Chapter 16. BHR.

8.4K 271 6


"WELCOME, WELCOME!!! How was the trip?" bungad ni Ellah na siyang mismo ang sumalubong sa amin sa entrada pa lamang ng BHR.

"I have to say...this place is freakin awesome!" bulalas ko dahil hinding-hindi ako nagkamali sa pagpayag na sumama dito.

Hindi ito ang typical na resort na makikita mo dahil napakaraming puno ang nasa paligid. Masarap ang simoy ng hangin at malayung-malayo sa amoy ng usok at alikabok sa syudad.

Kaya pala may kaunting kalayuan ang Briellah Hotel and Resort dahil sinadyang inilayo ito sa urban place. Hindi building ang BHR kundi nagkalat na mga sleeping cottages ang nagsisilbing tuluyan ng mga bakasyunista. May mga cabins din na para sa mga magkakapamilya o magbabarkada na gustong magbonding ng mga ilang araw.

Pwede ring magpatayo ng tents dahil may area na pwedeng-pwede para sa mga mas preferred ang out-doors, bon-fires at campings.

At ang mas nakamamangha sa lahat, hindi dagat kundi ilog ang paliguan na talaga namang nakakaengganyong subukan.

Para ka na ring nagbakasyon sa isang lakehouse dahil talagang nakaka-relax.

"How an earth did you develop this place? Bakit ngayon mo lang kami dinala rito?" nasambit naman ni Cheese na kagaya ko ay namangha rin sa ganda ng lugar.

"Sorry, it took so long. Kung hindi pa naging preggy itong si Twilight, my little brother wouldn't have the idea of making you all to come." malawak na ngiti ni Ellah.

"Yup... First time ko ring pumunta rito, but this actual place is much better from just looking at the pictures." si Twix

"And stop calling me 'little brother', Bri... The word 'little' is really inappropriate for me." singit naman ni King na dahilan para matawa kaming lahat.

"I really appreciate this Ellah, I'm so happy na maraming lalash dito, naku! Dito pala naglipana ang mga gwapong foreigners! Look at all these people! Ang dami! Kaloka! Hindi ba kayo nauubusan ng accomodations dito sa ganitong karaming tao?" si Dove

Marami nga kasing tao ang palakad-lakad sa paligid, ang mga iba ay naka-settle at nakaupo, may mga naka-tent at mga nagrerelax. Marami ngang tao pero dahil napakalawak ng lugar, hindi ito crowded at hindi rin nakakaasiwa ang paligid. Everyone looked so relaxed kaya naman pala dinarayo talaga ang BHR.

"Hindi naman... Actually, kulang pa yan...mga one-fourth lang compared during summer vacation. Usually, mas triple ang dami ng tao but we never run out of lodgings . Minsan kasi, mas maraming may gusto ng camping...you know...bon-fines and everything. Mas feel kasi nila ang kalikasan kapag ganoon."

"Ay bet! Gusto ko ring i-try ang outdoors!" si Dove

"Enrico...we don't have tents." si Cheese

"And woods..." singit ko naman

"That's not a problem." sagot ni King na nakangiti

Napatingin kaming lahat sa kanya.

"But before everything else, let's go inside para naman makapagpahinga kayong lahat ng kaunti bago pag-usapan kung paano ang settings niyo. Follow me." sabi ni Ellah na nagpatiuna nang pumasok sa main lobby ng BHR na nagmukhang parang isang malaking bahay-kubo.

Sumunod naman kaming lahat at namangha na naman kami sa hitsura ng loob niyon. Para kang ibinalik sa sinaunang buhay. Wala kang makikitang mga mamahaling palamuti, o furnitures. Everything is eco-friendly, ni walang aircon dahil open ito kaya malayang nakakapasok ang fresh air. Maliban sa mga computers na ginagamit ng mga receptionists para sa booking at extra-services para sa customers, ay wala ka nang makikitang ibang makabagong teknolohiya sa lobby.

The Elite Men Empire Series: Singing Zeus a Love SongRead this story for FREE!