Fragments - KathNiel One Shots

By FlurriedSimplicity

220K 4.7K 1K

💙💙💙 Fragments of my thoughts, collected experiences, along with a spur of my imagination, pieced and separ... More

Mr. Seloso
Bote ng C2
Starbucks
Mangga?
Cleaner?
Minsan Kasi...
Notebook
MOVE ON
Brutal na Pag-Ibig
Kisapmata
Si Kitkat at si Rocher
My 11:11 Wish
Ako Na Lang
The Best Birthday
Pagdating ng panahon
Si Gael
Hi Crush! :)
Hi Love! :)
Perfect Timing (PNP prt. 2)
Perpekto (Her Side)
Perpekto (His Side)
Bakit ba kita minahal?
He Loves Me........ He Loves Me Not.
LOL Have Fun
Scars
Fact About Kathryn Bernardo...............
Asar
Seatmate?
Ever Again
Sorry Na.........
Laruan
Bally, I'm Sorry.
Bally, I'm Sorry (Part 2)
Superman? SUPERMANHID
Hanggang dito nalang
If I Had A Choice
If I Had A Choice (HER SIDE)
Hinding Hindi Na
Ikaw
Never
I don't
Happy Birthday, Love. (Birthday Special)
Spaces
Paano ba?
I see
Hindi na kami
Swerte nga naman
Si Daniel (Birthday Special #1)
Creep (Birthday Special #2)
The way you look at me (Birthday Special #3)
Package Deal (Birthday Special #4: Bonus)
Kahit ano ka pa
Sana Maulit Muli
Bakit Labis Kitang Mahal
The One That Got Away
Hanggang Kailan Kita Mamahalin
Hanggang
Special Ingredient
Si Tatay
Si Nanay
Crazy in Love
Again
Perfect Thursday
Still Thursday
Picture Perfect
Home This Christmas
AngYna
Lovesick
Worth it
In The Mind of The "Best" Boyfriend
All That Matters
So In Love
In His Arms
P R O T E C T O R
Never Too Far
A Queen
Graduation
#PSYAppreciationLunch
I Don't Wanna Cry
Kiss Me
When I Saw You
Bittersweet
Bliss
Understand
Can't Let Go
Against All Odds
Toxic
Half
I Like You Meter
Mended
The Cutest
Nag-Iisa Lang
One Sweet Day
Headcanon
Forever
Still
The 10th
Forever Thankful
Miss you most
The Mechanic
Miss Universe
Fluff
All I've Ever Wanted
Just To Hold You Once Again
Baby Girl
To Love Thee
Deflection
Wolves
Kislap
After All
Lapses
When
Not an update, but VERY important (UPDATE ON SITUATION)
For All It's Worth
Kontento
Dito lang ako
Like This

Finally

1.9K 31 2
By FlurriedSimplicity


8-12-15

The One That Got Away part DOS *★,°*:.☆\( ̄▽ ̄)/$:*.°★*

Isang magandang umaga ang sumalubong sa kanila matapos ang gabing iyon. Sino ba naman ang hindi sasaya sa pagtulog at maging paggising na kasiping ang taong mahal na mahal niya?

Ito na yata ang pinakamagandang gising niya mula pa noong insidenteng iyon. Bagamat halos alastres na silang nakatulog dahil sa walang katapusang paguusap, wala siyang nararamdamang pagod.

Tila lumayas na lahat ng kalungkutan sa buhay niya mula pa kagabi.

Nagitla siya ng may humalik bigla sa kanyang pisngi. "Woy! Sabi 'ko Good Morning pooooooooo!"

Isang ngiti nalang ang naipakita niya. "I love you."

Napalapad pa nga lalo ang ngiti niya ng masaksihan ang pamumula ng pisngi ng nobya. "Wala ba 'kong I love you too?"

"Ehhh! Baka magsawa ka." Nakangusong sabi nito.

"Diba sabi 'ko hinding hindi ako magsasawa?" Sumiksik nalang si Kathryn sa kanya bago bumulong ng pagkatamis tamis.

"Mahal na mahal kita."

----------------------

Ilang sandaling nanatili silang nakaganon, walang katapusang yapusan at mumunting halik. Walang pakialam kahit sila'y bagong gising pa man.

"Dani------" Malakas ang pagbukas ng pinto ng kwarto, iniluwa ang nanay ni Daniel na si Karla.

Nagpupuyos sa galit si Karla sa nasaksihan."PUNYETA KA! ALAM 'KONG NASASAKTAN KA PARIN GAWA NUNG KAY KATHRYN PERO HINDI IBIG SABIHIN NON E MAGUUWI KA NALANG NG BABAE!" Itinaas pa into ang tsinelas at akmang ibabato ng pigilan siya ni Daniel.

"Ma! Wag!" At pilit na ipinangtakip ang sarili kay Kathryn. "ANONG WAG?! PUNYETA DANILO PAPALAYASIN KITA DI---"

"Titaaa?" Pagtawag ni Kathryn at agad na napahinto si Karla sa narinig. Luminga linga ito, hinahanap ang pinanggagalingan ng pamilyar na boses na iyon.

Agad namang bumangon na si Kathryn mula sa pagkakahiga. "Hehe, tita."

"Kathryn anak???" Gulat na sambit nito. Agad siyang hinila nito papalapit at niyakap ng mahigpit.

"Jusko anak, kamusta ka na? Anong ginawa sa'yo nitong baliw na 'to?! DANILO HINDI KITA PINALAKI PARA A----"

"MA! NATULOG LANG KAMI!" Nayayamot na sabi ni Daniel. Bumulong pa ito ng mahina. "Nagmomoment pa kami nakakainis na---"

"Bubulong ka pang tarantado ka!" At binatukan pa si Daniel.

Kahit kailan talaga, napakalakas ng boses ng mama niya.

"Ma naman, baka magising sila Magui!"

"Hay! Tara na nga Kathryn anak, iwan na natin yang ku---"

"Ma naman eh!" Naiiling na reklamo niya. Nakanguso pa. (Say mo?)

"Ang cute cute naman ng baby bubot!" At nanggigigil na pinisil ang pisngi niya, "Sige, baba na kayo maya maya ah? Magluluto lang ako."

"Hehe, bye titaaaaa!" At pagkasarang muli ng pinto ay namumulang humarap si Kathryn sa kanya.

"Ba? Bakit ka namumula?" Nanunudyong tanong pa niya habang nakangiti ng pagkalaki laki. Ngiting tagumpay.

"Eh! Tutulong na nga lang a--" akmang pupunta ito sa pinto ngunit agad na napigilan ni Daniel at hinilang muli sa kama.

"Matagal magluto si mama, baby. Dito ka muna. Daliiiiii!"

"Pero seryoso, bakit ka nga namumula?" Painosenteng tanong ni Daniel habang nilalaro ang dulo ng buhok ni Kathryn.

Sumimangot at tumingin ito sakanya ng masama. "Pinagtitripan mo ba ako?"

Umiling iling siya. "Bakit kita pagtitripan? Ayaw ko na nun, Malay mo kaya nangyari yung 'insidente' na yon kasi nakukulitan ka na sakin. Kaya hindi ko nalang gagawin yun."

Sa kabilang banda, Hindi alam ni Kathryn kung matutuwa ba siya sa nalaman o malulungkot. Namayani sa kanya ang pagkabahala.

Sana ay makahanap siya ng mga salitang babagay sa naiisip. Sa ngayo'y ipinagpaliban niya muna iyon.

"Nahihiya ako kay tita," mahinang bulong nito, "Ngayon na nga lang kami magkikitang muli, sa ganitong sitwasyon pa. Ikaw kasi! Ang clingy clingy!"

"Ba, malaki na tayo. Okay na kay mama yon. Hindi ba dati pa man e pinapayagan naman tayong magtabi. Matutulog lang naman tayo." Painosente muling sagot ni Daniel

"Loko ka, Painosente!"

"O Edi sige, may konting kiss, pero normal na yun e." Nakangising sambit pa nito.

"Sabagay."

"O diba, normal lang iyon kaya kiss mo na 'ko," hirit pa niyang muli bago ginawaran ng halik ang nobya.

"E, di pa 'ko nagtutooth brush!" Nahihiyang tinulak siya ni Kathryn.

"Ba! Para namang di kita kinikiss kanina!"

"Eeeee!!!!!!"

"Ba, kesyo magtoothbrush ka o Hindi, ikaw lang naman ang hahalikan ko ng ganito." At siniil muli ng halik ang mga labi nito.

-----

"Baaaabe! Ano bang meron? Akala 'ko kakain tayo! Gutom na ako!!!" Naghihimutok niyang sabi matapos sapuin ang tiyan.

"Hmm.... wait lang. Daan muna tayo somewhere." Ani nito habang nanatiling nakatingin sa daan, ngunit pasimpleng inabot ang kamay niya.

"Gutom na 'ko baby....." Nakangusong reklamo pa niyang muli.

"Saglit lang, mahal 'ko....... sure ako, magiging masaya ka sa pupuntahan natin ngayon."

At naniwala na lamang siya sa salita ni Daniel.

-----------------------

Pagkatanggal ng panyo sa kanyang mga Mata, ay halos mangapa si Kathryn sa tagal ng pagkakapikit. Ngunit ng mapansin niya ang paligid, labis na pagkatuwa ang namayani sa kanya.

Kumpleto ang pamilya niya, maging sa side ni Daniel. Pati ang mga kaibigan nilang nakasaksi sa pagmamahalan nilang dalawa, Lahat sila'y nakangiti at tila nakaabang sa susunod na mangyayari.

Humarap siya kay Daniel. Nakangiting hinalikan nito ang likod ng palad niya. At lumuhod.

Sa pagkakaluhod ni Daniel ay hindi na umampat pa ang pagtulo ng luha ni Kathryn. "DJ, bat ka ba nakaluhod, wala namang sintas yang tsinelas mo, tayo kana." Pagsumamo nito habang palingon lingon sa mga tao.

"Do you trust me?" Naiiyak na tumango si Kathryn.

"Ba, buong buhay 'ko-- o sige Hindi pala buong buhay. Mula pa noong going bulilit days mo, nung puro ka kulorete sa buhok at ang tinis tinis ng boses mo, hindi 'ko pa alam kung ano yung pagmamahal pero alam 'ko sa sarili 'kong maliban sa pamilya 'ko, sa'yo ko unang naramdaman yon."

"Sa tv palang kita napagmamasdan noon, ewan 'ko kung pano kita nagustuhan, hindi yung iba mong kasama don. Pero napagtanto 'ko nalang, isang araw, na ikaw na lang ang inaabangan 'ko sa tv. Sa mga pagextra mo sa teleserye, hanggang magkaMaria Clara kayo ni Julia, hindi ako masyado nanood non pero kapag napapanood ko minsan, wala akong experience sa pag-akto pero naisip 'ko, sisikat ka pa at mas lalo pa kitang hindi maaabot,"

"Nung dumating yung Growing Up, sabi 'ko wala palang imposible. Kayang kaya na kitang abutin, at syempre hindi 'ko naman pinalampas yon. Nung una tayong magkita, hindi mo alam pero kahit akala ko'y masungit ka, e napakagaan parin ng loob 'ko nung nakita kita. Naging close tayo, dumating ang PAI sa buhay natin at dun 'ko na naramdaman yung pagmamahal....... na sayo 'ko lang inaalay."

" Sabi nga, ang tao, nagmamahal, dahil ang puso niya ay nakalaang magmahal. Sa G2B lalo yatang tumindi ang pagka-adik 'ko sa'yo. Sa bawat araw na lumilipas minamahal lang kita ng minamahal. Nagkaroon tayo ng maraming movies, Marami pa tayong projects na natanggap, marami tayong pinagdaanan, marami tayong naging problema, pero hindi ako nagpatibag don. Eh kasi, mula ng sabihin ko sayong mahal kita, alam kong ikaw lang ang sasabihan 'ko non hanggang sa mamatay man ako. Yung puso 'ko, nakalaang magmahal sa iyo nang buong buo."

"Tapos naging tayo...... alam 'ko, Hindi mo pa naman ako mahal noong mga panahong iyon, pero determinado na talaga akong paibigin ka kahit pakiramdam 'ko ang hirap. Oo, ilang buwan pa nga ang tiniis 'ko marinig lang sayo ang mga katagang iyon......... pero walang nasayang don dahil alam 'kong sapat naman ang pagmamahal 'ko sayo para sa'ting dalawa, ayos lang sa'kin na hindi ka pa sigurado sa naramdaman mo hangga't kasama lang kita. Oo, selfish, pero kahit sana sa maikling panahon ay naramdaman 'kong naging sayo ako kahit hindi ka pa sa'kin ng buong buo."

"Ba, nasabi ko na to, pero sasabihin ko ulit. Sa dami ng taong lumipas na malayo ka, napatunayan 'ko sa sarili ko na ikaw lang talaga. Ikaw lang talaga yung mamahalin ko na ganito. Sorry kung pinakawalan pa kita, gusto 'ko lang namang maging masaya ka. Pero hindi ka naman naging masaya. Mayabang man pakinggan, e napatunayan 'kong hindi mo kayang mabuhay ng wala ako." Umani ng halakhak ang sinabi ni Daniel sa kanilang mga pamilya na kanina pang nagpupunas ng luha.

"Ewan 'ko pala kung ganon sa iyo, pero sa'kin kasi ganoon. Oo nabuhay ako ng ilang taon ng wala ka sa tabi 'ko, pero di mo lang alam, lahat ng ginawa 'ko nung mga oras na iyon ay para sa'yo. Kung sakaling babalik ka."

"Kakain ako,para pagbalik mo, gwapo ako. Matutulog ako, para pagbalik mo, Hindi mo na aasarin yung eyebags 'ko. Maliligo ako, para pagbalik mo, mabango ako. Mageexercise ako, para pagbalik mo, karapat dapat na 'ko sa kaseksihan mo. Magaayos ako, para pagbalik mo, hindi na ako sakit ng ulo. Mag-aaral ako, para pagbalik mo, may maipagmamalaki na ako sayo....." saglit na tumigil pa si Daniel at muling pinunasan ang sariling luha.

".... Magtatrabaho ako, para pagbalik mo, makuha ko na ang I do mo at matutusan na kita ng ayos, bubuo na tayo ng pamilya natin, at magsisimula na talaga yung forever natin."

"Mula nung magkacrush ako sa'yo, baduy man isipin pero ang nakatatak na noon sa isipan 'ko, ikaw na talaga. Ikaw na talaga yung gusto 'kong pakasalan....... Pero Ba, ngayon Hindi na e." Sumimangot siya at papaluin si Daniel ng pigilan siya nito.

"Kasi ngayon, bally baby, ikaw lang talaga yung hindi lang gusto, kundi kailangang ihaharap 'ko sa altar. Sinabi 'ko na sa'yo nang ilang beses diba, ikaw lang ang kailangan 'ko sa lahat nang pagkakataon. Ikaw lang ang kailangan 'kong makasama buong buhay 'ko, kasi Ba, yung puso at isip 'ko nadiktahan 'ko na sila, at saulo na rin nila na ikaw lang talaga...... sarado na silang tumanggap ng panibago kasi ikaw lang talaga ang kayang tanggapin ng buo.."

"...Kung dati ay laro laro lang, ngayon baby, totoo na. Ngayon din, sa harap ng pamilya natin, sa harap ng mga taong tumulong, nakasaksi at nakasama sa mala-roller coaster nating love story, finally. Sa hinaba haba ng prusisyon, nandito na ako sa harap mo, nakaluhod at may itatanong sa'yo."

Tila iniintay ni Daniel ang pagsagot niya kaya nanginginig siyang nagsalita. "Ano yon?"

"Ilan gusto mong anak?--- de joke lang...... seryoso na, bally, baby, sweetheart, love, babe, honey, sweetiepie,mahal,..... mommy?" Nanunudyong sambit ni Daniel na ikinatawa niya. Dahan dahan nitong kinuha ang kahon.

"Joke lang din muna yon, dadating din tayo don. Diba?"

Muli itong humarap sa kanya at sumungaw ang ngiti nito sa labi. Pagkanaka ay nilalaman ang isang simpleng singsing na may dyamante sa gitna, at maliliit na batong nakapaligid. Namangha sila sa kariktan ng naturang wedding band. "Nung nakita 'ko to, ikaw agad ang naisip 'ko. Simple lang ang singsing na to, parang ikaw. Walang kaarte arte, pero malakas ang dating at nakakahumaling. Hindi 'ko pa sure kung magpapakasal ka noon sa akin, binili 'ko to dahil naaalala kita, sayo lang talaga nakalaan to, Ba. Kung di mo ako pakakasalan edi habang buhay 'ko nalang iiyakan. Hindi 'ko pa rin alam sa ngayon, pero kakapalan 'ko na rin ang mukha 'ko dahil mahal mo rin naman ako, diba? Love, Will you prove forever with me? Will you marry me?"

She nods. And again, that was the best decision she ever made.

*ON INSTAGRAM*

Pic: a snap of a smiling Daniel kneeling in front of Kathryn and Kath wiping her tears

bernardokath #ByahengForever Finally


-----------------------



...

(⊙_⊙;)... 30.8k? Σ(っ °Д °;)っ WOAH. HEHEHEHEHEHEHE THANK YOU PHOWSXZS '(*∩_∩*)′ MWAH HAHAHAHAHAHAHA

Continue Reading

You'll Also Like

342K 7.7K 33
Bored ako
74.1K 3.1K 50
In which Izana and Y/N have been academic rivals since their freshmen year. Both of them are competitive and are out to destroy one another. But what...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
3.1K 100 25
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...