Chapter 71

184 5 24
                                    

Zaiden's POV

Narinig ko na lahat ng pangyayari sa mga kasama ni Logan na nakipag bugbugan sila. Pero di ko pa rin maiwasan yung sarili ko na mag alala.

Ano ba mangyayari saakin kung nadamay pa ako sa gulo?

"Zaiden." Paglapit ng pamilyar na boses na ikinalingon ko.

"Margot. Napadaan ka?"

"I need to talk to you. It's something important."

"Bakit?"

"Sumama ka na lang saakin. May gustong kumausap sayo." Utos ni Margot na ikinasunod ko.

Naglakad kami ni Margot papunta sa isang park at lumapit agad siya sa dalawang tao na mukhang mag asawa.

"Mommy, Daddy, siya po yung tinutukoy ko sainyo."

"So ikaw pala si Zaiden Manimtim."

"Opo Sir."

"Tito Rhodes na lang. Rhodes Padua."

"Stacey Castillo - Padua. Mommy ni Margot."

"Bakit po? Bakit niyo po ako pinadala dito?" Tanong ko na nagtataka.

"Zaiden. We heard so much sa pinagdadaanan mo, at eto namang si Margot, panay kulit saakin na yayain ka daw mag dinner kasama kami sa restaurant ni Tita Tiffany niya." Sambit ni Tita Stacey na ikina-ngiti ni Margot.

"Ma. Please..."

"Sige anak. Kaso nga lang, wala si Tita Tiffany niyo dahil ayun na nga, buntis ulit." Sambit ni Tito Rhodes.

"Alam mo Rhodes, mula nung naging engaged sila, atat na atat na talaga si Demyx sa pinsan ko." Natatawang sambit ni Tita Stacey.

"So ano Zaiden? Gusto mo ba mag dinner kasama kami?" Tanong ni Margot na ikinabuntong hininga ko.

"Sige po."

Arianna's POV

Eto ako ngayon sa classroom, gumagawa ng school works ulit. Nakaka umay dahil tambak!

Gusto ko tuloy manood ng Just Between Lovers! Argh!! Wrong timing lagi eh! Argh!! Bebe Junho!!

Speaking of bebe, asaan na na yung mokong na yan?

Kasi ever since na malaman ko na nakipag suntukan yung mga lalaking yan kay Kelso, di ko maiwasan mag alala eh!

Maya maya, doon na ako nakatanggap ng text sa lalaking yan at doon ako nanlaki ang mata.

Falco: Arianna! Si Tito Levi ito, nagka emergency si Falco at kinukulit niya ako na gusto ka niya makita. May ise-send ko na lang sayo yung Lugar kung saan ka pupunta.

Ano?! May emergency si Falco?!

Napatayo na lang ako at nagmadali akong tumakbo at naghintay ng text kung saan yung adress.

Ano bang ginawa mo Falco?! Mas nag aalala pa ako ngayon mula nung nakipag suntukan ka kay Kelso!

Nang binigay na yung address saakin, agad agad ako napatakbo papunta sa address.

Nakarating na ako at napakunot na lang ako ng noo nang may makita akong petals ng roses sa sahig.

Pinag planuhan ba ako ni Falco or ano?!

Sinundad ko lang yung direksyon ng petals at bigla na lang tumugtog yung music.

Binibini

Binibini
Alam mo ba kung pa'no nahulog sayo?
Naramdaman lang bigla ng puso
Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito
Kaya sabihin mo sa akin

Family WarWhere stories live. Discover now