Chapter 72

165 3 23
                                    

Gwyneth's POV

Nagfo focus ako sa school works ko sa ngayon, at di ko pa rin matanggal sa isip ko yung pag aalala ko kina Felicia at Dwight.

Parehas sila nagdusa at naghirap dahil sa iisang tao lang, which is yung Steel Cruz na tatay ni Dwight.

Ewan ko ba! Ang hirap for both sides na aminin kung ano yung totoong dahilan sa break up nila.

Focus nga muna ako sa activity!

Nang nakatapos na ako, pinasa ko na yung gawa ko sa prof namin at bumalik na ako sa kinauupuan ko.

"Sa mga tapos na sa activity na pinapagawa ko, you may leave now." Sambit ni Ma'am Tin bago ako tumayo, ayunsin ang gamit ko at umalis.

Nang nakalabas na ako, umupo ako sa bench ng school at nag isip tungkol sa pinagdadaanan ni Felicia at Dwight.

"Hi Babu."

Nanlaki agad yung mga mata ko sa narinig kong boses. Bakit ngayon pa?!

"Ang kapal ng mukha mo magpakita dito ano?! Gusto mo magsapakan tayo Gilgamesh Ibarra?!" Singhal ko sakanya.

"Babu---"

"Wag mo nga akong tawaging babu! Wala na tayo diba?!" Singhal ko bago tumalikod at naglakad palayo sakanya.

"Gwyneth!" Pag sunod niya saakin.

"Gwyneth! Mag usap naman tayo oh!"

"Para saan pa ba yung pag uusapan natin kung ikaw mismo ang may dahilan ng lahat ng to?!" Diin na sambit ko.

"Gwyneth... alam kong galit ka saakin sa ginawa ko, pero please, hayaan mo muna ako magpaliwanag."

Kita ko sa mga mata niya yung sinseridad na gusto niya makipag usap saakin.

"Please... I'll explain everything." Magmakaawa niya habang eto ako. Naiiyak pa rin kung paano niya ako ghinost nung pumunta sila ng pamilya niya sa US.

"Babu... babu babu..." Yan yung paglambing ni Gilgamesh saakin everytime na bad mood ako.

"Love you love you love you..." Pero wala na talaga yung spark na nararamdaman ko kay Gilgamesh.

"Gwyneth para akong t***a dito oh!" Mangiyak iyak na sambit niya.

"Ngayon alam mo na yung pakiramdam na di ako pinapansin sa mga chat ko." Walang emosyong sambit ko.

Cold man ako ngayon, pero deep inside nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya.

"Bakit ba di ka na lang nagparamdam Gilgamesh?" Seryosong tanong ko sakanya.

"Gwyneth... hindi naging madali yung pinagdaanan ng pamilya ko mula nung nasa America kami. Mula nung dumating kami doon ng ilang linggo, nagkaroon ng matinding operasyon si Mama. She didn't survive the operation which caused our hearts to shatter. Especially si Dad na mahal na mahal si Mama." Mangiyak iyak na sambit niya.

"Patagal ng patagal, mas lumala ang sitwasyon ng pamilya namin dahil si Dad nagkasakit din. Ayaw man niya or gusto niya, kinailangan niya kami ibalik dito sa Pilipinas. Nangako kami sakanya na pagbubutihin namin yung pag aaral namin para sakanya." Dagdag niya.

"Alam kong hindi naging maganda yung nakaraan niya noon, pero ang laki ng pinagbago ng ugali niya mula nung dumating kami ni Silver sa buhay niya kaya ginawa niya lahat ng makakaya niya para lang ipalaki kaming mga mabuting anak."

"Gilgamesh, bakit hindi mo sinabi saakin? Maiintindihan ko naman pag ganun yung pinagdaanan mo eh." Seryosong sambit ko.

"Gwyneth ayoko lang maging pabigat sayo. Ayokong dumagdag yung stress mo saakin, kaya ginawa ko yan. Gwyneth sorry. Sana mapatawad mo na ako sa nagawa ko. Kahit di mo na ako balikan, okay lang saakin, basta, ipatawad mo lang ako." Magmakaawa niya.

"Gwyneth!" Sulpot bigla ni Dwight kaya napalingon na lang kami ni Gilgamesh sakanya.

"Mauuna na ako Gwyneth." Sambit ni Gilgamesh bago umalis.

"Sino yan Gwyneth?" Tanong ni Dwight saakin.

"Kakilala ko lang." Sagot ko.

"Kakilala mo ba o ex mo din?" Tanong niya na ikinabuntong hininga ko.

"Would you mind telling me if okay lang sayo?" Tanong niya na ikinabuntong hininga ko.

Pagkatapos ko magkwento kay Dwight tungkol saamin ni Gilgamesh, doon na din siya napaisip.

"So that Gilgamesh guy, ghinost ka na lang niya dahil sa family struggles niya." Sambit niya na ikinatango ko.

"I can't blame the both of you. Both sides are valid actually. In Gilgamesh's perspective, he doesn't want you to get stressed dahil sa pinagdadaanan niya. On your perspective, parang pino-point out niya na di ka mapagkakatiwalaan sa mga problema niya. And I don't know who's side I'm going with, kaya ayun." Dagdag niya.

"He told me na kahit di na kami makipagbalikan, okay lang sakanya." Sambit ko.

"Does your parents know about your past relationship?" Tanong niya.

"Yeah, but they prefer not to talk about it. Kaya ayun, nagmumukmok na lang ako at umiiyak mula nung umalis siya." Seryosong sagot ko.

"Sumama ka saakin." Paghila niya saakin.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko na sumunod na lang sa kagustuhan niya.

Naglakad kami ni Dwight hanggang sa may nakita akong lugar na parang festival.

Wait! Alam ko tong lugar na to!

"Dito kami lagi pumupunta ni Felicia pag monthsary namin."

"Parehas lang tayo Dwight. Dito rin kami ni Gilgamesh pumupunta pag monthsary namin." Sambit ko na ikina-ngiti niya.

"Tara. Samahan mo ako." Pagyaya niya na ikinasunod ko.

Naglakad kami ni Dwight at andito na kami sa may basketball game na puro mga stuff toys at natuwa ako sa isang alligator na stuff toy.

"Gusto mo yung alligator?" Tanong ni Dwight na ikinatango ko.

"3 shots po sir, makakakuha kayo ng prize." Sambit ng nagbabantay bago ibigay yung basketball sakanya.

Tumira ng isang shot si Dwight sa ring at nakapasok agad ito.

"Nice shot!" Sigaw ni Dwight na ikina-ngiti ko.

"Okay, isa pa." Sambit ni Dwight bago mag shoot.

"Splash brothers!!" Sigaw ulit niya nang naka shoot ulit siya.

Nang ibigay niya yung isa pang bola sakanya, napatingin na lang ito saakin.

"Take the shot Gwyneth." Pagbigay ng bola saakin na ikinalaki ng mata ko.

"Huh?! Hoy! Di ako marunong mag shoot!"

"Relax, I'll teach you. Trust me." Sambit niya bago pumunta sa likod ko at tinuro yung paghawak ng bola saakin.

"Keep this hand supported, while this hand will move para ma shoot mo yung bola."

Ewan ko ba, naiiba yung pakiramdam ko sa paghawak ng kamay niya sa kamay ko. Ewan ko na!!!

"Okay, keep that position Gwyneth! Shoot with that arm okay?" Sambit niya bago ako napatingin sa ring.

Binato ko na yung bola sa ring at nanlaki na lang ang mata ko na naka shoot ako.

"YON!!!"

"AHHHHH!!!!" Sigaw ko sa sobrang tuwa.

Talon ako ng talon ngayon, pero di ko na namalayan na nagkayakapan na kami ni Dwight kaya nanlaki yung mata ko sa ginawa ko at napakalas kami sa pagyakap.

"Sorry."

"It's alright." Sagot niya na ikina-ngiti ko.

"Kuya paabot nga yung alligator na stuff toy." Utos ni Dwight bago niya ibigay sakanya yung stuff toy.

"Here you go Gwyneth." Pagbigay niya saakin yung alligator stuff toy na ikina-ngiti ko.

Ilang oras ang lumipas at doon na ako hinatid ni Dwight pauwi.

"Thank you Dwight."

"Wala yun. I hope I made your day." Sambit niya bago umalis.

Ano na tong nararamdaman ko kay Dwight? Hindi ko na to alam!

Family WarWhere stories live. Discover now