HARRISON UNIVERSITY: The Scho...

By GHIEbeloved

13.9M 389K 66.3K

Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her... More

PROLOGUE
HUTSOM BOOK IS NOW AVAILABLE!
Chapter 1 : [Harrison University]
Chapter 2 : [ The Fountain]
Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]
Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]
Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]
Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]
Chapter 7: [ Mission Impossible]
Chapter 8: [ Forced decision]
Chapter 9: [ Unexpected Guest]
Chapter 10: [Identity]
Chapter 11: [ Revelation ]
Chapter 12: [ Officially Part of Harrison Rulers ]
Chapter 13: [ Confrontation ]
Chapter 14: [ Final Decision ]
Chapter 15: [ Choices ]
Chapter 16: [ New classmate? Hell!]
Chapter 17: [ Lady in the shadow ]
Chapter 18: [ Worried ]
CHAPTER 19: [ She's familiar]
Chapter 20: [ Alaine De Castro]
Chapter 21: [Second Crime ]
Chapter 22:[My Queen]
Chapter 23: [ Crimson Palace ]
Chapter 24: [ Myrko ]
Chapter 25: [ The Palace Queens]
Chapter 26: [ The Announcement ]
Chapter 27 [ Protect ]
Chapter 28: [ Her tears]
Chapter 29: [ Miesha ]
Chapter 30: [ Special students ]
Chapter 31 [ The Queens Rule]
Chapter 32 [ Arrow ]
Authors Note (PleaseREAD)
Chapter 33: [ Goodluck]
Chapter 35 [Her Side]
Chapter 36 [I'm Sorry]
Chapter 37 [ Unknown Feelings]
Chapter 38 [Twins]
Chapter 39 [Her other side I]
Chapter 40 [Her other side II ]
Chapter 41: [The mean Girls]
Chapter 42: [Slave]
Chapter 43: [Phoenix]
Chapter 44: [The Plan]
Authors 2nd Note ( Please read)
Chapter 45 [Guilty]
Chapter 46[She's Here]
Chapter 47: [Dayle Trinidad]
Chapter 48 : [Confuse]
Chapter 49: [Please, stay]
Chapter 50: [Worst than nightmare]
Chapter 51: [Death threat]
Chapter 52: [Unmask]
Chapter 53: [Trapped]
Chapter 54: [Im trapped again]
Chapter 54: [Paint]
Chapter 55: [Cloud Montague]
Chapter 56 [The Other Side]
Chapter 57(part I): [Bestfriend]
Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]
Chapter 58 [Comeback]
Chapter 59: [Unveiled]
Chapter 60 [The Game of Doom]
Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]
Chapter 62: [Special Students]
Chapter 63: [The Fall]
Chapter 64: [Wicked]
Chapter 65: [The Gift]
Chapter 66: [The Zone]
Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]
Chapter 68 : [ Wish Granted]
Chapter 69: [Me]
Chapter 70: [Glance]
EPILOGUE
Author's Note
HUTSOM SOON TO BE PUBLISHED UNDER PSICOM!

Chapter 34 [Behind the mask]

160K 4.7K 1.2K
By GHIEbeloved

MYRTTLE JOONG

Pasaglit akong napatulala na tila tuluyang inagos ng napakalakas na kabog ng dibdib ko.

H...Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, ngunit ng ako'y matauhan ay marahas kong pinunasan ang pisngi ng maskarang soot-soot ko.

Ano ba talagang problema ng isdang 'yon?! Gusto niya ba talagang matikman ulit ang kamao ko?! Napakalala ng saltik! Pagkatapos akong paiyakin, ngayon hahalikan naman ako?!

Pero kung tutuusi'y hindi naman talaga sa pisngi ko ang halik. Pero bakit ganito akong nag-iinit?!

Ugh Myrttle! Stop over-reacting! Sa Mask ka lang niya hinalikan! Sa mask lang!

Dahil sa inis at hiya ay mabilis na akong nagtungo sa wash room at padabog itong kinandado. Mahirap na't baka may makakita pa sakin tunay na pagkatao.

Nang masigurado na ang aking siguridad ay asar ko ng hinubad ang maskarang soot -soot ko. Ayoko na itong sootin dahil ramdam na ramdam ko parin ang pagdampi ng labi ni Blaise dito! And that's disgusting!

Dahil sa irita'y agad ko lang na hinilamusan ang aking mukha. Pero tuluyang nanlaki ang aking mga mata ng makita ko sa salamin ang aking repleksyon. My cheeks are shaded red and I really don't know what the hell happen!

"Nice Bro, napuruhan mo siya." Rinig ani ng boses mula sa labas ng banyo ng mga babae. Agad ko itong ikinakunot ng noo at medaling lumapit sa pintuan upang mas marinig pa ang mga ito.

"Naman! Kailan ba ako mumintis? Wala, kaya kailangan na natin itong i-report kay big boss."

Ani pa ng mga tao sa labas ngunit ang masamang kutob ko'y nakapagbigay saakin ng dahilan upang maging alerto. Madali kong kinuha ang isang baril na nakatago sa kaliwang hita ko na kanina pa tinatakpan ng soot-soot kong gown. Ang paborito kong hand gun na lagi kong dinadala maliban nalang sa University dahil may scanner doon.

Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon at mabilis ng lumabas upang sundan ang dalawang taong naguusap kanina.

Pumasok na ang mga ito sa hindi kalayuang men's washroom na agad kong sinundan at tumambad doon ang mga hindi ko inaasahang katauhan.

It's Matt and Raven of Bull Gang!!

Sabi ko na nga ba!

Kitang-kita ko ang mga ito sa sarili nilang repleksyon, disregarding the fact na miski ang sarili kong mukha ay nakita ko doon. I'm in a hurry kaya wala na akong oras para makapagsoot ng Maskara ko.

Pero wala, wala na akong pakialam pa kung malaman man ng mga traidor na ito ang pagkakakilanlan ko. They are the one who killed Benji! And they need to pay for it!

Nanatili lang akong nakatayo sa bukana niyon hanggang sa mapansin na ako ng mga ito. Kitang-kita ko ang takot sa kanilang mga mata. At hindi na ako nag-dalawang isip na patamaan sila ng baril sa hita upang hindi na sila makatakas pa.

"Q-queen" Daing ni Matt habang namamalipit sa sakit.

"Tell me, who the hell is he?! Your big boss!" I coldly asked pointing my gun towards their heads.

"Q-Queen hindi k-ko po a-al—"

Pagtangi ni Matt pero hindi ko na ito pinatapos pa. gigil ko na itong pinatamaan ng aking bala dahilan upang agad na itong mabawian ng buhay.

Ayoko...ayoko ng sinunghaling.

"Matt!!" Sigaw ni Raven na kasalukuyan ng nanginginig sa takot.

I looked at him with anger.

"I don't have time for lies Mr. Raven,."

Pointing my gun to his head.

"If I were you, sasabihin ko na ng maaga ang lahat."

Bakas ang takot sa kanyang mukha pero ang pinagtatakha ko ay kung bakit hindi siya makapagsalita. Takot na takot itong nagpalingalinga. Na tila ba may hinahanap. I don't know what he's up to but time is running. I don't give a sh*t for evil ones!

"Three." I counted down.

"Q-queen parang awa niyo na h'wag po. Napag utusan lang po ako...Nagmamakaawa ako, m-may nag-hihintay p-pa pong sanggol sak-kin" He pleaded. He's also terrified of something.. at alam kong hindi ako iyon. Something...something is going on...

"Then just tell me who's your damn boss!" Irita ko ng tanong.

Alam ko, alam kong may naghihintay sa kanyang sanggol. His lived-in partner just bore a child yesterday. Pero bakit niya parin nagawa ang ganitong bagay? Bakit niya parin ako trinayidor?!

Ilang sandal itong nanahimik at tila takot na takot na lumulunong ng makailang beses.

Mariin din nitong ibinuka ang kanyang bibig. "I-it's the f—"

But I dazed for a few seconds when I saw his body exploded. His blood splatter on a floor. Raven...Raven exploded....

Sa ilang sandal ay pinilit kong magpakatatag. Mabilis ko nang sinarado ang pintuan ng banyo at daliang tinawagan si Paris.

I need her help!

May mali...May mali sa mga nangyayari!

"What the hell happened here!" Gulat na tanong ni Paris ng pasukin nito ang men's washroom.

"I don't know. Bila nalang sumabog ang katawan nito nang sasagutin na nya ang tanong ko." Deretyo kong sagot kay Paris habang maigi nitong pinagmamasdan ang dalawang bangkay.

"Did you check his body Queen Mizuki?" Tanong nito sakin.

Agad naman akong napbalikwas ng ipaalala niya ito. Dahil sa pagkagulat ko'y nakalimutan ko ng mag-imbistiga.

Umiling naman ako dito at akma na sanang gagalawin ang bangkay ng pigilan ako nito.

"Ako na Queen Mizuki."

Nagsimula na agad itong sipatin ang katawan ni Raven. Bagay na hindi ko na mahintay kaya naman sinipat ko narin ang katawan ni Matt. Sinubukan kong kapain ang mga lama ng bulsa nito ngunit tanging wallet lang nito ang nakita ko.

Mabilisan ko lang rin tinangal ang butones ng damit nito ngunit isang hindi pamilyar na tatak ang nakita ko doon.

Bagay na agad kong ikinalingon kay Paris ngunit maging ito;y kabado ring napatingin saakin.

"Pheonix."

Sabay naming sabi ng may buong pagtatakha.

HUNT SPARK

Tsk, nasaan na ba kasi si Queen Mizuki? She needs to stop Blaise, Baka ma-disqualified pa kami dahil sa ginagawa nito..

"Hindi pwede! That's not fair for us! Especially for her!" Turo nito sa napakapamilyar na si Angel of death. "Just change the opponent , as simple as that! Hindi ba pwedeng palitan nalang?! Kami laban sa Bull gang! And Dark star laban kay Angel!" Pagpupumilit pa nito sa committee.

Tss, this hardheaded man.

Kung minsan napakasarap tapalan ng kung ano ang bibig ni Blaise.

I stunningly watched how Blaise exploded but watching him ignored with those guys are fairly fun.

Well, that's the truth about expressing your feelings. The tendencies of being ignore in the end..

And sometimes, you just need to shut your mouth and wait. Than to talk much but being ignored in the end.

Lumingon naman ako sa kinaroroonan ng grupo ng Bull gang.

Their Ugly faces are truly bothersome. Pinagmasdan ko lang ang mga ito at natuon ang aking atensyon kay Jet ng ngitian ako nito na akala mo naman ay kinagwapo niya. Bagay na hindi ko pinansin dahil ang totoo'y hindi ko magawang tumitig sa taong napakaraming hikaw sa mukha.

Ang totoo'y hindi si Jet ang hinahanap ko..

I was looking for Matt and Raven. Pero wala sila dito.

Saan sila nagpunta?

Natakot saamin?

"Pwedeng manahimik ka?" Napatingin ako sa bagong boses na narinig ko sa tabi ko.

It's Angel of death.

But men! Her scents are familiar. How I wish that this lady is not Kiera. Dahil kung nagkataon? Alam kong malalagot siya sa kambal niyang si Ash.

"What?!" Asar na tanong ni Blaise.

"Stop underestimating me. I am capable of winning so shut up!" Angil nit okay Blaise. "Those ugly ducklings?! They were going dead! " Asar pa nitong talikod kay Blaise na ikinangiti ko.

Okay, She's Kiera...

"Para talaga siyang si Kiera no?" Biglang nasabi ni Ethan sakin. Habang kumakain nanaman ng bilog na may cheese na bagay na iyon.

"Sinabi mo pa Ethan, Kasing sungit niya diba Hunt?" Tanong naman sakin ni Landon na habang kumukupit nanaman sa pagkain ni Ethan.

Bagay na hindi ko naman pinansin at pinagmasdan lang ang paglakad ni Kiera papalayo.

Yeah, She's Kiera. Siya lang naman kasi ang kilala kong babaeng sobrang makapanglait kapag nakakakita ng pangit. Which I liked the most for being straight forward..

MYRTTLE JOONG

After changing my gown ay nagpunta na agad ako sa Arena. Hindi parin ako mapakali kung ano ba talagang nangyari kanina lang. I'm still puzzled at gustong-gusto ko talagang malaman kung ano ba talaga o sino ba ang may pakana ng lahat!

And Phoenix! What's with that tatoo?!!

First, it is the symbol of my 'real mother'. Ito rin ang litratong ginagamit ng hindi kilalang email sender na patuloy na nag-sesend sakin ng mga wirdong paalala.

Na para bang si—

Men! Hindi k-kaya may kinalaman siya kay Aimi? Sa tunay kong ina?!

Ugh!! No, please huwag naman sana...

"Simulan na ang laban." Sigaw ng isang committee. Nabalik naman ako sa realidad ng marinig ko ito.

So it's the Five kings against Dark star huh? Boys versus Girls? Nice match. Pero sino kayang mananalo?

Nauna ng pumasok ang Dar Stars sa Arena. There is something wrong with their reaction. Tila ba hindi mapakali ang mga ito at nagkukurutan pa. Bagay na ikinakunot ko ng noo dahil hindi maganda ang kutob ko sa sampung babaeng ito.

Hindi kalauna'y pumasok narin ang apat na itlog. Ngunit ang pagpasok ding iyon ay naghudyat sa isang napakapamilyar na tilian.

"What the actual hell?!"

Hindi ko makapaniwalang bulong.

Hanggang dito ba naman...

* * * * *

Labis ang Iritang naramdaman ni Kiera dahil sa ginagawang pagprotekta sa kanya nila Blaise. Ang totoo'y una palang ay gusto lang nitong patunayan sa mga ito na kaya na nito ang kanyang sarili. Ngunit sadyang mahigpit ang mga kaibigan niyang ito kaya hindi siya nabibigyan ng pagkakataon.

Una pasok palang ng Dark Star sa arena ay napagsuspetyahan din ito ng dalaga. Alam nitong may kung anong kalokohang mangyayari sa laban kaya nang magsimulang magsitili ang mga dalaga ng makapasok sila Landon ay napaikot nalang nito ang kanyang mga mata.

Ngunit ng ibaling ng dalagang si Kiera ang mga paningin niya sa binatang si Hunt ay ikinagulat nito ang pagkindat sa kanya ng binata.

'B-bakit? A-ano nanaman bang problema niya? Noong isang araw pa siya umaakto ng taliwas kung sino siya.

Pero...Kilala niya na kaya ako?'

Ngunit ang pagiisip na iyon ni Kiera ay naputol ng makita niya ang nakakalokong ngiti na sumilay sa labi ng kaibigan niyang si Landon Ace.

Ang ngiti ng binata kapag nakakaisip ito ng isang kalokohan.

Bagay na ikinahalukipkip ng dalaga lalo dahil tila nakikinita na nito ang mangyayari.

'Basta kalokohan ang taba taba ng utak'

"Let me handle this." Ngiting tagumpay ng binatang si Landon sa kanyang mga kasamahan ng pasimulan ng maglakad patungo sa Dark Star.

Walang atakeng nagaganap ngunit ang mga mata lang ng mga ito ay tila naging puso habang papalapit ang binata.

Ikinakta iyon ni Myrttle ngunit sabay silang napaiwas ng tingin ni Kieran g bigla nalang maghubad ng pantaas nito si Landon.

Bagay na hindi inaasahan ni Myrttle ngunit ikinaikot lang ng mata ni Kiera.

'Agh! Kung nandito lang talaga si Linzy naku naman Landon! Babatuhin ka na nanaman nun ng kahit na anong makita niyang gamit!'

Ani ng dalaga at mabilis na tinignan ang reyna. Bagay na nakapagbigay sa dalaga ng isang ngisi dahil alam ito kung gaanong naka pantay ang ekspresyon nito ngayon.

Ngunit ang lahat ay nagulat ng biglaan nalang magsibagsak ang tatlong myembro ng Darks Star. Nagdudugo ang mga ilong nito at walang malay na nakangiti.

'Y-You've got to be kidding me Landon Ace'

Nakangangang ani ng dalaga sa kanyang kinatatayuan.

MYRTTLE JOONG

Noong una at dismayado ako sa pinagagagawa ni Landon, paanong hindi?! Tama bang ipakita lang ang katawan niya sa mga babae?! Yeah, he has four packs of abs. But hell! Tama bang gamitin iyon para lang mapabagsak ang mga babae?! At ang nakakainis pa noon ay gumana! Langya!

Ang sarap ikahiya ng pagkababae ko!

Matapos ng palabas na iyon ay abot tenga lang na lumingon si Kapre sa tatlo pang itlog. May pagkamayabang ang mga ngiting iyon dahilan upang simangutan siya ng tatlo.

"Yah! Ang duga nyo! kayo rin!" Asar na angal ni Landon sa kanyang mga ka-grupo.

"Ayoko. Hunt and Ethan kayo na ang bahala. Para sa kanya lang ang magandang katawan ko." Tingin saakin ni Blaise na ikinatulala ko.

Tila may bultahe ng kuryenteng dumaloy saakin dahil sa mga sinabi niyang iyon. Bagay na agad kong ikinailing dahil mas pumangibabaw ang pagkaasar ko sa isdang ito!

Bakit ba kanina pa siya nangiinis ng ganito?!

Upang kalimutan ang nakakakilabot na bagay ay pinilit ko nalang ituon ang mga mata k okay Hunt at Ethan na patungo narin sa mga kahiya-hiyang kababaihan.

Bagay na ikinadismaya ko nanaman dahil susundin rin pala nila ang sinabi ng kwpreng ito.

Lintik na kapre 'to. apag usapang kalokohan talaga, naku naman!

Pero ipagtatakha ko pa ba kung magsihubad narin ang tatlong itlog na ito? Malamang! Masyado nilang iniidulo ang kalokohan ng isa't-isa. Asa naman akong tototohanin nga ni Blaise ang sinabi niya.

Tss.

At nangyari nga ang nangyari. Naghubad ng kanilang mga pantaas ang dalawang itlog na medaling ikinahimatay ng mga kababaihan sa ibaba.

I even saw girl at the bench na nag ha-hyperventilate dahil sa mga ugok!

Iyong totoo?! Ano bang meron sa mga pandesal na yan!

Paunti-unti ay tuluyan ng bumagsak ang lahat ng natitirang babae. Bagay na ikinanganga ko dahil hindi ko inaasahang ganito ang kalalabasan ng lintik nilang laban...

Hunt shown his six packs abs na sumisilip ang V-line na talaga namang iniwasan ko nalang ng tingin.

Sa totoo lang ay pasado na ang tatlong itlog na ito sa mga macho dancer dahil sa mga hubog ng kanilang katawan.

'E kung kuhaan ko nalang kaya sila ng litrato para may tig iisa silang sapok sa school kinabukasan?

Bright Idea Myrttle!

Pero napatigil ako ng makita kong may natitira pa palang babae sa baba.

"Anong ginawa nyo sa kanila?! " Nanggagalaiting tanong ni Vina ang leader ng Dark Star.

Bagay na hindi ko na ipinagtakha dahil sa tingin ko'y babae ang gusto nito hindi ang mga abs nila.

Pero ng ngitian lang siya ng tatlo ay tila bigla akong nangapa kung anong pinapahiwatig nila.

Nang biglang humalinghing ng tawa si Paris. "Sayang wala si Ash sa laban." Rinig kong bulong ni Paris na agad kong ikinalingon!

"What do you mean?" Galit kong tanong kay Paris.

Aba itong babaeng 'to talaga!

"H-Huh? May sinasabi ba ako Q-queen? Wala kaya." Tawa nito ng napakalakas at kinagat kagat nalang ang daliri niya.

Lakas ng tama ng babaeng to kahit kailan.

Ang totoo'y nakahinga ako ng maluwag dahil may natitira pang kagaya ko na hindi apektado sa mga kalokohan ng mga lalake ngayon. Hindi naman kasi lahat ay fan ng abs at kung ano. Kaya naman buo ang suporta k okay Vina!

"Hindi niyo ko madadaan sa ganyan-ganyan nyo Kings." Ngiting mapangasar ni Vina na lalo kong ikinasaya.

Pero imbis na mainis, nagulat ako ng ngumiti nanaman ang apat na itlog!

Bagay na wala akong idea. Pero ang kaba sa dibdib koy nagsimula na.

"Are you sure?" Halos pabulong na ani ni Blaise. It was husky and sexy. Bagay na ikinaiinit ko ng ulo.

He is aiming for Vina's eyes hanggang sa makuha niya ito at marahang naglakad patungo dito.

Bagay na ikinasinghap ko. At ikinaiwas ko ng tingin.

"Sinungaling..."

Bulong ko at sa hindi ko maintindihang dahilan ay nakayuko ko nalang na pinatunog ang aking daliri.

"O-Oo baki-bakit? Anong G-gagawin mo?" Rinig ko ang pagkautal na iyon ni Vina pero nanatili parin akong hindi nakatingin sa Arena.

Ngunit agad akong napatunghay doon ng maghiyawan na ang lahat.

Nanalo si Blaise. Napabagsak niya si Vina.. Pero paano? Bakit ba kasi hindi ko tinignan?!

Nagpakita ba talaga siya ng abs?!

Pinakita niya ba talaga?! Pero bakit parin siya ng damit!

"Oh, Queen mukhang hinayang na hinayang karin ah?" Biglaang bulong saakin ni Paris na agad kong ikinaangil sa kanya.

"Gusto mo nang mamatay?!" Seryoso kong banta dito.

Pero tumawa lang ito ng malakas na tila walang pagkatakot sa mga sinabi ko!

"Astig Boss! Anong ginawa mo?!" Tanong ni Landon kay Blaise na hanggang dito ay rinig.

"You need to learn more about being hundsome dude. Hayaan mo, matututunan mo ring gamitin ang tunay na kagwapuhan sa tamang panahon." Kindat nito kay Landon na may mayabang na tono.

"Ang bangis mo talaga boss!" Saludo pa nitong si Landon.

Mayabang!

Pero agh, ano ba talaga ang ginawa niya?! Bakit hindi ko nakita?! Bakit hindi niya ipinakita sakin?! Ak-ako ang Queen ng lugar na to ah. Bakit kay Vina lang?! Grrrr

Kayabangan mong isda k—

Ngunit tila natigil ang lahat... Ang dating maingay na lugar ay naging tahimik sa aaking tainga.

At ang mga mata ko'y napatulala dahil sa ginawa ni Blaise saakin.

Kitang-kita ko ang pagsilay ng isang kakaibang ngiti sa kanyang labi na sinabayan ng isang kindat..

Kindat na tila ikinasabog ng dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito.

Pakiramdam na mabilis ko ring iniaalis sa sistema ko at kunot noo lang siyang sinagot ng tingin!

T-takte!!

A-Ano ba talagang probela niya!

KIERA TAYLOR

Ugh! Mga kayabangan nga naman ng mga itlog na 'to! Kung hindi ko lang talaga kailangang magtago kay Ash matagal ko nang tinanggal 'tong maskarang ito mabatukan lang talaga silang apat!

Nakakapagpainit ng ulo!

But in the other hand. Advantage ito, dahil ipaghihiganti ko si Ash!

Kahit kailan ay ni hindi ko ginustong makitang nasasaktan ang kambal ko. Pero nagawa ng mga hayop na iyon ang lahat?! At sisiguraduhin kong pagbabayaran ng mga dugo nilang walang kwenta ang lahat!

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang huling laban! Ang laban ko sa Bull Gang. Sa mga Ugly ducklings na ito na dinamay ang kapatid ko!

Nauna akong umakyat sa Arena at kumuha na ng throwing needles ko. This is my forte. I learn this things by myself, dahil naastigan ako sa isang anime character na gumagamit nito.

When I look at the Kings they smile at me like they knew me. But I wish they don't dahil hindi maganda ang Idea na iyon. Nang magtama naman ang mga mata naming ni Hunt ay ikinagulat ko nanaman ang ginawa nito. He made a smile then mouthed goodluck to me.

D-did he just Smile?!

The rare thing of Hunt is to smile and he just smiled at me! For the first time!

Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ikasaya o ikakaba. Dahil malakas ang kutob kong kilala na ako nito.

Bago tuluyang lumakad sa gitna ng arena ay iwinaksi ko muna ang lahat para sa laban na ito.

Ginanahan akong lumaban dahil sa ginawang iyon ni Hunt. Pero hindi iyon sapat para makitang tiwala na talaga ang mga ito saakin. Na kaya kong protektahan ang sarili ko magig ang kambal ko at mga kaibigan ko.

Ngunit tila kinilabutan ako ng pumasok na ang Bull Gang sa Arena.

Sumipol ang isa dito. "Chikababes oh!" Malagkit pa saaking tingin ng panget na ito.

They are looking at me like im their freaking food! Na parang hinuhubaran na ako ng mga ito sa kanilang tingin dahilan ng aking pagangil!

"Shut up Ugly ducklings." Asar kong bawi sa mga ito.

But they all just laught at me!!

Men! It's gross!!

Pwedeng sumuka?! Dahil kasuka-suka ang mga ityura nila!

Punong-puno ng mga hikaw ang ilong, kilay, tenga at pati mga dila ng mga ito! Mga walang galang sa mukha! Sinasayang!

"Sure Babe." Ngiti pa ng isa saakin!

Kung hindi lang talaga kasalanan sa Diyos at kay Queen ang pagpatay ay hindi na ako magdadalawang isip na patahimikin ang mga mababahong bunganga ng mga ito!

Nagsimula na silang lumapit sakin ng sabay-sabay at naging alerto ako dito. I was about to throw them my needles pero nagulat ako ng tumakbo sila sa iba't ibang direksyon!

I calculated their moves, speed, and I throw needles on the air.

"Ugh!" Sigaw nang limang Ugly ducklings bago sila mawalan ng malay.

"Don't even speak! It's smell hell!" Pangaasar ko pa sa kanila. Pero nagulat ako nang isang lalaki na ang nasa harapan ko.

Saan siya nanggaling?!

Agad akong napatalon palayo but it's too late! Natamaan ako ng Katana na hawak nito.

Napapikit nalang ako dahil tatama na ang katana nita saakin at hindi na ako makakatakas pa!

Ngunit ikinanlaki ng mata ko ng humiyaw muli ito."Sexy legs!" Ngunit napadilat ako ng marinig ko iyon!

Sh*t...

At tuluyan kong ikinagalit ng sadyain nitong hiwain ng yanyang katana ang laylayan ng damit ko. Dahilan upang mas umiksi ang soot soot ko ngayon.

Bagay na agad na ikinadilim ng mga mata ko kaya mabilis kong ipinatama sa pagmumukha nito ang tatlong throwing needles. Dahilan upang mabilis itong mawalan ng malay.

"How dare you!" Galit kong sigaw sa iba pa nitong kasamahan. Lima nalang silang natitira.

Napaka manyak!

Ngayon! Matulog ka ng tatlong buwan! Kabayaran 'yan sa kamanyakan mo! Pasalamat ka bawal pumatay!! Kung hindi! Kanina ka pa niluluto sa impyerno!

* * * * *

Labis na natahimik ang grupo nila Blaise maging ang Reyna at ang ilang manonood sa mnga nangyayari. Hindi nila alam na ganito kabastos sa babae ang grupo ng Bull Gang bagay na ikinagagalit ng Reyna ng Crimson Palace...Ni Myrttle.

"D*mn it!"

Buong prustasyong kalabog ni Hunt sa bakal na nakapalibot sa Arena. Bagay na ikinalingon agad ni Myrttle at ikinagulat nito ang mga galit na ekspresyon ng apat dahil sa nangyayari kay Angel of Death.

Ang totoo'y tila nasasaktan ang mga ito sa nangyayari. Si Myrttle at ang apat na hari.. Dahil malakas ang kutob ng mga itong napakalapit sa kanila ng lumalaban ngayon sa Arena.

Nagsimula naman muling sumugod ang Bull Gang kay Angel Of death at dahil sabay sabay ang mga ito ay hindi nila maiwasang kabahan.

But Angel of Death manage to throw three needles in the air dahilan upang mapabagsak pa nito ang tatlo pa.

Bagay na hindi maiwasang kamangahaan ng Reyna dahil sa ipinapakita nitong galing.

Ngunit tila nanigas ang lahat sa kanilang kinatatayuan ng malakas na tumawa ang dalawang natitira.

"Pano ba 'yan, wala ka nang bala."

Ani ng isa dito habang hawak-hawak ang lagayan ng throwing needles ni Angel of Death!

Mabilis itong ikinaalarma ni Angel of Death kaya naman mabilis din siyang lumayo sa mga kalaban nito.

Ngunit tila ikinalaglag ng puso ng lahat ng mabilis pang sugurin si Angel of death ng kalaban nito.

May hawak itong katana at walang pagaalinlangang hinawi sa damit ng dalaga.. Dahilan upang makita ang cleavage ng dalaga na ikinagalit lalo nila Hunt.

Humalakhak ito. "You are sexy." Isang mala-demonyong tawa ang pinakawalan ng dalawa.

Nagngalit ang bagang ni Myrttle sa nakikita ngunit dahil kailangan niya paring tapusin ang laban ay mahigpit niya nalang na hinawakan ang braso ng kanyang kanang kamay.

Hangang sa isang sigaw ang pumailanlang sa buong Arena.

"Stop it! Queen!!" Sigaw ni Hunt at kitang kita niya dito ang pagaalala.

"This is nonsense!!! Tigilan na natin ito!" Sigaw din ng binatang si Landon.

Bagay na gustong gusto na sana ni Myrttle ngunit dahil hindi maari ay marahas nalang nitong kinagat ang ilalim nitong labi sa gigil.

Hindi nito maaring baliin ang kanyang sariling utos. Kaya pikit mata nalang muli itong nanood hanggang sa isang garalgal na tinig ang ikinabasag ng puso nito.

"Please Queen!!" Garalgal na pagmamakaawa ni Blaise . Bagay na ikinatulala ni Myrttle.

Ngunit ang lahat ay nagulat ng isang pamilyar na sigaw ang pumailanlang muli sa Arena...

Bagay na lubos na ikinakaba ni Myrttle.

"No!"

And it was Angel of death. But this time her voice changed. Ang dating robotic na boses ay naging isang pamilyar na boses sa apat na hari at kay Myrttle.

Huli na ng malaman ni Myrttle na nabasag na ang espesyal nitong maskara...

Bagay na agad na ikapatak ng mga luha nito...

Dahil ang misteryosong babaeng hinahanggan niya... Ay isa pala sa mga kaibigan nito.

"Ki-Kiera."

Mahinang tawag ni Myrttle sa dalaga...

Continue Reading

You'll Also Like

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
233K 6.1K 59
She loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.