Eyes don't Lie (Quadro Series...

بواسطة dikaPinili_

52.9K 1.9K 277

QUADRO SERIES #2 "You don't need to say a lie. I will notice the truth in your eyes that doesn't exist in you... المزيد

Author's note
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Special Chapter 1

Chapter 72

351 19 5
بواسطة dikaPinili_

Dulcinea's POV

"Anong ginagawa mo? Itigil mo yan. Tingnan mo nga yang sarili mo sa salamin, hindi ka pa okay, kaya wag mong pilitining umalis ngayong gabi." Hinawakan ni Mira ang dalawang braso ko para mapatigil sa pag eempake. "Dito ka lang hangga't sa kaya mo na, dito, mas safe ka, Nea." Seryosong bulalas niya.

"Ayokong magtagal rito, pano kung nalaman nilang nandito ako?" Umiling-iling akong nanghihina. "Ayoko ko kayong madamay." Dagdag ko, saka ko ulit ipinasok ang mga damit ko sa maleta.

"Okay, ganito, kahit magpalipas ka pa ng isang araw. Hayaan mo lang muna ang katawan mong makapagpahinga. Sige na... Ako na ang nakikiusap sayo-Nea makinig ka sa'kin!" Mariing paghawak niya sa palapulsuhan ko para mapaharap sakanya. Naglapat ng mariin ang labi niyang naiiyak. "Sa tingin mo ba sa kalagayan mo ngayon kaya mo ang sarili mo? Huh?" Lumipat ang dalawang palad niya sa pisngi ko at pinakatitigan ako ng taimtim. Lumunok siya. "Bumalik ka kay Zac, please? Wag mo nang gawin to mag-isa... Bumalik ka sa pamilya mo, please? Doon, kahit matagal kang matawad ng asawa mo, sigurado akong hindi ka niya pababayaan, mapoprotektahan ka niya, maniwala ka sakin... Sige na, huh? Dahil kung kami lang? Kung kami lang Nea, wala kaming sapat na lakas para magawa yun kahit gustuhin namin..." Pag-iyak niya ng mariin.

Kumurap-kurap akong hinawakan ang palapulsuhan niya, saka ito ibinaba. Ngumiti ako. "Wag kang mag-alala, kaya ko, hmn? Pag-alis ko rito, isipin mo lang na nasa maayos akong paglalakbay, sisiguraduhin ko sayong ligtas akong makakarating ng probinsiya. Kaya wag ka nang umiyak. Kaya ko, Mira." Maalumanay kong pagsisigurado.

Bumagsak ang balikat niya habang bigong nakatingin sa'kin. Pinunasan nito ang luha niya, saka tumayo't lumabas ng kwarto.

Huminga ako ng malalim.

Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa labas, pero masisigurado kong sa pag-alis ko ay walang magagalaw sino man sa kanila.

Pagkatapos kong makapagbihis ay tumingin ako sa salamin.

Pinakatitigan ko ang sarili ko rito. Parang kailan lang, ang bilis kong namayat dahil sa dami ng panibagong bumabagabag.

Maya-maya pa ay hinawakan ko na ang maleta ko, pagkatapos ay saka ako lumabas ng kwarto.

Nadatnan ko si Mira na nasa couch. Lumingon siya sa'kin, kita ko ang paghinga nito ng malalim habang pinapasandahanan ang kabuuan ko.

Ilang saglit pa nang magpapaalam na sana ako nang tumunog ang door bell, kaya sinundan ko ng tingin si Mira palabas ng pintuan.

Baka dumating na ang asawa niya, sakto at nang makapagpasalamat ako ng pormal.

Pagkapasok ni Mira ay ang pagpasok rin ni...

Zac.

Napalunok akong nagulat.

Diretso itong tumingin sa akin, nakatindig pero walang bakas ng ano mang emosyon mula rito.

"I'm sorry, ayaw mo kasing papigil, kaya ipinaalam kong nandito ka." Mahinang bulalas ni Mira

Hindi ako naka-imik.

Zac didn't say a word, bagkus ay walang gana itong gumalaw at humakbang.

Wala akong nagawa nang bitbitin niya ang maletang
nasa gilid ko, pagkatapos ay nauna na itong lumabas ng bahay.

Hindi parin pumapasok sa isip ko ang kasalukuyang pangyayari.

Napaiktad ako nang hawakan ni Mira ang kaliwang braso ko. "Sige na... Kahit para sa mga anak mo nalang." Bulong niya, saka niya ako yinakap.

Inihatid pa nito ako pabas ng gate...

Hindi parin ako dinadapuhan ng pag-imik nang makapasok ako sa loob ng kotse.

Blangko siyang lumingon sa'kin. "Hinahanap ka ng mga anak ko, so I have no choice but to send you back home. Babalik ka roon bilang si Thalythia, at wag mong asahan na sasabihin ko sa kanila ang tungkol sayo, tungkol sa Nanay nilang nag-abanduna sa kanila ng limang taon." Pagdiin ng boses niyang turan.

I blinked to avoid being overtaken by emotion, then I nodded curtly and looked away.

Jusko, kayo nang bahala, ipapaubaya ko na sa inyo ang pwedeng mangyari sa mga susunod pang mga araw.

Nakarating kami ng bahay nang walang sino man ang nagsalita.

Pagkababa ko ay siya namang pagbitbit niya ng maleta ko.

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad papasok.

Kaya huminga ako ng malalim at humakbang na rin papasok ng bahay.

Pagkapasok ko palang ay sumalubong na agad si Zavie at Zavler.

"Te-acher." Papaiyak na boses ni Zavler.

Agad akong lumuhod, saka ko ibinuka ang bisig ko para salubungin sila ng mahigpit na yakap.

I closed my eyes tightly as I hugged them both. Kagat labi kong pinigilan ang pag-iyak.

Hinalikan ko ang parehong noo nila.

"You promised you wouldn't leave us!" Pag-iyak ni Zavie.

Ngumiti akong nag-iinit ang gilid ng mga mata ko. "So-orry, bibisita lang naman sana ako sa probinsiya at babalik rin ako agad. Hindi ko naman talaga kayo iiwan." Pagsisinungaling ko.

"Aalis ka nang hindi nagpapaalam sa amin? Hindi mo pa nga nagawa yung ice cream ko!" Hikbi ni Zavie kaya napatawa kong napaluha.

"Teacher, wag ka na ulit aalis nang hindi namin alam, ha? Make a promise, please..."  Iyak ni Zavler, kaya tumango-tango ako ng mabilis.

"Promise." Pagtaas ng isa kong palad para manumpa.

Yumakap ulit sila, kaya yumakap ako ng mahigpit pabalik.

Pano ko sila nagagawang tiisin? Ang sama ko. Kaya mas makakabuting hindi nila malaman, dahil kahit ako ay galit mismo sa sarili ko kung bakit ko nagawa iyon ng limang taon...

Kaya ngayon, pipiliin ko namang sundin ang kagustuhan ko na bumawi sa lahat, pupunan ko ang mga pagkukulang ko sa kanila. Kahit bilang si Thalythia lang.

Pagkatapos ko silang mapatahan ay naupo kami rito sa sofa, hinila ko sila para kumalong sa'kin.

Humawak si Zavler sa noo ko. "Teacher, ang init niyo po." Alalang ani niya.

Pero ngumiti lang ako. "Konting sinat lang ito, baby, mawawalan rin agad."

"Nag-take ka na ba ng candy?" Tanong naman ni Zavie, kaya napalingon ako sakanya.

"Candy, baby?" Nagtataka kong tanong na agad niyang ikinatango.

"Yeah, nag tatake kami ng candy kapag nilalagnat kami ni Zavler." Inosenteng sagot niya.

Nakuha ko naman agad, kaya mabilis akong tumango. Gamot pala ang tinutukoy ng anak ko...

Nang oras na ng pagtulog nila ay agad ko silang ini-akyat sa kwarto nila gaya ng parati kong ginagawa. Nang makitang banayad na ang paghinga nila ay lumabas din ako ng walang ginagawang ingay.

Pagkasarado ko ng pintuan ay napahinga ako ng malalim.

Kinapa ko ang noo ko habang naglalakad papunta sa kwarto ko. Nahihilo pa ako pero ayos lang.

Pagkarating ko sa harapan ng pintuan ay pinihit ko ang seradura nang mapagtantong naka-lock ito.

Napakurap akong pinihit ulit.

Nailock ba niya?

Bumuga ako ng hangin, saka ko sinulyapan ang kwarto niya.

Kailangan kong tanungin kung nasaan ang susi. Kaya kahit alanganin ay humakbang ako papunta sa harapan ng pintuan niya.

Hinawakan ko ang seradura pero napatigil din agad ako at minabuting kumatok nalang.

Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan...

Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang tumalikod din siya't iniwang nakabukas ang pintuan.

Kaya pumasok nalang ako.

Itutuloy ko na sana ang pagtatanong nang makita kong nasa ibabaw ng kama ang maleta ko.

Kaya pala naka-lock ang pintuan ng kwarto ko dahil dito pala niya idinaretso.

Binigyan ko nang pansin ang buong kwarto. Napalitan na lahat ng nasira, nasa ayos na ulit ang mga gamit.

Napatingin ako sa paggalaw niyang dinampot ang kaha ng sigarilyong nasa maliit na mesa. Kumuha ito ng isang stick, saka sinindihan. Kita ko pa ang isang malalim na paghithit niya rito, saka niya patunghay na ibinuga ang makapal na usok. "Kailangan ko pa bang sabihing iayos mo ang mga gamit mo?" Walang gana niyang paglingon sa'kin.

Dito ba matutulog?

Pero...

"Ba-ka magtanong ang mga bata kapag-"

"Kasal parin tayo, asawa parin kita..." Simpleng pagputol niya, kasunod nito ang paghithit muli niya ng sigaringyong hawak. "Kaya may karapatan parin ako sayo."

@dikaPinili_

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

7.5M 210K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.3M 30.6K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...