Chapter 21. Lovebirds?

8.1K 278 2


Alas-kwatro na ng hapon...

Nakaupo lang ako sa picnic chair at kumakain ng buko salad mula sa isang bowl habang nakatanaw sa mga kasama kong masayang nagtatampisaw sa ilog.

Nakabalik na ang mga lalaki mula sa treking nila at hindi na rin sila tumanggi nang ayain sila na maligo sa ilog.

Kung hindi lang naging exclusive ang lugar na 'to, malamang na pinagpiyestahan na sila ng mga paparazzi.

At bakit nga naman hindi, eh puro naka-topless ang limang lalaki at naka-shorts lang...paano pa kaya kapag naka-swimming trunks sila, eh di tulo-laway na ang buong female population ng earth.

Idagdag mo pang naka-swimsuit sina Cheese na ubod ng sexy sa kanyang 2-piece at Twix na sexy pa rin at hindi halatang buntis, habang si Dove naman ay pawad at shorts lang.

Nakakainggit...

Nakakaengganyo silang maligo dahil enjoy na enjoy sila sa sarap ng tubig. Pero wala eh, kung hindi lang dahil sa paa ko...at sana marunong akong lumangoy...


"Why didn't you learn how to swim?" mula sa likod ko ay bumungad si Z tangan ang isang picnic chair, softdrinks at chips.

Hindi siya kasama sa mga naliligo dahil na-experience na daw niya kagabi, at mas mabuti na raw iyon para may kasama ako dito.

Hay naku...kinikilig na naman ako... ^__^

"It wasn't on my list of priorities..." sagot ko

"Then why?"

"Why what?"

"Why didn't you know how to swim?"

"I just told you---"

"I was asking about the reason behind it. You know, you had so much time to learn...pero bakit hindi mo ginawa?"

I looked at him directly. Minsan, iniiwasan ko ang mga ganitong conversations dahil hindi ako ang tipo ng taong outspoken.

"It's something that you don't need to know." at nag-iwas ako ng tingin.

"Too personal?"

"Sort of..."

Itinuloy ko ang pagkain ko ng buko salad habang nakatanaw pa rin sa mga naliligo.


"Gusto mong matutong lumangoy?" tanong ni Z maya-maya

Kunot ang noong napatingin ako sa kanya. He's serious.

"I...i don't know..."

"Wouldn't you want to know?"

"I do...but...maybe not..." kibit ko ng balikat.

Ramdam kong nakatitig siya sakin and he was looking at me intently.


"You're scared of something..." sabi niya.

It wasn't a question...hindi rin isang simple statement lang na nanghihingi ng confirmation.

It was a notion...a certain one.

"What makes you think that?" kunot ang noong tanong ko sa kanya.

He gazed at me na parang kitang-kita na niya ang sagot.

"I can see it in your eyes...."

Doon ako nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pinili ko na lang na manahimik dahil ayoko na sanang pinag-uusapan pa ang mga bagay na may kinalaman sa nakaraan ko. Ibinaling ko na lang ang atensiyon ko sa ilog.

The Elite Men Empire Series: Singing Zeus a Love SongRead this story for FREE!