Chapter 44

227 5 24
                                    

Fury's POV

Nakahiga ako ngayon sa sahig ng classroom namin dahil free time namin ngayon, ang boring nga eh. Walang magawa usually.

"Pre." Paglapit ni Frost at umupo.

"Frost. Napadaan ka?"

"Wala nga akong magawa eh. Tsaka nahihiya pa rin akong lumapit kay Ventress pag kasama si Fiori at Annie. Tsaka si Hermes naman, wala namang ginagawa kundi makipag harutan kay Kairi." Sambit niya.

"Matanong ko lang Fury. Bakit ka takot kay Annie?"

"Ewan ko. Kasi pag ako yung kausap niya parang gusto niyang magpatayan kami eh. Tsaka parang ang bangis niyang manakit." Sambit ko habang umiiwas ako ng tingin sakanya.

"Gusto mo ba si Annie?"

"Bakit naman ako magkaka gusto diyan?! Hindi nga maayos yung pagsasama namin eh!"

"Alam mo pre, ganito kasi yan. Iba iba ang ugali ng mga babae. Maybe there will be points na ayaw mong lumapit sakanya dahil sa personality niya. Kaya the best way na mag ayos kayo is samahan mo trip niya. Wala namang masama kung makikisama ka sa pagbabara niya eh. Kahit nga ako binabara niya eh." Sambit niya na ikinatuwa ko.

"Oh ano nanaman yang pinag uusapan niyo?!" Sulpot ni Annie na nakataas ang kilay.

"Sige pre. Mauuna na ako." Samby ni Frost bago tumayo.

"Hoy wait lang Frost!" Sigaw ko.

Jusmiyo naman! Talagang iniwan ako para makasama ko tong Annie na to!

Maya maya pa, umupo na lang si Annie sa tabi ko at tinignan lang ako ng maigi.

Jusko! Nakakatakot yung pagtingin niya saakin!

"Fury..." Pagtawag niya saakin.

"Thank you."

"Saan?" Tanong ko.

"Sa pagligtas mo saakin kay Ryzjan noon."

"Ahh... wala yun. Sa pagkaka alam ko suspended siya ngayon eh." Sambit ko na ikina-ngiti niya.

"I'm happy na ikaw yung nagligtas saakin nung time na yan. Kaya thank you Fury."

"You know what, hindi ka naman pala nakakatakot at some point."

"Hehe. Mana lang ako kay Mommy. Malakas mambara." Sambit niya.

"Halika, sumama ka saakin." Pagyaya niya.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta sumama ka saakin."

"Sige." Pagpayag ko bago ako sumunod sakanya.

Pumunta kami sa may vacant area ng school namin at doon na kami pumasok ni Annie.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

"Tambay lang."

"Fury, narinig ko kasi kay Frost na takot ka saakin pag galit ako. Just letting you know na wala ka dapat ipag alala saakin." Sambit niya bago siya lumapit saakin.

"Annie..."

"Lapit ka nga Fury." Utos niya na ikinasunod ko.

"Bakit Annie?"

"Napapansin ko kasi yung mga ibang kaibigan ko nagkaka love life na eh. Si Kairi kay Hermes. Si Ventress kay Frost."

"So anong gusto mo? Ako ka love life mo?" Tanong ko.

"Wala akong sinasabing ganyan jusmiyo ka Fury!" Pagbara ni Annie bago ako itulak palayo.

"Sorry."

"Halika!"

"Tinulak mo na ako palayo diba?"

"HALIKA NGA SABI EH!" Sigaw niya na ikinasunod ko.

"Bakit?"

"Gusto mo ba talaga na ako ka love life mo?" Tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

"Sabihin mo lang Fury. I'm available." Dagdag niya bago siya kumapit sa batok ko.

"Annie..."

"We can do this anytime you want. Basta mag promise ka lang saakin." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Promise mo saakin na magiging sanay ka sa pagbabara ko."

Hindi na ako nakapagsalita nang dampiin niya yung labi niya sa labi ko na ikinalaki ng mata ko.

S**t! First kiss ko to!

"Ang lambot ng labi mo Fury."

"Annie, first kiss ko to."

"Don't worry. First kiss ko rin yan kung alam mo lang." Sambit niya bago ako halikan ulit.

"WHAT IS THE MEANING OF THIS?!" Sulpot bigla ni Fiori na ikinalaki ng mata namin.

"Fiori!"

"Annie ano to?!" Tanong niya.

"May masama ba kung magka love life ako?!"

"Wala na! Single for life ako!" Pagreklamo niya.

"Fiori!" Sulpot bigla ng lalaki na ikinalaki ng mata niya.

"Yahiko?!"

"Hi! I didn't expect to see you here." Sambit niya na ikina-ngiti naming dalawa.

"Uhmm..."

"Siya nga pala. For you." Pag abot niya ng sunflower kay Fiori.

"Uhmm... thank you." Sambit ko na ikina-ngiti niya.

"Ano yan Fiori?!" Tukso ko sakanya na ikinalaki ng mata niya.

"Fury?! Ako unang magtatanong niyan sayo! Ano yan?! Bakit di kayo nagsasabi ni Annie tungkol diyan?!" Tanong niya bago umirap.

"You know what Fiori. Ang cute mo." Sambit ni Yahiko na ikinalaki ng mata niya.

Halatang nate tense na siya sa mga sinasabi ni Yahiko.

Buhay nga naman, puro love life.

Family WarWhere stories live. Discover now