ETHAN ROMSAY
"S-Sino?!" Pilit at mahinahon kong tanong kay Hunt. Peron g tinignan lang ako nito na tila wala akong balak sagutin ay hindi ko na mapigil ang galit ko.
"Sino?! Sino ang nakita mong may gawa nito?!" Sigaw kong tuluyan na bumalot sa katamihikan ng buong klinika.
Lagi nalang siyang ganito! Lagi nalang niyang inililihim ang lahat! Dahil akala niya may magagawa siyang maganda kung ililihim niya! I know Blaise told me to calm down. But in this situation?!
HINDI KO NA KAYANG KUMALMA PA!
Sa sobrang inis ay agad ko na itong kinuwelyuhan dahilan upang marahas kong nailapat sa dingding ang kanyang likuran.
But damn it! Bakit wala parin akong naririnig na sagot!
"Bakit hinayaan mo pang masaktan si Ash! Bakit ka ganyan Hunt! Huh, Bakit?!" Sigaw ko pa sa pagmumukha nito.
All this time! All this time nakatunganga lang ito samantalang alam niya naman pala talaga nito kung sino ang may gawa! Huwag niyang sabihing may dahilan siya dahil WALA!! WALANG KWENTA ang dahilan na iyon kung nasaktan na si Ash! Wala!!
Nakakainis!! Nakakainis!!
Gusto kong sumigaw! Gusto kong magwala!! Pero kaibigan ko siya! At hindi ko siya kayang saktan!
"Ethan ibaba mo na si Hunt." Hawak ni Landon sa braso ko. I just gave him a glare but he just throw it back to me.
"I saw it, It's from Black bull Gang." Sa wakas nitong sagot dahilan upang tuluyan kong mabitawan si Ash.. Natulala ako sa narinig ko dito. Bagay na paunti-unting bumabaon sa utak ko na nagpapasidhi lalo sa galit ko.
Bakit...Bakit nila nagawa ito..
Nanginginig kong iniyukom ang palad ko na nauwi lang sa hawi ko ng paulit-ulit sa buhok ko papataas.
Magbabayad sila, Pagbabayaran nila to!!
"Enough."
Pagbabayaran nila 'tong kawalang hiyaan nilang 'to! Pagbabayaran nilang si Ash ang nagawa nilang i-frame up!!
Kaya pala, kaya pala nakuha pa nilang ngumiti matapos kong sapakin ang lalakeng bumato kay Ash dahil sila ang may kasalanan.
"AHH!!! "
Pagwawala ko at tuluyan nang nawalan ng kontrol sa galit ko. Mabilis kong sinuntok ang pader ngunit....ikinagulat ko ng pigilan ito ni Blaise....
"I said enough, Ethan."
Natauhan naman ako sa aking ginawa at tuluyang napabalik sa realidad ng mapatulala ako sa dumudugong kamay ni Blaise na ngayon ay kinababaunan ng aking kamao..
He stopped me, and now his hand are bleeding because of me. Nakadikit ito sa pader habang ang likuran ng palad niya ay sugat dahil sa lakas ng suntok ko. Napahampas ito sa pader ngunit hindi niya ito ininda.
"Hindi makakatulong ang hindi mo paghinahon. Dapat ay magpasalamat nalang tayo dahil nakita ni Hunt ang lahat. At least, alam na natin kung sino dapat ang pagbuntunan ng galit." His cold and serious look calms me down.
He may not be a perfect leader for us but he really knew how to handle us. He knew how to calm us down at hindi ito napagod na intindihin kami. I'm not mad at him when he says he will going to handle Jenny's case. Because we knew, that he had his reason. We trust him. At ang tiwalang ito ay sapat na para sa amin upang panghawakan.
I switched my gaze to Hunt and reach my hand to him. Dahil nakaupo parin ito sa sahig matapos ko siyang kwelyuhan.
"Hunt." Mahinahon kong abot sa kamay ko kasama ang aking nahihiyang ngiti.
He never smiles at us because it's a rare thing of him. But at least he reached my hands too.
" Sorry." Kamot ko pa sa ulo ko kasunod ng ilan pang awkward na tawa.
Pero ikinagulat ko ng pitikin ako nito sa noo.
"Freak." Akbay nito saakin sabay ang pagkutos nito.
Bagay na ikinahiyaw ko. "Oo na maliit na ako." Asar kong layo sa kanya.
Nakisali din naman si Landon at Blaise at kinutusan narin ako.
"Ikaw kwago ka napaka mo. Ang sakit sakit tuloy ng pwet ko!" Panggigigil sakin ni Landon habang kinukutusan ako.
Naitulak ko nga pala ito kanina.
"Warfreak." Natatawa namang kurot ni Blaise sa pisngi ko
Bagay na ikinadaing ko ngunit agad na nagalala ng maalala ko ang sugat nito.
"Teka Blaise 'yung kamay mo!" Nagaalala kong tanong dito.
Paktay na. Lagot ako nito kay Celine.
"Don't mind me, ang hina mo nga sumuntok 'e." Mayabang nitong patotoo na sinimangutan ko.
Mahina daw, 'e halos mabalatan nga ang kamao niya.
" Ako'y humihingi ng paumanhin sa nasaksihan ninyong lahat. "
We all shipped our attention at the LED screen provided by Crimson Clinic na nakakonekta sa Arena.
It's Queen Mizuki.
Hanggang dito ay rinig ang sigawan ng nasa labas. They all wanted to disqualified us on the game!!
"Enough!"
Pero ikinagulat namain ang sigaw na iyon ni Queen Mizuki. Dinig ko ang asar nitong tono pero ng ilapit pa ng lente ng camera kay Queen ay talaga namang kinilabutan ako sa mababagsik nitong mga mata.
Ang totoo'y napakapamilyar ng boses nito. Pero hindi rin ako sigurado kung nililinlang lang ako ng naririnig ko.
"Walang ebidensya na makakapagturo na si Ash nga ng Five Kings ang may gawa ng kaguluhan! And we are certain about it! Our watchers also knew that it wasn't Ash arrow!" Tangol nito kay Ash na ikinatuwa ko. "But for a fair decision I will disqualified Ash in the game. But the four kings must continue their battle."
Hindi ko na kailangang magalit kung matanggal si Ash sa laban. Dahil ikabubuti naman talaga niya ito. I should thank Queen Misuki for her fairness.
"And for the man who killed Benji of Hunters? You should run for your lives now. You break my rules, expect the taste of my punishment." Then she walked away elegantly.
"Let's Go." Ganadong aya ni Blaise saamin para sumabak muli sa laban. Ngiting-ngiti ang leader naming ngayon. Minsan nga naiisip kong may gusto siya kay Queen. Pero hindi ako boto dahil mas gusto ko si Ate Myrttle para sa kanya.
Gaya naman nito'y naglakad lang din kami papalabas ng Clinic ng may ngiti sa mga labi at umaapoy nga mga mata.
It's payback time.
MYRTTLE JOONG
Gusto kong puntahan si Ash!
Badtrip! Mukhang malala 'yung pagkakabato sa kanya. Ang daming dugo kanina!
Si Benji ay inasikaso na ng mga ka-myembro niya. I feel sorry for them, dahil hindi ko man lang matukoy agad kung sino sa Bull gang o Dark star ang may gawa niyon! They needed to pay for this big time! Buhay ang kinuha nila, kaya buhay din ang kapalit niyon!
Matapos ang aking anunsyo ay nagtungo na ako sa klinika ng Crimson Arena. Alam kong nandoon si Ash at gusto kong siguraduhing ligtas na siya. Pero sa aking pagpasok doon ay hindi ko inaasahang makakasalubong ang Five Kings...
"Queen Mizuki." Paggalang ng tatlong itlog na si Ethan, Hunt at Landin. Maliban lang kay Blaise na deretso lang na nakatingin saakin.
Sabagay, ano pa bang aasahan ko mula sa isdang kagaya niya?
Tss.. pasalamat talaga siya at kilala ko siya.
Pero ng salubungin ko ang tingin nito ay tila galit nanaman ito saakin.
Ugh! Ano nanaman ba?
Ang weird mo talagang isda ka.
Sa pagtitig niyang iyon ay hindi ko magawang hindi mailing. Kaya naman ako nalang ang unang umiwas ng tingin dito bago pa mapasama ang isdang ito sa harapan ng mga kaibigan niya.
"Ash room is on the left side of the Hallway. " Turo nito sa dereksyong sinabi niya. Napakalamig ng tono niyang iyon na agad kong ikinalingon pero ang kamay nito ang mas ikinaagaw ng atensyon ko.
Dumudugo ito at mukhang masakit ang pagkakagasgas nito.
Langya! Anong nangyari sa kamay niya!
Dahil sa inis ay hindi ko na ito pinatapos pa sa pagsasalita. Agad ko na itong hinawakan sa kabila nitong kamay at hinila patungo sa clinic.
Badtrip, ano nanamang kaengotan meron ang isang 'to!?
Lagi nalang walang kaalam-alam na may sugat siya!
SA pghila kong iyon ay nakakapagtakhang ni hindi ito umangal saakin.
Bagay na hindi ko na dapat siguro ipagtakha dahil kung alam niyang ako si Myrttle. Sigurado akong kakainin pa ako nito ng buhay.
When we finally reached one of the room ay ipinasok ko na ito. But still, wala parin akong naririnig na kahit na ano dito.
"Saan nanggaling iyan?" Seryoso kong tanong dito kasabay ng pagturo ko sa kanyang kamay. Agad namang dumating ang isang nurse para asikasuhin di Blaise.
But he answered me with his shrug na ikinabuntong hininga ko lang.
Badtrip ayaw pang sabihin. Ang tamlay ng ityura nito na lalo pang nakapagpainis saakin. Ang akala ba niya'y hindi ko parin sila pinaniniwalaan? Bingi ba ang isang 'to. Nakakailang sabi na ako na hindi si Ash ang may kasalanan ah?
"Nurse, please treat his wounds." Utos ko dito at umupo nalang sa kabilang kama.
Tss. Bakit ba kasi hindi ako marunong manggamot.
"Psh, Ano hindi karin marunong mag first-aid?" Natatawang bulong ni Blaise na ikinatigil ko.
"Ye... I mean no! Don't expect na ang reyna pa ang gagamot sayo!! " Pagpapaikot ko sa mga mata ko..
Ugh...Magaaral na ako mag first aid! TANDAAN MO ANG ARAW NA 'TO!
"Okay." Aba't! "Pero pwede mo bang pakibilisan? Hindi kasi ako pwedeng mawala doon." Seryoso nitong ani kay Nurse Yumi. Tumango naman ito kanya at binilisan pa ang pagkilos. Hindi siya katulad ng mga manyak na nurse sa School.
"Are you worried?" Sinsero kong tanong dito. Halata dito ang pagaalala dahil kanina pa siya hindi mapakali.
Pero hindi lang ito sumagot.
"Y-you know what, you don't need to worry. Ash will going to be fine so—" but I was interrupted by him.
"It's not only about Ash, I'm also worried for my remaining members. Hindi ko mapapatawad sarili ko kung may mangyaring masama sa isa pa sa kanila."
Natahimik naman ako sa sinabi nito. Hindi nagtagal ay natapos na si Nurse Yumi. Kaya naman tumayo na si Blaise at tumungo nang pintuan.
"Goodluck." Mahinang sabi ko ng padaan siya sakin na ikinatigil nito.
"We will going to win, my Queen. Thanks for this." Turo nito sa benda sa kamao niya. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod nitong ginawa.
Mabilis itong humarap saakin at....
"Gagalingan ko para sayo." Ani pa nito kasabay ng mabilis niyang pag-alis.
Pero ako'y naiwan lang na nakatulala habang hawak-hawak ang kanang pisngi ng maskara ko...
Blaise... Blaise kissed my mask c-cheeks...