Chapter 110

114 4 36
                                    

Sakura's POV

Natapos na yung mga laro namin at pumwesto na ako sa kwarto ko kung saan malapit ito sa pintuan.

Gumagala pa yung mga girls kasama mga jowa nila. Eh eto ako, pagod sa mga activities pati sa mga pangyayari.

Maya maya pa, humiga muna ako sa kama at nagpahinga.

Ilang minuto ang lumipas, puamsok na si Logan sa kwarto namin at naramdaman ko lang na tumabi ito saakin at yinakap ako habang nakahiga.

"Pagod?"

"Halata ba?" Tanong ko pabalik bago umirap.

"Hindi ka mukhang pagod. Naiinip ka lang na wala ako." Pag asar niya bago ko siya hampasin sa braso.

"Umayos ka Logan ha!" Sambit ko na ikinatuwa niya.

"Bakit ka ba mag isa dito? Ayaw mo bang lumakwatsa dito sa venue? Maganda naman yung lugar." Tanong ni Logan.

"Pagod lang talaga Logan. Tsaka gusto ko rin magpahinga kahit onti." Sagot ko na ikinatango niya.

"Okay... dito lang ako. Para may kasama ka." Sambit niya na ikinairap ko.

"Alangan! Ikaw lang naman kasama ko dito eh!" Paghampas ko sa braso niya kasabay ng pagtawa naming dalawa.

"Can we rest here for the rest of the afternoon? Tutal, mga hapon naman yung mga activities natin eh." Sambit ni Logan na ikina-ngiti ko.

"Sige na nga! Basta wag ka lang gagawa ng kalokohan!" Pagbanta ko bago ako humarap sakanya at yinakap siya ng mahigpit.

"Sakura. Do you wanna go around the venue later? Since usually, wala naman masyadong gagawin sa gabi and may oras naman yung tulugan natin." Pagyaya niya.

"Pwede naman! Basta wag mo akong iiwan ha? Alam mo naman na may loko loko diyan."

"Of course." Sambit niya bago ako halikan sa labi.

"I love you Sakura."

"As always, I love you Logan." Sambit ko bago humigpit mga yakap naming dalawa.

Lexeaus' POV

"Dito tayo Lexeaus!!" Pagturo ni Flair saakin ng isang Lugar kung saan maganda ang sunset kaya sumunod na lang ako sa gusto niya.

"Picturan mo ako Lexeaus! Dali!" Utos niya bago niya iabot yung phone niya at dali daling pumwesto.

"Flair, konting lapit lang." Utos ko na ikinasunod niya.

Kinuha ko na yung angulo na bagay sakanya at doon ko na kinuha yung photo.

Habang kinukuhanan ko siya ng picture, ngumingiti lang ako ng wala sa oras dahil sa kagandahan ng babaeng minamahal ko talaga.

"Okay na ba?" Paglapit ni Flair saakin bago kunin yung phone niya at tinignan ito.

"Oh my gosh! Ang ganda ng pagkakuha!" Sambit ni Flair bago ako yakapin ng mahigpit.

Ilang sandali lang, yinakap ko din siya ng mahigpit.

Napakalas kami sa pagyakap at nagkatitigan kaming dalawa ng ilang sandali.

"Thank you Lexeaus ha?"

"Saan?"

"For loving me. Oo, hindi naging maganda simula natin mula nung unang pagtagpo natin. Kasi all these times, akala ko kailangan kong habulin yung taong magugustuhan ko, pero di ko napapansin na pinaglaban mo talaga na makuha mo yung matamis kong oo." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Lexeaus, sorry kung ang taray taray ko sayo lagi. Sorry din kung pinaramdam ko sayo na di ka karapat dapat na mahalin, in spite of being manyak. It made me realize na I wasn't recognizing your efforts more. Kaya thank you Lexeaus."

Family WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon