Chapter 64

161 4 26
                                    

Arianna's POV

Here we are again. School day, hayys ang boring pag madalasan na yung meeting ng teachers.

"Okay class." Pagdating ni Sir Roy sa classroom.

"Mukhang matatagalan nanaman yung meeting naming mga teachers. Since malapit na mag time, pwede na kayong umuwi." Sambit ni Sir Roy.

"YAY!!!!"

"LEZGOO!!!!"

"Pero!" Pagtigil ni Sir.

"May ipapagawa ako sainyo na napaka importante." Dagdag niya na ikinakunot ng noo naming lahat.

"Mag ingat kayo sa pag uwi niyo at wag kayo gagawa ng kahit anong gulo? Nagkakaintindihan?"

"Sige po Sir!"

"Yes sir!"

"Sige, goodbye class!" Pagpaalam ni Sir bago lumabas sa classroom namin.

Nagsilabasan na ang lahat ng kaklase namin and as expected, sumama si Logan kay Sakura, habang si Evander sumama kay Aarah.

Pumunta muna ako sa phone ko at nanood ng Weightlifting Fairy Kim Bok Joo sa phone ko. And no worries ah, nag download na ako sa phone ko ng episodes.

"Mababasa diyan si Bok Joo." Sulpot bigla ng mokong na yan.

"Ahh!! Nakikinood ka na ah!"

"May masama ba kung manood ako?" Tanong niya.

"May sinabi ba akong masama?!" Pagbara ko.

"Oo. Masama na mawala ako sa tabi mo." Pagbanat niya na ikinalaki ng mata ko.

I mean, totoo naman eh. Di ko kakayanin pag nawala siya sa tabi ko.

"Pero pag gumawa ka ng kalokohan, patay ka saakin!" Pagbanta ko sakanya bago umirap.

"Noted honey."

"Bili na nga ako ng pagkain ko. Gutom na ako eh." Sambit ko bago tumayo.

"Sunod ako ah! Tapusin ko lang itong group activity natin para mapasa ko na kay Ma'am Jen." Sambit ni Falco na ikina-ngiti ko.

Talagang masipag si Falco eh. Nakakatuwa na hindi lang basta genius yung boyfriend ko, marunong din siya makiramdam sa mga damdamin ko.

Pupunta na ako sa canteen nang makita ko ulit yung taong hindi ko inaasahan na makita ulit.

"Arianna, ikaw na ba yan?"

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na walang emosyon.

"Look, pwede ba tayo mag usap?"

Hindi ko na hinayaan yung sarili ko na maglakad palayo sakanya.

"Arianna! Please naman! Pag usapan natin to!"

"Talaga lang Kelso?! Alam mo naman na may girlfriend ka diba?! Tapos kikilos ka na lang saakin ng bigla biglaan?!" Tanong ko na naiinis.

"Arianna, wala na kami ni Valentina! Matagal niya na akong iniwan! Naging tanga lang ako sakanya!"

"Mas naging tanga ka sa part na hindi ka nagtanong kung anong dahilan ng pag alis niya sa Canada!" Sigaw ko sakanya bago naglakad palayo sakanya.

"Arianna!"

"Wag mo kong kakausapin hangga't di kayo nag ayos ni Valentina!" Singhal ko bago umalis.

"Please naman Arianna!"

"Ano?! Susugal ka?! Kahit alam mo naman sa sarili mo na mali?! Tigil tigilan mo ako Kelso! Hindi ako ganun kat***a!"

"Arianna! Andami na ngang nawala saakin mula nung di na tayo nagsama ni Valentina! Wala na si Valentina, ayoko rin mawala ka." Magmakaawa niya.

"It was your choice Kelso. Not ours." Walang emosyon na sambit ko bago naglakad palayo sakanya.

"Arianna!" Pagtawag ni Falco, pero di ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bahay ko.

Eh, hayaan mo na. Alam ko naman na susunod yan saakin.

Aarah's POV

Kasama ko ngayon si Evander my bebe na naglalakad papunta sa bahay niya.

Although kilala ko na si Tito Riku at Tita Hazel, nahihiya pa rin ako makiusap sakanila as his future girlfriend.

"Babe... gutom na ako. Pwede ba ako maki meryenda sainyo?" Tanong ko na nagpapa cute sakanya.

"Sige sige. Sa bahay tayo... babe." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

Wait! Babe talaga tinawag saakin ni Evander?!

Emegerd!! Kenekeleg eke!!

"Tara na nga babe." Pagyaya ko.

Nang makarating na kami sa bahay ni Evander, pinapasok niya na ako sa loob ng bahay niya.

"Hi Ate Aarah!" Paglapit ni Whyndam saakin.

"Whyndam! Ang ganda ng ngiti mo ngayon ah!"

"Ano kasi, nanood ako ng varsity game kanina sa school namin. Pambato doon si Osborne Recio."

Wait! Osborne?! As in yung walang hiyang lalaking yan?!

"Bakit po Ate?"

"Advice lang ah. Mag iingat ka sa lalaking yan." Pagpaalala ko na ikinakunot ng noo niya.

"Bakit po?"

"Trust me. You do not want to hang out with that guy." Sambit ko bago umupo sa upuan at yumuko.

Hayys. Ayoko nang maalala yang lalaking yan!

"Aarah? Okay ka lang?" Tanong ni Evander na nag aalala.

"Whyndam. Pwede akyat ka muna sa kwarto mo?"

"Sige po Kuya." Sagot niya na mukhang nag aalala bago umakyat.

"Bakit mo ba pinapaiwas kay Whyndam yung Osborne na yan? I mean, sino ba yun?" Tanong niya.

"Kaklase ko dati. Oo, naging crush ko siya, pero hindi maganda yung ugali ng lalaking yan."

"Bakit?"

"Magaling siya magpahiya ng kahit sino. As long as ayaw niya yung tao." Sagot ko.

"Madami ba siyang pinahiya?" Tanong niya na ikinabuntong hininga ko.

"Oo. At kasama na ako doon."

Family WarOnde histórias criam vida. Descubra agora