Chapter 48

190 6 24
                                    

Gwyneth's POV

Napaupo na lang ako sa kama ko at napahilamos na lang ako ng mukha sa sobrang inis.

Talagang magkalapit lang kami ng kwarto ng manhid na yan?!

Nakakainis ha!

Pero there are instances na napapaisip ako kung ano ba yung pinagdadaanan niya.

Ewan ko, pero nung sinabi niya na ayaw niya munang umuwi, meron ata siyang tampo o sama ng loob sa pamilya niya.

Tsaka nung sinabi niya na I don't accept apologies that easily, hindi ko man yan maintindihan, pero ano kaya yung rason kung bakit siya ganun?

Bwisit naman bakit ko ba iniisip yang lalaking yan?!

Napahiga na lang ako sa kama ko at pinikit ko na lang yung mga mata ko at natulog.

Rhett's POV

I'm at home for now practicing my performance for our school anniversary. And I couldn't think of a song at some point.

"Anak!" Sulpot ni Mom na binubuhat si Star.

"Hey mom!" Paglapit ko bago ko siya halikan sa pisnge.

"And hello little Star Lopez Ferrer."

"Mukhang may pinaghahandaan ka ah."

"Yeah mom. I'm gonna perform on school. But I couldn't decide which song I'll choose."

"Rhett, no problem tayo diyan. Tsaka sino ba yung sinasabihan mong Miss Independent?" Tanong ni Mom.

"Ahhh! Okay, thanks mom!" Pagpasalamat ko sakanya.

"Oo nga! Pero sino si Miss Independent na sinasabihan mo Rhett?" Tanong ni Mom.

"Kanta naman yan diba Mom?"

"May sinasabihan kang Miss Independent sa classmate mo."

"Ahh. Si Gold." Sagot ko.

"Nako Rhett, wag kang maging slow ha! Nagmamana ka na sa pagiging slow ko!" Natatawang sambit ni Mom.

"Chillax Mom. No worries, I'm only gonna perform sa school."

"Perform for the school, or perform for her?"

"Grabe naman to!" Natatawang sambit ko.

"Nako anak. Wag mong gayahin si Mommy sa pagiging slow, pag alam mo na gusto ka ni Gold, wag mong tatalikuran." Pagpayo ni Mom.

"IF, she likes me."

"O sige anak. Alagaan ko muna tong kapatid mo ah. Galingan mo sa performance mo." Sambit ni Mom.

"Okie. Mamaya ulit." Sambit ko bago umalis si Mom at Star.

Miss Independent. Maybe yan na lang ipe-perform ko.

Lexeaus' POV

Kinakabahan ako, pero nakaka excite dahil kasama ko ngayon si Wolverine na tutulong saakin sa performance namin.

"Talagang yan yung gusto mong kantahin natin Lexeaus?"

"Yun nga talaga pre. Since di pa naman tayo sure kung sinagot na tayo ni Sakura at Flair, kaya we can dedicate this song to them." Sambit ko na ikinabuntong hininga ni Logan.

"Nakakapanibago ka no Lexeaus. Mula nung nakilala mo si Flair, atat na atat ka na sakanya."

"Alam mo naman ako Wolverine. Lahing Ignacio, lahi ng mga gwapo." Pagmalaki ko sa sarili ko.

"In fairness ah Kuya Lexeaus!" Sulpot ni Ventress.

"At saan ka nanaman pupunta Ventress?" Tanong ni Logan.

"Huy kalma Wolverine. Alam mo naman na umiibig na yang kapatid mo eh." Natatawang sambit ko.

"Kay Frost ka nanaman pupunta Ventress?"

"Opo Kuya. Tsaka don't worry, kasama naman doon si Annie, Fury, Fiori, Kairi at Hermes."

Ayan na nga ba sinasabi ko kay Hermes eh!

Kung alam niyo lang kung bakit target ko ngayon si Hermes, dahil may tanong pa ako na di pa niya sinasagot. Malalaman niyo yan soon.

"O siya siya. Mag iingat ka ha?" Pagpaalala ni Logan.

"Sige po! Bye Kuya!" Sambit ni Ventress bago umalis.

"Hayys. Once nahulog ka na, wala nang makakapigil sayo." Natatawang sambit ko.

"Tsaka Logan, alam ko naman mapagkakatiwalaan si Frost. Wala naman siyang gagawing masama sa kapatid mo eh." Sambit ko.

"Sana nga."

"Alam mo Logan, ganito kasi yan. May iba iba tayong paths na dinadaanan sa buhay, all I can say is support mo lang sila. Oo, may instances na nag aalala ka sakanya, magpayo ka lang. Sure naman makikinig naman siya sayo eh. Kasi ginagawa mo ito sa ikakabuti nila." Pagpayo ko.

"Oo nga naman. Tara na nga! Practice na tayo!" Sambit ni Logan.

Get ready sa pasabog namin ni Wolverine!

Family WarWhere stories live. Discover now