Chapter 41

236 7 28
                                    

Arianna's POV

Nakaupo lang ako sa bench at naaalala ko nanaman yung katawan ng mokong na boyfriend ko.

Ewan ko ba?!

Bakit ko ba inaalala yang katawan na yan?!

Anyways, nakatutok na ako sa phone ko at nanood ng Running Man. Kung iniisip niyo na naka data ako ngayon, diyan kayo nagkakamali. Nag download na ako ng episode para di sayang battery at load.

"Aray!" Sigaw ko na may tumama saakin habang dumadaan sa paglalakad.

Sisigaw na dapat ako pero may nauna na sa pagsigaw.

"HOY!!" Sigaw ng babae na ikinalingon naming dalawa.

Agad agad naman lumapit yung babae sakanya at tinignan niya yung lalaki ng masama.

"Wala man lang pakiramdaman?! Nabangga mo na nga ako, tas eto rin idadamay mo sa walang hiyang pagiging manhid mo?! Ano akala mo saamin?! Robot?!"

"Just get out of my sight. I don't wanna waste time with you." Sambit ng lalaki bago tumalikod.

Nanlaki bigla yung mata ko nang hinila niya yung lalaki at agad agad niya itong sinuntok sa mukha.

"That was a punch? Heh. Good thing I don't hit on girls." Sambit niya bago umalis.

"Sorry po ate ha? Ako na po mismong magso sorry dahil sa asungot na yan." Inis na sambit niya na ikinatuwa ko.

"Ano ka ba, okay lang yan. Nakaka bigla nga yung pagsuntok mo sakanya ah." Natatawang sambit ko na ikina-ngiti niya.

"Gwyneth Gonzales Arroyo." Pagpakilala niya.

"Gwyneth!!" Sulpot bigla ng mokong na boyfriend ko.

"Hoy! Falco!!" Sigaw ni Gwyneth bago lumapit sakanya.

Teka? Magkakilala sila?!

"Ano nang balita? Yung kapatid mo asaan?" Tanong niya.

"Paano ko malalaman kung wala siya dito?" Pagpilosopo niya.

"Malay ko sayo!"

"Siya nga pala. Nakilala mo pala yung honey ko." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"Honey mo?!"

"Kailangan pa ba ulit ulitin?"

"Arianna Apolinario nga pala." Pagpakilala ko.

"Alam mo Arianna, wag ka lang magpa fall sa asungot na to!" Pag asar ni Gwyneth.

"Kaya walang lalaking lumalapit sayo dahil nananapak ka." Pag asar niya pabalik.

"Eh ano naman kung mapanakit ako?!"

"Akala mo di ko nakita yung pagsapak mo sa lalaking yan? Kahit nga pag nakiki sayaw ka na lang, kung makasapak ka sa braso ko, akala mo G na G."

"Malay ko sayo!"

Hayys. Talagang walang tigil ang pagbabara.

"Gwyneth!" Pagtawag ko sakanya.

"Favor lang ah. Ako lang pwedeng mambara sa mokong na yan." Pagpaalala ko na ikina-ngiti niya.

"Sige. All for you Arianna." Sambit niya na ikina-ngiti ng mokong na yan.

Aarah's POV

Aakyat ako papunta sa rooftop at nagulat na lang ako nang may makita akong lalaki na nakatambay din sa gilid.

Agad agad ko itong linapitan at tinignan siya.

"May sumapak ba sayo?" Tanong ko na ikinalingon niya.

"It's nothing." Walang emosyon na sagot niya.

"Aarah Ferrer Ignacio nga pala." Pagpakilala ko.

"Dwight Cruz." Pagpakilala ni Dwight.

"But I never liked being in the Cruz family." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit?"

"Something personal." Sambit niya bago umalis.

"Wait! Dwight!" Pagpigil ko sakanya.

Hayys, mukhang may family issues tong lalaking to.

I can see it in his eyes.

"Aarah!" Paglapit ni Evander saakin na ikina-ngiti ko.

"Evander! You're just in time!" Sambit ko na nakangiti.

"Sino ba yung dumaan kanina?" Tanong niya.

"Dwight yung pangalan eh. Mukhang may family issues." Sambit ko.

"Well, iba iba yung mga pinagdadaanan natin. Kaya, ayun." Pagsangayon ni Evander na ikina-ngiti ko.

Agad agad ako napayakap sakanya kaya yinakap niya ako pabalik at napangiti na lang ako.

"Hoy! Ano ba yan?!" Tanong ko nang may hawak siyang picture.

"Wala. Picture lang ng mama ko." Sagot niya.

"Huy! Bakit mo inagaw?!" Pagreklamo niya bago ako napatingin sa picture.

Napangiti na lang ako nang makita ko na lang yung picture ko na hawak niya.

"Uyy!! Crush mo ko no?" Tukso ko sakanya.

"Pinagsasabi mo?"

"Bakit mo tinitignan yung picture ko?" Tanong ko na nakangisi.

"Uhmm... wait. May naiwan ako." Sambit niya bago tumakbo palayo saakin.

"Hoy! Hintay!" Sigaw ko bago ko siya sinundan kaya dumaan kami sa punto na naghabulan kaming dalawa.

"Wag mo kong takasan Evander!"

Belle Mariano as Gwyneth Gonzales Arroyo

Donny Pangilinan as Dwight Cruz


Family WarWhere stories live. Discover now