Chapter 117.5

52 2 14
                                    

Gilgamesh's POV

Naglalakad lang ako pauwi ng bahay ko at nagulat na lang ako nang makita ko si Silver na nasa tapat ng bahay ni Giordana.

Wait! So alam niya na si Giordana yung may kagagawan ng plano ko na alisin siya sa psycho team?!

Hopefully I'm wrong. Pero if he knews, baka mas lumayo ang loob niya saakin.

From afar, napatingin ako sakanya at nakita ko siyang umiiyak ngayon at nakaupo sa daanan.

Habang umiiyak yung kapatid ko, dahan dahan akong lumapit sakanya at umupo sa tabi niya.

"Kung ano man yang iniiyakan mo, alam kong may dahilan yan." Sambit ko bago niya iangat yung ulo niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Wala ka talagang pinagbago Silver. Usually pag may problema ka, lagi kang mag isa o lumalapit saakin. Knowing that I grew up with you." Natatawang sambit ko.

"Umalis ka na." Walang emosyon na sambit niya bago tumayo at naglakad palayo saakin.

"Silver! Matanong ko lang!" Sigaw ko bago ako sumunod.

"Silver, nagkita ba ulit kayo ni Giordana?"

"Oo. Nagkita sila ni Giordana." Sulpot ni Kelso na ang sama ng tingin sa kapatid ko.

"Kelso?"

"Silver... best friend mo yang kinidnap mo. Ano bang pumapasok sa utak mo?" Tanong ni Kelso bago ako tumingin sa kapatid ko.

"Silver? Totoo ba yan?" Tanong ko.

"Wag ka na mag maang maangan Silver! Kitang kita ko lahat ng kilos mo!" Inis na sambit ni Kelso.

"Kaya umalis na kayo." Walang emosyon na sambit ni Silver bago tumalikod.

"Kelso wag!" Sigaw ko nang lalapitan ni Kelso si Silver.

Pagkahila ni Kelso kay Silver, agad agad niya itong sinapak sa mukha kaya humarang agad ako.

"Kelso! Tama na! Ako na ang kakausap sakanya!" Pag awat ko sakanya.

"After everything he did?! Sa tingin mo ba magbabago yan?!"

"Kilala ko ang kapatid ko tol! Ako na ang bahala sakanya." Seryosong sambit ko na ikinabuntong hininga niya.

"Siguraduhin mo na hindi siya gagawa ng kalokohan." Pagpaalala ni Kelso.

Agad agad ko na siyang pinatayo sa pagkatumba niya at tumingin ng maigi sakanya.

"Kelso, kailangan ko siyang kausapin ng mag isa." Seryosong sambit ko bago siya umalis sa harapan namin.

"Silver... hindi ko man maintindihan kung bakit ka nagkaka ganyan, pero kung ano man yang nararamdaman mo, wag mo yan kimkimin ng mag isa. Lalo ka lang mahihirapan ayusin ito." Panermon ko at halata na nakikinig na siya saakin.

"Tsaka bakit mo ba kinidnap yang best friend mo? Alam mo naman na may pinagsamahan kayo diba?"

"Alam ko ginagawa ko Kuya." Sagot niya.

"Yes! Alam mo ang ginagawa mo! You're putting her in danger! Sa tingin mo ba matutuwa si Daddy pag nalaman niya yung ginawa mo sakanya?! Knowing how he loves your friendship dahil nakikita niya yung sarili niya pati si Mommy?! Anong nangyayari sayo!" Pagtaas ko ng tono ko sakanya.

"Ano bang pinagsasabi mo Kuya?! Bakit mo dinadamay si Daddy sa usapan?!"

"Silver! Mag aalala si Daddy pag nalaman niya yung mga ginagawa mo! Asaan na ba yung Silver na walang takot na ipagtanggol yung mga taong mahalaga sakanya?! Yung Silver na gustong gustomg tulungan si Daddy na gumaling na sakanyang heart disease?! Asaan na ba yung Silver na pinapahalagaan yung pamilya niya?!"

"PATAY NA SI DADDY OKAY?!" Sigaw niya na ikinalaki ng mata ko.

Sa narinig ko, halos nawarak yung puso ko at hindi ako makasalita sa sinabi niya.

"Ano?"

"Narinig mo ako diba?! Patay na si Daddy! He's not coming back!" Mangiyak iyak na sambit niya.

"Kailan pa? Bakit hindi ka nagsabi saakin?" Tanong ko na may halong pag iyak.

Silver's POV

"Kailan pa? Bakit hindi ka nagsabi saakin?" Tanong ni Kuya Gilgamesh na may halong pag iyak.

"Silver, bakit hindi ka nagsabi?!" Sigaw niya at lalo kaming naiiyak.

"Nung sinabi ng head na suspended ako." Sagot ko.

Flashback

After the meeting with my group, kinailangan ko munang mapag isa para mag muni muni.

Ilang sandali lang, agad agad ako napatingin sa phone ko at nalaman ko na yung doktor ni Daddy ang tumatawag.

"Hello?"

"Hello Silver..." Sagot ng doktor.

"Hi Doctor! How's Daddy?" Tanong ko.

"About your dad, he did his heart surgery already." Sagot niya na ikina-ngiti ko.

"That's great! So does that mean he's okay?" Tanong ko sakanya.

"I'm sorry to say this, but your dad didn't survive the surgery." Sagot niya.

Halos wala na akong masabi sa narinig ko at agad agad na lang bumagsak ang mga luha ko.

"I'm sorry... we did everything we can to save him. But he's already dead." Sambit niya bago mag end call.

After tumawag ng doktor, linabas ko na lang bigla yung sakit na nararamdaman ko ngayon at umiyak na lang.

End of flashback

"Dad didn't survive the operation Kuya. Kaya eto, tayong dalawa na lang magkakasama hanggang sa huli nating hininga." Sambit ko at lalo lang kami naiiyak.

"Silver, bakit hindi ka man lang nagsabi saakin?! Tatay ko din yan! Tatay natin ang pinag uusapan natin dito! Ano bang nangyayari sayo Silver?! Hinayaan naman kita na sumama sa mga loko loko mong kaibigan eh! Tapos ngayon, tinatago mo saakin tungkol kay Dad?!"

"Kasi alam ko naman na may galit ka saakin eh! Sumama ako sa mga taong hindi maganda ang ugali! Kaya ganun na ang tingin mo saakin!" Sigaw ko sa sobrang galit at humagulgol na lang ako.

"Kaya mo ako linaglag nung camp natin, dahil alam kong may galit ka na saakin!"

"I didn't do this para ipalaglag ka! Iniisip mo ba yang mga sinasabi mo?! Lalo ka lang mapapahamak pag sumama ka sakanila!" Sigaw niya na may halong pag aalala saakin.

"Silver! I don't want your life to be ruined by some stupid people who already corrupted your mind into doing these s**t! Kaya please lang! Umalis ka na sa grupo mo, ibalik mo yung dating Silver na kayang ipaglalaban yung mahal niya sa buhay. Hindi pa huli ang lahat."

Sa sinabi niya, hindi ko na alam kung ano na talaga ang nararamdaman ko sa totoo lang. And it's true, I already turned into a monster who humiliates people, who hurts the people I love and care the most.

I don't think mapapatawad na nila ako.

"Kung wala na talagang pag asa na magbabago ka Silver, sorry. Sorry sinayang ko pa ang oras mo." Seryosong sambit ni Kuya Gilgamesh bago umalis sa harapan ko.

Di na kinakaya ng konsensya ko sa mga ginagawa ko ngayon. At tama si Kuya, hindi pa huli ang lahat. Kaya ko pang magbago para sa kapakanan ng mga taong nasaktan ko.

Giordana, I'll save you this time. I won't let you down again.

Family WarWhere stories live. Discover now