Chapter 59.5

182 4 12
                                    

Gwyneth's POV

Masaya kami na nagkita kaming magpinsan ulit. Pero may napapansin din akong iba kay Felicia nung nakita niya si Dwight.

Ayoko munang manghusga at mangialam, pero kinakabahan ako sakanilang dalawa. Dahil base sa pagtingin nila sa isa't isa, may matindi silang pinagdaanan noon.

Lalo na sa pagtingin ni Tito Erwin kay Dwight, hindi rin maganda yung tingin niya sakanya at nakikita ko na may galit ito sakanya.

"Mauuna na ako sa kwarto." Sambit ni Dwight bago tumayo at dumiretso sa vacant room.

"Tara, usap ulit tayo kapatid!" Sambit ni Tita Fiona kay Mom at lumabas sila.

"Tol, usap tayo ano?" Sambit ni Dad kay Tito Erwin at lumabas na din.

Andito na rin kaming tatlo ni Fergus at Felicia na magkasama pa rin.

"Kilala mo pala si Dwight." Sambit ni Fergus bago ako napatingin sakanya.

"Nag live in muna siya dito ng mga ilang araw pa. Pero aalis din yun pag kailangan niya." Sagot ko.

"Mabait ba yan sayo?" Tanong ni Felicia.

"Kailan ba naging mabait yan?! G**o naman yan kahit sa unang pagkikita namin eh!" Inis na sambit ko.

"You know what, you should be nice to him. Hindi madali ang mga pinagdadaanan niya sa buhay." Sambit ni Fergus bago lumabas ng bahay.

Ano bang meron sakanila?! Anong pinagdaanan nila noon kay Dwight?

"If you're curious kung anong meron kay Dwight, sasagutin ko yung tanong mo." Sambit ni Felicia na ikinakunot ng noo ko.

"Ex ko si Dwight."

"Ano?! Ex mo yung lalaking yan?!"

"Oo, sobrang complicated lang yung relationship namin ni Dwight dahil sa family issues niya. Which caused me to be involved sa pinagdadaanan niya." Sambit niya na nagpipigil ng pagbagsak ng luha niya.

"Okay lang ba na i-kwento ko sayo? Gwyneth?"

"Go. Makikinig ako."

"Grade 8 kami nagkakilala ni Dwight nung panahong yan. He became one of my closest friend for two years. Hanggang sa umamin kami sa isa't isa tungkol sa nararamdaman namin. Kaya naging kami na." Pagkwento ni Felicia.

"Si Mommy at Daddy pati si Kuya Fergus lang nakakaalam sa relationship namin. Kwinento din ni Dwight saakin na hindi maganda yung relasyon nila ng Daddy niya na si Steel Cruz. Naglayas yung Mommy niya sa bahay nila dahil nambabae si Steel. Kaya iniwan niya sila Dwight at Griffith kina Steel. Pero hindi naging maganda ang pag alaga nila Steel sakanila dahil may favoritism si Steel kay Griffith." Dagdag niya na ikinabuntong hininga ko.

"Going back to the story, tinago ni Dwight yung relationship namin sa Dad niya dahil alam niya na kahit sinong babae, kaya niya rin patulan. Kaso nalaman ni Steel tungkol sa relasyon namin ni Dwight." Mangiyak iyak na sambit ni Felicia.

"Sige lang pinsan, iiyak mo lang yan." Utos ko na naging sanhi ng paghikbi niya.

"Kinakabahan ako sa pangyayari nung pinapunta nila ako ni Steel sa bahay nila. Nagsabi ako kay Dwight na magtago siya somewhere sa bahay niya, dahil baka may balak na gawin saakin si Steel. And tama nga ako, may gagawin saakin si Steel."

"Anong ginawa ng Daddy ni Dwight?" Tanong ko na nag aalala.

"Attempted rape."

"Ano?!"

"Shh! Shh! Shh! Wag kang maingay please. Ayoko marinig to ni Mommy at Daddy."

"Bakit di mo sinabi sakanila?! Lalo silang mag aalala sayo niyan eh!"

"I wanted to, pero binantaan ako na papatayin niya yung pamilya ko."

I didn't know may trauma si Felicia sa past na di ko man lang nalaman. Pero kung sino man yung Steel Cruz na yan, mas g**o pa siya sa g**o!

"Linigtas ako ni Dwight nung time na yan, pero after nun, nag break na kami for some personal reason. Which is ayokong i-kwento." Mangiyak iyak na sambit ni Felicia.

"Sorry... I didn't know na yun pala yung pinagdaanan mo."

"As much as possible, maging mabait ka kay Dwight ha? Hindi na siya naging okay mula nung time na yan." Pagpayo niya na ikinabuntong hininga ko.

"Kayo lang ni Dwight nakakaalam sa pangyayaring yan?" Tanong ko.

"Si Kuya Fergus, alam niya." Sagot niya bago niya punasan yung luha niya.

Ang bigat ng pinagdadaanan nila! Pero nacu curious din ako kung bakit nag break sila ni Dwight. It's something personal eh.

"Felicia, mahal mo pa ba si Dwight?" Tanong ko.

"Mahal ko pa, sa totoo lang. Pero kung wala na talaga, hahayaan ko na lang siya kung ano man ang gusto niya." Sagot niya na ikinabuntong hininga ko.

"Felicia, ipapa alala ko lang sayo na safe yung sikreto mo saakin. Alam kong mahirap maging mabait kay Dwight, pero gagawin ko pa rin makakaya ko. Para sayo." Sambit ko bago ko siya yakapin ng mahigpit.

"Thank you Gwyneth..."

Ano pa ba pwede kong gawin para makatulong kina Dwight at Felicia?

Family WarWhere stories live. Discover now