Chapter 39. I wished...

6.9K 257 3

RUBY


"It's just dinner." sabi ko at sinipat-sipat ang bestidang suot ko.

"It's not just dinner, Ruby, Sophie, or whatever your name is---"

"Just Ruby, ok?"

"Fine. Basta I need you to look good tonight." at naglabas pa ng tatlong bestida si Dove.

Cheese rolled her eyes.

"Don't roll your eyes on me beatch! Pasasalamatan mo ako nito ng bonggang-bongga."

"I don't get it. Why do you have to dress us up everytime those guys are in every event na pupuntahan natin?" nagmamaktol naman na sabi ni Cheese na hindi maikakaila ang ganda sa suot niyang white and black dress.

I wonder kung ilan na ang nagtangkang manligaw dito. Too bad, she has extreme distaste in the male specie.

"Akala ko ba ok ka sa mga elite men? We had really good time at BHR, remember?" sabi ko

"Yeah, everyone but that narcissistic pig."

"Get over it." si Dove

"Like I care."

"You're 26, yes?" nakataas-kilay na hinarap ni Dove si Cheese.

"Yes, so?"

"So, as much as I want to be bffs with you, Maria Cristina Andres, I also want to help you get a boyfriend before your age is out of the calendar."

"By playing dress-up? You're trying to give us away to those jerks."

"FYI, Ms. Andres, it's just you, no need to include Ruby dahil may jowa na yan and I'm proud to say that it's because of my beautiful creations. So quit whining dahil hindi ako makapapayag na tumanda kang dalaga."

"You're wasting your time with me. I'd rather end up an old maid than to end up being with a cheater."

"Bitter."

"Whatever."

"Haynaku, tama na nga yan at baka ma-late na tayo sa dinner."

Pumagitna ako sa kanila.

"Excited..." tukso ni Cheese sakin

"Hindi ah..."

"Whoh...kunyari pa ang ale." si Dove

"Tara na nga!" pag-iwas ko sa mga tingin nila.


Yes, I'm excited...

Excited ako para sa dinner dahil imbitado ang mga kaibigan ni King...and they always were. And that means magkakaroon ako ng chance para makausap si Z.

Maraming araw na ang nakalipas nang huli ko siyang makita kaya excited na akong makita siya ngayon.

I missed him so much...

Does he miss me too?


"Hell no!"

Napatigil si Cheese sa nakabukas na pintuan at hindi maipinta ang mukha nito.

Nasa condo unit kami ni Dove at dito niya naisipang magbihis dahil nandito ang mga collection niya ng dresses na sariling design din niya.

"Bakit? Anyari?" tanong ko nang maabutan namin siya ni Dove.

"Evening, delightful creatures! I'll be your chauffeur for tonight."

The Elite Men Empire Series: Singing Zeus a Love SongRead this story for FREE!