Chapter 3

368 7 32
                                    

Sakura's POV

"Ano ba yan?! Naubusan pa ako ng load!" Pagreklamo ni Arianna.

"K Drama pa more!" Pag asar ni Aarah.

"K Drama. Eh mas pogi pa nga ako sa mga Oppa na yan eh!" Sulpot ng isang lalaki na kasama si Rhett.

"Ang hangin mo naman Lexeaus." Pag asar ni Aarah.

"Totoo naman eh! Mas pogi pa nga ako sa mga Oppa na yan." Pagyabang ni Lexeaus.

"Saan banda?!" Tanong ni Arianna.

"Kasi wala akong nakikitang Oppa eh! May nakikita lang akong mahangin na lalaking GGSS. Gwapong gwapo sa sarili!" Inis na sambit ni Arianna.

"Chillax Arianna Grande! No need to be mad." Sabi ni Rhett.

"Gusto ko lang manahimik jusko! Bakit pa kayo dumating?!" Tanong ni Arianna sakanila.

"Edi umalis ka pag naiingayan ka." Sulpot bigla ni Falco.

"At lalo pang sumira yung katahimikan ko!" Singhal ni Arianna.

"Eh ikaw lang naman nagsisimula ng ingay eh. Bakit? Naubusan ka na ba ng load para panoorin mo yung so called "Asawa" mo kaya ka nakikihalubilo sakanila?" Tanong ni Falco.

"Eh bakit ka ba nandito kung naiingayan ka saamin? Gusto mong manahimik diba?" Tanong ulit ni Falco.

"Kung yun ang gusto mo, sige! Aalis na ako!" Singhal ni Arianna bago tumayo.

"Sandali lang!"

"Ano ba?! Bakit ka ba humaharang?!" Tanong ni Arianna.

"Ay iba!!" Pag asar ni Lexeaus.

"I stan these two!!" Dagdag ni Rhett.

"Uhmm... mauuna muna ako." Sambit ko bago tumayo at umalis sa harapan nila.

Hayaan ko muna yung banyagan ni Falco at Arianna. Ang cute kasi eh.

Naglakad lakad ako kung saan saan at napansin ko na lang yung isang poster na pang beauty pageant ang datingan.

Well, I'm not interested in those kind of stuff. Pero I'm very curious about this eh.

"Gusto mo bang sumali?" Tanong ng isang babae na nasa likod ko na ikinagulat ko lang.

"Sorry. Nagulat pala kita." Sambit niya na ikinatuwa ko.

"I'm Flair." Pagpakilala niya.

"Sakura."

"Bago ka pa lang no? Kasi I haven't seen you here nung past scho years eh."

"Ahh. Oo, bago pa lang ako dito." Sambit ko na ikina-ngiti niya.

"By the way, I'm in charge sa mga pagpili ng mga model. May beauty pageant kami every year. And I want to encourage girls na they can have the confidence to be as beautiful as they can be." Sambit ni Flair na ikina-ngiti ko.

"May boys ba na pwedeng sumali sa modeling?" Sulpot bigla ni Lexeaus na kasama na yung bwisit na Campus Leader.

"Hi Logan!!" Bati ni Flair.

"Wag muna si Logan kausapin mo. Medyo moody eh. Kung gusto mo, ako na lang kausapin mo."

"Why would I?! Like, eww!"

"Maka eww naman to. Diba sinabi mo nga gusto mong maging confident ang mga tao na magaganda o gwapo sila?" Pagpaliwanag ni Lexeaus.

"Eh yang kamanyakan mo?! Sa tingin mo ba maganda tignan yang kamanyakan mo?! Alam mo, nagsasayang lang ako ng oras!" Sambit ni Flair bago umalis.

"Flair Evangelista! Teka lang!" Sigaw ni Lexeaus habang sinusundan si Flair.

Napatingin na lang ako kay Logan na tinitignan ako ng masama.

"Ano nanamang trip mo Logan?!" Tanong ko na naiinis.

"You're one tough cookie eh." Sambit niya bago ito lumapit saakin at hinarangan ako gamit yung mga braso niya.

S**t!! Anong binabalak mo Logan?!

"Are you really sure you didn't mean what really happened nung tinapon mo yung basura?" Tanong ni Logan habang tinitignan ako sa mata.

"Kailangan pa bang ulit ulitin yang tanong mo?! Hindi ko nga na shoot ng maayos!" Sigaw ko.

"Well... okay then." Sambit niya bago lumayo ng onti.

"Sorry about what happened." Sambit niya na ikina-ngisi ko.

"Sa tingin mo na tatanggapin ko agad yang sorry mo?! Diba sinisira ko yung rules ng school niyo?!"

"Masyado lang akong OC Sakura. Tsaka if you have some questions about the rules, approach me anytime okay?" Sambit ni Logan bago ako umalis.

Bumait na ba si Logan or nagbabait baitan lang para lang mapahiya ako?!

Flair's POV

"Flair Evangelista! Usap naman tayo oh! Pwede ba?" Tanong ni Lexeaus habang sinusundan ako.

"Ano nanamang trip mo Lexeaus?!" Tanong ko na pagalit.

"Sungit naman neto. May itanong lang sana ako sayo!" Sambit ni Lexeaus na ikinabuntong hininga ko lang.

Oo, laging ganyan si Lexeaus nung nakilala niya ako. Masyadong atat na atat saakin! Nakakainis nga yung ugali neto eh! Parang manyak!

"Maitanong ko lang sana kung may lalaking sumasali sa pagmo model niyo?"

"Meron! Pero di kami tumatanggap ng manyak!"

"Grabe naman ito sa manyak!"

"Eh totoo namang manyak ka diba?! Nakakarindi kasi yang pagsunod mo lagi saakin pag lumalayo ako sayo eh!" Inis na sambit ko.

"Eh may gusto ka bang lalaki dito sa school?" Tanong ni Lexeaus.

"Si Logan! Bakit ba?!" Diretsong sagot ko.

"Okay. Hindi kita masisisi kung gusto mo si Logan. Pero yung akin lang is wag kang masyadong aasa ha? Masasaktan ka lang."

"Wow! Big word! Galing sa manyak na tulad mo! Ano bang trip mo ha? May gusto ka ba saakin?!" Tanong ko.

"Kung sinabi kong oo... papayag ka?" Tanong niya na nakangiti.

"Eww! Manyak! Nakaka turn off!"

"Mag iingat ka na lang sa sinasabi mo ha? Baka mahulog ka pa sa manyak na tulad ko!" Pag asar niya.

"In your dreams!" Singhal ko bago maglakad ng palayo sakanya.

Natapilok ako bigla, pero agad agad akong sinalo ni Lexeaus at tinignan niya lang ako mata sa mata habang nakangiti ito saakin.

Jusko naman! Kung si Logan yan, kikiligin pa ako! Pero hindi eh! Yang Lexeaus Zamora Ignacio na yan ang kaharap ko ngayon!

"Ang ganda mo talaga Flair." Sambit niya habang gumagalaw yung mga daliri niya papunta sa parte ng mukha ko.

"Yung kinis ng mukha mo, yung mata mo na kumikinang, yang labi mong ang sarap halikan. Lahat ng kagandahan mo nasayo na Flair. No wonder why madaming nagkaka gusto sayo eh." Sambit niya habang hinahawakan yung muka ko.

Oh no!! Bakit ba si Lexeaus yung gumawa neto saakin?!

"Can I kiss your soft lips Flair Evangelista?"

Hindi na ako sumagot at agad agad niya ako hinalikan sa labi.

T*****a!!! Bakit ba ninakaw ni Lexeaus yang first kiss ko?!

Bumitaw na si Lexeaus sa paghalik at ngumiti na lang ito saakin.

"Manyak!" Sigaw ko sakanya bago ako  naglakad palayo sakanya.

Wala na! Ninakaw na ni Lexeaus yung first kiss ko!

Family WarWhere stories live. Discover now