Bossy Bree

By Lady_Lemonade_

1.3M 34.5K 1.5K

Mula ng magkasakit ang kanyang ama, Bree Montecillo acted as the CEO of a multimillion-dollar corporation and... More

Bossy Bree
1 The will
2 Mr. Santillan
3 I need him
4 How much are you?
Hello guys!
5 Red faced
6 His Conditions
7 Mrs. Santillan
8 First Fight
9 Living together
10 Heartbeat
11 Almost but not quite
12 Interruptions
13 The Maid
14 makes No sense
15 Dashing Dandy
16 Date
17 That Night
18 The day after
19 The Vacation
20 Love in bloom
21 The visitor
22 Office Romance
23 Denial
24 Realization
25 The Tyrant
26 Consequences
27 Its a trap
28 Trapped
29 settlement
30 Madness
31 One of us
32 Hate
33 Ceasefire
34 Scapegoat
35 Promise me
37 Fait Accompli
38 Epilogue
39 Clyde POV
40 Clyde POV (2)

36 I'm done for

7K 255 84
By Lady_Lemonade_

Clyde POV

'The truth is I fell inlove with you! And I didn't denied you back then because I'm ashamed of you!'

'Pinakakinatatakutan ko noon ay ang mawala ka sa akin!'

'You can have my company. Kung ang pagwasak sa kumpanya ko ang tanging makakapagpagaan ng kalooban mo, then destroy it. Tear it down into pieces, devour it. But when you're done, promise me one thing... that you will be yourself again. Ibalik mo ang Clyde na minahal ko.'

Daig ko pa ang sinuntok ng paulit-ulit sa sikmura ng marinig ko ang mga sinabing iyon ni Bree. And it keeps repeating in my head like a tormentous echolalia. Paulit-ulit sa utak ko na halos nakakasira na ng ulo ang mga salitang iyon.

How can I be this stupid?! Kailangan pa bang sabihin ni Bree ang mga iyon para marealize kong idinadamay ko ang asawa ko sa galit ko sa biological father ko na bigla na lang namatay?! I hate to admit but it's all true. Naidadamay ko pa rin ang aking kasalukuyan sa aking masalimuot na karanasan. Karanasan na humubog sa galit ko sa mga mayayaman dahil bata pa lamang ako ay naririnig ko na sa mga kapitbahay namin ang mga panlalait at pangungutya sa aming mag-ina.

Ang pinagmulan pa mismo ng akusasyong gold digger ang nanay ko ay walang iba kundi sa ama ko. Tumatak na sa isip ng mga tao ang kasinungalingang iyon. Nabaon naman sa limot ang katotohanang pilit na ipinaglalaban ng nanay ko, ang dignidad niya at ang karapatan ko bilang anak ng isang De Vega. Pero walang laban ang isang dukha sa isang gaya ni Guillermo. Nabaligtad ang lahat. Si Nanay ang lumabas na masama. Kayang-kaya ng isang Guillermo De Vega na gawing katotohanan ang bawat kasinungalingang sinasabi niya. My mother and I went under the radar, daig pa namin ang kriminal na laging nagtatago. Hanggang sa nakalimutan din ng mga tao ang lahat maliban na lang sa aming mag-ina na nabuhay ng may pasakit sa dibdib. Kalaunan naman ay mukhang nakalimutan na din kami ni Guillermo. Ako ang kauna-unahang naging masaya ng muling umibig si Nanay. Si Althea ang naging bunga n'on. Pinaranas sa akin ng stepfather ko ang pagkakaroon ng isang mabuting ama, pero saglit lamang iyon dahil namatay din siya sa aksidente. Na agad din namang sinundan ni Nanay ng atakihin siya sa puso. Napilitan akong maging ama at ina kay Althea kaya wala akong inisip noon kundi magtrabaho at mag-aral para makatapos.

Then I worked under Edgar Montecillo. He became the father figure I long for all these years. I trusted him. Pati ang nakaraan ko ay naikwento ko sa kanya. But Sir Edgar broke that trust when he told Guillermo where to find me. I was about to resign that day. Kahit na ba sinabi ng matandang Montecillo na may sakit siya at ako lang ang pinagkakatiwalaan niya sa opisina. Nothing can stop me from resigning. But then I saw Bree Montecillo entered the office. Sir Edgar introduced us. I don't know what's got into me but I didn't gave my resignation letter that day. Lalo na ng sinabi ni Sir Edgar na ang anak daw niya ang papalit sa kanya. At that time I'm not sure if its love at first sight. But now I'm sure it is.

"You're here again." It was a statement rather than a question. Pagak na napangiti na lang ako kay Claire. I raised my glass of brandy at her as a salute. Napailing naman si Claire.

"You never told me why you're drinking yourself to death before, pero palagay ko may idea na ako." Ani Claire habang inilalapag ang bote ng brandy na inorder ko. Muli ay isang tipid na ngiti lang ang naging tugon ko sa sinabi niya.

"I was never honest to you. I'm... I'm married for three years now." Nasabi ko kalaunan na marahang tinanguan ni Claire. I can see the hurt that entered her eyes, but soon she brushed those feelings off and gave me a genuine smile.

"Bree Montecillo?" Tanging tanong niya na marahan kong tinanguan. Just the mention of her name leaves a stabbing pain in my gut.

"I see. Don't be too hard on yourself. I never actually asked if you're single. Sa lakas mong uminom noong makilala kita, I guess, it gave you away na babae lang ang magiging problema mo." May himig pagbibiro na turan ni Claire. Muli pagak akong napangiti at nilagok ang huling laman na brandy ng baso ko.

"Does she loves you?" The question made me stop from pouring my glass another drink. Napahugot ako ng malalim na hininga. Muling bumabalik sa isip ko ang mga katagang binaggit ni Bree.

The truth is I fell inlove with you!

"She said she did." Tanging naisagot ko. Ngumiti si Claire and she tapped my shoulder.

"I'll bet she still does. Hindi siya magseselos sa akin kung hindi ka na niya mahal. And I'm positive you love her very much. Quit drinking and just do something about it. You're a good man Clyde. Just do what your heart tells you." Ani Claire pagkatapos ay iniwan na din niya ako at inasikaso ang ibang customer ng resto-bar niya. Napailing na lang ako at may totoong ngiting gumuhit sa labi ko. Claire just know what to say at the right moment. Tinakpan ko ang bote ng brandy at pinanood ang masayahing pagbati ni Claire sa mga bagong pasok sa resto-bar niya. This resto-bar that Claire almost lost, but thanks to me, she didn't. Claire really loves her chain of resto-bars.

When I left Bree three years ago, that is when I met Claire. O mas madaling sabihin na inutusan siya ni Guillermo para puntahan ako. Inaanak siya ni Guillermo at naging malapit siya sa ama ko. Siya ang nagbalita sa akin na may taning na ang buhay ng biological father ko. And the old man's dying wish is to see me. Ayoko sana. Pero makulit si Claire. Araw-araw niya akong kinukulit noon kahit na ba araw-araw din akong tumatanggi. I was drowning myself with alcohol because of my failed marriage. And Claire is the one who put up with me. She is so persistent. She even took care of me at some point when I'm too drunk to even stand up. If it wasn't for Claire, I wouldn't be able to pull myself together.

Sabi ni Claire na lagi raw ako ibida ni Guillermo sa kanya na para bang kilala na din daw niya ako. Hindi na ako nagtaka na alam ni Guillermo ang lahat ng tungkol sa akin. Mula sa pagpapa-aral ko sa sarili ko, hanggang sa pagpapa-aral ko kay Althea. Sir Edgar must have told him everything.

Kalaunan ay napapayag din ako ni Claire na makipagkita kay Guillermo. And when I finally saw him, he was bone-thin and sickly that I couldn't find it in my heart to blame him from all that he's done. Sa halip manumbat ay natagpuan ko ang sarili kong nagpapatawad. I forgave him but I never forget the pain he caused. Naging tagapagmana ako ni Guillermo. Hindi ko hiningi, pero nagulat na lang ako ng sabihin sa akin ng abogado ni Guillermo na ako ang tanging tagapagmana niya. Hindi ko balak tanggapin. Ayoko sana. Pero dahil sa pakikiusap ni Claire, ay napilitan akong tanggapin ang mana ko. Noong mamatay si Guillermo ay walang ibang iniwan na tagapamahala si Guillermo sa kumpanya niya. At dahil babagsak daw ang kumpanya ng pamilya ni Claire na dependent sa kumpanya ni Guillermo ay napilitan akong tulungan sila. Inako ko na ang posisyon at ang mana ko. I need to help Claire. Claire became my light in my most dark days. She became my little joy when I was so down. Siya ang araw-araw na nagsasabi sa akin na magpatuloy lang noong mga panahong gusto ko na lang tumigil ang mundo ko. So I had to help Claire even if it means I have to be one of the richest people in the country. Tinanggap ko ang pagpapatuloy ng De Vega empire para masagip ko ang kumpanya ng pamilya ni Claire. Pero hindi ko lubos akalain na magagamit ko din pala ang kayamanang iyon para maghiganti. I was consumed with my anger that I became what I hated the most. I was cunning with no remorse. I abused my authority and power. I became my father.

I read somewhere, that the past will often attack the present with the pain of your memories. And that is exactly what happened to me. My past affected my present thinking more than I thought it did. I created this bad image of Bree in my head just because she belongs to the upper class just like my biological father. I assumed that she is cut from the same cloth. Sa utak ko, kayang-kaya akong iwan at itapon ng isang Bree Montecillo tulad ng ginawa ni Guillermo sa nanay ko, so I left her. I left, gaya ng ginawa ng nanay ko. Inunahan kong gawin ang akala ko ay gagawin sa akin ni Bree. And what Bree said yesterday made me realized that I'm so damn wrong with all my presumptions. Bree is different. She tried to protect me, unlike Guillermo who mistreated us. She tried to hang on to me, unlike Guillermo who left me out to dry. Goddammit! Why did I realize this too late?! She even gave up her company for me, for fvcksakes! The company that she dedicated her whole life to. She gave it up just to make me realized what an idiot I was.

What the hell was I thinking plotting my revenge when just seeing her hurt or making her cry is enough to make me feel like the biggest loser? I couldn't even stand not touching her or being with her. What in the hell was I thinking when I intended to hurt her when I can't even stand watching her suffer? I was too blinded by this foolish anger and futile vengence.

She told me she fell inlove with me when we're together. All those feelings of rejection and worthlessness that I felt dissolved with just Bree's magic words. Na para bang hinihilom noon ang lamat ng aking nakaraan pati na ng kasalukuyan.

The truth is I fell inlove with you!

Nanlulumong napahagod ako ng buhok ko ng muling naalala ang sinabing iyon ni Bree. She fell inlove with me when we're together and I blew it! But it doesn't mean I'm not going to try again.

Napangiwi ako ng maalala ang mga kasamaang nagawa ko. Totoong sinabotahe ko ang mga kumpanyang nakapaligid sa Montecillo Group of Companies. Totoong ginipit ko si Sinclair at Devauer. Totoong sinindak ko halos lahat ng may shares sa kumpanya ni Bree para maibenta sa akin ang mga kaliit-liitang porsyento ng shares ng kumpanya. Totoong binalak kong maglaho ang kumpanya ni Bree at i-absorb iyon. And now I'm regreting all my fvcked up decisions. Because now, I don't know how to make it up to all the people that I terrorized. I don't know if Bree can ever forgive me. But by all means necessary, I will fvcking gave it my all.

Bree POV

Kulang ang salitang nagkakagulo sa mga nangyayari ngayon sa kumpanya. Hindi ko alam kung paano nalaman ng lahat na ang major shareholder ng kumpanya ay ang De Vega Empire. Na ano mang oras ay maaring maging subsidiary na lamang ang Montecillo Group of companies sa De Vega Empire. Or worst, tuluyan ng i-rebrand ito.

Humahangos na pumasok ng opisina ko si Aria, gulo-gulo ang buhok niya at may hawak na cellphone sa kanang kamay at mga papeles naman sa kaliwa.

"Ma'am tumawag ang Agaro Firm, they are pulling out their investments. Nabalitaan na din nila ang nangyari." Balisang ani Aria na marahan ko namang tinanguan. Nangunot ang noo ni Aria sa ginawa ko, marahil ay naninibago siya sa kalma ko na kabaligtaran ng pagkataranta ng lahat ng empleyado.

"Ma'am, The Gimenas and Delfin Firm are withdrawing from the deals." Humahangos na anunsiyo ni Brenda. Mamula-mula na ang mata niya. Tinanguan ko din siya. I crossed my arms and lean back on my swivel chair. I expected trouble. But I didn't know that even our oldest clients will lose faith in us. Alam ko nagkakagulo na sa labas ng opisina ko. They are all agitated and afraid to lose their jobs.

"Ma'am? O-okay ka lang po ba?" Nag-aalalang ani Aria. Kahit si Brenda ay titig na titig sa akin. Marahil hindi makapaniwala sa kalma ng mukha ko.  My father trained me to have this pokerface. Pero ngayon lang nasubok ng sagad ang training na iyon.

"I'm fine. It's alright Aria. Tell them to go ahead and pull their investments. Brenda, tell the Gimenas and the Delfins that they can do whatever they feel like doing. Get their deals somewhere else, I doubt they'll find anyone as competent and cost effective as us." Mahinahong aniko sa kanila.

"Pero..." tutol ni Brenda. Hindi siya makapaniwalang bibitawan ko ng ganon ganon na lang ang tatlo sa malalaking clientele na meron kami.

"Just do as I say Brenda, Aria." Mahinahon pa ring aniko. Nagulat pa ako ng bigla pumalahaw ng iyak si Aria. Then Brenda follows. Magkayakap sila habang umaatungal.

"Ma'am, alam kong pagsubok lang ito sa atin, huwag naman po kayong bumigay." litanya ni Aria habang nagpupunas ng luha niya. Lumuluha naman si Brenda habang nagsasalita.

"Do you need counseling Ma'am? Meron akong mairerekumendang magaling na ps..." 'di na natapos ni Brenda ang sinasabi niya ng malakas na hinampas ko ang lamesa.

"Why in the hell are you two bawling your eyes out?! Anong bumigay ang pinagsasasabi mo diyan?! I don't need counseling Brenda. I'm not going nuts! Kumalma kayong dalawa pwede? Kung ia-absorb man ni De Vega ang kumpanya, sisiguraduhin ko na ni isa sa mga empleyado dito ay hindi matatanggal. I'll make sure everyone will still have their job!" Sigaw ko na ikinatango ni Aria at Brenda.

"Nag-alala lang po kami sa inyo Ma'am! Masyado po kasi kayong kalma kaya nagtataka kami ni Brenda, eh never pa naman kayong kumalma! Pero mukhang okay naman pala kayo kasi nakakasigaw pa din pala kayo. Keep it up ma'am!" Napaikot ang bilog ng mata ko sa sinabing iyon ni Aria. Mukhang sanay na siya sa ugali ko. I'm all bark but no bite. I might scream and throw stuff but they know I'm all softy inside. Nagpipigil naman ng hagikgik si Brenda ng samaan ko siya ng tingin.

"Just do what I tell you to do. You two, out!" Sigaw ko na ikinatahimik nilang dalawa. Sisinghot-singhot na lumabas silang dalawa ng opisina ko pero bakas na ang mga ngiti sa labi.

Everything is falling apart, kalma man ang pinapakita ko sa lahat but in the inside I'm hysterical. I sounded like I know what I'm doing but in truth, I'm panicking. Dumagdag pa sa nararamdaman ko ng makita kong pasugod na pumasok si Argueles.

"Bree, how could you let this happen?!" Bungad na bulyaw niya. Wala akong nagawa kundi malamim na bumuntong hininga. I don't want to entertain Argueles' panic attacks too but I guess, I can't escape him.

"Take a seat, Tito Miguel." Paanyaya ko pero hindi kumilos si Argueles para maupo. Nagngangalit na nakatitig lang siya ng masama sa akin.

"We will have an emergency meeting today! All the board members should know about what you've done! You better have a solution to the problems you created Miss President!" Galit na galit na bulyaw ni Argueles. Patuya rin ang pagbigkas niya sa huling kataga na lalong nagdulot ng kirot sa puso ko. Pulang-pula na din ang mukha ni Argueles sa galit na aakalain mong aatakihin na siya sa puso ano mang oras.

"Calm down Mr. Arg.." di na ako pinatapos ni Argueles at gigil na tinalikuran na niya ako at lumabas din agad siya ng opisina ko. Rinig ko pa ng bulyawan niya ang nakaharang sa pinto na si Aria. Malalim na napabuntong hininga na lamang ako.

An emergency meeting. Gawd! What should I say to them?! That I failed to protect this company because I'm incompetent?! Na dahil sa pagnanais kong manatili sa pwesto ko ay nagawa kong isakapalaran ang kumpanya para lang matuloy ang expansion?! At dahil sa paghihiganti ni Clyde sa akin ay napasakamay niya ang aming kumpanya?! Tama si Argueles. Walang ibang pwedeng sisihin dito kundi ako.

I did this. I failed all of them. I failed this company.

I was about to stand up but my legs felt weak so I stumbled. Muli akong napasalampak sa swivel chair ko. Napahugot akong muli ng malalim na hininga.

I know, there is nothing else I can do anymore. And I have to face all my board members to officially step down. I'm done for. This is my end.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 63K 55
"Dr. Achilles Alarcon, inaaresto kita!" Galit na salubong ni SPO3 Antonia Dimaculangan. "Arrest me? On what grounds?" Kunot noong tanong ng manggagam...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
790K 26.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
367K 8.3K 27
DS #2 FIN (July 21, 2019 | 10:23 AM) RAW AND UNEDITED All Serenity Valencio wanted in her life was to fit into her second adoptive family. Gusto niya...