Chapter 123

45 1 2
                                    

Lexeaus' POV

Magkasama na kami ngayon ni Giordana, Silver, Zaiden, at Foster na naghahanap ng exit agad agad habang binubuhat ko pa si Baby Axel na natutulog ng mahimbing.

Kinakabahan ako sa kapakanan niya, dahil hindi ko na alam kung may magpapahamak pa sakanya o ano.

"Coast is clear." Sambit ni Giordana bago kami nagmadaling umalis.

"At saan kayo pupunta?" Pagharang ni Raiden saamin.

"Umalis na kayo. Ako nang bahala dito." Seryosong sambit ni Zaiden.

"Kuya Zaiden! Ano bang binabalak mo?!" Tanong ni Silver na nagtataka.

"Umalis na kayo! Labanan to ng mag ama." Seryosong sambit niya.

Nag dalawang isip agad ako kung pipigilan ko siya o umalis na lang kami, pero wala. Mas pinili ko muna kapakanan ni Baby Axel.

Pasensya ka na Zaiden kung may nangyari man na masama sayo. Alam ko sa sarili ko na kasalanan ko to.

"Axel, wag kang mag alala ha. Andito na yung Kuya Lexeaus mo." Sambit ni Giordana kay Axel na mahimbing pa rin natutulog.

Nagulat na lang kaming lahat dahil may narinig kaming putok ng baril at dahil sa baril, umiiyak na ngayon si Baby Axel at ginawa ko lahat ng makakaya ko para patahanin siya.

"Shh, shh, shh, it's okay. Andito lang si Kuya."

"Guys. Kailangan niyo nang umalis." Utos ni Silver.

"Silver! Ano bang binabalak mo?!" Tanong ni Giordana na nagtataka.

"Itama lahat ng mga pagkakamali ko." Sagot niya na nakangiti.

"Silver..."

"Pambawi ko na to sayo Giordana. Andami kong kasalanan na nagawa. Lalo na sainyo Lexeaus, kaya hayaan mo na akong bumawi sa mga kasalanan ko."

"Maski din ako. Di na kinakaya ng konsensya ko yung mga pagkakamali na ginawa ko. Kinailangan pang mapahamak kapatid ko para lang matauhan ako." Sambit ni Foster.

"Kuya naman! Talagang ipapahamak niyo yung sarili niyo para lang itama mga pagkakamali niyo?!" Tanong ni Giordana na nag aalala.

"Kung yun ang kapalit, tanggap na namin yun. Tutal, kami ang nagsimula ng gulo." Sambit ni Silver.

"Sige na. Umalis na kayo. Lexeaus, alagaan mo si Baby Axel." Pagpaalala ni Foster na ikinatango ko.

Agad agad na lang kami umalis ni Giordana at hinanap na namin mga magulang namin.

Logan's POV

Ubos na yung mga kalaban namin, pero alam ko na di pa tapos ang laban.

Haharapin namin si Setzer pati yung iba niyang kasama.

"Pagod na ba kayo?" Tanong ni Setzer habang tinutukan kami ng baril.

"Setzer! Ibaba mo yung baril mo." Utos ko.

"Setzer, kung ano man yang binabalak mo. Itigil mo na yan." Pag awat ni Sakura.

"HAHAHAHAHA! Nagpapatawa ka ba Sakura?! Sa tingin mo ba titigil ako?! Ang t***a mo ano?!"

"Wow! Ang kapal ng bungo mo Setzer! Yung pagdala mo ng mga deadly weapons sa camp nung nakaraang araw?! Sinong ginagawa mong t***a?! Sarili mo! Tandaan mo yan! Linoloko mo lang sarili mo!" Sigaw ni Arianna.

"Aba'y bastos kang babae ka!" Sigaw ni Setzer at akmang putukan ng baril si Arianna.

But in a swift second, may lumipad na kutsilyo papunta sa baril na hawak ni Setzer.

Family WarWhere stories live. Discover now