Chapter 97

125 4 40
                                    

Rhett's POV

"Basta, hindi muna papasok si Falco. So that, in this way, mas may time si Falco and Arianna magsama pag nag uwian na." Pagpaalala ni Aarah saakin.

"Tsaka pag nagtanong si Arianna tungkol kay Falco, sabihin niyo sakanya na nahuli kami ng psycho team at linayo nila si Falco saakin. In that way, mag aalala siya lalo sa kalalagyan ni Falco." Dagdag ni Gold.

"I can imagine what's gonna happen." Sambit ni Aarah na kinikilig.

"Okay! Lezgo!" Sigaw ko bago kami naghiwa hiwalay patungo sa classroom namin.

"Manahimik ka muna tungkol kay Falco pag andiyan si Arianna ha?" Pagpaalala ni Gold.

"Chillax. I know what I'm doing. And I'm pretty sure she has no idea what happened to him."

"Pag tayo narinig ni Arianna, kokonyatan kita!" Pagbanta niya.

"Okay, okay. Jeez, you don't need to lash out!"

Pagkapasok namin sa classroom, agad agad akong umupo sa may pwesto ko.

"Ano nang balita kay Falco?" Tanong ni Flair saamin.

"Nahanap na, pero hindi pa alam ni Arianna." Sagot ni Gold.

"Bakit? Sosorpesahin niya ba si Arianna? Sabi kasi ni Sakura, wala talaga siya sa mood makihalubilo eh. Pero maganda na manahimik tayo tungkol diyan. Talagang hindi siya mapakali pag malalaman niya na okay so Falco." Sambit ni Lexeaus.

"Okay good morning Class!" Pagdating ni Ma'am Jen.

"Good morning Ma'am Jen!" Bati namin.

"Pwede na kayong umupo." Utos niya na ikinasunod namin.

"So regarding sa camp na 4 days and 3 nights, magprepare na kayo dahil starting Wednesday next week, magaganap na yung upcoming camping niyo. Sasabihin namin yung details tomorrow kung saan yung venue. Is that clear?"

"Opo Ma'am!" Sagot naming lahat.

"Any questions?"

"Ma'am pwede po bang mag invite ng mga kaibigan kahit hindi nag aaral dito?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Pwedeng pwede."

"Ayown!!!! Let's go!!!!"

"Ma'am! Pwede po bang mag request ng mga roommate?" Tanong ni Lexeaus.

"Sa mga gustong mag request ng roommates, all boys and all girls lang. Pwede kayong bumisita sa rooms nila, pero wag na wag kayong gagawa ng kalokohan." Sagot ni Ma'am Jen.

"No worries Ma'am! Mabait ako sakanila!"

"Ang yabang mo ah! Sabihin mo lang na gusto mo akong ka roommate!" Singhal ni Flair.

"Anong masama kung magiging ka roommate kita? At least makikita mo ako diba? Yung napaka gwapo mong kasama araw araw."

"Ang hangin mo! Jusko!"

"At least sayo lang ako nakatingin! Sa napaka ganda at napaka sexy na Flair Evangelista."

"MANYAK!"

"Oh! Tama na yan! Flair, Ignacio." Pag awat ni Ma'am Jen.

"Ma'am idugtong niyo po. Magiging asawa ko yan in the future." Pagbiro ulit ni Lexeaus.

"Gusto mo bang basagin ko yang snickers mo?!" Sigaw ni Flair.

"Jusko kayo. Anyways, like I said. Boys, mag request kayo ng roommates niyo na boys, while sa girls ay sa girls. Nagkaintindihan ba?"

Family WarWhere stories live. Discover now