Chapter 1

467 8 17
                                    

Sakura's POV

Nasa classroom na ako for now, pero ang hirap mag get over sa Logan na yan! Ang yabang yabang! Nakakagigil!

"Ayos ka lang Sakura?" Tanong ni Evander.

"Ano bang meron sa lalaking yan?!" Tanong ko na naiinis.

Oo, magkakilala kami ni Evander dahil magkalapit lang yung condo ko at bahay niya.

"Sorry kay Logan ah. Masyadong OC talaga yan. He's just doing his responsibility as a leader." Sambit niya na ikinabuntong hininga ko lang.

"Sige. Mamaya ulit ha." Pagtayo niya bago umalis.

Ang weird din ni Evander mostly eh. Nakakausap ko naman siya ng maayos. Pero pay may iba akong kasama, todo iwas siya. Kahit babae, umiiwas yan eh.

Loner ba talaga tong si Evander? O ayaw niya lang makipag kaibigan sa iba?

"Magandang umaga sa lahat!" Sulpot bigla ng Teacher na ikinatayo naming lahat.

"Magandang umaga po Sir!" Bati naming lahat.

"Pwede na kayo magsi upo." Utos niya na ikinasunod namin.

"Para sa mga bagong lipat na estudyante, ako nga pala si Ginoong Roy. At ako ang magiging class advisery niyo this school year." Pagpakilala ni Sir Roy.

"Since, isa sainyo ay bagong students, maari ba kayo magpakilala?" Sambit ni Sir bago ako tumayo.

"Hello po. Sakura Montero po. Nice meeting you all." Pagpakilala ko bago umupo.

"Welcome binibining Montero. Sana naman igalang niyo yung new student natin, dahil parte siya sa pamilya natin. Since first day of class niyo naman to, free time muna kayo. Ayun lang!" Sambit ni Sir Roy bago umalis.

Nakikipag tsismisan ang mga ibang students dito sa ngayon, at eto muna ako. Walang magawa.

Hayys! Ang weird din kasi ni Evander eh. May times na nakikipag usap siya saakin, pero mostly umiiwas.

"Ang pogi mo Young Joon!"

Napalingon na lang ako sa babaeng nasa likod ko na nakatutok lang sa phone niya.

Anong meron sa babaeng to?!Nababaliw na ba or ano?!

"Ang pogi mo Oppa!" Singhal niya. Baliw na to sa phone niya or ano?!

Maya maya, inangat niya yung mukha niya at napaiwas na lang ako ng tingin sakanya.

"Anong tinitingin mo diyan?!" Tanong niya na naiinis.

"Wa-wala!" Sagot ko.

"Wala daw!" Sambit niya bago tumayo at umupo sa tabi ko.

Napatingin na lang ulit ako sa babaeng katabi ko na nanonood ng series.

"Ano yang pinapanood mo?" Tanong ko. Pero hindi niya ako pinapansin at nagpatuloy sa kakatutok sa phone niya.

"Huy." Pagtapik ko sakanya.

"Ano ba naman yan?! Panira ka ng moment!" Sigaw niya na ikinagulat ko.

"Ay! Sorry!" Sambit niya na natatawa.

"What's Wrong With Secretary Kim yung pinapanood ko. Bakit?" Tanong niya.

"Parang atat na atat ka sa pinapanood mo ah." Sambit ko na ikinatuwa niya.

"Sorry naman. Pogi kasi ni Young Joon eh! Alam mo naman ako, kasing ganda lang ni Secretary Kim! Char lang!" Pagbiro niya na ikinatuwa ko.

"Arianna nga pala." Pagpakilala niya.

"Sakura."

"Falco!!!" Sigaw ng mga babaeng classmates at agad silang tumakbo papunta sa lalaking kapapasok lang.

Anong meron dun sa lalaking yan at atat na atat sila sakanya?!

"Hayaan mo na yung mga baliw diyan. Ganyan talaga sila pag may genius ka sa klase." Sambit ni Arianna bago bumalik sa pagpapanood sa phone niya.

I'm impressed ha. Genius pala yung Falco na yan.

Maya maya pa, lumapit na yung Falco na yan sa tutok namin ni Arianna at inagaw na lang ni Falco yung phone ni Arianna.

"HOY! AKIN NA NGA YAN!" Sigaw niya na napatalon talon habang inaabot yung phone niya.

"What's Wrong With Secretary Kim. Baka what's wrong with you? Ang baduy mo eh!" Pag asar ng Falco na yan.

"Wow! Nagsalita pa ang mokong! Bakit ka ba nangingialam ng buhay?! Ha?!" Pagbara ni Arianna.

"Hindi ko pinakialaman buhay mo. Phone mo ang pinakialaman ko!" Pagpilosopo ni Falco.

"Tsaka bakit atat na atat ka sa mga Oppa na yan?" Tanong niya ulit.

"Asawa ko yan eh! Bakit ba?!"

"Asaan yung wedding ring mo? Tsaka diba bawal pag kinasal yung bata?"

"Bawal ba magka ideal man?!"

"May sinabi ba akong bawal?"

"May sinabi ba akong magtanong ka?!"

"Ang landi mo! Ang bata bata mo pa para pumatol sa matatanda!" Natatawang sambit ni Falco.

"Sakura! Pigilan mo ako! Napipikon na ako sa pagmumukha neto!" Inis na sambit ni Arianna.

"Eh araw araw mo makikita tong pagmumukha na to. Wala ka nang magagawa. Hindi mo kontrol buhay mo."

"May sinabi ba akong cino control ko buhay ko?!"

"May sinabi ka bang ikakasal na kayo sa Oppa mong bading?"

"Mas mukha kang bading hoy! Wag na wag mong tatawagin bading yang asawa ko ha!" Inis na sambit ni Arianna.

"Uhmm... Falco, sorry kay Arianna ah." Sambit ko bago ko hilain si Arianna palayo kay Falco.

"Sandali! Hindi pa ako tapos sa mokong na yan!" Sigaw ni Arianna.

"Tara na Arianna. Kalma. Nakakahiya sa mga estudyante." Sambit ko bago kami umalis sa classroom.

Hooh! Anong meron kay Arianna at grabe siya mambara?

Family WarWhere stories live. Discover now