]
Chapter 30: [ Special students ]
Chapter 31 [ The Queens Rule]
Chapter 32 [ Arrow ]
Authors Note (PleaseREAD)
Chapter 33: [ Goodluck]
Chapter 34 [Behind the mask]
Chapter 35 [Her Side]
Chapter 36 [I'm Sorry]
Chapter 37 [ Unknown Feelings]
Chapter 38 [Twins]
Chapter 39 [Her other side I]
Chapter 40 [Her other side II ]
Chapter 41: [The mean Girls]
Chapter 43: [Phoenix]
Chapter 44: [The Plan]
Authors 2nd Note ( Please read)
Chapter 45 [Guilty]
Chapter 46[She's Here]
Chapter 47: [Dayle Trinidad]
Chapter 48 : [Confuse]
Chapter 49: [Please, stay]
Chapter 50: [Worst than nightmare]
Chapter 51: [Death threat]
Chapter 52: [Unmask]
Chapter 53: [Trapped]
Chapter 54: [Im trapped again]
Chapter 54: [Paint]
Chapter 55: [Cloud Montague]
Chapter 56 [The Other Side]
Chapter 57(part I): [Bestfriend]
Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]
Chapter 58 [Comeback]
Chapter 59: [Unveiled]
Chapter 60 [The Game of Doom]
Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]
Chapter 62: [Special Students]
Chapter 63: [The Fall]
Chapter 64: [Wicked]
Chapter 65: [The Gift]
Chapter 66: [The Zone]
Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]
Chapter 68 : [ Wish Granted]
Chapter 69: [Me]
Chapter 70: [Glance]
EPILOGUE
Author's Note
HUTSOM SOON TO BE PUBLISHED UNDER PSICOM!

Chapter 42: [Slave]

182K 4.8K 602
By GHIEbeloved

ETHAN ROMSAY

Week end na at talaga namang naguumapaw ang saya ko dahil papunta kaming Panggasinan ngayon! Sa Bolinao Pangasinan! Ang isa sa pinakapaborito kong beach dahil sa puti ng buhangin dito!

"Hoy penge nga nyan!" Buraot nanaman saakin ni Landon kaya agad kong pinasok ang kinakain kong crackers sa damit ko.

Ayoko! Akala niya ba'y hindi ko alam na balak niya talagang kunin ang lahat ng kinakain ko imbis na bumawas lang dito?!

"Yah! Ang damot mo talagang pandak ka!" Asar nito sakin. Pinanlakihan ko lang naman ito ng mata na agad nitong ikinatakot.

"Kapre ka naman!" Bulyaw ko sa kanya bilang ganti.

Nakita ko sa mukha nito ang balak niyang pagganti nang bigla nalang kaming hiyawan ni Blaise.

"Magsitahimik nga kayo!!!"

Bagay na agad nang ikinatikom ng aming bibig dahil sa takot dito.

May kalakalihang Van ang sinasakyan naming lahat ngayon. Ngunit si Blaise ay nanatili lang sa tabi ng Driver na hindi man lang kami iniimik.

Ang totoo'y kanina pa beastmode si Blaise. Iyung tipong natural na nga niya ang pagka beast mode pero may mas lalala pa pala doon?

Lupit lang. By series na pala ang pagka-beastmode ng leader namin.

Kita ko sa side mirror ang salubong nitong kilay at pumikit nalang nang tumahimik kami ni Landon.

"Kanina pa beastmode si Boss." Mahinang-mahinang bulong ni Landon.

"Baka masama lang gising," Sagot ko naman sa kanya na pabulong din.

Aba ayokong mapagbuntungan ng galit ni Blaise no! "Ano ba kasi nangyari doon sa special test nila ni Myrttle nung isang araw?" Naiintriga ko pang tanong sa kaniya.

Nagulat naman ako ng biglang lumingon samin si Hunt at tinanggal ang headphone niya.

"Nanalo si Myrttle sa laban nila ni Blaise. Si Myrttle ang nakakuha ng punakamataas na marka sa lahat ng subject. " Walang pasabeng sagot ni Hunt saakin. Miski ang ibang kasama naming gising ngayon ay napalingon dito.

"Seriously?! Natalo niya si..." Bulalas ni Ate Kiera na agad din namang pinigilan ni Hunt sa pamamagitan ng pagtakip sa bibig nito. Na-gets naman nito kaagad ang dahilan kung bakit ito nagawa ni Hunt.

At ito ay sa dahilang baka magising ay pagbuntungan nanaman kami ng galit ni Blaise.

"Natalo ni Myrttle si Blaise sa exam?" Halos pabulong na nitong tanong samin.

Hindi na ako nagtaka sa gulat niyang ekspresyon dahil unti-unti nang nagkakaemosyon ang kambal sa hindi malamang dahilan.

"Bakit wala bang nakakatalo kay Blaise?" Napalingon ako agad ng magsalita si Agata na akala ko ay natutulog.

Ako na sana ang sasagot nito nang maunahan ako ni Landon!

"Oo, si Blaise ang laging mataas saaming lahat. Kahit hindi halata, may pambihirang katalinuhan si Blaise at sa kauna-unahang pagkakataon may nakatalo sa kanya.. At si---Si ate Myrttle 'yun. "

Hindi parin ako makapaniwala sa narinig ko. Si Blaise ang estudyanteng laging tulog sa klase, laging sinasagot ang mga professors at estudyanteng walang pakialam sa mga tinuturo. Pero sa kabila niyon ay siya parin ang nakakakuha ng pinakamatataas na scores kapag may oral owritten exam ang Rulers. Ito din ang isa sa dahilan kung bakit siya ang leader.

Pumalakpak naman ng galak na galak si Ate Linzy.

"Yah!" She giggled "Ang cool cool talaga ni Myrttle! Parehong-pareho ng cool niyang kambal sa si Myrko baby. " Tili pa nito mabilis na pinigilan ni Landon.

"Sabing tahimik 'e!" Sigaw ni Landon na ikinagulat naming lahat.

"You shut up!" Ganti naman ni Ate Linzy dito.

"Problema mo ba?!" Galit na daing ni Landon.

"Problema mo rin ba?"

Ganti naman ni Ate Linzy.

At hindi ako makasinget sa kanilang dalawa dahil ramdam na ramdaman ko ang tensyon.

Napatingin naman ako sa ibang rulers at bumuntong hininga lang naman silang lahat at pumukit na.

Don't tell me hindi nila pipigilan si Ate Linzy at Landon?!

No, Kailangan kong nay gawin!

Go Ethan! Ikaw nalang ang pagasa para hindi na sila magaway!

"Tama na 'yan."

Pikit mata kong awat sa tono kung saan gayang gaya nito ang viral video ng Pabebe Girls sa facebook.

"What the!"

"Than-Than!"

Sabat at halos nandidiri nilang pigil saakin.

Nanliit naman ako nang tignan nila ako ng masama lahat.

Yah! Gusto ko lang namang awatin sila ah!

BLAISE HARRISON BLAIRE

Agad kong minulat ang mata ko nang kalabitin na ako ng driver.

Sinimangutan ko lang naman ito at bumaba na.

Sa wakas nakarating narin kami sa isa sa mga resort ni Dad sa Bolinao Pangasinan.

Wala nang tao sa loob ng Van kaya naman nagdesisyon na akong bumaba matapos kong isoot ang shades ko.

Pagkababang-pagkababa ko palang ay napakunot na ang noo ko nang bumungad saakin ang mga mapangintrigang mga mata ng lahat. Na tila ba hinihintay ako ng mga itong lumabas!

Pansin kong nakagayak na ang mga ito at nagkukumpulan sila sa isang kubong nakalaan para sa mga bisita.

"What?!" Bulyaw ko dahilan upang kanya-kanya na silang magkalasan at nagsimula ng maglakad sa tulay upang tuluyang mapuntahan ang dagat.

Matagal narin mila noong nakapamasyal kami dito nila Mom. Limang taong gulang palang si Celine noon. Pero hanggang ngayon ay wala paring kakupas-kupas ang kagandahan nito.

Ang resort ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang reception kung nasaan ang mga kubong tutuluyan ng mga bisita. At ang white sand beach na ipinagmamalaki ng Resort ni Dad. Ang dalawang ito ay pinapamagitan ng isang artificial pond kung saan nandoon ang iba't-ibang isda tulad ng mga karpa. Bagay na ikinagaganda nito ng husto lalo na't may pagkakataon kang titigan ito dahil sa tulay na nagdudugtong sa dalawang bahagi ng resort. Gawa lang ito sa kahoy ngunit ang kasimplihan nito'y nakadadagdag sa kung gaano kanatural ang ganda sa resort na ito.

Sa pwesto ko ngayon ay tanaw na tanaw ko ang puting buhanginan sa dulo ng tulay maging ang mga nakahirerang kubo para sa tambayan ng mga maliligo sa asul na asul na tubig ng dagat.

Pero kahit na ganito kaganda ang lugar ay kunot noo ko paring tinitignan ang lahat.

Inis ko lang ring pinagmasdan ang mga Rulers na naguunahang tumakbo sa beach para tumakas sa galit ko.

Napakabibilis!

Nakakainis kasi! Dapat ay masaya ako ngayon 'eh! Kasi Birthday ni Celine pero ano?! Daig ko pa sinakluban ng langit at lupa!

Badtrip! Naiinis akong natalo ako ng isang babae! At ang pinaka nakakabwisit doon ay si Myrttle pa!

Ugh! Hindi ko matatanggap 'yun!

Bukod doon, nakakainis ding hindi ko natupad ang hiling sa akin ng kapatid ko!

Para naman sa kapatid ko' yun ah! Ang akala niya ba pambi-bwisit nanaman ang hihilingin ko sa kanya kung natalo ko siya? Kaya siya nag-aral ng mabuti?!

Pero badtrip lang kasi talaga! Isa nalang 'eh! Isang points lang ang nilamang niya sakin! Sa nagiisang subject. A sa accounting pa! Lahat ng subject nakakuha kami ng parehong score. But men! Dapat pala'y simigurado ko talaga ang sagot sa isang Item!

Ugh! Hindi makatarungan to! Nakakainis!

"Hoy!"

"Ay palaka!" Napatalon ako ng biglang may sumigaw malapit sa tainga ko.

Sinamaan ko lang naman ng tingin si Myrttle at lumakad na para sundan ang mga asungot na rulers.

Nakakainis! Ang yabang-yabang pa ng babaeng iyon kahapon! Hindi ko na tuloy siya nayaya magpunta dito.

Pero ngayon ko lang narealise. Bagay pala dito ang shades. T-Teka.. Bakit parang siya 'yung kanina?

Takte! Si Myrttle ba talaga 'yun!?

Gulat ko naman ulit na nilingon ang likuran ko. At tuluyang ikinanlaki nga king mata nang may naumpog na kung ano sa dibdib ko.

Dahan dahan kong ibinaba ang tingin ko dito...At nakitang isa itong babae...

S-Si Myrttle?....

At agad ko rin itong itinulak dahil sa gulat nang malakas nanamang kunalabog ang dibdib ko!

Deym!!

"B-Bakit ka nandito?"

D*mn it Blaise! Bakit ka nauutal?!

Umismid naman ito. " Bakit bawal ba?" Maangas lang nitong sagot sakin.

"Bakit hindi mo sinabing pupunta ka?!" Nanggagalaiti kong bulyaw dito!

Kainis! Nakakainis! Saan naman siya sumabay? ugh! So ano?! Ayaw niya lang talagang sumabay samin?

Nagulat naman ako ng ngitian ako nito ng makahulugan.

"Bakit Blaise?" Hawak pa nito sa baba niya. "Kelan ko pa naging obligasyon ang sabihin sayo lahat ng gagawin ko?" At kitang-kita ko sa likod ng shades niyang iyon ang pagsingkit ng kanyang mga mata.

Bagay na biglang nakapagpainit sa pakiramram ko! Partikular na sa tainga ko!

B-Bakit ko nga ba tinanong? B--Bakit mo na kasi tinanong 'yun Blaise?! Takte! Unang-una hindi mo siya Girlfriend. Pangalawa! Malayo! Dahil mortal enemy kayo!!

Yah!

"W-Wala!" Palatak ko. "Dyaan ka na nga!" Asar ko pang bulyaw dito at tumalikod na sabay guhit ng isang ngiti sa labi ko.

Yes! Nandito siya! Atleast kahit papano sasaya si Bunso...

Ngunit nakakaisang hakbang palang ako papalayo kay Myrttle ng mapatingin ako sa lupa na inaapakan ko. Dahil sa harap niyon ay may tatlo pang pares ng mga paa.

Kaya marahan din akong tumunghay na agad ding ikinakunot ng aking noo.

"Why are you smiling?"

"I'm warning you Blaise! Myrttle is mine, so back off!"

"Blaisyy!! Nagkita tayong muli!!"

Sabay sabay na komento ng tatlong babaeng nasa harapan ko.

The hell?!

B-Bakit nandito ang mga babaeng wirdo?!

MYRTTLE JOONG

Hindi ko naman maitatangging excited ako na makapunta sa beach Kaya naman agad kong binuhat ang mga gamit ko dahil sa kasabikan.

At bakit ako nandito? Well, niyaya ako ni Celine at hindi ko alam kung bakit kahit na may hinaharap na malaking problema ang apat na palace ay hindi ko siya matanggihan.

Sabagay matagal narin nung huli akong nakapunta sa beach kasama si Myrko.

Mga sampung taong gulang palang ako noon at isa iyon sa pinakamagandang napuntahan kong lugar.

Si Blaise? Ayun may sapak parin sa utak. Ewan ko rin sa isang 'to 'e. Lakas ng topak, natalo ko lang naman siya sa exam!

Loko din kasi, sino ba kasi ang may sabing hamunin niya ako?

Bakit, akala niya ba makakaya niya akong matalo?

Well, nice try.

Dahil kahit kailan ay hindi iyon mangyayari.

Nakasalubong ko rin ang mean girls na nauna na saakin kanina. Pero seryoso ang mga itong nagsitigilan kasama si Blaise. Kaya nauna na ako sa mga ito. Ang init init, nagawa pang tumigil at magtitigan. Masiyado ata nilang namiss ang isa't-isa.

"Ate Myrttle!" Ibinaba ko sa ilong ko ang shades ko at nanlaki ang mata dahil sa dalawang nilalang na patakbong lumalapit sakin.

Naguunahan sila sa tulay na kahoy kahit na makipot ito at delikado.

Bagay na ikinaatras ko ng husto dahil sa nagbabadyang pagkasira ng tulay kung nasaan ako!

"You came!!" Tiling yakap saakin ni Celine samantalang hawak-hawak naman ni Ethan ang kamay ko.

"Kala ko hindi ka na dadating." At maluha-luha pa nitong sabi saakin.

"Syempre mawawala ba naman ako sa outing ng rulers?"

"Salamat talaga ate." Nagkukumintab na mga matang pasasalamat ni Celine.

Matapos naman noon ay tumakbo muli sila papuntang beach na dahilan upang maiwan muli akong magisa.

Iniirap ko ito dahil naiwan nanaman ako magisa ngunit binawi ko rin ng isang ngiti kasabay ng pagsilay ko sa kagandahan ng lugar.

Sinimulan ko ng maglakad ng dahan-dahan sa tulay. Ang totoo'y natutuwa ako sa artipisyal na sapa na pumapagitna sa beach at ng resort. May mga maliliit itong mga isdang nagsasaliw sa galaw ng mga berdeng halaman ng sapang iyon.

Sa dulo din ng tulay ay nandoon ang napakaputing buhangin na mas pinangingibabawan ng asul na asul na dagat. Siguro nga'y napaka-init ng panahon. Ngunit ang kagandahang aking pinagmamasdan ngayon ay tila isang bagay na hindi ko dapat palampasin.

Nang makaramdam ako ng matindi nanamang pagyanig ng kahoy na tulay ay panandalian akong napatigil. Ramdam kong may kung sino nanamang balasubas na nilalang ang tumatawid sa tulay ng hindi man lang naiisip kung gaano ito kadelikado! Kaya naman napahawak nalang din ako ng mahigpit sa bag ko dahil sa kaba at ang isang kamay ko'y sa tulay naman!

Badtrip lang, Ayoko malaglag! Ugh! Maganda at maberde ang tubigan sa ilalim ng tulay na ito. Pero takte! Baka may kung ano pa sa baba tsk!

Lilingon na ko sa likod ng hatakin ng kung sino ang bag ko. Nagulat naman ako dito kaya hindi ko na nahatak pabalik ang bag ko.

"Hey!! Ba...." Ngunit napatigil ako sa pagsigaw nang makilala ko ang malapad na likod na iyon.

"Blaise?" Oo tama si Blaise nga. Si Blaise ang may buhat-buhat ng bag ko.

Lumingin ito ng may pagsalubong ng kilay. "Bagal mo maglakad."

Problema nanaman ba nito.

Hindi na niya ako hinintay at nauna na siya sakin sa kinaroroonan nila Celine.

Kaya naman naglakad nalang ulit ako. Gentleman din pala ang isang iyon. Hindi ko akalaing maawa siya sakin at buhatin niya ang dala-dala kong bag. May topak siguro ang Loko.

Ngunit napatingin ako sa likuran ko at nakita ko ang nakasimangot na si Autumn.

"Oh, Anong nangyari sayo?"

Tinignan ko lang din ang katabi niyang si Kenzie at Aki. Inirapan lang ulit ako ni Kenzie sabay ayus niya sa malaki niyang sumbrero. At si Aki naman ay nakashades ng malaki.

"Wala." At inunahan din ako maglakad nito. Hawak-hawak parim nito si Teddy na naka shades din.

Nagliliwanag lang siyang naglalakad dahil sa sobrang puti ng balat nito.

"Anong nagyari doon?" Tanong ko nalang sa dalawa pang ito pero pumamulsa lang si Kenzie at nauna narin saaming naglakad.

Sinalubong ko nalang ang kilay ko sa inaasal ng dalawang babaeng 'yun at binalik ang tingin kay Aki.

"What?" Walang kamuang-muang na tanong niya sakin pabalik.

Ughh!

"Ah 'yun? Wala 'yun, mga inis lang ata kasi umaaligid sayo si Blaisyy," Humagikgik ito. " Ewan ko ba, mas maganda naman ako sayo." Tawa muli nito ng napakalakas kasabay ng paghampas nito sa aking braso bago umalis!

Takte!

Bakit ko nga ba naisipang isama pa 'tong tatlong 'to?! Argh!!

At ano?! Binibigyan nila malisya 'yun? Yuck! Debale na! Blaise and me? Ugh! I can't even imagine me, talking with that guy!

Asar ko lang silang sinundan dahil masakit narin sa balat ang sikat ng araw.

May mga kubo-kubo sa gilid ng beach. Puting-puti at pinong pino ang buhangin dito. Kaya naman hinubad ko na ang panapin ko sa paa at bumaba sa tubig. Ramdam na ramdam ko ang init ng puting buhangin sa mga paa ko at napangiti ako ng umalon at umabot sa paa ko ang tubig nito.

LANDON ACE

Napalingon agad ako ng may tatlong babaeng kinausap si Celine.

"Chicks!" Bulalas ko.

Langya! Chicks nga! Kahit ang wi-wirdo ng look nila ang gaganda parin! Ang puputi pa! Lupit! Agad akong bumaba sa kubo at inapak ang paa ko sa buhangin. Nang bigla akong harangin ni Linzy.

Nagsalubong naman agad ang kilay ko nang tignan ko siya.

"Oh saan ka pupunta?" Masungit agad nitong tanong sakin.

"Mambababae bakit?" Kaswal kong biro dito.

Biglang naging blanko ang ekspresyon nito at inis pang umalis sa harapan ko.

Problema nun?

Ah, ewan!

Nagtumakbo ako papunta kay Celine na hindi nagtagal ay naging isa nalang paglakad.

Bakit ganun reaksyon ni Linzy? Bakit ang sungit-sungit na niya sakin? Bakit? May nagawa ba akong mali? Bukod sa....

Ugh! Napakasiraulo ko kasi!

bakit ko ba kasi hinalikan!

Noong isang araw ay dumeretyo kami sa mall ni Linzy matapos naming kausapin ang mga magulang ni Jenny. Kami ang itinalaga doon ni Myrttle para makatulong sa kaso. Pero kainis, dahil ang babaw ng luha nitong kasama ko. Halos buong byahe siyang umiiyak magmula ng makadalaw kami sa burol ni Jenny at makausap ang mga magulang nito!

Oo, alam ko noong napakadelikado ng aming ginawang hakbang. Si Blaise ang sinisisi nung kaibigan ni Jenny. Kaya naman buong araw ding iyon ay hindi ako humiwalay kay Linzy kahit nakakarindi na ang pagngawa nito.

Her parents tell us stories about Jenny. Bilang kung gaano siya naging kabuting estudyante, kaibigan, anak, at ate sa bunso niyang mga kapatid. Kaya naman hustisya ang ipinangako namin sa mga magulang nito. Na agad din namang nasolusyunan noong nahuli si Alaine sa kanyang nagawang kasalanan.

Alaine got arrested, pero naconfine din ito sa mahigpit na mental hospital nang mapagalaman namin ang sakit nito sa kanyang pagiisip.

Noong araw na iyon ay dinala ko sa Ice cream parlor si Linzy at binigyan ito ng isang 'Dentist Disaster' na favorite ko. Para tumigul narin siya kakangawa dahil na i-stress na ako dito.

Pero nabigo ako doon ! Dahil habang kumakain kami ay ngawa parin ito ng ngawa! Kaya naman wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang tabihan nalang ito ay yakapin.

"H'wag ka ng umiyak. Mabibigyan natin ng hustisya ang pagkamatay ni Jenny. Just chill and trust Myrttle and Blaise." Mahinahon kong pagkukumbinsi sa kanya habang haplos-haplos ko ang mabango nitong buhok.

Ngunit aaminin ko. Nang oras na iyon ay hindi ko rin alam ang inakto ng sarili ko. Napakapamilyar ng naramdaman ko nang mga oras na iyon. Na para bang may kung ano sa dibdib ko kaya napakalakas ng kabog nito. Ikinatakot ko iyon kaya naman agad ko ring inilayo ang sarili ko kay Linzy.

" S-Salamat." Nakayuko pa noong pagpapasalamat saakin. Bago niya tuluyan pang lantakan ang Dentist Disaster na order namin!

Hindi ko makakalimutan ang kasiyahang nararamdaman ko sa paglapang na iyon. Ginugusto ko siyang asarin noon dahil sa mas malakas pa siyang kumain kaysa kay Ethan. Pero hindi ko ginawa, sa halip ay masaya ko lang siyang palihim na pinagmamasdan.

Napakababaw para maging sanhi ng kasayahan. But it did. Napangiti ako nito. Ni Linzy Valdez.

Tuluyan ako noong bakunod sa aking pagkatuwa sa kanya kaya nang oras na magkaroon ng dumi ang kanyang pisngi dahil sa Ice cream ay namalayan ko nalang na pinunasan ko na iyon ng aking kamay.

Bagay na ikinagulat ko ng husto, dahil nang oras na dumikit ang aking daliri sa napakalambot niyang pisngi ay tila libo-libong bultahe ang dumaloy dito!

Bagay na nakapagpagising saakin sa realidad kaya agad ko rin siya noong hinatak papatayo upang makauwi na.

Halo-halo ang emosyon ko nang mga oras na iyon. Dahil hindi ako tanga para hindi malaman kung bakit ganito ang inaakto ng sarili ko.

Alam ko....

Pero huwag si Linzy...

"Uwi na tayo..." Walang paglingon kong pagpapaalam dito dahil sa pagpupumiglas niya na agad ko ring ikinatigil. Dahil nang oras na iangat ko ang aking ulo ay tumambad saakin ang pigura ni Ethan sa hindi kalayuan!

Nasa counter na ito na ilang dipa nalang mula saamin!

Bagay na agad kong ikinataranta na naging dahilan upang makagawa ako ng napaka-walang utak na paraan!

Wala sa wisyo ko noong isinandal si Linzy sa pinakamalapit s Pader! And the last time I remember ay magkalapat na ang mga labi naming dalawa!

Sinampal ako ni Linzy dahil doon kaya umuwi akong tulala, dahil bukod sa kagaguhan kong nagawa ay hindi ko makalimutan ang napakalambot na labing iyon ni Linzy...

Napakalambot na mga labing hindi mawala-wala sa isipan ko.

Halik na... tila unang nakapagpapaapekto saakin ng ganito.

Nangisi ako nang maalala ko nanaman ang hapon na iyon. Kaya naman bumalik nalang muli ako sa kubo kung saan ako nanggaling kanina.

"Oh bakit ka bumalik? Kala ko ba mambababae ka?" Mataray agad na bungad saakin ni Linzy habang may kinakatikot sa telepono niya. Hindi ito nakatingin saakin kaya malaya akong napangiti dito.

" Ang init 'e, mamaya nalang." Kaswal ko paring sagot dito at umupo na hindi kalayuan sa kanya. Saglit ako nitong pinanlisikan ng mga mata na ikinangiti ko ng palihim. Ngunit hindi nagtagal ay umiwas nalang din ito ng tingin at pinagmasdan nalang ang mga kasamahan namin sa labas.

Si Ethan at Celine ay kasa-kasama ng tatlong babaeng malapapel asa puti ang mga balat. Si Hunt at Kiera naman ay nagbabasa ng libro. sa hindi kalayuan. Bagay na bagay sa loko ang itim nitong sando habang tahimik na nakasilong sa lilim ng isang kubo. Samantalang si Kiera naman ay nakagawa agad ng masisilungan gawa ng isang malaking payong at naglatag ng banig sa buhanginan upang doon magbasa.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko rin si Ash. Hawak-hawak muli nito ang kanyang paboritong DSLR para kunan ang napakagandang tanawin.

Pero napatingin ako sa pinakatinititigan ni Linzy ngayon. Si Myrttle.

Tahimik lang itong naghubad ng kanyang panapin sa paa at lumakad pababa sa tubig. Kitang-kita ko ang napakagandang ngiti ni Myrttle na akala mo ay batang ngayon lang nakarating sa beach. Na lalo kong ikinangiti rin nang matuwa itong lalo nang umalon na sa kanyang mga paa ang tubig dagat.

Napalingon naman muli ako sa ibang dereksyo ng makita kong nagmamadali si Boss na ibaba ang gamit na dala niya at mabilis ding bumalik sa kinaroroonan ni...Myrttle.

'Nak nang...Hokage moves si boss! Isa pala siyang tunay na hokage!

MYRTTLE JOONG

"Buti dumating ka." Napalingon ako sa tabi ko at nagulat ako ng si Blaise pala itong nagsalita.

Nakatingin lang ito sa malayo, hindi ito nakangiti pero maaliwalas ang kanyang mukha. Hindi gaya ng lagi niyang nakakunot na noo at masungit na dating.

Ginaya ko lang din naman siya at tinanaw din ang horizon.

"Pagdating ko kasi sa bahay nang matapos ang exams. Nakita ko si Celine at sinabi niya ang tungkol dito," At sinipa ko ng mahina ang tubig sa paanan ko. "Tinanong niya rin sakin kung nayaya mo na daw ba ako."

Ang totoo'y natawa ako sa tanong na iyon. Dahil napakaimposible niyon!

Napakamot naman ito sa kanyang batok at hindi na lalong nakatingin saakin.

So, balak niya talaga? Pfft...

"Ah...Eh...Kasi..." But I cut him off.

Pinalatakan ko ito. "Pwede mo namang sabihin nalang saakin na hiniling ni Celine na sumama ako. Ba't kailangan pang manghamon ka. Natalo ka tuloy" Asar ko dito. Dahil sa wakas ay alam ko na ang dahilan kung bakit ito nagsubok na talunin ako.

With that, I made him mad again. Bagay na inaasahan ko na kaya natawa akong lalo.

" Kahit kelan talaga napaka mo!" Ngunit ikinagulat ko ng hawiin nito ng mabilis ang tubig saakin na naging dahilan upang mabasa ang pants ko!

Lintek na isdang 'to! Hindi pa ako maliligo!

"You shouldn't do that Blaise." Seryoso at matalim kong tingin dito!

Naalarma ito sa ikinilos ko. Nagtangkang tumakas ngunit huli na ito!

Tuluyan ko na agad na nasipa ang tubig alat sa pagmumukha niya! At tuluyan pang natawa nang makita ko ang naging resulta!

Napatulala ito na tila gulat na gulat sa ginawa ko!

Langya kasi! Hindi ko naman sinasadyang pati buhangin masipa ko sa mukha niya. Badtrip lang, napalakas ata sipa ko.

Nagsimula na akong humakbang papalayo at patakbo sa mean girls.

Aigoo! He is going to explode!

"MYRTTLEEEEEE!!!!!!!" Rnig ko pang hiyaw nito na lubos na ikinatawa ko habang tinatahak ang pwesto sa likod ni Kenzy!

Pfft. Human shield.

"Tsk, What are you doing Myrttle?" Iritang tanong sakin ni Kenzie. Nag peace sign lang ako sa kanya at tinuro si Blaise.

"Hoy babae! Hindi pa tayo tapos!" Bulyaw sakin ni Blaise.

Sira ulo talaga to kahit kelan. Siya naman nanguna ah!

"Back off." Umayos naman ako ng pagkakatayo ko ng sabihin ito ng sabay ni Kenzie at Autumn.

Eh?

Nakita ko namang umirap si Blaise sa kanila.

"Yoowwwww Sorry I'm Late!!"

Napalingon kaming lahat sa kinaroroonan ng boses ma iyon.

Isang lalaking matipuno ang katawan. Naka V-neck na shirt na napakanipis na kinababakatan ng kanyang katawan at Floral na shorts. He's also wearing shades that really suit his beach wear.

Te-Teka? Siya 'yun!

'Yung lalaking wala sa hulog na nakabangga ko sa University!

Si Edward Blaire!

"Daddyyyy!!!" Nagtatatalon sa saya si Celine at galak na galak na sinalubong si Edward.

Yeah. I should call him Edward. Hindi ko na ito kailangan pang galangin dahil hindi ko naman siya kilala. Asa naman sila sakin.

Ikinaningning naman ng mata nito ang pagkakakita kay Celine. " I missed you so much Celine! Happy Birthday! Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo baby?"

Masayang masayang bati nito kay Celine na ipinaikot-ikot pa ito sa ere.

So sa kanya nga mana si Celine.

Nang bigla akong napatigil sa pagkamangha dahil naalala ko si Blaise. He must be happy to see his Sad. Ngunit ikinagulat ko nang mawala na sa likuran namin si Blaise at nakita ko itong naglalakad papalayo.

Teka? Hindi niya ba babatiin man lang ang Daddy niya? Tsk, Wala talagang modo 'to.

Tss, As if I care... Sinundan ko nalang din naman si Blaise dahil ayoko rin ubusin ang oras ko sa panonood ng eksena. At isa pa, baka kulitin nanaman niya ako ng Edward na 'yun!.

"Hey! You! Iha!" Napasapo nalang naman ako ng mukha nang marinig ko ang mga boses na iyon sa mismong likuran ko.

Sinasabe ko na nga ba.

Wala naman akong ibang choice kung hindi ang humarap sa kanya at tuluyang nasilaw nanaman sa ngiti nitong nagliliwanag.

"Oh?" Pabalang kong tugon na ikinatawa nanaman nito ng malakas!

"Grabe! hindi ko talaga inaasahang kasama ka pala dito! Akalain mo 'yun! Ang akala ko hindi na kita makikita mul..." Pinutol ko itong agad.

"I am glad to meet you again." Pigil ko sa kanya dahil ramdam kong mahaba-haba ang eksplenasyon nitong gagawin. Actually, hindi si Blaise ang kaugali niya eh.

Si Myrko!

Ganyang-ganyan ang kambal ko, kaya naman medyo gamay ko na ang kaugalian nila.

* * *

Dumating na ang tanghalian at patuloy parin akong kinukulit ng ama nila Celine at Blaise. Ugh, Medyo yamot na nga ako dahil sa dinami-dami namin dito ay ako pa ang lagi nitong kinukulit!

Problema ba ng may katandaang ito?! Bulag din ako kung hindi ko mapapansing iniiwasan ni Blaise si Mr. Edward.

"Blaise anak samahan mo ko kuha tayo ng dahon ng saging para makapag-boodle fight tayo! " Ganadong-ganadong yaya Edward sa anak nitong si Blaise. Ngunit gaya ng lagi nitong ginagawa ay hindi niya lang ito pinansin at tumayo pa mismo sa kinauupuan niya para lumayo.

"Bastos." Nabulong ko nalang sa sarili ko habang nagiihaw ng isda kasama si Ethan.

Hindi na tama ang ginagawa niya. At alam kong hindi lang simpleng tampo ang meron sa kanilang dalawa. Dahil mula nang dumating si Edward, naging bugnutin na at wala na sa mood si Blaise.

Makailang beses ko naring pinanlalakihan ito ng mata pero siya mismo ang umiiwas sakin ng tingin.

Labo talaga ng taong 'yun. Pero ano kayang problema? Tsk... Badtrip ito nanaman ako! Nacucurious nanaman! Agh!

"Psst!" Tawag ko kay Ethan na seryosong-seryoso sa paglalagay ng mga palamang panpalasa sa loob ng bangus na iniihaw namin ngayon.

Napalingon ito sakin at ngumiti. Aba ayus din pala 'tong batang 'to, nananahimik kapag siya na mismo ang gumagawa ng kakainin. Cutem

"Ano 'yun ate Myrttle?"

"Uhm, Si Edwa--este Mr. Edward at Blaise? Talaga bang ganyan na sila sa isa't-isa??" Pasimpleng tanong ko sa kanya habang binabaliktad ang isdang iniihaw ko. Ayoko namang isipin niya na curious talaga ako no. Kahit totoo.

" Ah, Opo ganyan po talaga sila matagal na." Napatingin ako kay Ethan sa sinabi niya at binawi ko naman agad dahil baka mahuli ako nito.

"B-Bakit naman?" Nahihiya ko pa ulit na tanong.

"Mahabang kwento ate Myrttle 'e."- Nadismaya naman ako sa sagot na iyon ni Ethan. "Pero iiklian ko para sayo." Napatingin ako sa kanya ng ihabol niya iyon.

Nagkatinginan kami ni Ethan at umayus din siya ng tayo niya.

" Hayyy." Bungtong hininga ni Ethan na dahilan upang mapataas ng gusto ang kilay ko!

Takte! Niloloko ba talaga ako ng batang 'to? 'Hayy' lang talaga ang sasabihin niya?!

Grrr..

"'Yun na 'yun ate Myrttle. Wala din akong karapatang ikwento sayo dahil hindi ko alam ang saktong nangyari kila tito Edward at Blaise. Mas mabuting isa nalang din po sa kanila ang magkwento sa inyo."

Nginitian ako nito ng makahulugan at binalik ulit ang sarili niya sa pagaasikaso sa mga isda. Pinagpatuloy ko naman din ulit ang ginagawa ko matapos ang isang malalim na buntong hininga.

"Pero ang alam ko dati. Close na close sila." At napahinto ako sa ginagawa ko at tinitigan ang isdang iniihaw ko.

Ang labo naman, at nakakalungkot. Bakit ganun na ang pagtrato ni Blaise sa Daddy niya kung close na close naman pala sila dati? Isa pa, kita ko ang lungkot sa mga mata ni Mr. Edward kada ire-reject siya ng anak niya. At manhid ako kung hindi ko mahahalatang maging si Celine ay nasasaktan kada makikita ito.

It makes me frustrated kaya naman nakasimangot ko ng iniihaw ang isda sa harapan ko!

Ugh, Hindi pwede to... Kailangan may gawin ako. Oo, pakiilamera na kung pakielamera, pero hindi tamang magtratuhan kayo ng pamilya mo nang para bang walang nag-eexist na siya sa mundo mo.

Dapat nga ipagpasalamat pa ito ni Blaise dahil siya mula nung isilang siya may natawag na siyang Daddy. Kami ba ng kambal ko meron? Wala. Miski nga isang ina, wala 'e.

Oo, meron nga pero malalaman ko lang na hindi pala talaga sila ang ama at ina ko. At ako lang ang huling nakaalam nito. Dahil si Myrko, matagal na niyang alam. And that's make me so stupid.

"What are you thinking?" Napatingin ako sa harapan ko nang marinig ko ang boses ni Kenzie.

Napangiti nalang ako ng mabuo ang isang Idea sa isip ko.

Tama, tama.. may maitutulong din pala tong mean girls sakin eh.

BLAISE HARRISON BLAIRE

Naiirita ako, naiinis ako, naasar ako! Hindi ko inaasahang dadating si Edward dito. Ugh! Nakakainis. Imbis na nag-eenjoy ako, heto ako iiwas at iiwas sa kanya! Habang siya ay lapit naman ng lapit sakin! Ang akala niya ba ganun nalang kadali kalimutan ang lahat?! Kung sa kanya hindi mahalaga iyon. Pwes, dapag niyang malamang tumatak iyon sa buo kong pagkatao!

Lahat sila ay abala sa paghahanda ng pagkain para sa tanghalian. Kaya naman naglakad l-lakad nalang ako at tumawid sa tulay para tulutang makaupo sa isang open na kubo sa dalampasigan.

Tahimik lang akong umupo dito at sinoot ang shades ko para hindi masilaw sa tirik na tirik na araw. Hanggang sa matuon ang mga mata ko sa paulit-ukit na paghampas ng alon sa dalampasigan.

We used to build sand castle, play beach volleyball and swim here back then. Dito rin kami madalas nagbabakasyon nila Mommy kapag hindi sila abala sa business nila. At oo, hindi si Mommy ang tinutukoy kong lagi kasama i-enjoy ang beach. It was always him, Edward. Si Dad...

Napailing nalang ako nang pumasok sa isip ko ang tawanan namin ni Dad dati. Ramdam ko sa sarili kong nangungulila ako dito. Pero hindi Blaise, labanan mo. Naghanap siya ng iba at niloko ang pamilyang masayang binuo nito!

It was always hard for me to forget our memories. Sa buong buhay ko hindi ko tinuturing na mahirap ang paglaban sa malalakas na tao para manalo ka. Hindi ko maituturing na mahirap ang pag-rereview para makapasa ka sa exam. Lalong hindi ko maituturing na mahirap ang pagpasok sa school at tiisin ang mga sigawan ng mga taong humahanga saakin. Ano ang mahirap para sakin?

'Yun ay ang iwasan ang isang taong lubos mo nang minahal at pinahalagahan noon.

It's really hard for me to walk away from him because we used to do those things together back then. Pero iba na kasi lahat 'e. Malayo na kami ni Dad ko noon at ni Edward ngayon.

Niloko niya ako, pinaasa, at sinaktan. At wala akong mahanap na dahilan para patawarin siya. Wala akong dahilan para pakinggan ang walang kwenta niyang paliwanag dahil tapos na. Nasaktan na si Mommy at nawala na dahil sa kagagawan niya. Siya lahat ang may dahilan non! Siya lang...

Nagulat ako ng may kung mainit na bagay ang pumatak sa pisngi ko. Bagay na ikinangiti ko ng mapait..

I feel so stupid evry time I shed tears for the same reason again.

Ngunit napatigil ako sa isang boses. "Tanghaling tapat nage-emo ka dyan. Oh, heto. " Napatingin naman ako kaagad sa pinanggagalingan ng boses na iyon na agad ko ring ikinasimangot.

Si Myrttle! Kaswal na kaswal lang itong nakatayo sa tabi ko habang isinasayaw ng hangin ang kanyang mamula-mulang buhok. Nakatingin ito sa malayo at kita ko rin ang kanan niyang kamay na nagaabot sakin ng isang puting panyo.

"Aanhin ko naman 'yang panyo mo?!" Hindi ko lang siya pinansin at pinagmasdan ulit ang asul na tubig. Bahala siyang mangawit!

"Ayaw mo e'di h'wag, Nga pala," Napatingin ako sa kanya dahil doon. "Natalo kita hindi ba? Edi kapag may sinabi akong gusto ko, gagawin mo?" Sabay tingin nito saaking may makahulugang mga ngiti!

Isang nakakakilabot na ngiti sa totoo lang!

Langya! Nawala sa isip ko 'yun ah! Lintik na! Ano naman kaya pagagawa ng isang 'to saakin?

"O-Oh, a-ano naman ngayon?" Iwas ko sa kanya ng tingin.

Pero hindi na talaga ako mapakali. Knowing her complicated personality. Alam kong hindi lang simple ang pagagawa nito!

Stupid Blaise! Bakit mo pa kasi nasabe 'yun! And for the first place bakit ka kasi nagpatalo!

Arrrghh!!!

"I want you to..." At lalo nakakayamot dahil nang maibalik ko sa kanya ang tingin ay ikinagulat ko ang pagsilay ng kanyang mas totoong mga ngiti. Ngiting kinainggitan kong sa iba niya lang pinapamalas, pero ngayong saakin na ito nakatuon ay ikinagugulantang ito ng kung ano sa katawan ko!

D*mn it! Bakit niya ba ako nginingitian ng ganito?!

"Be my slave in one month." At tumalikod na ito pabalik sa resort.

Pero ang sinabi nito ay tila ikinabibingi ko.

Be my slave in one month...

What?! BE HER SLAVE IN A MONTH?!!

ME?! SLAVE?!!

Me?!! BLAISE HARRISON BLAISE?!

SLAVE?!!!!!

Oh, Men.. I'm really Doom....

Continue Reading

You'll Also Like

25.3M 848K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
23.9K 1.1K 11
Sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog sa puno si Lavender dahil nasira ang sangang tinutuntungan niya dito. Pagkagising niya mula sa pagkakahulog n...
81K 2.7K 51
"Oww maglalaslas ka kuya pogi?" "OO" "Asige kuya pogi go kalang ipagchicheer pa kita pero walang sisihan pag sa impeyerno ka napunta ha" "Eh ano bang...
2.8M 101K 44
Exactly 17 years after book one comes the story of Scarlet Cress and how her life changed when she accidentally 'fell' in Middle Kingdom and met Prin...