Chapter 92

115 4 20
                                    

Zaiden's POV

Agad agad na lang ako lumabas ng kwarto ko nang narinig ko boses ni Dad.

"Zaiden!! Zaiden, lumabas ka diyan!"

As expected. Galit si Dad. Wala nang araw na hindi siya galit saakin. Kasi sa paningin niya, sumpa ako sa buhay niya.

"ZAIDEN PAG HINDI KA LALABAS DIYAN, SINASABI KO SAYO! HINDI MO MAGUGUSTUHAN YUNG GAGAWIN KO SAYO!"

Ilang sandali lang, lumabas na ako at hinarap ko siya ng walang takot.

Wala akong pakialam kung saktan man ako ni Dad ngayon, gusto ko nang sabihin lahat ng gusto kong sabihin sakanya.

"Zaiden..."

"Hayaan mo muna ako Tito Rhodes. Kaya ko po ang sarili ko." Sambit ko bago lumapit kay Dad.

"Ang kapal ng mukha mong lumayas sa pamamahay ko no? Pasalamat ka na lang tinulungan ka ng mga yan dahil naawa sila sayo. Eh kung wala sila, ano ka ngayon?"

"Kung tanungin mo kaya yang sarili mo kung bakit ako lumayas! Sige! Magbigay ka ng ni maski isang dahilan kung bakit gusto mo ako bumalik sa pamamahay mo. Para abusuhin mo ako?! Para ipamukha saakin na wala akong mararating sa buhay ko?! Eh parang sumpa na nga sayo na dumating ako sa buhay mo eh! Kaya ako na lang ang kusang lumayo, para tumahimik na yang buhay mo!" Sigaw ko sakanya.

"Ang lakas ng loob mong sumagot saakin ah. Wala ka sa mundong ito kung wala ako, kaya pasalamat ka na lang na buhay ka pa!"

"Hindi naman pinili ni Zaiden mabuhay dito ah!" Sigaw ni Tito Rhodes kay Dad.

"Wag ka ngang makisawsaw! Usapang pamilya to!" Inis na sambit ni Dad.

"Hindi mo naman binuhay si Zaiden ng basta basta lang dito sa mundo! Kayo naman ng asawa niyo ang tinakda para alagaan siya bilang magulang, pero ano itong ginawa mo sakanya?! Sa tingin mo ba matutuwa si Zaiden kung ganun lagi ang trato mo sakanya?! Kaya nga naglayas sila ng nanay niya para lumayo sila sayo! Bakit? Hindi ka karapat dapat maging ama ni Zaiden!" Pag real talk ni Tito Rhodes sakanya.

"Sabi wag kang mangialam eh!" Sigaw ni Dad na akmang sasapakin si Tito Rhodes. Pero umiwas ito agad at sinuntok niya agad si Dad.

"Rhodes!" Sulpot bigla ni Tita Stacey para awatin si Tito Rhodes.

"Wag kang babalik dito ah!" Sigaw ni Tito Rhodes.

"Hindi pa ako tapos sayo Zaiden!" Pagbanta ni Dad bago umalis.

"Zaiden, ayos ka lang?" Tanong ni Tita Stacey saakin.

"Opo. Okay lang po ako."

"Baliw talaga yang tatay mo." Inis na sambit ni Tito Rhodes.

Nasa giera na ba talaga tayo?

Damay damay na to.

Might's POV

Nakahiga lang ako sa kama ngayon. I don't know what to do now.

Later on, tumawag si Natasha sa phone ko at agad agad ko itong sinagot.

"Hey Natasha! How are you?"

"Miss lang kita Might."

"I miss you too Natasha. Wanna hang soon?" Tanong ko.

"Pwede naman. Saan mo gusto?"

"Anywhere you wanna go. Sige na, libre ko na to." Sambit ko na ikinatuwa niya.

"Might, I appreciate your efforts for me. Pero ipunin mo din naman yang pera mo para may mabili ka ng bagay na gusto mo. Kaya, ako naman manlilibre sayo." Sambit niya na ikinatuwa ko.

Family WarOnde as histórias ganham vida. Descobre agora