HARRISON UNIVERSITY: The Scho...

By GHIEbeloved

13.9M 389K 66.2K

Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her... More

PROLOGUE
HUTSOM BOOK IS NOW AVAILABLE!
Chapter 1 : [Harrison University]
Chapter 2 : [ The Fountain]
Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]
Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]
Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]
Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]
Chapter 7: [ Mission Impossible]
Chapter 8: [ Forced decision]
Chapter 9: [ Unexpected Guest]
Chapter 10: [Identity]
Chapter 11: [ Revelation ]
Chapter 12: [ Officially Part of Harrison Rulers ]
Chapter 13: [ Confrontation ]
Chapter 14: [ Final Decision ]
Chapter 15: [ Choices ]
Chapter 16: [ New classmate? Hell!]
Chapter 17: [ Lady in the shadow ]
Chapter 18: [ Worried ]
CHAPTER 19: [ She's familiar]
Chapter 20: [ Alaine De Castro]
Chapter 21: [Second Crime ]
Chapter 22:[My Queen]
Chapter 23: [ Crimson Palace ]
Chapter 24: [ Myrko ]
Chapter 25: [ The Palace Queens]
Chapter 26: [ The Announcement ]
Chapter 27 [ Protect ]
Chapter 28: [ Her tears]
Chapter 29: [ Miesha ]
Chapter 30: [ Special students ]
Chapter 32 [ Arrow ]
Authors Note (PleaseREAD)
Chapter 33: [ Goodluck]
Chapter 34 [Behind the mask]
Chapter 35 [Her Side]
Chapter 36 [I'm Sorry]
Chapter 37 [ Unknown Feelings]
Chapter 38 [Twins]
Chapter 39 [Her other side I]
Chapter 40 [Her other side II ]
Chapter 41: [The mean Girls]
Chapter 42: [Slave]
Chapter 43: [Phoenix]
Chapter 44: [The Plan]
Authors 2nd Note ( Please read)
Chapter 45 [Guilty]
Chapter 46[She's Here]
Chapter 47: [Dayle Trinidad]
Chapter 48 : [Confuse]
Chapter 49: [Please, stay]
Chapter 50: [Worst than nightmare]
Chapter 51: [Death threat]
Chapter 52: [Unmask]
Chapter 53: [Trapped]
Chapter 54: [Im trapped again]
Chapter 54: [Paint]
Chapter 55: [Cloud Montague]
Chapter 56 [The Other Side]
Chapter 57(part I): [Bestfriend]
Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]
Chapter 58 [Comeback]
Chapter 59: [Unveiled]
Chapter 60 [The Game of Doom]
Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]
Chapter 62: [Special Students]
Chapter 63: [The Fall]
Chapter 64: [Wicked]
Chapter 65: [The Gift]
Chapter 66: [The Zone]
Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]
Chapter 68 : [ Wish Granted]
Chapter 69: [Me]
Chapter 70: [Glance]
EPILOGUE
Author's Note
HUTSOM SOON TO BE PUBLISHED UNDER PSICOM!

Chapter 31 [ The Queens Rule]

170K 4.8K 806
By GHIEbeloved

BLAISE HARRISON BLAIRE

Dahil sa pagka-excite ay iginugol ko sa pagaayos ng aking sarili ang natitirang mga oras bago ako tuluyang bumaba para kumain. Sobrang nasasabik na akong makita si Mizuki. Kahit pala napakadaming problema ang dumadating sa buhay ko ay may dadating parin para pasayahin ako. At si Mizuki iyon.

"Ipaghanda niyo na ng makakain si Young master!" Utos ni manang Ising sa ibang mga maids.

Habang naghihintay ay umupo nalang ako sa mahabang mesa. Isang lamesa na dati'y punong-puno ng saya pero ngayun? Napakatahimik nito. At lungkot ang bumabalot sa kainang ito dahil ngayo'y magisa lang ako. Ang hirap talaga ng wala si Celine sa bahay, mas nararamdaman ko ang lungkot, mas nararamdaman ko kung gaano tinakasan ng masasayang ala-ala ang lugar na ito...

Si Celine...

Si Celine nga pala?!

What the hell. Anong oras na? Bakit hindi ko pa nakikita si bunso?!

"Manang Ising, nakauwi na po ba si Celine?" Tanong ko dito. Ngunit kinabahan ako ng sagutin ako nito ng nagtatakhang ekspresyon.

"Hindi pa ba nag text sa inyo Young master? Hindi pa po siya umuu—"

"Goood evening Philippines!!"

Nabigla at napalingon agad kami ni Manang Ising sa bukana ng dining room ng ang sigaw na ito ay umatingaw sa buong lugar.

At ito ay ang napakaganda kong kapatid.

Si Celine Harrison Blaire.

Hubog na hubog sa kanyang mukha ang kagandahan ng aming ina. Ngunit ang ngiti nito ay sadyang naiiba. Ngiting nakakapagbigay buhay sa buong mansyon.

Gayunpaman ay sinalubong ko siya ng masamang tingin kasabay ng aking pagtayo at pagpamewang.

"At saan ka galing?" Pagtaas kong tonong tanong dito.

Ngunit imbis na matakot ay masaya lang ulit ako nitong nilapitan at inakbayan. Inakbayan, matapos niyang tumungtong sa isa pang upuan.

"Yahh! Ang panget mo nanaman kuya. Lumabas lang kami ni Kuya Myrko! My new friend hihihi." Sabay talon nya pababa at umupo na sa upuan ko.

And who the hell is Myrko?!

"At sino naman siya?" Walang gana kong tanong dito.

Kuya Myrko?! Bakit? Bago na ba ang kuya niya?! Ako lang dapat hindi ba?

"Well I just met him last week kuya. Wahh ang cute niya kuya. Ang sarap niya sigurong maging kapatid. Ang saya siguro kung magiging dalawa kayong kuya ko!" Tili pa nito na agad kong pinigil.

"Enough."

Ako lang ang pwedeng mong maging kuya Bunso. Ako lang...

Ikaw nalang ang natitira sakin Celine, at ayokong ibahagi ka sa iba. Hindi ako papayag!

"Kuya..." Tawag sakin ni Celine pero hindi ko lang siya pinansin. Umiwas ako sa kanya ng tingin at hindi na nagsalita pang muli.

Nagsimula nang dumating ang mga pagkain at nagsimula narin akong kumain. Buong hapunan ay walang nagsasalita samin hangang sa matapos na ako at tahimik lang ding inakyat ang kwarto ko. Maya-maya na ang laban. At kinakailangan daw naming magpunta doon sa hindi ko mawaring dahilan.

Magulo ang sinabing iyon ni Sakura sa email, but I still trust my Queen, I know she planned something good tonight.

"K-kuya." Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ng biglang may yumakap sakin mula sa likuran ko.

Celine...

"Ku-Kuya sorry na." Ngunit napaharap ako sa kanyang bigla ng marinig kong humikbi ito.

Sh*t!

Madali ko siyang nilapitan at pinunasan ang luha niya gamit ang kamay ko.

"Shhh stop crying please." Pagpapatahan ko dito at gaya ng lagi nitong ginagawa ay mas nilakasan a nito ang iyak niya.

Yahh !!

"K-kasi kuya galit ka parin." Hagulgol pa nito sakin na ikinasapo ko nalang sa aking noo.

Nice, nice, nice...

Kung may pinaka mahirap patahanin sa mundo? Si Celine 'yun. Pero iyon ay kung hindi mo siya alam patahanin. Agad kong kinuha ang isang lollipop sa bag ko. Well, lagi akong may ganito kahit saan ako pumunta para magpatahan. Dahil ito ang nagpapatahan sa kapatid ko. And basically, pati kay Ethan.

"Here just stop crying young lady."

Inabot niya naman ito at sinubo. Habang may tumutulo paring luha sa mata niya. Kaya inupo ko siya sa kama ko at lumuhod ako sa tapat nito.

"Look, Kuya's not mad at you." Pagkukumbinsi ko dito pero nakayuko lang ito at nilalaro ang lollipop niya.

"Ano lang kasi..."

Argh.. nakakahiya! Ano sasabihin ko na nagseselos ako?! No way! tatawanan nanaman ako nitong batang 'to. At habang-buhay na niya 'yung ikakantyaw sakin.

Peron ng tignan ako sa mata ni Celine ay tuluyan ko ng isinawalang bahala ito.

"Nagseselos kasi si Kuya." Nahihiya kong tuloy sa sinasabi ko. Napapikit ako ng mariin dahil inaasahan kong magiingay si Celine at aasarin ako. Pero ikinagulat ko ng isang yakap ang natanggap ko mula dito.

Wh-what?

"Sorry kuya, I didn't mean to hurt you. Sorry po kung napag-selos kita. Hindi ko po talaga sinasadya." Mahigpit pa nitong yakap sakin.

Bagay na ikinatulo ng luha ko.

I am crying again. Yeah I'm crying...

"Pero kuya h'wag kang mag-alala. Kahit kailan ay hinding-hinding hindi kita ipagpapalit! Ikaw lang ang nag-iisa at pinaka-gwapo at pinaka-mabait kong kuya sa lahat lahat lahat!" Masayang paliwanag nito sakin. Pinunasan ko naman kaagad ang luha ko ng tanggalin na nito ang pagkakayakap sakin.

"Pero sa usapang mabait. Medyo slight lang. Medyo masungit ka rin tapos moody." Tawa nito. " Pero madalas masungit. Pero medyo lang talaga."

Halakhak pa nitong pahabol. Napangiti naman ako dito at ginulo nalang ang buhok niya.

"Batang 'to talaga. Oh siya dito ka na matulog papatulugin na kita." Ngiti ko kay Celine. At masaya naman itong humiga sa kama ko.

Hinaplos-haplos ko lang ang buhok nito hanggang makatulog siya.

Your wonderful and joyful personality really changed me. You are like an angel of this house that gives life to it. At hindi ko alam kung ano ako ngayon, kung wala ka bunso. That's why I am always protecting you. Dahil alam kong ako nalang ang may kakayahang makagawa noon.

Hindi na ako aasa kay Edward, kay Daddy. Hindi ko alam kung bakit ka pa nakakangiti sa kabila ng napagdaanan natin. Sa kabila ng pagkawala ni Mom. Pero masaya ako, masaya ako dahil kahit na papano ay nakakaya mong harapin ng nakangiti itong mundong kinamulatan natin. At kung bibigyan ako ng kahilingan? Hihilingin ko nalang na sana ay hindi ka nalang sa ganitong pamilya namulat.

Hihilingin ko nalang na sana sa masaya at buong pamilya ka nalang inisilang. 'Yung pamilyang masaya, kahit hindi ganto karangya pero masaya. At kung bibigyan ako ng pag-kakataong mabigay sayo ang bagay na iyun ay gagawin ko. Kahit kapalit pa nun ay ang pagkawala mo sa tabi ko.

"I know I can't be a perfect brother for you Celine. But I promise...I'll do my best to make you happy."

Nang makita ko na itong mahimbing matulog ay tumayo na ako at naghanda. Kailangan ko nang pumunta sa lugar na pinagusapan namin kung saan kami mgkikita-kita.

* * *

Nang makarating ako sa tagpuan namin ay nagulat ako sa nakita ko.

Just Wtf?!

Kitang-kita ko lang naman ngayon sa ang isa sa mga hindi kapani-paniwalang bagay sa mundo!

Ash is laughing throughout his lungs.

Langya! Magugunaw na ba ang mundo at nagkaroon na 'yan ng emosyon?!

"The Hell was that bro? May sapi ka ba ngayon?!"

Bulyaw ko kay Ash na kanina pa kinukulit si Ethan na nakasimangot narin.

Inilibot ko naman ang mata ko sa kanilang lahat at nakita kong si Ash lang pala ang parang masaya dahil si Hunt, Landon at Ethan ay nakasimangot na akala mo ay na busted sila ng kung sino.

"Naku Boss kanina pa 'yan ganyan!" Inis na angal sakin ni Landon.

"Yahh. Ash naman eh." Asar namang sigaw ni Ethan kay Ash na kanina pa ginugulo ang buhok nito.

Agad ko namang nginitian ng nakakaloko si Ash at agad itong inakbayan. Bagay na nakapagpadali saaking ipitin ang ulo nito gamit ang akig braso. "Tama na nga 'yan Ash Taylor." Natatawa ko pang kutos dito.

" Mukhang may dapat kang ikwekwento ka samin ah." Asar ko pang dugtong kasabay ng tuluyan kong pagbitaw dito. Pero ang kanyang pagngiti ay talaga namang ikinakilabot ko.

Nag 'ow' naman ang ibang kasamahan ko dahil halata sa kanila ang pagkaasar sa inaakto ni Ash.

Pero matapos niyon ay pumasok lang siya sa sasakyan ng hindi man lang ako sinasagot! Langya!

Wala naman din kaming nagawa kung hindi ang pumasok nalang rin pero kakaiba talaga ang inaakto ng apat na itlog na ito!

"Hoy sabihin niyo nga! Bakit kayo nakabusangot dyaang tatlo at ikaw Ash ba't ngiting ngiti ka dyaan?!" Asar na tanong ko sa kanilang apat.

Ano hindi narin nila sasabihin sakin?! Kailangan kong malaman kasi ako leader nila!

Pero dumaan ang ilang Segundo ng wala paring nagsasalita.

"Wengya! Hindi nyo talaga sasabihin?! Isa!" Pagbibilang ko na dahil sa inis.

"Yah!! Oo na! Nakakainis kasi 'yung lalaking panget na 'yun! Inagaw sakin si Agata!" Asar na bulyaw ni Ethan sabay tingin sa bintana ng kotye.

Gusto kong matawa sa dahilan ni Ethan pero pinigilan ko mukhang matindi ang galit niya sa lalaki. Mahirap na, baka ako pa ang mapagbuntunan ni Ethan ng galit.

Tinuon ko naman ang mata ko sa kapreng katabi nito at tinaliman ito ng tingin.

"Ikaw Landon? Wala ka bang balak sabihin sakin?" Pagbabanta ko sa kanya. Napakamot siya ng batok at hinarap ako.

"Tsk, Oo na! Kainis din kasi iyung Linzy na 'yun! Naisahan ako! Akalain mong sipain niya ang birdi ko ng walang dahilan?! She even shouted na manyak ako kahit wala naman akong ginagawa sa kanya! Pinahiya niya ako Boss! Ang pagkalalake ko!!" Nanggigigil nitong sabi.

Kahit kelan talaga 'tong kapre na 'to napaka asar talo. Sigurado naman akong siya ang nanguna sa kanilang dalawa. Pero seriously? ngayon lang nagkaganito si Ethan at Landon dahil sa isang babae.

"Ikaw Hunt?!" Kalmado kong tanong dito.

Pero nag-kabit lang siya ng headphones at hindi nanaman ako pinansin. Bastos talaga 'tong batong 'to. Minsan mas masaya pa atang kausapin ang bato kesa kay Hunt.

Pero asa ka naman kasi Blaise na sagutin ka ni Hunt hindi ba? Isa siyang Spark kaya h'wag ka ng umasa!

Hinarap ko na si Ash na unang tumalikod saakin at nakita ko nanaman ang wirdong ngiti nito habang nakatingin sa labas ng bintana.

"'Eh ikaw Ash? Anong problema mo at may pangiti-ngiti ka na diyang nalalaman?" Asar kong tanong dito.

Sa totoo lang ay nakakairitang ngumiti si Ash. O sadyang hindi lang ako sanay sa inaakto niya? Nakita ko namang napatingin ang tatlong ito kay Ash dahil sa tanong ko.

"Ah. May Girlfriend na ako!" Masaya nitong pagmamalaki samin.

Para naman akong nasamid sa sarili naming laway sa sinabi ni Ash at sabay-sabay kaming napaubo ng hindi malaman.

Girlfriend?!

MYRTTLE JOONG

Nagsimula na akong maglakad sa gitna ng Crimson Arena. Ito ay kung saan ginaganap ang labanan at paligsahan ng Crimson Palace. At ang kaninang maiingay na tao sa paligid ay nagsimula ng tumahimik.

Sunod-sunod din at walang katapusan ang pag-flash ng camera. Bagay na ikinairita ko kaya naman masama ko nalang na tinignan si Paris na agad namang pinatigil ang lahat. Kinuha ko rin ang microphone ng naatasan kong maging watcher ng laban upang simulan na ang paligsahan.

"Good evening Ladies and Gentlemen." I greeted them politely and they all bow down at me. Kitang-kita ko rin ang kasabikan sa kanilang lahat kaya naman na-excite din ako sa kalalabasan ng mangyayari ngayong gabi. Dahil ngayong gabi ko rin malalaman kung sino ang makakasama ko sa Arena of doom.

I looked around and my lips form a playful smile when I saw the five king's sitting at their place.

"This competition will going to start after explaining all the rules and regulations. So listen carefully, because all of you are going to fight tonight." I smiled when I see how they react.

I heard their loud gasped. Na hindi ko na ipinagtakha pa dahil walang nakakaalam na paglalaba-labanin ko sila ngayong lahat. I know it is a stupid plan, but it is the only way to know who are the strongest.

"So here are the rules. The first rule will be given by Sakura." Ani ko kasabay ng paglabas ng Arena ni Sakura habang may tulak-tulak na dalawang malalaking cabinet. At oo siya lang ang nagtutulak 'nun.

At napakalakas nito para mabuhat ang cabinet na iyon na kinalalagyan ng lahat ng klase ng sandata, mapa-long range man o short range. Like Swords, Pole-arm, War-hammer, Sickle, Bow and Arrow, Staff, Battle axe, Mace, Ring sword, Dagger, Nunchuku, Katar, Sai, Axe, Katana, Swallow, Scythe, Add-chain, Halberd and all kinds of hand weapon.

"First rule. Isang klase ng armas kada isang tao. Isang klase lang ng armas ang kailangang piliin ng bawat isa sa inyo at hindi na ito maaring palitan sa gitna ng labanan. Kaya kung ako sa inyo ay pumili na kayo ng armas kung saan kayo magaling upang hindi kayo magsisi sa lahat." Pagpapatuloy ko pang paliwanag sa kanila.

Naging seryoso ang lahat sa pagkakataong ito. At ang masaya at excited na atmosphere kanina ay napalitan na ng kaba. Bakit nga ba hindi? Alam kong hindi biro ang makipaglaban miski-isa o baguhang myembro ng Crimson palace. Dahil alam kong malalakas sila. I should know, because I personally choose them. Me and my protector Paris.

"Second, I will going to divide the palace into two groups. The Crimson Blood and the Royal Blood. At maglalaban ng magkahiwalay ang mga nasabing grupo hanggang sa isa nalang ang matira sa kanila. The winning opponent of Crimson and Royal blood will compete in our final battle."

Pinakita ko ang list ng dalawang grupo na iyon sa big screen sa gitna ng Arena. Isa ito sa pinatrabaho ko kay Paris kanina. Ang paghahati-hati sa lahat ng myembro ng Crimson Palace. And im sure that they are distributed fairly.

"And the last rule." Buntong hininga ko. "You are not allowed to kill anyone." Huli kong paalala sa kanila kasabay ng pagbaba ko sa mikropono at nagsimula nang maglakad patungo sa upuan ko.

Tiwala ako sa mga itong matatandaan nila ang una kong rule na itinatak sa isip ng lahat ng myembro ng Crimson Palace. Ang pinaka mahalagang batas. Ang hindi pagpatay sa kapwa nila ka-guild. Dahil hindi ko ginawa ang palace na ito para magpalakasan. Ginawa ko ito, ginawa namin ito para maging organisado ang lahat. At para narin maiwasan ang gulo sa labas. Sa mga taong hindi naming kauri. Sa mga walang kaalam-alam na kami ay nageexist.

Way back years ago. Nang mga panahong itinatayo ko palang ang palace na ito ay hindi ito naging madali. Dahil ako mismo ang kumausap sa bawat myembro na naging kasapi ng Crimson Palace. Ako ang pumili, at ako ang naghanap.

Napatingin ako sa isang grupong nasa hinidi kalayuan saakin. Nakaupo sila sa bench na para sa mga manonood. Mga lalaking naka-black na leather jacket at white shirt ang mga ito. At sila ang Skull Crusher.

Isa silang patapon na gang noon. Isang hindi lehistradong gang na ang hanap lagi ay away at gulo. They were like four gorgeous young man sa isang highschool noon. Na walang magandang hangarin sa buhay. Basag ulo dito, basag ulo doon. But when I heard the news about them. Ay pinuntahan ko agad ang mga ito at ako mismo ang nakipag-basag ulo sa kanila. Sabi nga nila, if they cannot beat them, join them. Pero iba lang talaga ang pagkakaintindi ko sa kasabihang iyon. Dahil ang gusto nilang laban ang ibinigay ko sa kanila. Mahahangin silang apat noon. Pero ng kinalaban na nila ako't natalo ko sila ay agad na nilang nilunok ang mga hanging iyon.

~*~

Nakahandusay ang apat na nilalang sa sahig habang ako'y wala man lang kagasgas-gasgas.

"W-Who are you?" Tanong ng leader nila saakin. Tulad ng nararapat ay soot soot ko parin ang maskara ko para maitao ang pagkakakakilanlan ko.

"I am Queen Mizuki of Crimson Palace."

Magalang kong yuko sa mga ito at inabot ang kamay ko sa kanya.

"Badtrip ang lakas mo, Talaga bang natalo ako ng isang babae?" Natatawa nitong tanong at inabot ang kamay ko para tumayo. Itinayo ko rin naman ang tatlo pa nitong kasama.

"So what do you want?" Tanong ng isa pang myembro nito saakin. Na agad ko namang sinagot ng aking ngiti.

"I'm glad you ask about it." Ngiti ko sa mga ito.

"Isa lang naman kayo sa napili ko para maging bahagi ng Crimson Palace." Saad ko pa sa mga ito na tuluya nilang ikinalakhi ng mata. I can't blame them, my palace seems to be famous kahit na kakatatag ko palang nito.

"What if we refuse your offer?" Tanong sakin ng isa pang lalaki.

"Well that okay, nas ainyo din naman kung gusto niyong maging ganito nalang kaboring ang buhay. So... I'll take it as a no." Then I walk slowly while smiling.

But like what I am expecting. "Hey! Wait!"

I knew it.

"W-We're in!" Sabay-sabay pang sangayon ng apat.

~*~

Matapos niyon ay nagbago na ang Skul Crusher. At iyon ay isa lamang sa istorya kung paano ko itinatag ang pinakamalakas na guild sa apat na dibisyon, ang Crimson Palace.

Ito rin ang dahil kung bakit tiwala ako sa kanilang susundin nila ang lahat ng ipinaguutos ko. Dahil lahat sila'y natikman na kung paano magalit ang tinitingala nilang lahat.

Ngunit bukod sa kanilang angking kahusayan ay may isa pa akong sikretong pamantayan upang piliin ang sasali sa Crimson Palace. At ito ay ang pagiging gwapo, maganda, at may sapat na dahilan upang hangaan ng lahat.

It was a stupid idea but I just made it for the sake of my reputation between those three mean girls. The Queens.

Aba! Bakit ako pipili ng mga gangster na mukhang ewan hindi ba? Ano para pagtawanan ni Autumn, Aki at Kenzy?! No way! I'll make sure na hindi lang lakas ang laban namin sa kanila. Nasamin narin ang pinaka gwapo at pinakamagagandang goons sa lahat. Tss.. Ako pa ba?

Sa aking paglilibot ng tingin habang iniinom ang aking wine ay bigla akong nasamid ng magtama nanaman ang mga mata naming ni Blaise. Like what the hell ?! Bakit siya nakatingin sakin?! Nakakakilabot ito pero nakakairita na talaga ang inaakto nito kada nasa Crimson Palace.

Para itong nasasapian ng kung anong nilalang.

Pero teka!!

Did I say na lahat ng gwapo at magaganda ay nandito? Ugh...Blaise are also Crimsonians. I thing I need to replaced it, they are all gorgeous just except of this weird, annoying jerk...

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang laban.

Ang unang lalaban mula sa Crimson Blood ay ang Rank Nine na si Angel of death. Babaeng naka maskera na may purple na battle dress palobo ang palda nito ay hindi ganoon kahaba para hindi mahirapang makagalaw. Ang kalaban naman nito ay ang ang Iron Maidens. Isa ring gang na binubuo ng mga babae na binubuo ng siyam na myembro.

This is great. Magisa lang si Angel. Let see what you've got Angel of death.

Sa ilang sandali ay nagsimula na ang laban. Minabuti ko pang lumagok muli ng wine ngunit napatigil akong bigla ng sa ganoon ding kabilis na oras ay napabagsak ni Angel of death ang kanyang mga kalaban...

Continue Reading

You'll Also Like

23.9K 1.1K 11
Sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog sa puno si Lavender dahil nasira ang sangang tinutuntungan niya dito. Pagkagising niya mula sa pagkakahulog n...
209K 12.5K 70
Cold-blooded murder. A psychopath serial killer on the loose. Two of Eastwood's greatest detective agents in the same labyrinth of mystery. Time is r...
81K 2.7K 51
"Oww maglalaslas ka kuya pogi?" "OO" "Asige kuya pogi go kalang ipagchicheer pa kita pero walang sisihan pag sa impeyerno ka napunta ha" "Eh ano bang...
55.9M 987K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...