Chapter 8

299 5 28
                                    

Arianna's POV

Nakahiga lang ako sa kama ngayon, nanonood ng Running Man at tawa ng tawa dahil kay Lee Kwang Soo.

"Traydor ka talagang giraffe ka!!" Sigaw ko na natatawa.

All of a sudden, may na receive akong notification galing Facebook. Potek naman! Panira ng moment!

Agad agad ko tong chineck at nanlaki bigla yung mata ko sa nakita ko.

Nag friend request pala yung mokong na yan?!

Ano bang pakay neto sa buhay ko?! Ano pagtritripan nanaman ako?! Maglalait sa asawa ko?!

Aba'y bahala siya sa buhay niya!

Papansin masyado yang mokong na yan eh!

May notification ako bigla sa messenger, message request siya, pero curious din ako kung sino siya.

Pagka check ko...

Falco: Di ko aakalain na magka subdivision pala tayo. Ang lakas ng tawa mo, umabot pa hanggang universe.

Anak ng tokwa naman oh! Talagang magkapit bahay pa kami ng mokong na yan?!

Bakit ba sa dami daming lalaki sa mundo na pwede ko maging kapit bahay, yang Falco na yan ang makikita ko sa araw araw!

Falco: Nasa tapat ako ng bahay mo. Hawak ko ngayon yung buhay mo.

Paano mo mahahawakan yung buhay ko kung di mo kayang kontrolin?!

Maya maya pa, may nag doorbell. Agad agad ako bumaba at nag check kung sino yung nasa baba.

Irita naman oh!! Bakit ka ba sumulpot sa bahay ng biglaan?!

"Akala ko mahihirapan akong pagtripan ka pag wala ka dito. But what a surprise, kapit bahay lang pala kita."

"Lilipat na kasi kami soon! Para hindi ko na makita yang pagmumukha mo!" Inis na sambit ko.

"Eh bakit hindi mo pa liniligpit gamit mo kung lilipat na kayo ng bahay?" Tanong niya.

"Nakaligpit na ako! Pagdating na pagdating ni Mommy at Daddy, lilipat na ako!"

"Paano pag hindi kayo umalis?"

"Eh kung ikaw na lang kaya umalis?!"

"Hindi pwede eh."

"At bakit?! Para magpapansin ka saakin?!"

"May sinabi ba akong nagpapapansin ako?"

"Eh yan yung pinapakita mo eh!"

"Wala naman akong pinapakita sayo ah."

"Yung pagiging papansin mo! Pinapakita mo saakin diba?!"

"Asaan diyan yung papansin? Wala naman akong hawak na papansin ah."

"Wala ka ngang hawak! Dahil kitang kita ko sa harapan ng mukha mo na papansin ka masyado!" Sigaw ko bago tumalikod.

"Sandali lang." Pagharang niya saakin.

"ANO NANAMAN BA?!"

"Eto naman. May itatanong lang ako!" Pagreklamo ni Falco.

"Hindi ako interesado sayo!"

"Pero interesado ako sayo." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"Ano?"

"Hindi ko na uulitin!" Pag asar neto.

"Anyways, I just wanted to ask kung bakit ang lakas ng tawa mo?" Tanong niya.

"Masama bang tumawa?! Bawal ba akong tumawa?!"

"May sinabi ba akong bawal? May sinabi ba akong masamang tumawa?"

"Bakit mo ba inuulit ulit yang sinasabi mo?!" Tanong ko na naiinis.

"Wala naman akong inuulit ah."

"Bahala ka na nga sa buhay mo!" Singhal ko bago pumasok sa loob ng bahay.

"Arianna!"

"PWEDE BA?! KUNG GUSTO MONG MANGTRIP NG TAO, WAG AKO!" Sigaw ko.

"May sasabihin lang kasi!"

"ANO NANAMAN YAN?!"

"See you tomorrow! Sana maging masaya ka sa mga kabit mo!"

"CHE!" Sigaw ko bago ko sinarado yung pintuan ng padabog.

Falco's POV

She's very fun to tease with honestly. Naiimagine ko na lang talaga na ako lang yung binabanyag niya sa araw araw, yung tipong mapipikon siya lagi dahil saakin.

It's just, ang sarap talagang pagtripan yang K Drama adik na yan.

She's such a rare gem. But if only na kasing gwapo lang ako ng mga Oppa na yan, mapapa akin na lang ako kay Arianna.

Naglakad na ako pauwi at nagulat na lang ako nang makita ko yung mga ngiti ni Dad habang tinitignan ako.

"Dad!"

"Pwede ba tayong mag usap anak?" Tanong niya bago ako lumapit at umupo sa tapat niya.

"Bakit po Dad?"

"Pansin ko yung ngiti mo kanina habang may kausap kang babae." Sambit ni Dad na ikinalaki ng mata ko.

"Dad? Nakita mo po kami?"

"Anak, kilalang kilala kita. Bawat kilos mo, alam ko kung ano ang ginagawa mo. Kahit sa simpleng ngiti lang habang nakatingin ka sa phone mo, alam ko na rin yan. So... sino ba yang kausap mo kanina?"

"Si Arianna Apolinario. Yung lagi kong inaasar sa school." Sagot ko na ikina-ngiti niya.

"Alam mo anak... ganun din kami nagsimula ng Mommy mo. Asaran, banyagan, pilosopohan, madami pa eh. Pero isa lang sinisigurado ko nung nakilala ko siya."

"Ano po yun Dad?" Tanong ko.

"Your Mommy was a rare gem, which made me love her more." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Ganito lang yan anak..." Sambit niya bago may pinakitang t shirt saakin.

"Let's say na ganitong T Shirt lang siya. Maganda hindi ba?" Tanong niya na ikinatango ko.

"Pero may napapansin ka ba na mali diyan sa damit na yan?" Tanong niya bago ako tumingin kung saan saan.

"Wala po." Sagot ko.

"Pero may napapansin ako." Sambit niya bago niya pinakita yung maliit na mantsa sa T Shirt na yan.

"May mantsa hindi ba?"

"Opo."

"Pero ang ganda pa rin tignan diba?" Tanong niya ulit.

"Opo Dad." Sagot ko.

"Okay, ganito siya anak. Itong damit na to, it represents the girl who you will love someday. Maganda, mabait, and so much more. But once you've noticed that small flaws in that person, kailangan mo din yan mahalin kahit anong mangyari. Look, we live in a world where nobody is perfect. Kahit si Daddy, hindi rin perfect. Pero once you'll love the flaws that person is hiding, mas mamahalin ka ng taong yan." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Ganun ko minahal ang Mommy mo. Malakas mambara, pilosopo, kung sumagot siya saakin, parang gusto na akong patayin, doon ko talaga minahal ang Mommy mo. Kahit na ganun siya, I can see na mahalaga talagang tao yan saakin. And I hope na someday ma apply mo rin yung tinuturo ko sayo." Sambit ni Dad bago ako akbayan.

"Para mahulog din yang Arianna na yan sayo." Pagtukso ni Dad.

"Kaso, mas type niya yung mga Oppa na yan."

"So... hanggang doon ka na lang?" Tanong niya.

"Ipakita mo sakanya! You don't need to be an Oppa para in love si Arianna sayo, you just have to be you, Falco. Show her the Falco Sanchez Sy that you are right now." Sambit ni Dad na ikina-ngiti ko.

I guess Dad really gave me the motivation para mas mapalapit kay Arianna.

Thanks Dad.

Family WarWhere stories live. Discover now