The Elite Men Empire Series:...

By iAMsaphirah

563K 16.4K 239

Zeus Venson Querubin Tyrell Yes... The high and mighty Zeus. Discreet. Precise. Unpredictable. And ve... More

Chapter 1. Shoes...
Chapter 2. Don't freak out!
Chapter 3. Me...
Chapter 4. Agreement.
Chapter 5. What the hell?!
Chapter 6. Grand Opening
Chapter 7. The rest of the night.
Chapter 8. The next day.
Chapter 9. Catch me...
Chapter 10. Engaged?
Chapter 11. The Twins.
Chapter 12. Dinner
Chapter 13. The Tyrell Temper.
Chapter 14. Rejections.
Chapter 16. BHR.
Chapter 17. Indifferences.
Chapter 18. Cold War.
Chapter 19. Krak!
Chapter 20. The Plan.
Chapter 21. Lovebirds?
Chapter 22. Date.
Chapter 23. The Ruby Spell.
Chapter 24. Missing.
Chapter 25. Love, love, love...
Chapter 26. I trust you...
Chpater 27. Agony.
Chapter 28. Revelation
Chapter 29. Answers.
Chapter 30. Refuge.
Chapter 31. Frustration.
Chapter 32. Sweet voice...
Chapter 33. He's sick.
Chapter 34. Hurt.
Chapter 35.The next morning. . .
Chapter 36. Face-to-face.
Chapter 37. Reconciliation
Chapter 38. From Afar...
Chapter 39. I wished...
Chapter 40. Jealous
Chapter 41. Yes...
Extra Scoop.

Chapter 15. Second thoughts.

12.5K 361 2
By iAMsaphirah


"Sungit..." nasambit ko habang tanaw ang papalayong sasakyan ni Z.

Pumasok na ako at pumanhik sa second floor. Naghilamos, nag-toothbrush, nagshower at sa wakas ay nahiga na sa malambot na kama.

Pero heto na naman at hindi na naman ako dalawin ng antok.

"So don't say that it was just a kiss because I give a damn about it and I never felt this way to anyone before."

Goodness...that was his confession.

Pero hindi ko alam kung anong pakikinggan ko. Ang puso ko ba na alam na ang sagot sa nararamdaman ko, o ang isip ko na nagsasabing huwag pairalin ang bugso ng damdamin?

Sa bandang huli, nagmatigas pa rin ako...

But later that night, I just realized na masyado akong nagpadala sa grudges ko.

I do hate only one person pero hindi ko maiwasang idamay ang lahat ng alagad ni Adan.

It wasn't Z's fault...

Pero masisisi ba niya ako?

Napansin kong nag-iba ang aura niya pagpasok pa lang niya sa lanai.

He became cold and indifferent...kaibang-kaiba kaninang sunduin niya ako sa cafe.

May kinalaman kaya ito sa naging takbo ng usapan namin kanina?

He just confessed! And I didn't know how to put it nicely dahil kung alam lang niyang parang tambol ng libu-libong drums ang tunog ng puso ko kanina, baka bumigay na ako.

"Forget about it..."

Parang nagsisisi tuloy ako na sinabi ko 'yon dahil kabaliktaran niyon ang nararamdaman ko.

Am I having second thoughts?

But what did I expect?

Sa tingin mo magiging malambot pa rin ang pakikitungo niya sa'yo after you pushed him away?

You just rejected him!

You've hurt his male ego!

Tapos ngayon, disappointed ka dahil ni hindi ka man lang nakapag-moment kasama siya?

Aayaw-ayaw ka tapos hahanap-hanapin mo pala?

Anong ka-shungahan yan?!


Ugh.

Totoo nga siguro ang linya sa isang kanta...

"You'll only miss the sun when it starts to snow..."


Bakit ba kasi ipinanganak kaming mga babaeng sobrang pakipot?

But we do have the right to do that...

After all, sino ba ang mas mahihirapan kung sakaling magkamali kami sa pagpili ng lalaking mamahalin namin?

Paano kung pinaibig lang pala kami at iiwan din sa ere?

Kung ang pagpapakipot lang namin ang tanging paraan para makilatis at makita namin ng husto kung sino ang nage-effort at worth-it na mahalin...bakit hindi?

Ano bang ipinaglalaban ko?

I don't have to justify myself!

Bakit ba ako nagpapaapekto sa lalaking 'yon?

He's the Tyrell's son, for God's sake! Why would he even waste his time for me?


"Miss Ruby..."

Tzk.

Nakakainis siya.

Nakakainis siya dahil tinawag niya ako sa casual na paraan.

"Goodnight, Red..."

Red...

I liked the way he spoke those words noong gabi ng party.

Bakit ba hinahanap-hanap ko ang ka-sweetan niya sakin?

Mabuti na nga iyong nakuha na niya ang hint na hindi ako interesado sa pakikipagrelasyon.

Whooh! Sige, magsinungaling ka pa sa sarili mo, Ruby...


Tss.

Mas mabuti na siguro 'yong ganito, ang umiwas-iwas muna sa mga pagi-pag-ibig na 'yan, ako na ang nai-stress sa kakaisip.

Mas mabuti na rin 'yong siya na ang kusang maglagay ng distansya sa pagitan namin dahil kung hindi ay malamang na magpatianod na naman ako sa nararamdaman ko.

Ayokong masaktan.

Takot akong masaktan...

Lalung-lalo na kapag mahal ko ang taong magiging rason para masaktan ako.

Takot akong sumugal...

Hindi lahat ng lovestory ay nauuwi sa happy ending...marami ang nauuwi sa hukay.

Ah! Matulog ka na Ruby!


TOK. TOK. TOK.

Tzk.

Parang 30 minutes ko pa lang naipipikit ang mga mata ko...

TOK. TOK. TOK.

Umaga na ba 'to sa lagay na 'to?

TOK. TOK. TOK.

Tss.

I hate mornings...

TOK. TOK. TOK---

"HOY RUBY GONZALES! ALAS-OTSO NA NG UMAGA! HUWAG MONG SABIHING NAKAHILATA KA PA RIN DIYAN?!"

Tzk.

Boses iyon ni Dove.

Kailan pa 'to dumating galing Paris at ako na naman ang unang-unang magdurusa sa pagdating niya?

Narinig ko ang pag-unlock ng pintuan, malamang na kunuha niya ang duplicate key kay Twix.

Gusto ko mang tumayo pero mas hinihila ako ng kama, parang ayaw nitong mawalay sakin...ayaw niya akong pakawalan...kaya ayoko siyang iwan..

"Madre Mia! What is the meaning of this?!" maarteng entrada ni Dove papasok sa kwarto ko.

Kahit nakapikit ang mga mata ko ay hindi ko na kailangang idilat iyon para makita ang kaartehan ng pinakamamahal naming bakla, dahil nakaukit na sa isipan ko ang eksaktong guhit ng facial expressions niya.

"Rub...you okay?" narinig kong tanong Cheese na naramdaman kong umupo sa gilid ng kama.

"Hmmm..." tanging nasagot ko na lang dahil pati bibig ko ay tinatamad pa yatang bumuka dahil nga inaantok pa ang buong sistema ko.

Kasalanan mo, Z...

I couldn't sleep because of you...

"Bruha! Bumangon ka na't marami tayong pag-uusapan."

"Utang na loob, Dove, napakaraming problema ang Pilipinas bukod sakin..." pilit na sagot ko.

"Z."

Napamulagat ako bigla at napabalikwas ng bangon. Bigla akong nataranta at dali-daling tumayo saka hinanap sa paligid si Z.

Dove was leaning against the wall with his hand on his waist samantalang si Cheese naman ay prenteng nakaupo lang sa couch at si Twix naman ay ngingiti-ngiting nakatayo lang sa may bukana ng pinto.

No sign of Z..

"Oh ngayon, ang huling letra ng alpabeto lang pala ang makakapagpahiwalay sa inyo ng kama mo." litanya ni Dove

Shit!

I reacted so stupidly.

Tangina...hiyang-hiya ako sa inakto ko.

"Maligo ka. Ang laki-laki ng eye-bugs mo, parang itiambak mo lahat ng yaman mo sa ilalim ng mata mo."

"Dove, why so harsh? I'm sure we'll have a good talk later." natatawang singit ni Cheese.

"Yes, so why don't we give Ruby a little extra time to freshen up?" nakangiting singit naman ni Twix

Tzk...

Kasalanan talaga 'to ng lalaking 'yon...

"I'll just take a shower."

"We'll be at your kitchen." sabi ni Dove at nag-exit na.

"Goodluck..." kindat sakin ni Twix

Cheese just smiled and shrugged her shoulders.

Naiwan naman akong nakatanga lang.

What the hell just happened?

Did I just let my friends know kung gaano ako ka-obvious?!

Did I just put myself into an interrogation?

Shit!

Hindi na naman ako tatantanan ng tatlong 'yon.

Ah!

Bakit ba kasi hinayaan kong guluhin ng lalaking 'yon ang mundo ko?

Damn it.

Sa kawalan ng magagawa ay kumilos na lang ako para maligo at nang matapos na ang araw na 'to.

Malamang na nakasagap na sila ng kung anu-anong tsismis.

Naligo na ako't nagbihis at nang maharap ko na ang tatlong nabungaran kong nagkakape sa kusina.

"Sit." itinuro pa ni Dove ang upuan sa tabi niya.

Tumalima naman ako.

"Dove, you forgot about the donuts." si Cheese

"Oo nga, I've been craving for those." si Twix

"Bakit, wala ba kayong donuts sa cafe?"

"Wala. Cookies, cakes, muffins, pancakes, fruits at truffles lang ang meron kami. We're still experimenting about some other stuffs." bored na sago ko.

"Hmmm...at ano naman itong fiance-fiance na nasagap ko?" nakataas ang kilay na tanong ni Dove

Hays.. Heto na tayo...

"They're just rumors."

"I've told you about those two guys at the party, Dove." si Cheese

"So...it started there?"

"Oo, Enrico. At sinasabi ko na sa'yo, tantanan mo na ako. I had enough of Twix and King's teasing."

"Ano na naman ang ginawa namin? It's not even a bad thing that you and Z are...well, I don't know what's with you two but we all think that you look good together."

"Ugh. Are we really going to talk about this right now? Cheese, you're supposed to back me up. You hate men as much as I do."

"Nah...been there. Twix didn't listen to me and look how happy she is." saka casual siyang humigop ng kape.

"Korek! Alam mo, hija, you should have seen your face when I mentioned 'Z'. It didn't look like you hate him." nag-uuring tingin ni Dove

"I...have...reasons to...uhm...hate him."

"If you have grudges on a single person, it's so unreasonable to include him in your Hate List. Don't you think it's unfair for the guy to receive such attitude from you?" si Twix

"Basta ako, I'm not saying na magpadala ka sa feelings mo but...pushing him away won't make your life easier...especially now that you have feelings for him." si Cheese

"Wait...how can you say that I have feelings for him? And how did you know all of these?" litong tanong ko

"We've been away for a long time pero hindi po kami outdated." si Dove

Doon ako napalingon kay Twix na nakangiting iniwas ang tingin niya at ibinaling sa kisame.

"Twix...?"

"Actually, it was King..." si Cheese

"What?!"

"Dove skyped one time at kinumusta ka kung isinusuot mo ba daw ang mga damit sa closet mo. King was too excited to mention Z and...everything about you two. And so here we are..." natatawang sagot ni Twix

Napasapo ako sa noo ko.

Dyusko Lord...may ka-tsismosahan pala ang mga lalaki. Pero sandali...

"How did King---"

"You should know that by now. Men have boys' talk too." si Cheese

Ah!

"Fine. Now that you know everything, ano pa bang pag-uusapan natin?"

"Now that's a good question, dear...because we are going out of town for the weekend!"

"Where to?" nakakunot ang noong tanong ko.

"Dumating na sila Ellah galing Maldives and she's inviting us to spend our weekend sa BHR as guests." sagot ni Twix

"Ah yes... I want to relax..." si Cheese

"At mag-empake ka na dahil aalis na tayo ngayon din."

"Sandali nga...paano ang cafe? At bakit naman tayo aalis agad?"

"Everything is settled. May manager tayo, remember? Minsan lang din naman tayong maglalakwatsa together."

Nag-aalinlangan pa rin ako pero deep inside, excited ako.

Ok lang siguro magrelax ako ng kaunti para naman hindi ako natotopak sa gabi kakaisip.

"So...hihintayin pa ba nating maubos ang kape ko bago ka kumilos at mag-empake?" pagtataray ni Dove

I rolled my eyes.

"Sige na nga!" at tumayo na ako para ihanda ang mga gamit ko.

Tss...

Sana lang, may magandang maidudulot ang bakasyon na 'to...

Continue Reading

You'll Also Like

101K 2.4K 52
| ๐˜ง๐˜ง7 ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฆ (๐˜ค๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฅ ๐˜น ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ) | A story about twins Gainsborough's whose world turned against them. Being the only descendants of...
157K 4.6K 199
COMPLETED Alternate Title : ็ฉฟๆˆๅๆดพๆ€ป่ฃๅฐๆƒ…ไบบ[ๅจฑไนๅœˆ] Author : ๆž—็›Žๅธ Ji Qingzhou crossed into a book of dogblood scum and abuse. There were two choices in front o...
221K 6.5K 34
[LGBT+ Romance, BoyxBoy] "Oh my god! Can you just shut the hell up?!" The man sneered. Alexander smirked, having a mischievous glint in his eyes. "...
61K 2.3K 27
*COMPLETED UNDER EDITING* (Y/N) (L/N) is a successful attorney who thinks she has her life together, living with her wonderful boyfriend and fighting...