HARRISON UNIVERSITY: The Scho...

By GHIEbeloved

13.9M 389K 66.3K

Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her... More

PROLOGUE
HUTSOM BOOK IS NOW AVAILABLE!
Chapter 1 : [Harrison University]
Chapter 2 : [ The Fountain]
Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]
Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]
Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]
Chapter 6 :[ Meet the Rulers ]
Chapter 7: [ Mission Impossible]
Chapter 8: [ Forced decision]
Chapter 9: [ Unexpected Guest]
Chapter 10: [Identity]
Chapter 11: [ Revelation ]
Chapter 12: [ Officially Part of Harrison Rulers ]
Chapter 13: [ Confrontation ]
Chapter 14: [ Final Decision ]
Chapter 15: [ Choices ]
Chapter 16: [ New classmate? Hell!]
Chapter 17: [ Lady in the shadow ]
Chapter 18: [ Worried ]
Chapter 20: [ Alaine De Castro]
Chapter 21: [Second Crime ]
Chapter 22:[My Queen]
Chapter 23: [ Crimson Palace ]
Chapter 24: [ Myrko ]
Chapter 25: [ The Palace Queens]
Chapter 26: [ The Announcement ]
Chapter 27 [ Protect ]
Chapter 28: [ Her tears]
Chapter 29: [ Miesha ]
Chapter 30: [ Special students ]
Chapter 31 [ The Queens Rule]
Chapter 32 [ Arrow ]
Authors Note (PleaseREAD)
Chapter 33: [ Goodluck]
Chapter 34 [Behind the mask]
Chapter 35 [Her Side]
Chapter 36 [I'm Sorry]
Chapter 37 [ Unknown Feelings]
Chapter 38 [Twins]
Chapter 39 [Her other side I]
Chapter 40 [Her other side II ]
Chapter 41: [The mean Girls]
Chapter 42: [Slave]
Chapter 43: [Phoenix]
Chapter 44: [The Plan]
Authors 2nd Note ( Please read)
Chapter 45 [Guilty]
Chapter 46[She's Here]
Chapter 47: [Dayle Trinidad]
Chapter 48 : [Confuse]
Chapter 49: [Please, stay]
Chapter 50: [Worst than nightmare]
Chapter 51: [Death threat]
Chapter 52: [Unmask]
Chapter 53: [Trapped]
Chapter 54: [Im trapped again]
Chapter 54: [Paint]
Chapter 55: [Cloud Montague]
Chapter 56 [The Other Side]
Chapter 57(part I): [Bestfriend]
Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]
Chapter 58 [Comeback]
Chapter 59: [Unveiled]
Chapter 60 [The Game of Doom]
Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]
Chapter 62: [Special Students]
Chapter 63: [The Fall]
Chapter 64: [Wicked]
Chapter 65: [The Gift]
Chapter 66: [The Zone]
Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]
Chapter 68 : [ Wish Granted]
Chapter 69: [Me]
Chapter 70: [Glance]
EPILOGUE
Author's Note
HUTSOM SOON TO BE PUBLISHED UNDER PSICOM!

CHAPTER 19: [ She's familiar]

158K 5.1K 879
By GHIEbeloved

MYRTTLE JOONG

Napadilat akong bigla nang marinig ko ang hindi inaasahang bagay. Nanlaki din ang mga mata nito na tila ba maging siya ay nagulat sa sinabi niya.

"Say what?!" Gulat kong tanong kay Blaise.

Bigla naman itong namutla na parang hindi alam ang gagawin.

"W-What? May sinabi ba ako sayo?!" Sigaw rin nito sakin.

Aba't siya pa ang galit?!

"May sinabi ka! Hindi ako bingi!" Sigaw ko pa ulit dito nang isang nurse ang pumasok sa silid ko ngunit hindi ito napansin ni Blaise.

"Baka guni-guni mo lang 'yun! Dyaan ka na nga!" Galit pa nitong bulyaw sabay alis at binangga pa 'yung Nurse ko.

Tsk! Barumbadong bata!

Nakita ko naman ang pagkagulat nung Nurse sa ginawa ni Isda. I think she's 30+ years of age but she looks like a goddess! Ang ganda niya!

"Hey, are you okay?" Pagaalala kong tanong dito.

Natauhan naman ito ng marinig niya ako na hindi kalaunan ay sinagot niya ng isang ngiti.

"Umh, yeah I'm fine. Pwede ko na bang linisin ang sugat mo?" Kalmado nitong pagtatanong saakin.

At ang cool nun! Lalo din akong naastigan sa kaniya ng tamaan ng sinag ng araw ang buhok niya. It's burning red! Mas matingkad ang pagkapula nito kaysa saakin. At sa nakikita ko'y natural din ito!

"H-Hey?" Kalabit din nito sakin na nakapagbalik sakin sa realidad.

"Ah, Opo." Tango ko dito.

Tinanggal nito ang gasa sa sugat ko at napatulala sa sunog na natamo ng braso ko. Naging blanko ang ekspresyon ng mukha ng babae kaya takha lang akong napatitig dito.

"May problema po ba?" Magalang kong tanong.

At bakit ko siya ginalang? Ewan. Ewan ko ba, parang ang sarap niya kausapin. Siguro dahil ang cool niya kasi.

"Ah wala, ang lala kasi Iha. Mind me to know kung bakit ka nakakuha ng ganitong damage?" Mahinahong tanong nito.

" Ummh. Wala po iyan. Talagang clumsy lang ako." I lied

"I see. So let's start." Blanko nito saking paalam na akala mo'y hindi kumbinsido sa sinasabi ko.

Sinundan ko lang ito ng tingin habang kumukuha ito ng gamot sa medical kit niya.

"'Yung lumabas kanina. Is that your boyfriend?"

Tila nabilaukan naman ako sa sarili kong laway ng ngiti niya itong itanong saakin.

B-Boyfriend?!

"Yuck! Hindi po!" Protesta ko dito. Bahagya akong napaangat sa unan ko pero pinigilan niya ito.

"Ow? So what's with 'Don't make me worried again'?" Pangagaya pa nito kung paano sinabi ni Blaise ang mga katagang iyon. Ikinakunot naman ito ng noo ko. Pero bakit feeling ko ang init ng mukha ko? Anong nangyayari!

"Kasaltikan lang po ang lahat ng iyon Miss Nurse. May saltik kasi talaga 'yong lalaking 'yun. Ang lakas ng tama sa utak! Pagkatapos akong away-awayin saka siya magsasalita ng ganun? Kabaliwan! Grr. Ang sarap i-ihaw ng buhay!" Protesta ko dito habang abalang-abala siya sa paggagamot sakin.

Natawa naman ito sa sinabi ko.

At para bang napatigil ako ng makita ko ang pagtawa niya.

Dapat akong magalit ngayon dahil sa pagtawa nito. But her laugh, her laugh is like a melody in my head.

ALEXANDER MITSUO

UGH!! Ang sakit sa ulo ng report na 'to. Hindi ko mahanap kung nasaan!

I'm still searching for a book here at the school library. Badtrip naman kasi 'yung matandang Davian na iyon! Trip na trip akong utusan!

Tsk, kung nandito lang siguro si Myrttle natulungan na sana ako 'nun.

Myrttle...

Napabuntong hininga nalang ng maalala ko nanaman ang kaibigan kong iyon.

Mula ng masama siya sa grupong 'yun ay hindi na niya kami nakakausap. Ang bakla neto pero namimiss ko na 'yung batang 'yun kahit na napakawalang kwenta niyang kausap.

Napatigil naman ako ng mag-vibrate ang cell phone ko. Ngunit ng makita ko kung sino ito ay bigla nalang akong napatayo at tuluyang lumabas.

Shenny <3 calling...

Napangiti ako ng makita ko ang pangalan niya. Okay just to be clear, hindi ako ang naglagay ng Heart na 'yan sa pangalan ni Shenny sa phone ko..

It's Myrttle. Noong panahong tinutukso niya kami sa isa't-isa.

Samantala ay gumuhit ang magandang ngiti sa labi ko ng sagutin ko ang tawag nito.

"Hello Shenny grabe ka miss mo na agad ako?" Loko ko dito pero ako kasi miss na kita..

" Xander si Myrttle."

Kinabahan naman akong bigla ng marinig ko palang ang basag na boses ni Shenny.

Anak ng Anong nangyari kay Myrttle!

* * *

Nakayuko lang akong lumalakad ngayon sa ospital kung nasaan si Myttle. Badtrip. Bakit sa dinami-dami ng ospital ay sa Ace Hospital pa! Kung hindi rin naman badtrip 'to oh!

At nang makarating na kami sa kwartong itinuro ng nurse ay parehas na nangunot ang noo namin ni Shenny ng makarinig kami ng mga tawa.

"Tapos po ano ng nangyari?" Rinig kong tawa ni Myrttle na rinig hanggang dito sa labas ng pinto ng silid niya.

Seriously? Si Myrttle tumatawa?

"Pagtapos niyang mapahiya, hinila niya ko palabas ng canteen. At umiyak saakin ng parang bata. Kung makikita mo lang ityura ng lalaking 'yun matatawa ka talaga." Isang pamilyar na boses ng babae na nanggagaling din sa kwarto ni Myrttle.

Kanino ko nga ba narinig ang boses na iyon?

At dahil sa kuryosidad ay tuluyan na kaming pumasok ni Shenny sa kwarto ni Myrttle.

"Myrttle anong pinaggagawa mo sa sarili mo! Ba't ka nagkapaso! Sinong may kagagawan niyan!" Galit na sermon ni Shenny habang pumapatak ang luha nito.

"Where are the rulers? They should be responsible for this. Tapos wala sila dito?" Walang gana ko pang tanong sa kanya. At tuluyang nakita kung sinong kausap ni Myrttle. Isa itong nurse.

Na....

Teka pamilyar ang mukha niya.

"Hello po ate. Nagkita na po ba tayo?"

Tanong ni Shenny dito na ikinayuko niya.

Tama ka Shenny pamilyar siya.

"Tingin ko'y nagkakamali lang kayo." Tangi nito na may pagiling pa

"Young lady I have to go. May iba pa akong pasyenteng aasikasuhin. Bye." Pagmamadali naman nitong paalam na nakakapagtakha.

Pero bago ito ay hinaplos niya muna ang buhok ni Myrttle na tila gusting-gusto ang kanyang ginagawa. Tumango naman si Myrttle dito kasabay ng kanyang napakamadalang na ngiti. Tuluyan nang nakaalis ang babae pero ang ngiti sa labi ng kaibigan namin ay nananatili.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyaan babae ka?" Galit na suway ni Shenny dito.

Kumunot naman agad ang noo ni Myrttle na napalitan ng ngiting kaduda-duda.

"Tara nga kayo, dali sasabihin ko ang dahilan." Seryosong pang sabi ni Myrttle na agad naman naming sinunod.

Then she pokes our forehead. Like what I'm expecting!

"Aray!!"

"Yahh!!"

"'E, ang OA nyo naman kasi! Lahat kayo OA! " Iritang nitong bulyaw saamin.

Ngunit nawala ang atensyon namin sa kanya ng biglang bumukas ang pinto at napatingin kaming lahat doon.

"Atee Myrttleee."

"Myrttleeeee Lala—"

But he stopped when our gaze met.

Wait...Landon?

MYRTTLE JOONG

Dumating ang mga Rulers sa silid ko upang manggulo. Ngunit pansin ko ang pagiisawan ng kapreng ito at ni Xander. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung anong problema nila sa isa't-isa.

But at least nabawasan ang maingay. Hindi tulad ng dalawang taong katabi ko ngayon na halatang magkasundo na.

"Wahh! Kurutin niyo ako! Kurutin niyo ako! Hindi ko inaasahan na makakasama ko kayo wahh—Aray" Tigil at daing ni Shenny ng kurutin nga siya ni Agata.

Sinamaan naman si Agata ng tingin ng lahat maging si Xander na agad na nilapitan si Shenny para protektahan. Hindi pala gusto huh? Pero kung makaprotekta wagas.

"What? You asked me to pinch you? So I did." Inusente nitong tugon kasabay ng kanyang pagngiti kay Shenny.

Adik na bata. Sabagay, may punto nga siya.

"Wahhh Agata! Pa selfie! dali na dali!" Pangungulit ni Shenny dito.

"Okay-Okay but please lower your voice." Ngiwing pigil ni Agata dito.

Gusto ko sanang tumawa pero mahapdi talaga ang braso ko.

"Ate Myrttle alam mo bang alalang-alala ako sayo?! Akala ko mawawalan nanaman ako ng ate. Paano kung hindi ka na makalabas doon? Paano kung nasunog ng tuluyan 'yung katawan mo? Pano pag ni—Arayy" Napatigil naman si Ethan agad ng pitikin ko din siya sa noo.

Isa pa 'tong batang ito 'e. Humaba naman ang nguso niya habang hinahaplos ang noo nito.

I decided to make myself comfortable with them. Hanggang hindi naman nila alam na ako ang may kasalanan ng pagkawala ng ka-myembro nila ay wala akong dahilan para lumayo hindi ba?

At kung aalis man ako...hindi iyon ngayon.

Kailangan ko pa siyang hanapin bago ako dumistansya sa mga taong ito. Kailangan ko munang hanapin si Dayle bago ako lumayo. Paglayo, dahil alam kong kapag nanatili pa ako sa tabi nilang lahat ay ikakapahamak lang nila ito. Si Dayle, mapapahamak nanaman ito dahil sa kagagawan ko.

"Shhh. Don't worry about me Ethan. Malayo sa bituka 'to." Ngiti ko dito na sinagot niya naman din ng isang matamis na ngiti.

Pero natakam ako ng bigla itong maglabas isang ng flat lollipop na may iba't-ibang kulay.

Ugh.

"I'm glad ate." Ngiti nito kasabay ng walang pakundangan nyan tapik sa kamay ko habang lasap na lasap ang lollipop na nilalapang niya. Bagay na nakapagpatakam pa lalo saakin.

"Ummh Ethan? May isa ka pang ganyan?" Hindi ko na mapigilang tanong. Nakakahiya man pero pinilit kong hinaan iyon upang hindi marinig ng lahat na abalang-abala kay Shenny ngayon.

Ilang oras na ba ang lumipas? Nagugutom na ako at gusto ko ng matamis!

"Wala na ate." Malungkot nitong sagot sakin. "Bakit gusto mo?" Habol pa nito.

Nalungkot naman ako dito kaya kagat-labi ko nalang na iniwas ang tingin k okay Ethen.

Gusto ko ng lollipop. Gusto ko ng matamis...

"Here."

At tuluyan namang nanlaki ang mata ko nang isang lollipop na kagaya ng kay Ethan ang tumambad sa harapan ko. Hawak-hawak ito ni Hunt na may mukhang seryosong-seryoso.

At hindi ko nanaman ito alam kung saan ito nanggaling. Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung siya ba talaga ang bagong bersyon ni Doreamon.

"T-Thanks"

Mahina kong pasalamat dito. Kahit nahihiya ay kinuha ko nalang ng mabilis ang lollipop na hawak nito.

Pero seryoso talagang tanong. Bakit lahat nalang ng kailangan namin nakakaya niyang ibigay? Ano bang meron sa bulsa niya?

"Kyahh! Landon Ace! Alam mo bang crush na crush kita?!" But I rolled my eyes heavenward when Shenny scream again.

Tsk. Kung minsan ang hirap ding akuin na kaibigan ko siya. Nakakawala nang dignidad.

Sa pagkakataong ito ay si Landon naman ang kinukulit ni Shenny. Napatingin naman agad ako kay Xander upang kumpirmahin ang isang bagay. At tama ako ng hinala dahil masama na nito ngayong tinitignan si Shenny na wala namang pakialam sa kanya. Bagay na nakita ko ring napansin ni Landon ngunit mas ipinagtakha ko ng makita ko nanaman ang ngiti nitong nakakaloko. Iyong parang walang magandang gagawin?

At ikinagulat naming lahat ng biglang naalang halikan ni Landon si Shenny sa kamay nito.

"It's so nice to hear it from you. Beautiful lady." Malandi nitong puri kay Shenny. Na halos ikasunog ng mata ko!

Gulat na gulat naman ang ekspresyon ng kaibigan ko at pulang-pula pa ang matatabang pisngi nito. Tsk!

"So anong pangalan mo magandang binibini?" Dugtomg pa ni Landon.

Takte,kinikilabutan talaga ako sa kalokohan ng kapre na ito! He should stop right now bago ko pa siya mabato ng mansanas na nasa tabi ko.

"I'm S-Shenn—Hey!!"

Pero napatahimik kaming lahat ng hablutin ni Xander si Shenny mula dito. Inaasahan ko naman talaga ang eksenang ito but not this pass. Pfft. Possessive kid.

"Myrttle!" Tawag sakin ni Xander kasabay ng pagtingin sakin nito ng makahulugan. Agad naman akong tumango dito na hudyat upang tuluyan na siyang lumabas.

"Tsk." Palatak ko na nakabasag sa katahimikan ng lahat.

Masama ang tingin ng mga rulers kay Landon na nakangiti lang namang tumitig sa pintuang nilabasan ng kaibigan ko.

May saltik din itong kapreng 'to.

"So that's my beloved cousins' girl huh? Nice." Sabay kabit nito ng kanyang headphone at hindi na kami pinansin.

Pero teka? Pinsan niya si Alexander?! Totoo?! So si Landon ang sinasabi ni Xander na napakapangit niyang pinsan? Pfft. That kid.

Naagaw naman ang pagtitig ko kay Landon nang muling bumukas ang pintuan ng kwarto at niluwa nito si Blaise...pero hindi pala ito nagiisa.

Teka?! Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?! Siya 'yung baliw na babae sa nasusunog na building kanina ah!

Continue Reading

You'll Also Like

Dysfunctional By Zamiel

Mystery / Thriller

88K 5K 61
A girl who can see the death of whomever she touches or touches her. A boy who she cannot see his death even when he touches her. Meet each other's...
692K 48.2K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
3.2K 16 1
It was fast. It was unexpected. I didn't see it coming. The moment I took a step on that school. My life totally changed. And when things are getting...