Chapter 76

175 4 50
                                    

Zaiden's POV

Gabi na and balak kong mapag isa ulit dahil ayun pa rin, nagpapa lasing si Dad ng wala namang dahilan.

Ni maski isang beses wala siya sa bahay lagi para lang makainom eh. Kaya eto na lang opportunity ko na umalis muna at gumala kung saan saan.

Napadaan na lang ako sa isang ice cream store at doon na ako pumila para mag order.

"Zaiden!" Sigaw ng pamilyar na boses na ikinalingon ko.

"Margot! Buti napadaan ka!"

"Halika Zaiden. Libre na kita." Pagyaya niya.

"May gusto ka bang flavor? Wag peanut butter ah, allergic ako sa peanuts." Sambit niya na nakabusangot.

Ang cute ng pagkabusangot niya sa harapan ko.

"Sige. Ano gusto mo?"

"Ube."

"Kuya, isang ube at isang vanilla." Pag order ko.

"O, akala ko ililibre kita?" Tanong ni Margot na nagtataka.

"Ako na. Pambawi ko to sayo sa pagyaya niyo saakin sa family dinner niyo ni Tito Rhodes at Tita Stacey."

"Bait naman!!"

"Bayad po Kuya." Pag abot ko sa bayad bago ibigay saamin yung dalawang ice cream cone.

"Tara?" Pagyaya niya.

"Tara."

Nang nakalabas na kami, doon kami tumambay sa isang park kung saan tahimik ang paligid.

"Let me guess... nag layas ka nanaman." Natatawang sambit ni Margot.

"As usual. Wala lagi si Dad sa bahay." Sagot ko.

"Lasinggero na nga, wala pang responsibilidad sa buhay."

"Hindi naman kita masisisi kung ganun yung nararamdaman mo sakanya, pero may tanong lang ako." Sambit niya at hinayaan ko siya magtanong.

"Handa ka na ba magpatawad kung sakaling magsisisi siya sa nagawa niya?"

Bigla na lang ako napaisip sa tanong na yan. Kasi oo, baliktarin man ang mundo ko, tatay ko pa rin siya by blood. Kaso mukhang mahabang proseso ko yan magagawa bago ko siya mapatawad.

"Sa totoo lang, nagsisinungaling ako na di ko tanggap si Raiden bilang tatay ko. Gusto ko lang siya magising na mali na yung ginagawa niya at nakakasakit na siya ng kapwa, pero mahirap eh. Nanlamig na yung puso niya mula nung nawala si Mama." Sambit ko.

"Zaiden... basta tandaan mo na andidito ako lagi for you ha?" Sambit ni Margot na ikina-ngiti ko.

Maya maya, natawa na lang ako kina Margot dahil sa way niya kung paano kumain ng ice cream.

"Ano ba yan?! Pati ilong mo kumakain ng ice cream!" Pag asar ko sakanya.

Ilang sandali lang, linagay ko yung daliri ko sa ilong niya na may ice cream at pinahid ito sa pisnge niya na ikinalaki ng mata niya.

"Nadumihan tuloy yung mukha mo!"

"Ikaw ha!" Sambit ni Margot bago ilapit yung ice cream sa pagmumukha ko habang iniiwasan ko lang yan.

Nagtatawanan na lang kami ni Margot habang linalapit at iniiwasan namin yung ice cream na mapahid sa mga mukha namin.

Nakakatuwa ka talaga Margot.

Annie's POV

"So sinugod niyo yung mga umaatake kina Might at Natasha?" Tanong ni Daddy.

"Opo Daddy. Tsaka langya nila! Akala mo naman cool sila sa mga nagawa nilang kasalanan kay Kuya Might!" Singhal ko bago umirap.

Family WarWhere stories live. Discover now