Third Person's POV
Naghahanda na si Zaiden sa pagligpit ng gamit niya para harapin niya yung tatay niya na si Raiden mag isa.
Meron na siyang matagal na pinaplano para tumigil na ang kasakiman ng kanyang ama.
"Zaiden." Pagpasok bigla ni Margot sa kwarto niya.
"Sigurado ka na ba sa plano mo?"
"Oo. Sigurado na ako Margot. Sigurado na ako sa gagawin ko." Sagot ni Zaiden na ikinabuntong hininga niya.
"Sige, mag iingat ka." Sambit ni Margot bago sila nagyakapan.
"Mag ingat ka please."
"Pangako Margot." Sambit ni Zaiden bago sila kumalas sa pagyakap.
"Sige, mauuna na ako." Sambit ni Zaiden bago naglakad papunta sa living room at lumapit kina Rhodes at Stacey.
"Tito Rhodes... Tita Stacey... maraming salamat po at kayo po ang nag alaga saakin ng isang buwan. Mukhang kinailangan ko po talaga bumalik kay Dad. Kahit sabihin ko man na ayoko, pero kailangan." Sambit ni Zaiden na ikina-ngiti nilang dalawa.
"Mag iingat ka Zaiden. Alam kong napakabuti mong tao." Sambit ni Stacey bago niya yakapin si Zaiden.
"Tandaan mo, welcome ka dito anytime." Dagdag ni Rhodes bago guluhin ang buhok ni Zaiden.
"O siya, mag iingat ka ha."
"Opo Tito... Tita..."
Ngumiti sila sa isa't isa at doon na umalis si Zaiden sa bahay.
Naglakad na si Zaiden dala ang mga maleta niya para makauwi na siya sa dati niyang tinitirahan.
Zaiden's POV
Kung nagtataka kayo kung bakit kailangan kong bumalik sa dati kong bahay, dahil death anniversary na ni Mom.
Nakakalungkot man isipin yun, pero wala eh. Mas mabuti pa na umuwi muna ako at tumira muna kasama si Dad, dahil isa ito sa mga ala ala na binigay ni Mom mula pagkabata.
Pagdating ko sa bahay, as expected. Wala si Dad sa bahay, kaya pumasok na ako sa loob ng bahay at agad agad kong linapag yung maleta ko sa kwarto ko.
Napatingin ako sa kama ko at nagtaka ako sa mga litrato na nakita ko.
Tinignan ko ito isa isa at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Litrato ito ng isang patay na babae na duguan, pero hindi ko masabi kung sino ang bangkay na yan.
Until one picture made me scared.
"Ma'am Kalea?"
Oo, isa si Ma'am Kalea sa mga naging teacher ko, isa na din ako sa mga estudyanteng low-key na naiinis sakanya dahil sa pagtrato niya ng mga estudyante, pero hindi niya deserve yung nangyari sakanya.
Kaya agad agad kong tinago yung mga litrato sa maleta ko, hanggang sa may nagbagok ng ulo ko kaya napatumba ako at nawalan ng malay.
3 minutes later
Napamulat ako ng mata ko sa sakit ng nararamdaman ko at napatingin sa gilid.
Nakatali na ako sa isang upuan at di ako makakilos. Di ko kayang pakawalan ang sarili ko.
"HOY!!! PAKAWALAN NIYO AKO DITO!!!" Sigaw ko.
Pero may dalawang lalaking biglang naglakad papunta sa harapan ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"Kumusta anak? Masarap ba tulog mo?"
"Anong kalokohang pinagagagawa mo Dad?!" Tanong ko na pagalit.
"Dad? Diba hindi mo ako tanggap bilang tatay mo?" Natatawang sambit ni Dad.
"Tsaka ang lakas ng loob mo na itago yung mga litrato ng asawa ko no?" Natatawang sambit ng isang lalaki.
Siya yung asawa ni Ma'am Kalea?!
"Anong ginawa niyo kay Ma'am Kalea?!"
"Wala ka na doon Zaiden! At wag ka nang makialam! Tara na Raiden! May plano pa tayong pag uusapan!"
"Sige, boss Tanner!"
Nang makaalis na sila, hindi ko na napigilan yung sigaw ko ng sobrang lakas.
"MGA DEMONYO KAYO!!!"
Third Person's POV
Umalis na si Raiden at Tanner sa hiding place ng mga psychos at pumunta na sila sa bahay kung saan may reunion sila. Maliban lang sa mga umalis at tumakwil na sakanila.
"Ano? Good times ba boss?" Tanong ni Raiden sakanya bago sila lumabas ng kotse at pumasok sa bahay.
"Welcome back!!" Sigaw ni Irelynn kina Raiden at Tanner at umupo sila sa silya.
"So... anong balita?" Tanong ni Irelynn sakanila.
"Just doing the good old days. Tsaka nakakaiba talaga yung mga tatapak sa trono natin!" Natatawang sambit ni Raiden na ikinatuwa nila.
Maya maya pa, kinuha ni Tanner yung kahon na dala niya at binuksan niya ito showing different types of guns.
"Si Roselle, si Leo, si April, si Steel, at si Heather ay nakikipagtulungan na sa mga psycho team. And I'm sure isa isa nang babagsak ang mga Gen Z Spartans at BHINKT Agents. Pati na rin ang mga pamilya nila." Natatawang sambit ni Tanner.
"Nakakamiss no? Nakakamiss magplano ng paghiganti sa mga kalaban natin." Natatawang sambit ni Irelynn.
"Siya nga pala, si Kalea? Ano nang balita sa bangkay niya?" Tanong ni Irelynn na ikina-ngiti nila.
"Tumahimik na ang buhay ni Tanner. Tsaka in the first place, ayoko talaga sa asawa niya eh. Masyadong pabida sa buhay!" Inis na sambit ni Raiden.
"Anong nangyari? Paano siya namatay?" Tanong ni Irelynn.
"Ganito kasi yung nangyari..." Sambit ni Tanner bago ikwento ang lahat kina Irelynn at Raiden.
"Well, servers her right! She deserved it anyways!"
"Tsaka tama lang na pinatay mo si Kalea, Tanner! Kaya nga psychos ang tawag natin diba?!"
"Ano?!" Sulpot bigla ni River na narinig ang dahilang pinatay ni Tanner si Kalea.
"River?!"
"Totoo ba Daddy?" Tanong niya na naiiyak na may halong galit.
"Totoo bang pinatay mo si Mommy?!"
"River... I'll explain everything..." Sambit ni Tanner bago lapitan si River, pero agad agad siyang lumayo dahil sa takot.
"River---"
"What the f**k Dad?! Talagang pinagmamalaki mo yung ginawa mong kaso na ginawa mo?! And what's worse! SI MOMMY PA YUNG BIKTIMA!" Mangiyak iyak na sambit ni River.
"ANONG KLASE KANG AMA?! ANONG KLASENG AMA ANG PUMAPATAY NG TAONG MAHAL NIYA SA BUHAY?!" Sigaw niya ulit bago humagulgol.
"River! Ipapaliwanag ko sayo lahat!"
"Wag mo akong lalapitan!" Pagtulak ni River kay Tanner palayo sakanya.
"Pasensyahan tayo Daddy! Ide-demanda kita!" Seryosong sambit ni River bago naglakad palabas ng bahay.
"River! Wag kang magsumbong!" Inis na sambit ni Tanner bago niya hilain si River pabalik.
"Bitawan mo ako!"
"River! Isa!"
"Bitawan mo ako!!"
"Subukan mong tumakas!"
"MAMAMATAY TAO KA!!"
Sa sobrang galit ni Tanner kay River, agad agad niyang sinampal si River ng dalawang beses at tinulak siya patagilid na naging sanhi ng pagtama ng ulo niya sa drawer at nawalan ng malay.
"River!!" Sulpot bigla ni Griffith kasama si Dwight.
Agad agad namang sinapak ni Dwight si Tanner at agad agad na silang lumabas para makatakas.
"HOY!! BUMALIK KAYO DITO!!" Sigaw ni Raiden habang hawak niya yung baril.
Agad agad pumasok si Dwight at si Griffith na binubuhat si River at agad nang nagmaneho ng mabilisan si Findley para makalayo sa bahay nila.
Pinutok ni Raiden yung baril sa van ni Findley, pero nakalayo na ito at nabwisit si Raiden.
Bumalik agad si Raiden sa loob ng bahay para tignan si Tanner na may pasa sa labi dahil sa suntok ni Dwight sakanya.
"Paano ba yan? Mukhang alam na ni River yung nangyari." Tanong ni Raiden na nag aalala.
"Hindi ko hahayaan na makulong ulit ako tulad ng dati."