Chapter 104.5

84 3 31
                                    

Natasha's POV

Nakababa na kami ni Gold na suot ang pang swimming namin at agad agad kaming pumunta sa pool area kung saan doon ang next activity naming lahat.

"Squid Game nanaman ah!" Sambit ko na ikinakunot ng noo ni Gold.

"Nanaman?"

"Oo! Mirror game siya! Pero one of them is either kahoy or illustration board. Pwede ding styrofoam yung matatapakan natin since madali siyang masira." Pagpaliwanag ko.

"Nahawaan ka ba ni Arianna sa mga K Drama?" Tanong ni Gold saakin.

"Sa totoo lang, hindi ko pa yan napapanood. Pero spoilers kasi mga tao eh. Kaya nalalaman ko mostly yung mga nangyayari." Pagpaliwanag ko.

"Sabagay... halos alam naman natin yung mechanics." Pag sangayon niya.

"Hi Gold!" Paglapit ni Whyndam saamin.

"Uy! Taray ah!" Pagpuri ni Gold sakanya na ikinatuwa niya.

Oo, ang fresh kasing tignan ni Whyndam sa suot niya at grabe yung aura niya.

"Ibang iba talaga si Whyndam ngayon oh! Para kanino ba yan?" Tanong ko na ikinalaki ng mata niya.

"Anong para kanino?!" Tanong ni Whyndam na nagtataka.

"Uyyy!!! May pinopormahan ka no?! Sino ba yan? Kilala ba namin?" Tanong ko na paasar.

"Tara na nga! Mamaya ko sasabihin!" Singhal ni Whyndam bago naglakad papunta sa pool area.

"Good afternoon everyone! Kuya mo Findley is back, as your game master!" Sambit ni Kuya Findley.

"So yes! Squid Game ulit tayo! And it's called Mirror Game!" Sambit niya habang nakikinig kami.

"No worries, walang mamamatay sainyo. Tsaka nasa pool tayo, at mababaw lang ito. Alam niyo naman yung mechanics diba? So difference lang neto it's either kahoy yan or styrofoam. So paramihan to ng survivors bawat team. Leaders, please come forward and bumunot kayo ng number para malaman niyo kung sinong teams ang mauuna." Utos ni Findley na ikinasunod ng mga leaders.

Pagkabunot nila, agad agad na silang bumalik sa mga grupo namin at agad agad kong linapitan si Gold.

"Ano nabunot mo?" Tanong ko.

"6. So huli tayong sasabak. So kailangan isa saatin may magme memorize ng patterns sa bawat kahoy na tatapakan natin para may possibility na maka survive tayo." Pagpaliwanag ni Gold.

"Pwede ba akong mag memorize?" Tanong ni Whyndam.

"Sige lang Whyndam!" Pagpayag ni Gold.

"Sana manalo tayo." Bulong ni Foster kay Silver.

"Kung pwede lang manulak, ipapanalo talaga natin yan." Bulong ni Silver kay Foster.

"At sino naman yang itutulak mo?!" Tanong ko na nakataas ang kilay.

"Wag ka ngang mangialam! Papansin ka masyado eh!" Inis na sambit niya bago ako umirap.

"Malayo yung finish line, kaya may time tayo." Sambit ni Whyndam habang nanonood kami.

Unang nakita kong tumalon ay kagrupo ni Rhett na si Lesley, pero sa unang talon niya, nagulat kami sa pagkahulog niya sa pool.

Napatingin ako kay Gold na nagpipigil tumawa dahil sa nangyari kay Lesley.

"Loko to oh!" Pag asar ko na ikinatuwa niya.

"Kitang kita na nga na styrofoam yung ilalim, ayan agad natapakan niya." Sambit ni Gold na natatawa pa rin.

Family WarWhere stories live. Discover now