Chapter 25. Love, love, love...

8.3K 303 5


"Miss Ruby!"


Nagulat pa ako sa inuupuan ko nang tawagin ako ni Andy sa napakatinis niyang boses.

Magkaharap kami ngayon ni Twix sa loob ng office at nire-review ang mga inventories. Tumitingin rin kami ng mga pwede pang i-improve sa cafe pati na rin sa mga books na ire-replace sa mga nabili na ng mga customers.

"Bakit ka ba nanggugulat? Ano 'yon?" tanong ko kay Andy na dali-daling pumasok nang tuluyan sa office at parang kinikilig na naman dahil hindi mapuknat ang malawak na pagkakangiti niya.

"May gwapo na naman madam, ikaw ang hinahanap!"

Sumulyap ako kay Twix.

"Hindi ka na tinantanan ni Z sa lagay na yan ah..." nakangiting sabi niya

Ako man ay kinilig din dahil nga madalas na siyang dumadalaw rito. All his friends say he's a busy person pero nagagawa niyang magtabi ng time para sakin.

"Naku, hindi si Sir Pogi ang dumating..." sabi ni Andy na dahilan para mapalingon kami ni Twix sa kanya

"Eh sino?"

"Mukhang tisoy, Miss Ruby! Maganda ang katawan at mahaba ang biyas! Sandali lang at tatawagin ko." pagkasabi niyon ay dali-dali na siyang nag-exit

Kunot ang noong nagkatinginan kami ni Twix.


"Who could it be?" tanong ko sa kanya

She shrugged her shoulders.

"Enzo, Hanz, Drew, or Ken... I don't know."


TOK. TOK. TOK.


"Come in!" sabi ni Twix

Bumukas naman agad ang pinto at tumambad sa amin ang sinasabi ni Andy na gwapong 'mukhang tisoy'.


"Bryce!"

Sumugod ako sa kanya and hugged him.

"Hey, I missed you, princess..." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Naalala kong kasama ko pala si Twix.

"Oh, anyway, this is my very good friend Twix...Twix, my big brother Bryce." pagpapakilala ko sa kanila

"Hi! It's good to see you again."

"Me too... My best wishes to you and your baby on the way, Mrs. Montereal."

At nakangiting nagkipagkamayan ang dalawa.

"Wait...how did you know she's pregnant? and...a Montereal's wife?" takang tanong ko sa kanya

"I read it in the papers..."

"You did a background check, didn't you?" nakataas ang kilay kong tanong ko sa kanya

"Well...a little..."

"Ahm...maiiwan ko na muna kayong magkapatid. I think you two have a lot of things to talk to." natatawang sabi ni Twix at nilisan na ang office.


"Vance is not with you today..."

Sabay kaming naupo sa magkaharap na couch.

"He thinks it would be too risky for the two of us to come here. Just pretend that you're talking to him and me at the same time, since we're both identical..."

The Elite Men Empire Series: Singing Zeus a Love SongRead this story for FREE!