Chapter 79

160 4 64
                                    

Arianna's POV

Nanonood na ako ng Just Between Lovers, pero langya! Apat na araw lang, natapos ko na agad yung series!

Nakakaiyak siya, pero sulit! Hooh! Junho!!!

Nasa school pa rin ako at naiiyak na lang ako pag naaalala ko yung Just Between Lovers. Kainis!!!

"Naiiyak ka nanaman dahil sa Just Between Lovers." Sulpot bigla ng mokong na yan na ikinairap ko.

"Eh ano naman kung naiiyak ako!" Pagbara ko na ikinatuwa niya.

"Panoorin mo na lang yung Wok Of Love. Andiyan na rin yung isa sa mga kabit mo na si Junho." Sambit ng mokong na nakangiti.

"Oh. Di ka nagseselos sa bebe ko?"

"Bakit naman ako magseselos? Makikita mo ba si Junho in person? Pakakasalan mo ba?"

"Kung sinabi kong oo?! Aangal ka?!"

"Kung sinabi kong nasa harapan mo na si Junho, pakakasalan mo na ba siya?" Tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

"Eh... anong pinagsasabi mong ikaw si Junho?! Kapal ng mukha mo ah!" Pagbara ko na ikinatuwa niya.

"Halata ka pa rin Arianna, ayaw mo talaga akong mawala sa buhay mo."

"HEH!" Singhal ko bago umiwas ng tingin sakanya.

"Guys, sinabihan ako ni Sir Roy na absent siya sa araw na ito, dahil nagkaroon siya ng emergency at sinabihan ako na matatagalan yung pag absent niya." Sambit ni Logan na ikinabuntong hininga namin.

"Sayang, wala si Sir."

"Sino substitute?"

"May pinapagawa ba?"

Sunod sunod na tanong ng mga kaklase namin.

"Walang sinabi si Sir Roy, pero I just hope na hindi si Ma'am Kalea." Sambit ni Logan na ikinairap ko lang.

Kalea, Kalea, Kalea. Yung teacher na kinakainisan naming lahat.

According kina Aarah, wala naman ginagawa yung teacher na yan kundi magpahiya ng mga estudyante, kahit sa lessons man lang. Gagawa ng example, pero nakaka offend.

"Sana di si Ma'am Kalea yung substitute."

"Literal. Namemersonal kasi eh."

"Dagdagan mo pa ng mga sipsip na masyadong papansin." Sambit ni Falco kaya napatingin ako sakanya.

"Sino ba yung tinutukoy mong sipsip?"

"Jade Guillermo."

"Yang papansin na yan? Halata naman sa gurang na yan eh, masyadong sipsip." Inis na sambit ko na ikinatuwa niya.

"Bad news guys..." Walang emosyon na sambit ni Logan.

"Si Ma'am Kalea yung substitute teacher natin."

"Umay."

"Wala na, sira na araw ko."

"Bwisit." Mahinang sambit ko.

"Hayaan mo na, pero pag sumusobra na si Ma'am, ako nang bahala. Ipagtatanggol kita." Sambit niya bago ako kindatan.

"Cheesy mo."

"At least paninindigan ko yung sinasabi ko."

"Good morning class." Sulpot bigla ni Miss Minchin na may kasamang bagong estudyante.

"Good morning Ma'am Kalea." Bati namin.

"Since absent si Sir Roy ngayon, ako na muna magha handle sainyo." Sambit ni Ma'am Kalea na ikinairap ko.

Family WarUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum