Chapter 104

92 3 22
                                    

Sakura's POV

Kasama ko ngayon si Evander at Keith na masayang nagkwe kwentuhan. Pero ako naman itong kinakabahan, at alam niyo naman kung bakit.

Lumingon muna ako kung saan saan at nadatnan ko nanaman si Falco at Arianna na naglalakad papunta sa grupo nila.

Hayys, etong dalawa lang talaga ang may sariling mundo.

"Sakura." Sulpot ng isang bwisit sa buhay ko.

"Can we talk?"

"Ano pa ba ang pag uusapan natin?!" Tanong ko sakanya bago lumayo sakanya.

"Sakura!" Pag awat niya saakin.

"Ano?!"

"Sorry... about sa nangyari saatin. Just give me another chance to prove you Sakura. Babaguhin ko lahat ng mga baluktot saakin." Magmakaawa niya na ikina-ngisi ko.

"Alam mo, kung tatanungin mo ako, pinapatawad na kita sa mga kasalanan mo." Sambit ko na ikinalaki ng mata niya.

"Pero hindi ibig sabihin nun, babalikan kita. I've seen enough of your toxic acts, Setzer. At ayoko nang ulitin yung nangyari saatin." Pag real talk ko bago tumalikod sakanya.

"Siya nga pala! Salamat nga pala Setzer! Dahil sayo, nakahanap agad ako ng mas matinong jowa!" Dagdag ko bago maglakad palayo sakanya.

"Pagsisishan mo to Sakura! Balang araw maghihiwalay kayo ni Logan!" Sigaw ni Setzer, pero hindi ko na lang siya pinansin.

Lumapit muna ako kay Evander at napansin niya yung mukha ko na bad trip na bat trip.

"Si Setzer nanaman yan?"

"As usual." Seryosong sambit ko.

"Hayaan mo na. Pag hindi pa yan tumigil, ire-report natin siya." Pagpaalala ni Evander na ikinabuntong hininga ko.

"Good afternoon everyone! It's your game master Harper, and welcome to your fifth activity! And the name of that fifth activity is guess Pass The Message!" Sambit ni Gamemaster Harper bago kami nakinig.

"Simple lang ang mechanics, each members ay mayroong whiteboard and whiteboard marker, and bawat word na ibibigay ko, kailangan niyong i-drawing and kailangan hulaan niyo yung message na yan. And by doing that, ipatong niyo yung whiteboard niyo sa likod ng kagrupo niyo. And so on and so forth hanggang sa umabot ito sa manghuhula. So, you need to choose one representative na tagapasa ng message, and one representative na tagahula." Sambit niya na ikinatango namin.

"Okay... sino magaling mag drawing?" Tanong ko sa mga kagrupo ko.

"I can draw... a little." Sambit ni Leroy na ikinalingon naming lahat.

"Teka! Sino ba to?!" Tanong ni Setzer na nagtataka.

"Kagrupo natin yan." Sagot ni Keith.

"Leroy Green. It will be a privilege to make our team win this activity." Sambit ni Leroy na ikinatango naming lahat.

"Huh?! Ikaw?! Magdra drawing?! Ha! Sige nga, kung talagang magaling ka mag drawing, ipakita mo saakin!" Paghamon ni Setzer.

"Okay... you left me no choice." Sambit niya bago buksan yung whiteboard marker at nag drawing.

Nang makatapos na siya, nagulat na lang kami sa resulta.

"G**o! Ang galing!" Pagpuri ni Keith.

"Pakisimplehan lang ah! Baka gumulo pa isip ko sa galing mo Leroy!" Sambit ni Evander na ikinatuwa niya.

Is this why nagustuhan siya ni Leona? Grabe ah! Pwede tong maging architect.

"So... do you still want me to draw?" Tanong ni Leroy na ikinabuntong hininga niya.

Family WarUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum