Chapter 20. The Plan.

8.4K 283 10


"Goodmorning!" nakangiting bati ni Twix sakin sa bungad ng tent nang magmulat ako ng mga mata.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong naman ni Cheese

"O-okay na ako..."

"Mabuti naman at buhay ka pa. Dyusko, babae ka..." singit naman ni Dove

Hays...mabuti nga at buhay pa ako...

"Sweetie, she's awake..." tawag ni Twix kay King.

Sumilip naman si King sa tent.

"How's your foot?"

Noon ko lang napansin ang nakabendang paa ko. Noon ko lang ding napansin na iba na ang suot kong damit at wala ng bahid ng lupa ang balat ko.

"Binihisan kita kagabi and cleaned you up..." si Twix na parang nabasa ang iniisip ko

"Salamat..."

Pero sandali, bakit ngingiti-ngiti ang apat na 'to na kaharap ko? Kumunot ang noo ko.


"Masakit pa ba ang paa mo?"

Sukat doon ay parang automatic na nagsialisan ang apat sa harapan ko at iniluwa niyon si Z na nagsalita.

"Guys, tara, let's cook for breakfast." narinig kong yaya ni King sa tatlo at tumalima naman sila agad.

Naiwan kami ni Z, face to face. Pumasok siya sa bukana ng tent at sinipat-sipat ang paa ko.

Hayun na naman ang kakaibang pakiramdam ng pagkakadikit ng balat namin.

Doon ko rin naalala ang nangyari kagabi.

In an instant, naramdaman kong umakyat ang dugo sa mukha ko.

I can still remember the feeling of being pinned against his perfectly built, shirtless body...

Kahit pa nakasuot na siya ngayon ng grey v-neck t-shirt ay hindi pa rin iyon nakatulong para mawala sa isip ko ang tagpong iyon kagabi. At wala ring silbi ang suot niyang t-shirt dahil bakat doon ang katawan niya at malalaking biceps, I can almost see his physique right through his garment.

Hinding-hindi ko rin makakalimutan sa buong buhay ko na minsan ko nang nakita ang halos hubad niyang katawan.

He had his boxers on but it left something to my wild imagination.

Shit! Dumadagundong na naman ang puso ko...

"Medics said you shouldn't move your foot a lot. If you need something, sabihin mo lang. If you need to go somewhere, you can ask anyone to carry you...but I would be willing to do that."

"S-salamat..."

The sound of his voice is softer now, hindi na 'yong cold at deep.

At mas lalo lang akong naantig sa ipinapakita niyang concern sakin.

He raised his hand at hinipo ang noo ko.

Damn! His hand was soft and warm!

Pagkatapos niyon ay ngumiti siya sakin...

Dyusko Ruby...can your life be any better than this?

I've been wanting to see that smile... I miss that smile... and those lips...

Napalunok ako nang madako ang paningin ko sa mga labi niyang natural na mamula-mula.

Those lips once touched mine...well--twice.

The Elite Men Empire Series: Singing Zeus a Love SongRead this story for FREE!