CHANCES (Inlove with you Book...

By YorTzekai

506K 12.3K 823

BOYXBOY YAOI GAY >Kwento ito ng isang simple,mabaet at magandang Beki na nagngangalang YUWEH. Tara at alamin... More

PROLOGUE
NOTE ^_^
kawaii o1 ~ Where It All Started
kawaii o2 ~ Enzo & kuya Pogi!
kawaii o3 ~ Lola??!!
kawaii o4 ~ First Friend!
kawaii o5 ~ New Friends!
kawaii o6 ~ Mr.Sungit!
kawaii o7 ~ At The Gym!
kawaii o8 ~ Rivals & Revelation!
kawaii o9 ~ Malevolent Eyes
kawaii 10 ~ Catch Me
kawaii 11 ~ Cant fight the feeling
kawaii 12 ~ Its Pao's Turn :)
kawaii 13 ~ Naughty Lover!
kawaii 14 ~ Mr.Nice Guy!
kawaii 15 ~ Natsume and Tomoe Family!
kawaii 16 ~ Unwanted kiss!
kawaii 17 ~ The Pictures
kawaii 19 ~ Dilemma!
kawaii 20 ~ Angels In Disguised
The Characters Pictures =)
kawaii 21 ~ Free,Finally!
kawaii 22 ~ At The Corridor
kawaii 23 ~ Praybeyt Detective Yuweh?
kawaii 24 ~ The Party!
kawaii 25 ~ Family matter
kawaii 26 ~ Ferris Wheel
kawaii 27 ~ House Visit!
kawaii 28 ~ Turn of Event
kawaii 29 ~ Oplan Saving Yuweh!
kawaii 30 ~ Hopeless Case!
kawaii 31 ~ Last Breath
kawaii 32 ~ Close to death!
kawaii 33 ~ The Awakening!
kawaii 34 ~ Best Birthday!
kawaii 35 ~ New day! New life!(w/bedscene)
kawaii 36 ~ Truth or Dare?
kawaii 37 ~ Hello College!
kawaii 38 ~ Jafu d' Monster!
kawaii 39 ~ Friends and Foe?
kawaii 40 ~ The Proposal!
Kawaii 41 ~ What was that?
kawaii 42 ~ The Wedding?
kawaii 43 ~ Heartache
kawaii 44 ~ Almost Caught Up.
kawaii 45 ~ Happiness and Sadness
kawaii 46 ~ Pain in my heart
kawaii 47 ~ Sorrow
kawaii 48 ~ Breakdown!
kawaii 49 ~ Exchange of heart part 1
kawaii 50 ~ Exchange of heart part 2
THE NEW CHARACTERS PICS :)
kawaii 51 ~ JAFU: Step one!
kawaii 52 ~ PAO; Da Comeback!
kawaii 53 ~ Kidnapped Again!
kawaii 54 ~ The Cousins!
kawaii 55 ~ The Finale!
EPILOGUE ^_^
NOTE LANG :D

kawaii 18 ~ No Choice!

7.3K 208 13
By YorTzekai

Yuweh's POV

"Well,well,well, kamusta naman ang three timer na bading na may scandal sa CR ng isang bar?" sabi ng isang boses kaya napatingin kami.

SIYA?! O_O

"Sunshine Garcia?" sabi ni Michelle. Kilala nya yon?! Sya yung babaeng nakakatakot tumingin. Ewan takot ako sa paraan ng pagtingin nya,napaka intimidating. Para nya akong papatayin.

Lalo pa ngayon may mga kasama syang lalaki,pito,may mga itsura din pero mukhang mga Gangsters at hindi mangingiming bugbugin kami. Napalunok ako ng laway dahil sa kaba.

"Natahimik kayo? Ganon ba kayo mashock sa kagandahan ko?" sabi pa nito.

"Wala kaming panahon makipag usap sayo Shine, may pupuntahan pa kami" walang ganang sagot ni Mich.

"I cant believe this Mich and Amara,talagang kinaibigan nyo yan? Tingnan nyo na lang gano kamalas yan at kung anong kahihiyan ang ginawa nya" mataray na sabi nung Shine.

Anong problema nya sa akin? Inaano ko ba sya? Ang laki laki ng galit nya sa akin.

"You witch! Ano bang kailangan mo?" gigil na sabi ni Venn,grabe to pati babae papatulan. Ang brusko!

"Aba't? Ang talas ng dila mo ah?" sabi nung isang lalaking gangster na kasama ni Shine at akmang susugurin si Venn pero pinigilan ni Shine.

"Boys,calm down, magsisimula pa lang tayo, huwag kayong atat" nakangiting sabi nito at bumaling samin. "Simple lang gusto ko, ang mawala ka sa school na to,ang mawala ka sa paningin ko,ang layuan mo sina Argel at yang mga kasama mo" nakataas kilay nitong sabi.

WTH? Anong sinasabi nya? Nababaliw na ba sya? Bakit ko lalayuan mga kaibigan ko.

"Hindi pwede" halos sabay na sabi nina Amara at Pao.

"Bakit mo to ginagawa Ms.Sunshine? Hindi naman kita kilala at wala ako matandaang ginawang masama sayo o kahit kanino sa inyo" lakas loob kong tanong.

Tumawa sya ng napakalakas,yung pang kontrabida talaga. Ang sarap pilipitin ng mga ngipin nya!

Lalo tuloy kaming nakakuha ng atensyon,at ngayon pinapanood na nila kami. Great! Libreng Movie?

"Tinatanong mo ako kung bakit? Simple lang. Balakid ka sa kagustuhan kong mapa sa akin ang pinakamamahal kong si Argel! At hindi ako natutuwa na tatlo silang nanliligaw sayo! Ayoko ko ding nakikipagtawanan ka sa mga kaibigan mo! Ayokong may kaibigan ka! Nakakadiri ka! Salot ka! Marumi!" gigil nyang sabi sa akin na talagang nagliliyab ang mga mata nya sa galit. No,hindi galit,kundi pagka suklam sa akin.

Natigagal kami sa mga sinabi nya. Lalo na ako. Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Bakit kailangan mangyari ito?

"Ikaw may kagagawan ng mga nangyari kay Yuweh?" sabi ni Pao na naka kuyom na din ang mga kamao tulad ni Venn.

"Yes darling Pao" proud na sagot pa ni Shine.

"Sino ka ba talaga?" tanong ko.

"Im Sunshine Garcia, isang freshmen college at maipluwensya ang pamilya ko Fag! Kaya pag hindi mo sila nilayuan lahat,lalong magiging impyerno ang buhay mo, kulang pa mga parusang pinatikim ko sayo,mild pa lang yon. Pag hindi ka lumayo kay Argel at sa mga kasama mo ngayon, nandyan ang buong gang ko at sila bahalang magparusa sa mga kaibigan mo pag nakita ka naming nakipag usap o lumapit man lang kay Argel,or worse,idadamay ko ang pamilya mo,much better mag drop out o magpakamatay ka! Hindi ka nababagay sa mundong ginagalawan namin, walang nilikhang BAKLA kaya hwag mo isiksik ang sarili mo!!" mahaba nitong sabi. Ayoko ng pahabain pa ang usapan. Ayoko ng may nadadamay. Ako lang naman gusto nyang mawala diba? Isa lang ako kumpara sa mga kaibigan ko,and I cant bare seeing them suffer dahil sa akin,lalo na ang pamilya ko.

"Hindi naming gagawin yan" - Amara.

"Hindi porket wala kang kaibigan ay mangdadamay ka" - Mich.

"Dadaan muna kayo sa ibabaw ng bangkay ko bago nyo mailayo sa akin si Yuweh" - Pao.

"Alam mo kung ano ka ha?! Inggitera!" - bulyaw ni Venn. Dun biglang nawala ang kalmadong expression ni Shine at napalitan ng galit.

"Boys turuan ng leksyon mga yan!" sigaw ni Shine.

Natulala ako sa bilis ng pangyayari,pare pareho na silang may mga sugat at duguan! Ang mga kapwa estudyante nanonood lang! Shit nandito pa din pala kami sa tapat ng gate sa labas.

Nakita kong pati sina Amara at Mich ay hindi pinalampas, Pota! Pati mga babae pinatulan? Dun na ako nag freak out.

"TAMA NA YAN!! UTANG NA LOOB!! TAMA NA PLEASE!! SIGE NA! AKO NA ANG LALAYO AT IIWAS" Sigaw ko. Buti tumigil sila. Nagbigay ng ngiting tagumpay si Shine.

Samantalang ang mga kaibigan ko ay binigyan ako ng tinging nagtatanong at nagmamakaawa. Hindi ko matagalan na makita silang bugbog sarado dahil sa akin,lalo na si Amara at Mich.

"Im sorry guys,hindi ko kayang makita kayo na nagkakaganyan dahil sa akin,ayoko kayong madamay, maraming salamat sa lahat lahat" nakatungo kong sagot. Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay tumulo na ang mga luha ko,kaya mas minabuti ko na lang na tumakbo ng napaka bilis,palayo sa lugar na iyon.

Nadinig ko pang tinatawag at sinusundan nila ako pero hindi ako tumigil o lumingon man lang. Ayoko.

Ang sakit naman pala. Sila na nga ang mga taong minahal at tinuring kong kapamilya bukod kina Inay at Itay ay sila pa ang mawawala sa akin. Sila na nga lang ang sandigan at sandalan ko pero nawala pa.

Pero mas okay na to kesa naman madamay at masaktan lang ulit sila. Hindi naman siguro kawalan sa kanila pag hindi ko na sila kinausap at nilapitan. Para sa kanila din naman ito eh. Ginagawa ko to para mailayo sila sa kapahamakan. Kung kinakailangan na ako na lang ang sumalo ng lahat ng parusa ay tatanggapin ko.

Hindi ko alam kung san ako dinala ng mga paa ko pero napansin ko na lang na nasa park ako. Ang park na napaka memorable sa isang taong kilala ko. Si kuya Pogi.

Umupo ako sa isang bench at inikot ang paningin sa paligid. Maaga pa, 10am pa lang pero madami ng tao. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumili ako ng fishbol at kikiam,mga paborito ni Itay.

Dahil nagsisimula ng tumirik ang araw sa mga oras na ito ay naghanap ako ng pwesto na hindi masyadong masisikatan ng araw.

Nakita ko yung puno. Yung puno na parang napaka bigat ng hatak sa akin. Ayaw ko man na doon pumwesto ay wala na ako nagawa,kesa naman mabilad ako sa araw,ayoko maging Toasted Beki no?!

Umupo na ako sa ilalim ng puno at nagsimulang kainin ang pinaka masarap na pagkain sa buong mundo ng biglang may magsalita.

"Hey cutie! Eating alone?"

"Ikaw?" gulat kong sabi. Gosh! At talagang dito pa kami pinagtagpo ng tadhana?

AN ~ Kamusta po kayo? Meryenda na para ganado mag basa at mag comment :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 209 23
Sa buhay ay may iba't-ibang alon. Mayroong hahampasin ka sa lakas at aanurin ka sa pampang at mayroon ding alon na kalmado lamang at habang buhay mon...
70.7K 2.5K 36
[[[Completed]]] This is a bromance story so if you're homophobic, you're free to step back. Thanks!!! .............. This is a story about a sweet...
120K 4.4K 48
Gaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apa...
1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...