Chapter 23

293 7 52
                                    

Falco's POV

"Ang feeling mo!" Singhal nilang pareho na ikinatuwa ko.

"Tsaka sino ba yang dinala mo dito sa bahay?" Tanong ni Annie.

"Future honey ko." Diretsahang sagot ko.

"Anong pinagsasabi mong honey?! Walang tayo no!"

"Eh kung linigawan kita, sasagutin mo na kaya ako?" Tanong ko pabalik sakanya.

"Ang landi mo Kuya!"

"Wala ka na doon! Hanggang dito lang ang usapan!" Pagbara ko.

"Ang ingay naman oh!" Pagsulpot ni Mommy na kabababa lang.

"Ma! Kain po tayo! May sinama lang po akong kapit bahay natin." Sambit ko bago napatingin si Mom kay Arianna.

"Hello po." Bati ni Arianna kay Mom.

"Falco, sino yan?" Tanong ni Mom.

"Arianna po pala. Kaklase po ako ni Falco." Pagpakilala ni Arianna.

"Kapit bahay lang po natin siya Ma. Around the corner lang." Sambit ko na ikinairap ni Arianna.

"Asaan na ba yang Daddy mo?! Anong oras na, hindi pa siya nakakauwi!"

"May binili lang po Ma." Sambit ko na ikinabuntong hininga niya.

"Magpakita lang yang mokong na yan! Kokonyatan ko yang pagmumukha niya!" Inis na sambit ni Mom bago pumasok.

Maya maya pa, dumating na yung kotse ni Dad at agad agad itong bumaba na may dalang bouquet.

"Dad!"

"Mommy mo asaan?" Tanong ni Dad.

"Nasa loob po." Sagot ko bago siya pumasok.

"Pasok tayo... honey." Pagyaya ko kay Arianna.

"Ang sarap umpugin yang ulo mo!" Inis na sambit ni Arianna na ikinatuwa ko.

Arianna's POV

Agad na kami pumasok ng mokong na yan at napangiti na lang ako nang binigay ng Daddy niya yung bouquet sa Mommy niya.

"Happy Anniversary honey."

"Alam mo... nakakainis ka!" Pagbatok ng Mommy ni Falco sa Daddy niya bago niya yakapin ito.

"Alam mo naman na memorable tong araw na to para saatin diba?"

"Oo... dahil sayo honey." Sambit ng Mommy ni Falco.

Sheesh!! Parang totoong K Drama series yang pinapanood ko!

"Ang ganda ng ngiti mo ah." Bulong saakin ng mokong na yan.

"Pero mas gaganda pa yan kung naging tayo na."

"Feeling mo! Taken na ako sa mga Oppa!" Singhal ko.

"So ikaw pala si Arianna."

"Uhmm... hello po sir." Bati ko sa Daddy ng mokong na yan.

"Tito Levi na lang. O kaya Daddy na lang." Pag asar ni Tito Levi.

"Ano nanamang trip mo sa anak natin ha?!"

"Eto nga pala yung honey ko Arianna. Si Tita Brooklyn. Mas maganda nga kung Mommy na lang tawagin mo sakanya." Pag asar ni Tito Levi.

"Pati ba naman yung bisita?! Anong pumapasok sa utak mong mokong ka ha?!"

"Honey, malaki na si Falco. And I'm sure magkaka love life din yan paglaki niya. Alam mo naman mana saakin si Falco eh."

Family WarWhere stories live. Discover now